Accept The Reality of Life by Brain Power 2177


Photo by Jaspereology from Pexels


Ito'y napakagandang mensahe na puno ng kaalaman tungkol sa buhay. Likas na sa ating mga tao ang ayaw tumanggap ng kahirapan. Hindi natin gustong maghirap, 'di ba? Gusto lang natin ng maligayang sitwasyon. Tayong mga tao ay maihahambing natin ang ating sarili parang isip ng bata. Kasi alam naman natin na ang mga bata ay nasisiyahan lamang sa matatamis at umaayaw ang mga bata ng maaanghang o mapapait na pagkain. Para tayong nag-iilusyon sa buhay. Kahit alam na natin na ang liwanag at dilim ay parte ng ating buhay, hindi pa rin natin matanggap. 'Yan ang dahilan kung ba't mas lalo tayong nahihirapan sa buhay. 

Kung tunay tayong mature na sa buhay, ang pagkaing matatamis at maaanghang ay nakakapagpasaya sa atin, 'di ba? Kailangan din nating enjoyin ang mapait na sitwasyon at kasiya-siyang sitwasyon. Hindi dapat natin nire-reject ang isa kasi nga, parte na ito ng ating buhay. At natural lang na masaktan. Kung hindi mo matanggap ang kadiliman na nangyayari sa 'yo, therefore it's only IGNORANCE, which is the INABILITY of ART OF ENJOYMENT. Malamang sasabihin mo sa 'kin,

“pero nilalang ng Diyos si Adan at Eba nang walang kasalanan. Ibig sabihin hindi tayo nilalang ng Diyos na maghihirap tayo”

TAMA KA. Pero may sumira sa plano ng Diyos. 'Yon ay ang Diyablo. Ibig sabihin na simula noon pa, may KALIGAYAHAN at PAGHIHIRAP.

Another example, pag nanonood tayo ng pelikula, ini-enjoy natin ang kabutihan at kasamaan. Bawat karakter ay nagbibigay sa atin ng excitement. Because that's LIFE. That's the TRUTH. You need to ACCEPT it. You need to ENJOY it. Kung walang kasamaan, hindi natin malaman kung ano ang kahalagahan ng kabutihan. Kung walang malamig, hindi natin alam kung ano ang mainit. The whole life and creation is full of alternating happiness and misery. Kung ang isang tao ay ini-enjoy niya ang kaligayahan at kahirapan ng buhay, ibig sabihin na bukas ang kanyang isipan. Halimbawa natin si Jesus. Noong nasa langit Siya, ang tinitirhan Niya d'on ay puno ng kagalakan. N'ong pumunta siya sa lupa, naranasan Niya ang buhay na puno ng pighati. Uulitin ko, this is LIFE. The hard reality of life that we need to ACCEPT, that we need to EMBRACE.

Photo by Nina Uhlíková from Pexels


Samakatuwid, kung palagi kang nananabik nang labis para sa kaligayahan at tinatanggihan mo ang mga kahirapan, ito ay hindi likas at namumuhay ka lang na nag-iilusyon. Kahit nga kamatayan natatakot tayo, bakit? Hindi mo ba alam na lahat tayo papunta rin d'on? Ang kamatayan ang kaaway nating mga tao na tanging Diyos lang ang makakaayos. Hindi natin kontrolado 'yon. Let's enjoy it. Kung ayaw mong matanggap 'yan, nagdudulot 'yan ng anxiety. Thanatophobia is commonly referred to as the fear of death. Alam ko na likas na sa isang tao na mag-alala tungkol sa kanilang sariling kalusugan habang tumataas na ang kanilang edad. Karaniwan din para sa isang tao na mag-alala tungkol sa kanilang mga kaibigan at pamilya kung mawawala na sila. Gayunpaman, kung sobra kang takot sa kamatayan, mas lalong mabubuo ang iyong sakit. Dahil TAKOT ang mismong papatay sa 'yo.

If you enjoy both miseries and happy situations, you are in a continuous state of enjoyment. You think that continuous enjoyment comes only through continuous times of happiness in life. It's not correct. Bakit hindi tama ang paniniwalang 'yan? Kapag ba palagi kang kumakain ng matamis, hindi ka ba magsasawa? Kapag ba palagi kang kumakain ng maalat, hindi ka ba magsasawa? Siyempre magsasawa ka. You get bored if you only experience happiness or misery. You need both of that. Misery is inevitable like summer after winter and winter after summer. Halimbawa na naman, y'ong mga taong nakatira sa malamig na lugar, init ang kaligayahan nila. Y'ong taong mainit ang lugar, malamig na temperatura ang kaligayahan nila. Therefore, the happiness to one is misery to the other. The misery to one is happiness to the other. Ano ang dahilan. BORING. This is a practical proof that the enjoyment is not confined to happy scene or tragic scene ONLY. This also proves that you can enjoy both happiness and misery.

Samakatuwid, ito ay isang kamangmangan na humingi sa Diyos na tanggalin ang pagdurusa. 'Wag kang humiling sa Diyos na mawala ang pagdurusa mo. Humiling ka sa Kanya ng lakas para malabanan mo ang mga suliranin. Happiness should lie in the process of enjoyment. Whether it is misery or happiness, you will find real happiness in the process of enjoyment of both. Ang kaligayahan ay hindi lang nakasalalay sa matamis na pagkain o sa mapait na pagkain. Ang kaligayahan ay nakasalalay sa paano mo ito kinakain. Naiintindihan mo ba ang punto? If this secret of life is known, you will never pray God for removal of problems and tensions. You will enjoy the problems and tensions and hence, there is nothing to pray God for something. Your prayer to God must be due to your attraction to Him for His excellent personality. Your praise of God must be based on your love for His divine personality.

Photo by Helena Lopes from Pexels


Pero ngayon, ano ang madalas nating nakikita? Nananalangin ang mga tao na tapusin na ang CoVid19, tapusin na ang kahirapan, pero wala pa rin. Bakit? Dahil gusto ng Diyos na mas kakapit pa tayo sa Kanya at magtiwala pa tayo sa Kanya kahit nahihirapan na tayo. Sa palagay mo tatawag ba tayo sa Diyos kung masarap ang buhay natin? Sa palagay ko hindi na. Therefore, the desire for something gets smashed if you know the secret of this concept. Kung tatanungin mo ako, hindi ako nagi-greet ng Happy New Year kasi walang Happy New Year, Happy Birthday, Happy Anniversary, wishing you to be always happy, NO. Because continuous happiness bores and leads to misery only. The aspiration for continuous happiness through out the year is based on foolishness and ignorance. There's no such thing as always happy.

You must pray God thinking His divine personality and get attracted for His divine quality. You must at least achieve one of His basic qualities, which is enjoying both happy scenes and tragic scenes in the creation. Kapag nananalangin ako, sinasabi ko sa Diyos ang aking mga alalahanin at nagpapasalamat din ako sa biyayang natanggap ko. Humihingi din ako ng sapat na lakas para malabanan ko ang mga pagsubok at mas lalo akong tumatag. Kahit ano pa ang relihiyon mo, kahit ano pa ang paniniwala mo, kahit saan ka man nakatira sa mundo, may pagsubok ka pa rin na matatamasa. Let's enjoy this life and let's enjoy even in the last situation. Tandaan mo palagi, mas lalong gumaan ang buhay kung lumabas tayo sa mundong nababalot ng ilusyon. Once again, enjoy the happiness and misery in LIFE.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177