NOW Is Your Time by Brain Power 2177




Kung gusto mong baguhin ang buhay mo, kahit saang banda mo baguhin, may isang katotohanan na dapat mong malaman, hindi mo magugustuhan ang hirap ng pagdadaanan mo bago mo mabago ang takbo ng buhay mo. Maraming tao ang hindi umaangat sa buhay dahil ginusto nila ang buhay na 'yan. Nakuntento na sila sa ganyang buhay. Nakuntento na sila sa kakareklamo.

“Na-late ako dahil…”

“Hindi ako nakapagtapos dahil…”

ang daming DAHILAN. Sa sobrang dami ng dahilan, walang napuntahan. Bakit hindi mo ginawa? Bakit hindi mo tinapos? Bakit hindi mo sinundan ang pangarap mo? Bakit hindi mo tinupad ang mga sinasabi mo? Sabi mo magda-diet ka na? Ba't hanggang 10 araw lang? Walang nagbago dahil wala ka namang ginawa. 

Isipin mo nga kung ano ang mga pinagsasabi mo noon. Hindi mo pa ba na-realize na ang tanging gusto mo lang ay ang buhay na madali? Sabi mo wala kang oras, walang sumusuporta sa 'yo, hindi mo alam kung paano gawin, sobrang busy mo, napapagod ka na, masakit katawan mo, o wala kang gana. Hindi maubos ang dahilan mo. Pero ba't may oras ka sa social media?  'Wag kang magsinungaling sa sarili mo.

Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Kung hindi mo ginanyan ang sarili mo, sigurado akong nagtatagumpay ka na. Your excuses are not valid. Gawa-gawa mo lang 'yan. Kaya mo naman pero sinadya mo na walang gawin. Gawin mo kahit nakakapagod. Stop the lies. Stop the lies with the truth. Kasi ang katotohanan, may oras ka. Marunong ka. May kaalaman ka. May kakayahan ka. May disiplina ka. 'Wag mong i-deny ang mga 'yon. Bitawan mo naman ang kasinungalingan mo. Itapon mo 'yan.

Madali lang ipagpaliban ang mga gawain natin. 'Yon nga lang ay walang magbubunga. I want you to reprogram your brain and tell yourself that tomorrow is not a viable option. Wala ng bukas-bukas pa. Ora mismo. Kailangan 'yan ang gawin mo. Baguhin mo naman ang sarili mo. Umaksyon ka. Hindi y'ong puro salita ka lang. Palagi ka lang nagpo-post ng mga success meme. Ang tanong, ginawa mo ba 'yan? Hindi. E ano pa ang purpose ng pagpo-post mo ng ganyan. Success is about doing, it's not about talking.

Kahit gaano ka pa kapositibo sa buhay, kahit anong klaseng success meme pa ang ipost mo, walang mangyayari kung wala kang kilos. Kailangan mong pagbayaran ang tagumpay na nakakamit mo.There is a price tag to greatness. Walang libre sa buhay. If you're gonna get anything, you will have to work for every single thing you get. Magsikap ka araw-araw. Hindi pwedeng sa isang araw lang. Kailangang salubungin mo ang lahat ng hadlang sa daanan.


Habang nagpaparty ka, natutulog ka, nakatunganga ka, nagrereklamo ka, ang matagumpay na tao ay naghuhulma ng kanilang kinabukasan. They're doing their work. Hindi ito magic na kapag nagwi-wish ka, maayos na ang buhay mo. Ito ang realidad. You have to commit to becoming better. You have to commit to being a person of action. You have to commit to being someone who doesn't just talk, but follows through.

Hindi ka ba nagsasawa sa ganyang buhay? Pabalik-balik na lang? Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi mo na-hit ang target mo? Kung gusto mong gawin ang lahat, gawin mo na kaagad. Kung gusto mong magbago ang buhay mo, baguhin mo rin ang iyong ugali. Maging halimbawa ka sa sarili mo. Impress yourself. Inspire all people.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177