How to Stop Worrying by Brain Power 2177


Photo by Kat Jayne from Pexels


Nag aalala ka ba? Ang mga taong na-diagnose na may anxiety-disorder, kabilang ang panic disorder, ay madalas nag-aalala. Ang madalas na pag-aalala ay hindi makatuwiran. Halimbawa, ika'y nag-alala tungkol sa mga bagay na hindi pa nangyari o nag-alala ka sa mga bagay na wala ka namang kontrol, tulad ng kalusugan at kaligtasan ng iyong mga mahal sa buhay o kasalukuyang gastos sa pamumuhay. Ang labis na pag-aalala ay maaaring maging isang mabigat na pasanin na may negatibong dulot sa 'yong relasyon, sa 'yong self-esteem, career, at iba pang aspeto ng iyong buhay. Maaari ring maapektuhan ang iyong damdamin at pag-iisip, na magpapalala pa sa 'yong anxiety. Isaalang-alang kung paano nakakagambala ang pag-aalala, maaaring nagtataka ka kung paano mo mapipigilan ang labis na pag-aalala.

Maaaring ang kinabukasan ang isa sa pinakanakababalisang mga bagay para sa 'yo. Nag-aalala ka tungkol sa 'yong sarili.

Dapat ba akong bumukod?

Dapat ba akong mag-aral?

Pwede na ba akong mag-asawa?

Napakarami mong pagpipilian anupat ito’y nakakatakot. Kahit nga 15 anyos pa lang nag-aalala na kung ano ang trabahong mapapasukan nila. Kasunod nito ang pag-aalala sa kalusugan ng kanilang mga magulang. Nangunguna rin sa talaan ang takot na mamatay ang isa na kanilang minamahal.

Minsan din nag-aalala dahil gustong makakuha ng mataas na marka sa paaralan. Maraming nag-aalala tungkol sa kanilang kinabukasan. Gayunman ang ibang tao ay nag-aalala tungkol sa kanilang pisikal na kaligtasan. Hindi rin natin sila masisisi dahil laganap na ang krimen ngayon. Subalit, hindi lahat ng mga pagkabahala ay nakakatakot. Para sa maraming tao, lubha nilang ikinababahala ang tungkol sa kanilang pakikisalamuha sa ibang tao. Ang daming nag-aalala kung bakit single sila, kung bakit wala silang kaibigan. Nag-aalala sila dahil naiwan sila ng panahon kaya nagkandarapa na sumabay sa uso para naman magustuhan ng ibang tao. 

May mga tao rin na conscious na conscious pagdating sa style. Nag-aalala sila kung paano sila lumalakad, kung paano sila nagsasalita, at nag-alala sila kung tinitingnan ng iba. Natatakot silang magmukhang hangal. Malamang sasabihin mo, maganda sana kung makapamumuhay tayo nang walang mga álalahanín. Pero hindi 'yan mangyayari. Bakit?


Samakatuwid bahagi na ng buhay ang mga problema​ at ang mga pagkabahala na kaagapay nito. Subalit kung hahayaan mong mangibabaw ang mga pagkabahala at mga kabalisahan sa iyong pag-iisip, mapipinsala mo nang husto ang iyong sarili. Ang Bibliya ay nagbababala.


Ang isang paraan upang maiwasan ang di-kinakailangang pag-aalala ay supilin ang iyo mismong ugali. Isipin mo muna kung ano ang ikinababahala mo. Halimbawa, takot kang mabuntis o takot kang magka AIDS, so bakit ka pa makikipagtalik? Kung takot ka na maghihirap ka sa kinabukasan mo, pwede ka namang magsikap ngayon, 'di ba? Kung takot kang magkasakit, alagaan mo ang sarili mo.


Magkagayon man, hindi lahat ng iyong problema ay maaaring maging napakaliwanag o napakadaling lutasin. Pero alam mo, hindi naman negatibo lang ang pag-aalala. Minsan positibo rin. Hinahayaan ng maraming tao na patigilin sila ng pag-aalala. Subalit ang isa ay maaaring “may katalinuhang mag-alala” sa pamamagitan ng pagbaling ng pag-aalala tungo sa positibong pagkilos! Maraming simulain sa Bibliya ang tutulong sa 'yo na gawin 'yan.


Halimbawa ito ah, nais mong magkaroon ng isang pagtitipon ng ilang mga kaibigan sa bahay niyo. Wala kang gaanong alalahanin sa pamamagitan ng mabuting pagpaplano. Tanungin mo ang iyong sarili,

Sinu-sino ang aanyayahan ko?

Anong oras ko sila gustong dumating?

Anong oras ko sila gustong umuwi?

Gaano karaming pagkain at inumin ang talagang kakailanganin ko?

Ano ang ilang nakatutuwang gawain na masisiyahan ang lahat?

Habang pinag-iisipan mo ang mga bagay-bagay, lalong magiging maayos ang inyong pagtitipon. Gayunman, mag-aalala ka kung hahayaan mong maging masalimuot ang mga bagay-bagay. Ibinigay ni Jesu-Kristo ang payong ito sa isang babae na labis na nag-abala sa paglalaan para sa kaniyang bisita.


Kaya tanungin mo ang iyong sarili,

Ano talaga ang mahalaga upang maging matagumpay ang pagtitipong ito?

Makatutulong sa 'yo na panatilihing simple ang mga bagay-bagay upang mabawasan ang iyong kabalisahan. Maaaring ang isa pang pinagmumulan ng pagkabahala ay ang iyong kaligtasan sa paaralan. Maaaring wala kang gaanong magagawa upang mabago ang kalagayan doon. Subalit makagagawa ka ng praktikal na mga hakbang upang mapangalagaan ang iyong sarili.


Ibig sabihin, ang basta pag-iwas sa mapanganib na mga lugar​—hindi lamang ang mga ilang na dako kundi gayundin ang mga dakong hindi pinangangasiwaan kung saan nagtitipun-tipon ang magugulo​—ay maaaring makabawas sa iyong mga tsansa na masangkot sa gulo. Maaaring maging isa pang pinagmumulan ng pagkabahala ang gawain sa paaralan. Marahil mayroon kang ilang mahahalagang araling-bahay at nag-aalala ka na hindi mo matapos sa takdang panahon ang mga ito.


Oo, matutong unahin ang mas mahalagang bagay! Isipin kung aling takdang-aralin ang nangangailangan ng higit na panahon, at unahin ito. Pagkatapos, gawin ang susunod. Unti-unti mong madarama na kaya mo na ang situwasyon. 'Yan ay iilang halimbawa lang pero ganyan dapat ang strategy mo kahit anong ikinababahala mo. Pero kung nabibigatan ka na dahil sa labis na pag-alalang 'yan, 'wag kang mahiya na humingi ng payo.

Humingi ka ng tulong sa mga magulang mo kung bakit ganito na ang sitwasyon mo. Sigurado akong makakatulong sila sa 'yo na pakalmahin ka. May malaki talagang epekto ang kabalisahan sa katawan. Pwede ka ring pumunta sa Doktor upang masuri nila ng mabuti ang tunay na pinagmulan ng iyong pag-aalala. Tandaan mo 'to okay, kung ikaw ay napabibigatan ng pag-aalala, huwag pahirapan ang sarili sa pamamagitan ng pananahimik.


Tanging kung ipakikipag-usap mo ang tungkol sa iyong “pagkabalisa” ay saka ka lamang makakakuha ng “mabuting salita” ng pampatibay-loob!

Una, baka gusto mong ipakipag-usap ang mga bagay-bagay sa 'yong mga magulang o sa mga mapagkakatiwalaang mga kaibigan; maaari silang magbigay ng ilang mungkahi. Kung minsan mayroon tayong kailangang gawin, subalit ipinagpapaliban natin ito dahil sa ito’y hindi kaayaaya sa atin. Ang pagpapaliban kasi ang isa sa mga dahilan kung bakit nag-aalala tayo ng labis. Halimbawa, may mga bagay tayong dapat gawin tapos sa palagay natin na hindi ito magugustuhan ng ibang tao. Habang ipinagpapaliban mo 'yan, lalo lamang itong nakabahala sa 'yo. Naaalala mo pa ba ang sinabi ni Jesus?



Hindi sinabi ni Jesus na bukas mo na lang ayusin ang gusot. Ang sabi ni Jesus na puntahan mo kaagad para maayos mo rin ngayon. Hindi ka na dapat maghintay pa dahil ngayon na ang tamang pagkakataon. Ipinagpapaliban mo ba ang isang bagay​—isang di-kaayaayang atas o isang nakaaasiwang komprontasyon? Ayusin mo ito kaagad, at mababawasan ka ng isang álalahanín.

Paano naman kung may malulubhang kalagayan? Alam naman natin, 'di ba na hindi lahat ng kalagayan ay napakadaling nalulutas. Halimbawa may kamag-anak tayong nagkakasakit o di kaya'y tayo mismo ang nagkakasakit, siyempre matatakot tayo sa ating kahihinatnan. Natural na mababahala tayo sa kalagayan ng ibang tao o sa sarili natin. Pero alam mo ba kung ano ang ginagawa ko kung labis akong nag-aalala? Binabasa ko ang Mateo 6:27


Ibig sabihin, na kung labis kang mag-alala, mas lalong iikli ang iyong buhay. Sa halip na mabalisa, pinag-iisipan kong mabuti ang kalagayan at tinitiyak ko kung ano ang magdudulot ng pinakamabuting mga resulta. Hindi madali ang manatiling mahinahon sa isang krisis. Ang ilan ay labis na nababagabag anupat pinababayaan ang kanilang sarili, ayaw ng kumain. Kapag hindi ka na kumakain dahil sa mga problema mo, lalong hindi mo makakayanan ang mga pinsala ng kaigtingan at mas madali kang tablan ng sakit. Kaya ingatan mo ang iyong sarili sa pisikal na paraan. Magkaroon ng sapat na pahinga at pagkain.

Makasusumpong ka ng pinakamalaking kaginhawahan sa pamamagitan ng pagsunod sa payo ng Bibliya. Diyos lang ang makakapitan natin sa oras ng kalugmukan.


Kaya kung ako'y iyong tatanungin, nagtuon ako ng higit na pansin sa Salita ng Diyos at sa Kaniyang layunin. Napagtanto ko na ang aking kinabukasan ay magiging maligaya kung gagamitin ko ang aking buhay upang paglingkuran ang Diyos.


Kaya ngayon ay hindi na ako masyadong nag-alala tungkol sa aking sarili. May mas mahalagang bagay na dapat kong isipin. Kaya kapag napansin mong labis kang nag-aalala, humanap ng positibong mga paraan upang malutas ang iyong problema. Humingi ng payo mula sa mga taong mapagkakatiwalaan mo. At higit sa lahat, idulog mo sa Diyos ang iyong mga pagkabalisa

“sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.”

1 Pedro 5:7

Sa tulong ng Diyos, marahil ay maihihinto mo na ang labis na pag-aalala.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177