Just Be Yourself And You'll Be Happy by Brain Power 2177


Photo by Tracy Le Blanc from Pexels


Napakaikli ng buhay para pekein ang sarili mo. Magpakatotoo ka. Kung gusto mong mag-isa ka, mag-isa ka. Kung gusto mong gumala, gumala ka. Gawin mo kung anong ikakabuti para sa 'yo. Just be REAL. Just be YOURSELF. Parang madali lang, 'di ba? Madali naman talaga. Pero alam mo ba kung ba't tayo nahihirapan? Nabubuhay na kasi tayo sa digital na mundo. Hinihimok tayo ng social media na sumunod sa bagong uso. Maraming trending na kanta, kahit bastos na kanta ay kinakanta pa rin. Maraming malaswang sayaw pero para sa likes and share, bahala na ang moral. Hindi naman ako nakikialam sa mga gumagawa nito. May sarili naman kayong pagpipilian at may kalayaan din kayo. Pero ang tanong ko lang, TOTOO ka bang masaya sa kakagawa ng ganyan? Oo masaya ka. Masaya ka sa social media. Behind the camera, I know how you feel. I know what you think. You feel empty. You think you don't belong in this world.

Halos lahat ay nakokontrol na ng social media. Bawat aksyon ng mga tao at bawat reaksyon na rin ay nakokontrol na ng social media. It’s all too tempting to change yourself to fit in with the latest trend.

#FOMO
Fear Of Missing Out

Halos lahat natatakot na maiwanan ng panahon, na maiwan sa uso ngayon. Kaya halos lahat rin ay nakatutok sa social media. Nakaabang kung ano na ang mga trending. No, I'm not scared of missing out. Many people got a serious Fear Of Not Fitting In or #FONFI. It's a very real thing, you know. Ito lang ang gusto kong sabihin sa 'yo,

“kahit anuman ang gawin mo, mabuti man o masama, huhusgahan ka pa rin ng tao”

Ibig sabihin na kahit hubo't hubad ka pa sa harap ng camera, hati ang komento ng tao. May magkakagusto at may mga bashers ka. Kahit na magbasa ka pa ng Bibliya sa harap ng camera, may bashers ka pa rin. Kahit saang anggulo tingnan, ang gulo tingnan. So don’t live your life impressing others. Live your life impressing yourself. It really is so true, especially in our hyper-connected world where literally EVERYTHING you put out there is “OPEN GAME” for harsh judgement from all corners of the world.

Photo by Kerde Severin from Pexels


Sa kakagawa mo o sa kakasunod mo sa mga trending, maaapektuhan na rin ang iyong pag-iisip. Hindi ko sinasabing mababaliw ka. Pero dito na papasok ang labis na pag-iisip ng negatibo. Minsan maiisip mo na may mali sa 'yo kung bakit kaunti lang ang nagfa-follow sa 'yo, kung bakit walang nagshi-share, walang maraming likes, bakit may mga dislikes, naging vulnerable ka na. Maiisip mo na rin na kailangan mong magbago para magustuhan ka nila. You see, you're changing yourself for them, NOT for you. Binabago mo ang sarili mo para lang pumatok ka sa madla. Maiisip mo,

“siguro wala akong kwenta”

“siguro hindi ako marunong magsalita”

“siguro pangit ang suot ko”

“siguro ang boring ng buhay ko”

Ang daming “siguro” at “bakit” na mga tanong. Araw-araw iniisip mo ang reaksyon ng ibang tao kaysa sa isipin ang sarili mo.

May kakilala nga ako nag popost ng larawan sa Facebook tapos minu-minuto nagbubukas ng Facebook para tignan kung ilan na ang nag-lalike. Kung kaunti lang, nalulungkot. Teka lang, ganyan na ba kababaw ang halaga mo? Social media doesn't determine your self-worth. So what if you don’t have a million Instagram followers or Twitter retweets or YouTube subscribers, right? In this digital world, it can feel like that number determines your value, but you’re more COMPLEX than what anyone can see on a screen. 'Wag mong sayangin ang buhay mo para sa walang kwentang bagay. Malamang sasabihin mo,

“tumataas kasi ang revenue kapag dumami na rin ang followers”

Tama ka. Pero ipagpapalit mo lang ba sa pera ang pagkatao mo? Mapera ka nga pero negatibo naman ang nasa ulo mo. Nakakapagod 'yon. Pwede namang kumita ng malaki basta't ingatan mo rin ang halaga mo.

Photo by Visual Tag Mx from Pexels


Don’t let anyone keep you from being yourself. May sikreto akong sasabihin sa 'yo, okay. Gusto ko talaga 'tong sabihin sa 'yo para naman gumaan 'yang pakiramdam mo. Y'ong nakikita mo sa social media na mga sikat na tao. Y'ong tinitingala ng karamihan. Tao pa rin sila katulad natin. Para lang 'yang kantang A Warrior Is A Child. Sa labas, ipinapakita niya na matatag siya. Pero dito sa loob, malambot ang puso niya katulad ng bata. Katulad ko, may mga taong nagsasabi na ang galing ko daw mag advice. Pero hindi niyo ba alam na ako din ay may mentor? That's the truth. Kasi tayong lahat ay tao lang. Y'ong mga komedyante, kailangan din nila ng isang tao na patawanin sila. That's the truth. Those “shepherds” that appear to be leading the flock are really just sheep themselves. Paano ko nasabi 'to? Ang dami ko ng nakausap na mga taong ganito. Y'ong akala mo masaya sa post sa social media pero hindi pala masaya sa totoong buhay. Social media is a lie.

Halos lahat ng nakikita mo d'on ay mga highlights ng bawat buhay ng tao. Sino ba ang gustong magpapakita ng pangit nilang relasyon? Ng kanilang buhay? Ng kanilang ugali? Wala, 'di ba? So just be yourself because everybody else is already taken. If you want to change the way you look, do it for YOU. But know this, your physical appearance should not define how worthy you are. Ang magandang katawan at magandang mukha ay hindi mananatili magpakailanman. Pagkalagas ng buhok, kukulubot ang mukha, at may mga iba pang pagbabagong magaganap sa hitsura natin kung tumataas na ang ating edad. Kaya talo ka palagi kung nakadepende ka lang sa hitsura mo. Kung diyan ka lang nakabase sa tunay mong halaga.

Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Ipasok mo rin 'to sa isip mo, y'ong mga post na nag-viral, halos lahat d'on ay hindi expected kaya nagulat lang sila. Kung umaasa ka na mag viral ang post mo, masasaktan ka lang kung hindi 'yon mangyari. In other words, if you’re modeling your behavior and personality around what social media says is “right” and “wrong”, you’re basically trying to live up to a standard that doesn’t actually exist.

Hindi ko naman sinasabi na MALI ang social media. Ang taong GUMAGAMIT ng social media ay mali. Ginawa ang social media para makipag connect tayo sa mga mahal natin na nasa malayo. Para sa business natin. Hindi ito ginawa para pekein mo ang sarili mo. Para maapektuhan ang iyong isipan. Mas lalong naapektuhan ang pag-iisip mo dahil sa mali ng iyong paggamit nito. JUST BE YOURSELF because life’s too short to worry about what others think. Gawin mo kung ano ang ikakasaya mo. Masaya man ang mga tao sa ginagawa mo o hindi man sila natutuwa, ang mahalaga ay masaya ka sa ginagawa mo. Be what you want to be. Period. 'Wag mo ng dagdagan 'yan.

Kung gusto mong gayahin ang ibang sikat, kung 'yan naman ang kagustuhan mo, kung hindi naman ito nakakaapekto sa buong pagkatao mo, gawin mo 'yan. Wala namang masama kung sumunod ka sa yapak ng ibang tao basta't hindi mo lang sinusundan ito para magustuhan ka rin ng iba. Put yourself out there, set the trends, and don’t let anyone stop you. Kung ayaw mong sumunod sa iba dahil hindi ka nasisiyahan d'on, pwede ka namang gumawa ng sarili mong style. Do your own thing. Be your own person. Kung ginawa mo ang kagustuhan mo dahil 'yon ang sinabi ng karamihan, ibig sabihin na kontrolado ka pa rin nila. You’re just a sheep dressing up in wolves clothing.

Photo by Sound On from Pexels


Do it because you truly feel that it’s the only way to be true to yourself. Set your own rules. Define your own style. Never let anyone make you feel like you don’t measure up. As Judy Garland once said,


Seriously, life’s too short to be someone you’re not, so be yourself. Binabayaran ka ba sa 'yong pagpapanggap para gawin mo 'yon? Hindi, 'di ba? So bakit mo pa ginagawa?




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177