6 na PARAAN Para Malabanan Ang Anxiety By Brain Power 2177
6 na PARAAN Para Malabanan Ang Anxiety May dalawang uri ng kabalisahan. Ang isa ay nakabubuti; ang isa naman ay nakasasamâ. Pag-uusapan natin 'yan sa artikulong ito. Ang kabalisahan o anxiety ay ang pagkadama ng nerbiyos, pagkabahala, o pagiging di-mapalagay. Dahil nabubuhay tayo sa isang daigdig na walang katiyakan, sinuman sa atin ay posibleng madaig ng kabalisahan. Paano mo haharapin ang kabalisahan? Minsan kasi ang daming what if sa isipan natin. What if maghiwalay kami? What if maaksidente kami? Nababalisa tayo sa mga bagay na hindi naman ikinababalisa ng isang mas makatuwirang tao, 'di ba? Kapag lagi tayong nababalisa, para na rin tayong hamster na takbo ng takbo sa umiikot na gulong, pero wala namang nararating. Trabaho tayo nang trabaho, pero wala pa ring pag-unlad. Halos lahat ng ginagawa natin, nakaka-pressure. Bata man o matanda, apektado tayong lahat ng kabalisahan. Sabi ko nga kanina, may anxiety na nakabubuti at may nakasasamang anxiety. Ano ang ibig sabihin ng na...