10 SIGNS na Mabait at Mapagmahal Ang Isang Tao By Brain Power 2177





May na-meet na ka na bang tao tapos naisip mo, “grabe ang bait ng taong ito.” May mga tao talagang nagpapasaya sa'yo kapag kasama mo sila, di ba? Ano nga ba ang espesyal sa mga taong ito? Well, mayroon tayong 10 signs na tatalakayin natin ngayon na nagpapakita na ang isang tao ay talagang may magandang ugali at mapagmahal. Kung naghahanap ka ng mabuting kaibigan o nagtataka ka kung isa ka ba sa mga espesyal na taong ito, basahin mo ang buong artikulong ito.


1st sign na mapagmahal na tao ang nakilala mo
ay TALAGANG NAKIKINIG SILA


Kung kausap mo ang isang tao, at alam mong hindi lang siya nakikinig, kundi TALAGANG NAKIKINIG siya, mapagmahal na tao ang kausap mo. Ang mga tao na may magandang ugali lang ang gumagawa niyan palagi. Nakikipag eye contact sila habang kausap ka. Hinahayaan ka lang nila na magsalita. Hindi ka nila binabara tuwing nagsasalita ka. Talagang may respeto sila sa 'yo. Ang simpleng gawaing ito ay nagpapakita na mahalaga sa kanila ang sinasabi mo, na nagiging dahilan para maramdaman mong mahalaga ka at pinakikinggan ka nila. Aminin na natin, sino ba ang hindi gustong makaramdam na mahalaga sila, 'di ba?


2nd sign na mapagmahal na tao ang nakilala mo
ay NATATANDAAN NILA ANG GINAWA MO


Kahit gaano pa kaliit ng ginawa mo, hindi nila makakalimutan 'yon. Na-appreciate nila 'yon. In a world where intentionality has slowly dwindled away within people, it feels amazing to know that some still care enough to pay close attention to the little details, right? This is the difference between hearing someone, and actually listening to them. Ito ang natutunan ko sa buhay. Madaling makalimutan ng mga tao kung ano ang sinabi mo, makakalimutan nila kaagad kung ano ang ginawa mo pero hindi nila makakalimutan kung ano ang ipinaramdam mo sa kanila. May kaibigan akong babae na ang pangalan ay Jasmine (shoutout to Jasmine alam kong binabasa mo ito ngayon). Noong nagmeet kami noong nakaraang buwan and I offhandedly said na ang sarap kumain ng ginisang sitaw kasi paborito ko 'yon. And then last week, nagluto siya at binigyan niya ako. Salamat Jasmine. Sobrang na-appreciate ko ang ginawa mo. It’s this attention to detail that makes me feel like I'm not just another face in the crowd; I'm someone worth remembering.


3rd sign na mapagmahal na tao ang nakilala mo
ay HINDI SILA TAKOT NA IPAKITA SA 'YO ANG IMPERFECTIONS NILA


Sa sobrang buti ng mga taong ito, alam nila na hindi sila perpekto at tanggap nila ang imperfections nila. Everyone is worried about what others think of them to some extent or another. It’s normal to be concerned about it. But they embrace their imperfections and even share them openly. Baka isipin mo na ang palaging pagiging positibo at masayahin ay ang paraan para maging attractive, pero kabaligtaran ito. Kapag may isang tao na handang magsabi, "Nagkamali ako," o "Hindi ako magaling dito," nakakabilib ang ugaling 'yan. Kapag nakita natin na tanggap nila ang kanilang imperfections, mas makaka-relate tayo sa kanila at magkatulad lang tayo na hindi perpekto. Kasi sa totoo lang, ayaw natin ng mga taong feeling perfect, 'di ba? Kung nagsusuot ka ng maskara para maitago mo lang ang iyong imperfections, paano nila makikita ang tunay na pagkatao mo? Paano nila mamahalin 'yon? Maaaring magustuhan nila ang maskara pero hindi ang taong nagsusuot ng maskara. Wear yourself and be yourself. That way, you’re sure that people are liking you and not the mask you wear. Do you really want someone around you who simply likes who you portray yourself to be rather than the real you? Be honest with yourself. Ang pagpapakita ng mga kahinaan ay daan para maging komportable ka at tanggapin ka ng mga taong nakapaligid sa 'yo.


4th sign na mapagmahal na tao ang nakilala mo
ay HINDI SILA SINUNGALING


Totoong pranka sila. Mas pinili nila ang magsabi ng katotohanan kahit masaktan ka kaysa sa makita kang nakangiti dahil sa kasinungalingan nila. I value honesty and directness kaya minsan sinasabi ng mga tao na sobrang harsh ko na. Wala akong paki kung anong iniisip nila. I don't waste time or words. Hindi 'yan matatawag na harshness. Ang tawag diyan ay mapagmahal. Pranka sila kasi ayaw nilang manatili ka sa pamumuhay na mali o manatili ka sa sitwasyong negatibo. Ginawa nila 'yon dahil sobra ka nilang mahal. Sasabihin nila ang katotohanan para magising ka. It’s not about being harsh or rude; it’s about caring enough to be straightforward. But here's the thing, you need to learn balance and tact in how you speak to people. Kapag kasi sobra mong pranka, talagang makakasakit ka na at ikaw pa ang magiging dahilan ng pagkalugmok ng isang tao. Kapag sobra mo namang shinu-sugarcoat ang salita mo, hindi rin matuto ang isang tao. Dapat alam mo kung paano balansehin ang salita mo.


5th sign na mapagmahal na tao ang nakilala mo
ay PINAPAGAAN NILA ANG PAKIRAMDAM MO


May mga times na nalulungkot tayo o nai-stress tayo. Isang mabuting tao ang tila may natural na kakayahang pagaanin ang pakiramdam mo sa oras ng iyong kalungkutan. Ayon sa pag-aaral, ang humor at pagtawa ay nakakapag release ng endorphins, which are our body’s natural mood lifters. Kaya kapag may tao na alam kung paano ka patawanin o kung paano ka pasayahin, talagang binibigyan nila ng kaunting kasiyahan ang utak mo. Kung ito man ay mga jokes, pagbabahagi ng nakakatawang kwento, o kahit ang pag comfort nila, malaking bagay na 'yon.

6th sign na mapagmahal na tao ang nakilala mo
ay HINDI SILA NANG-AAGAW NG EKSENA


Napakaganda ng ugali nila, 'di ba? They prefer to take a backseat in social settings. Instead of hogging the spotlight, they let others shine. Kasi sa nakikita natin ngayon, gusto ng mga tao ng atensyon e. They like to hear people talking about them, they like to see people looking at them, and writing about them. Gusto nila ng atensyon. Gusto nila ng validation galing sa ibang tao. Mararamdaman nila na vina-value sila o mahalaga sila kung sentro sila ng atensyon. Nabo-boost ang kanilang self-esteem sa gano'ng paraan. Pero hindi 'yan gawain ng mapagmahal na tao. Kung alam nilang nasa gitna ka na, hindi ka nila sasapawan. Hindi dahil nahihiya sila o boring silang tao kundi alam nila na hindi pa oras nila. They make room for everyone to feel special and important.


7th sign na mapagmahal na tao ang nakilala mo
ay HANDANG TUMULONG


Kung may kakilala kang ganito, siguradong gagaan ang buhay mo dahil may handang tumulong sa anumang paraan. Sa panahon ngayon, kaunti na lang ang taong matulungin. Humans have turned into a world of narcissism and selfishness towards oneself. Hindi na katulad dati ang ugali ng tao na kahit magkapitbahay ay nagbibigayan. Ngayon ay nag-uunahan na. Tatawanan na ng mga tao ang mga nagkakamali. May iba pino-post pa online ang kapalpakan ng isang tao para makakuha ng atensyon at reaksyon. Evilness is being glorified and love has been forgotten. Pero kung may kaibigan kang matulungin, 'wag mo ng pakawalan 'yan.


8th sign na mapagmahal na tao ang nakilala mo
ay HINDI NILA PINIPEKE ANG LAHAT


Hindi peke ang pagkatao nila. Hindi peke ang kanilang ginagawa. Sa isang mundong puno ng mga filter at curated na buhay sa social media, ang makatagpo ng isang taong tunay ay parang paghahanap ng isang bihirang hiyas. Ang mga mapagmahal na tao ay hindi nagsusuot ng maskara; kung ano ang nakikita mo, 'yon ang makukuha mo. Hindi sila magpapanggap na kaibigan mo at pagkatapos ay titirahin ka patalikod. Hindi sila magpapanggap na masaya na makita ka kung hindi naman sila tunay na masaya. There’s something incredibly refreshing about someone who’s genuine. Kahit na nangangahulugan itong ipakita ang kanilang mga hindi gaanong magagandang bahagi, mas pipiliin pa rin nilang maging totoo sa 'yo kaysa sa magpanggap. At sa huli, hindi ba mas mabuti pang mahalin ka kung sino ka talaga kaysa sa isang bersyon ng sarili mo na para lamang sa palabas? Ang maipapayo ko lang sa mga taong pinipeke ang sarili nila ay mahalin mo ang sarili mo. Accept what you are. Accept your bright side and even the dark side. Know your self worth. Know and accept yourself. Give importance to your priorities. Make “yourself” as your best friend. A friend who understands you and your feelings.


9th sign na mapagmahal na tao ang nakilala mo
ay ALAM NILA KUNG KAILAN SILA TATANGGI


Sure na sure sila sa kanilang desisyon. Kung agree sila, agree sila. Kung disagree sila sa 'yo, disagree talaga ang sasabihin nila. Kung yes, yes, kung no, no. It might seem odd, but one of the most lovely things a person can do is set boundaries. Kasi kung agree ka ng agree, yes ka ng yes, siyempre madali kang magustuhan ng mga tao pero sa panandalian lang dahil sa kaka-yes mo, pati mga toxic na tao ay makapasok na sa buhay mo at magti-take advantage sa 'yo. Ang taong mapagmahal ay hindi nagti-take advantage kaya tatanggi sila kung kinakailangan. Alam nila kung ano ang kanilang desisyon. Teach yourself that you don’t have to explain everything to everybody, all the time. A No means a No, alright? Saying “no” when you need to show that you value not just the other person’s time, but also your own. It sends the message that when you do say “yes,” it’s because you genuinely want to, not out of obligation or expectation. And that’s the sort of honesty that people find truly lovely.


10th sign na mapagmahal na tao ang nakilala mo
ay MAPAGPASALAMAT SILA


Kahit gaano pa kaliit ang ginawa mo, pinasasalamatan nila. Na-appreciate nila. Napansin mo ba kung paano tila natutuklasan ng mga mapagmahal na tao ang kasiyahan sa maliliit na bagay? Kahit gaano pa kaliit ng ginagawa ng isang tao, hindi nila pinapalampas ang pagkakataon na magsabi ng SALAMAT. Hindi ito tungkol sa pagiging labis na magalang o pormal; ito ay tungkol sa pag recognize at pagpapahalaga sa mabuti sa buhay, gaano man ito kaliit. Ang simpleng gawaing ito ng pasasalamat ay may malaking positibong epekto. Hindi lamang nito pinaparamdam sa mga taong nakapaligid sa kanila na sila ay mahalaga, kundi nagdadala rin ito ng positibong aura.




Comments

Popular posts from this blog

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177