Huwag Kang Magpapaapekto sa 10 Bagay na Ito By Brain Power 2177





NUMBER 1
MGA TAONG NAIINGGIT SA 'YO


Laging may mga taong gustong makuha kung anong mayroon ka. Naiinis sila na mayroon kang isang bagay na wala sa kanila. Nang dahil sa sobrang kainggitan, gagawa sila ng negatibong paraan para mapabagsak ka lang. Gusto nilang maapektuhan ka para mawala ka sa pokus mo. Hahatakin ka nila pababa. Minsan nga sisiraan ka pa nila sa kompanya para lang mapunta sa kanila ang atensyon ng boss niyo. Minsan din kapag gusto nila ang mahal mo, sisiraan ka nila para makuha nila ang taong gusto nila na nasa sa 'yo. Alinmang paraan, naiinggit sila sa kung ano ang mayroon ka at gusto nilang makalebel sa 'yo o gusto nilang higitan ka. Pero hindi ka dapat magpapaapekto sa mga ginagawa ng mga taong naiinggit sa 'yo. Kasi kung sa kanila ka nakapokus, siguradong babagsak ka. Kung ano man ang negatibong naramdaman ng mga taong inggit sa 'yo, it's not of your concern. Hindi mo na dapat alalahanin 'yon. Kaya magpokus ka lang sa sarili mo. Kung gusto talaga nilang magkaroon ng mga bagay na mayroon ka, kailangan nilang ibuhos ang dugo, pawis, at luha tulad ng ginagawa mo.


NUMBER 2
TAKOT


Tayong lahat naman ay may kinakatakutan. Ang iba ay takot mawalan ng pera. Ang iba ay takot mag-isa sa buhay. Takot malugi ang negosyo. Takot mawalan ng trabaho. Pero 'wag sanang umabot sa punto na ang takot mo ang magkokontrol sa 'yo. Minsan kasi hindi na natin dinesisyonan o inaaksyonan ang isang bagay dahil takot na ang namamahala sa puso't isip natin. Kapag may mga gawain na hindi sigurado o hindi pamilyar, nangingibabaw ang takot. Biglang sasara na rin ang isip mo. Hindi mo na lang gagawin ang isang bagay kasi takot ka sa posibleng mangyari. Kung gusto mo ang isang bagay na hindi mo pa nararanasan, kailangan mong gawin ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa noon, 'di ba? Well, posible lang 'yan kung matututo kang bumitaw sa takot. Maaaring nakakatakot ang sumubok ng mga bagong diskarte, ngunit hindi ito nangangahulugan na may masamang mangyari. Kung magpapanic ka kapag hindi ka komportableng gawin ang mga bagay, tandaan mo, diyan ka matututo. Discomfort is where growth happens—and growth is where success comes from. 'Wag mong hayaan na ang takot ang hahadlang sa pangarap mo. Oo, mas madaling sabihin kaysa gawin, ngunit positibo ang bunga nito. Kailangan mo lang magpatuloy at maniwala ka na ang lahat ay gagana kung hindi ka magpapasindak.


NUMBER 3
MGA TAONG NANGJA-JUDGE SA 'YO


Natural lang naman na maging conscious sa kung ano ang pagtingin ng ibang tao sa 'yo. Lahat naman tayo, aminin man natin o hindi, minsan naco-conscious tayo. Kahit palagi kong sinasabi na dapat hayaan na natin ang ibang tao kung ano ang iniisip nila tungkol sa atin pero hindi 100% mawawala ang paki natin. It's unrealistic. Pero kailangan nating bawasan ang paki natin hangga't maaari. 'Wag mong hayaan na ang panghuhusga nila ang wawasak sa mga  plano mo. Gawin mo ang kailangan mong gawin upang maabot mo ang iyong mga layunin. Alam kong mahirap umabante sa buhay kapag may maraming negatibong tao sa paligid mo, lalong masakit kung hinuhusgahan nila ang pagkatao mo pero nakasalalay ang pangarap mo dito. Gusto mo bang ma-stuck ang buhay mo dahil lang sa kakaisip sa kanila? Kahit ano pa ang sabihin nila, ikaw lang ang tunay na nakakaalam kung gaano ka ka-hardworking, kung gaano ka ka-passionate sa ginagawa mo, at kung gaano mo gustong maabot ang iyong mga layunin. Kaya't 'wag kang magpapaapekto. Magpokus ka lang sa goal mo.


NUMBER 4
PAG-AALINLANGAN


Lahat naman tayo minsan ay may pagdududa tayo sa sarili natin. Nabubuhay tayo sa isang mundo ng walang katapusang komparahan, mapa online man o sa totoong buhay. Minsan nga umabot sa punto na nadismaya tayo dahil nakita nating mas mahusay sila kaysa sa atin. Akala rin natin na masarap ang buhay nila pero hindi natin nakikita ang kanilang totoong buhay. Ito ang katotohanan, ipinapakita lang ng mga tao ang kanilang mga highlights, hindi ang behind the scenes. Kung papasok sa isip mo ang pagdududa sa sarili, subukan mong magpokus sa kung ano ang naabot mo na. Maaaring wala ka pa sa 100%, malayo ka pa pero malayo ka na.


NUMBER 5
MGA PROBLEMA SA BUHAY


Palaging may mga problema sa buhay, gaano ka man ka-handa o ka-talino o ka-passionate. Lahat ng naimbentong bagay ay sumailalim sa maraming pag-ulit bago nabuo at ibenta. Sa katulad na paraan, ang mga atleta ay nahaharap sa mga problema at nadismaya na rin sila sa kakahabol ng kanilang goal. Tandaan mo, lahat ng bagay na may halaga ay nangangailangan ng oras, at dapat mong tanggapin na ang ilang mga bagay ay wala sa 'yong kontrol. Kahit gaano ka ka-hustler, may mga hadlang na kailangan mong wasakin. Sa halip na hayaan mo itong maging sagabal sa buhay mo o humadlang sa 'yong daan, humanap ka ng alternatibong ruta! Kung nakapokus ka sa layunin mo, makakahanap ka ng ibang paraan upang makarating ka sa lugar na gusto mo.


NUMBER 6
SOBRANG PAG-AALALA


Ang labis na pag-aalala tungkol sa pagsunod sa mga pamantayan o pagsunod sa nakasanayan na ay maaaring makahadlang sa 'yong tagumpay. Bagama't may dahilan kung bakit sikat ang ilang paraan ng pag-iisip o diskarte sa buhay, hindi ito nangangahulugan na magiging tama ang mga ito para sa 'yo! 'Wag kang matakot na gumawa ng sarili mong landas. Ito ang magpapanatili sa 'yo na sumulong. 'Wag pansinin ang mga tradisyonal na paraan ng paggawa ng mga bagay kung hindi ito gumagana para sa 'yo. Tandaan mo na palaging may maraming opsyon, maraming ruta, patungo sa mga layunin mo.


NUMBER 7
MGA PASAKIT SA BUHAY


Ang mga sakit na nadarama mo ngayon, panandalian lang 'yan. Ang iba't ibang problema sa buhay ay bahagi ng paglalakbay nating lahat, ngunit 'wag mong hayaan na hahadlang ito sa buhay mo. Siguradong makakaranas ka ng isang panandaliang pasakit sa anumang landas tungo sa tagumpay. But don’t let these short-term adaptations stand in your way! Trust that the sacrifices will pay off and keep pushing forwards.


NUMBER 8
KASAKIMAN


Pwede ka namang mag hustle hard para magkapera, para yumaman pero 'wag lang umabot sa punto na pera na ang nagkokontrol sa 'yo. 'Wag kang sakim. Pero hindi ko naman sinasabi na maging reckless ka sa 'yong pananalapi, ngunit mayroong higit pa sa buhay kaysa sa pera. Sa kabila ng nakikita natin sa social media, mga taong nagfi-flex, hindi lahat ay gusto ng gano'n. What many don’t realize is that successful people often strive for a particular outcome rather than the financial rewards that might follow. Nasisiyahan sila sa pagkamit ng isang layunin, kahit na ang layuning 'yon ay walang kinalaman sa pera. Kung ang iyong ideya ng tagumpay ay ang pagkakaroon ng isang trabaho na gusto mo o magkaroon ng isang partner na magpapasaya sa 'yo, ang pera ba ay talagang mahalaga sa 'yo? Kung hindi, huwag mong lokohin ang sarili mo na sabihing mas magiging masaya ka kung ikaw ay mayaman.


NUMBER 9
ANG PAGKOKOMPARA


Napaka-challenging talagang itigil ang pagkokompara dahil mahirap e. Lalo na kapag nakikita nating masaya ang buhay nila. Hindi natin maiiwasan na ikompara ang malungkot nating buhay. Sabi ko nga kanina, ang lahat ng nakikita mo ay highlights lamang ng kanilang buhay. Hindi mo nakikita ang behind the scenes nila. People only show you what they want you to see. So try not to get caught up on how other people seem to be doing. Ang bawat tao'y may iba't ibang sukatan para sa tagumpay. Hindi porket ang isang tao ay pa-travel² lang ay wala na ring saysay ang buhay mo. Kung masarap ang buhay ng isa, hindi naman mawawala ang pagkakataon na magkakaroon ka rin ng buhay na ganyan. Kaya dapat alam mo kung anong klaseng buhay ang gusto mo at kung ano ang kahulugan ng tagumpay para sa 'yo.


NUMBER 10
PEOPLE PLEASER


Dapat Diyos ang inuuna mo. Pero hindi ko naman sinasabi na dapat wala kang paki sa emosyon ng ibang tao. Ang sabi ko lang na dapat hindi mo pini-please ang mga tao kasi hindi mo naman mapi-please ang lahat. If you’ve always been a people-pleaser, letting go of the need to keep everyone happy can feel almost impossible! Gayunpaman, ito ay isang skill na kakailanganin mong sanayin kung gusto mong gumaan ang iyong buhay. Kung hindi mo itigil ang people pleasing habit mo, hindi tatakbo ng maayos ang buhay mo dahil palagi mong inuuna ang iba. Hindi naman masama na maalalahanin ka at mabait, ngunit kailangan mong unahing ayusin ang buhay mo bago maayos ang buhay ng iba. Kung kailangan mong kanselahin ang isang plano para lang makamit ang plano mo, okay lang! Mauunawaan ng mga nagmamahal at nakakakilala sa 'yo na hindi mo sila hinahayaan, nakapokus ka lang sa 'yong mga layunin ngayon. At kung hindi man sila susuporta sa 'yong mga hangarin, maaaring hindi sila ang uri ng mga tao na karapat-dapat na makasama mo.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177