Ano Ang Panganib Kung Wala Kang Pasensiya? By Brain Power 2177
Ano Ang Panganib Kung Wala Kang Pasensiya? Hindi na bago ang kawalan ng pasensiya. Palagi tayong makakita ng mga taong nauubusan ng pasensiya kapag naiipit sa traffic o nakapila. Pansin nga natin 'di ba na mas mabilis maubos ang pasensiya ng mga tao ngayon kaysa noon. Maraming tao ang hindi na mapagpasensiya dahil sa teknolohiya. Binabago ng digital technology ang ating buhay. Dahil sa mga teknolohiyang 'yan, gustung-gusto nating magkaroon agad ng resulta ang mga bagay-bagay. Anumang naisin natin, gusto nating makuha agad 'yon—nang mabilis, mahusay, at ayon sa ating paraan. Kapag hindi nangyari 'yon, nadidismaya tayo at naiinis, na senyales ng kawalan ng pasensiya. Nakalimutan na nating maghinay-hinay lang at i-enjoy ang bawat sandali. Naniniwala ang ilan na bihira na lang ang gumagamit ng e-mail at malapit na itong hindi gamitin. Bakit? Dahil ang mga taong nagpapadala ng e-mail ay wala nang tiyagang maghintay nang ilang oras, o kahit ilang minuto lang, para sa sagot.