6 Reasons Why You're Lonely + 12 TIPS For You By Brain Power 2177





Kung madalas kang makaranas ng kalungkutan, kahit hindi ka na man nag-iisa, maaaring ikaw ay napapalibotan ng mga maling tao. Minsan nakakadama tayo ng kalungkutan kahit na may kasama tayo. Ultimately, loneliness is not about how many people you are with, but how connected you feel to those around you. Ang kalungkutan kasi ay hindi lang aatake kung mag-isa ka. Posible ring malungkot ka kahit napapaligiran ka ng maraming tao. Pero mas mabuti pang mag-isa ka na lang kaysa sa nasa labas ka nga pero hindi mo rin naman dama ang koneksyon ng mga taong kasama mo. Kahit ang iba'y may asawa na, madalas pa rin silang nakadama ng kalungkutan, lalo na kung ang relasyon ay dumadaan sa isang matinding pagsubok. Uulitin ko, hindi ibig sabihin na mag-isa ka ay malungkot ka na. Hindi rin ibig sabihin na kasama mo ang mga kaibigan mo ay masaya ka na. Magiging malungkot ka kung hindi mo nakukuha ang emotional connection na hinahangad mo. Maaaring mayroon kang maraming kaibigan, may asawa ka, may pamilya, at maraming online friends ngunit nakadarama ka pa rin ng matinding kalungkutan. Sa kaloob-looban natin, kailangan nating makadama na pinapahalagahan tayo at may umuunawa sa atin pero kung hindi natin nakukuha o natanggap 'yon, dito papasok ang matinding kalungkutan. Narito ang anim na palatandaan na ang iyong kalungkutan ay hindi dahil sa kakulangan ng mga kaibigan at koneksyon ngunit ang maling tao na nasa paligid mo.


NUMBER 1
HINDI KA NILA
PINAGLALAANAN NG ORAS


Sa panahon natin ngayon, marami na ang nag crave ng attention. Uhaw na uhaw tayo ng atensyon. Kasi halos lahat busy na rin sa trabaho. Ang dami nating responsibilidad. Kaya hindi tayo makapagbigay ng oras sa mga mahal natin o di kaya'y hindi nila tayo mabigyan ng quality time. Pero ito ang masakit, kahit na gumugugol tayo ng oras sa mga tao, kadalasan ay hindi nila tayo binibigyan ng buong atensyon. May mga panahon din na kasama nga natin ang mga mahal natin pero palagi namang nakatutok sa cellphone. Kaya wala ring maayos na pag-uusap. Ika nga, we're so close yet we're so far. Maramdaman natin ang disconnection at siyempre kalungkutan ang susunod. Kaya dapat may limitasyon ang paggamit ng cellphone lalo na kung may kausap ka. Para naman maramdaman ninyo ang buong atensyon sa isa't isa.


NUMBER 2
WALANG TAO
NA NAGPAPASIGLA NG ARAW MO


Siyempre malulungkot ka kung wala man lang kahit ni isa ang mag-i encourage sa 'yo para makamit mo ang pangarap mo sa buhay. Ang kabaligtaran ng kalungkutan ay pagkadama na konektado ka sa isang tao. Kapag tayo ay tunay na konektado sa isang tao, maaari nating ibahagi sa kanila ang ating pag-asa at pangarap. Naaalala mo pa ba noong may kausap ka, noong nagshi-share ka sa kanila kung ano ang gusto mong maging o nag-uusap kayo tungkol sa kung ano ang ikinakasaya mo? Parang nalilimutan mo ang problema mo, 'di ba? 'Yan ang impact kung konektado ka sa mga taong nakapaligid sa 'yo. Pero kung walang tao sa ating buhay na ginagawang priyoridad ang pagsuporta at paghikayat sa ating mga pangarap, makaramdam tayo ng kalungkutan at feeling natin na mag-isa lang tayong lumaban sa buhay. Ang paglalaan ng oras para sa ganitong uri ng koneksyon ay napakahalaga kung gusto nating gumaan ang ating kalooban.


NUMBER 3
WALA KANG MALALAPITAN
SA ORAS NG KAGIPITAN


Tayong lahat naman ay binabangga ng pagsubok. Minsan nga hindi natin kayang mag-isa tayong haharap sa grabeng problema. Kapag nakakaranas tayo ng mahihirap na sitwasyon, minsan kailangan nating ipakipag-usap ang ating nararamdaman sa ibang tao. Nangangailangan tayo ng praktikal na tulong. Kung sa tingin mo ay walang sinuman sa buhay mo na 100% mong maaasahan sa oras ng pangangailangan, dito na papasok ang negatibong emosyon. This can lead to a sense of isolation, fear and chronic loneliness.


NUMBER 4
WALA KANG MAPAGSHI-SHERAN
NG MGA INTERES MO


Kahit napapaligiran ka ng mapagmahal na pamilya at mga kaibigan, mararamdaman mo pa rin na nag-iisa ka kung wala kang mapagshi-sheran ng mga interes mo. Halimbawa, mahilig sa sports ang pamilya mo, ngunit gusto mong gumugol ng oras sa panonood ng mga pelikula. Hindi mo pa rin madarama ang kasiyahan dahil magkaiba kayo ng interes. 


NUMBER 5
ANG MGA TAONG NAKAPALIGID SA 'YO
AY MGA TOXIC


Kapag may palaging naninira o namumuna sa buhay mo, nakaka-drain 'yan ng energy lalo na kung papansinin mo. Hindi lang ibang tao ang toxic. Minsan karelasyon mo or worst pamilya mo pa mismo. Maraming tao ang hindi nagkakaunawaan dahil sa kawalan ng pag-iisip at komunikasyon. Gayunpaman, kung minsan, hindi nila maibigay kung ano ang deserve mo. Halimbawa, may karelasyon ka na palaging naninira o pumupuna sa 'yo, hindi mo pa ba siya hihiwalayan? Kailangan mo ng lumayo sa mga taong toxic. Sila ang dahilan kung bakit inaatake ka ng kalungkutan kasi hindi nila naibigay ang positibong emosyon na hinahangad mo. Don’t put up with people who don't see how wonderful you are. Get support to find people who recognize all the good in you. Halimbawa ang amo mo ang toxic o di kaya'y mga kasamahan mo, mahirap iwasan, 'di ba? Gayunpaman, tandaan mo na ang kanilang katoxican ay malamang na nagmumula sa kanilang negatibong pagkatao.


NUMBER 6
WALANG NAKIKINIG SA 'YO


Napapalibotan ka nga ng maraming tao pero ayaw naman nilang makipagkonekta at makinig sa 'yo. Minsan ayaw nilang makipag-usap dahil naniniwala silang may nagawa kang mali. Ito ay katibayan ng isang taong toxic at hindi isang pag-uugali na dapat mong tiisin. Mahinahong hilingin mo sa kanila na pag-usapan ang sitwasyon dahil gusto mong maunawaan kung ano ang nararamdaman nila. Kung hindi ka nila kakausapin, kung tumanggi silang ayusin ang problema, maaaring oras na para tapusin ang ugnayan ninyo.

Here's my thought about this situation, one of the best ways to begin to overcome a feeling of loneliness is to be your own best friend. Do what you love and spend time taking good care of yourself.

Pero tandaan mo na madalas tayong may mga inaasahan sa isang relasyon na hindi tumutugma sa mga gusto nating mangyari.  Halimbawa, maaaring nagmula ka sa isang pamilya na sinasabing mahalaga ang mag-usap araw-araw kapag ang dalawang magkasintahan ay long distance relationship. Ngunit marahil ang pamilya ng iyong partner ay nagsasabi rin na hindi na mahalaga na madalas mag-usap. Siyempre makakaramdam ka ng rejection kapag hindi tumatawag araw-araw ang jowa mo dahil hindi ka sanay. Kaya dapat pag-usapan ninyo ang inyong mga inaasahan sa isang relasyon dahil makakatulong ito sa pag-alis ng mga ganitong uri ng hindi pagkakaunawaan.

Isa pa, dapat aware ka sarili mong assumption. Minsan kasi nag-aassume ka na hindi naman gano'n. Halimbawa matagal ka ng hindi tinawagan ng kaibigan mo tapos iniisip mo na ayaw ka na niya, pero ang totoo ay sobra lang silang abala o may kinakaharap silang matinding problema.

Makakayanan mo rin ang kalungkutan. Ikaw man ay bata pa o matanda na, may asawa o wala, isang anak na may mga magulang pa o ulila na at ikaw man ay namatayan ng mga mahal sa buhay o dumaranas ng iba pang uri ng kalungkutan, may mga paraan upang madaig ang iyong damdamin. Magsalita ka lang! Humanap ka ng taong mapagsasabihan mo ng problema. Mahalagang masabi natin ang ating niloloob. Kung hindi, walang makauunawa sa atin. Huwag mong masyadong intindihin ang iyong sarili. Humingi ka ng tulong. Ang taimtim na pananalangin sa Diyos ay nagbibigay ng tulong na kailangan natin upang makalusot sa matatawag mong isang daan na walang labasan. Kailangan ang tiyaga. Nakatutulong sa akin nang malaki ang pagpapakita ng interes sa iba. Ang pagpapakita ng pakikipagkapuwa-tao kapag nakikipag-usap sa iba ay makatutulong upang maging makabuluhan ang ating pakikipag-usap at matuklasan natin ang magagandang katangian ng ibang tao.

Ano ang magagawa mo tungkol sa kalungkutan? May 12 tips akong ibibigay sa 'yo:

1. Tandaan na mababago pa ang iyong kalagayan, na hindi ito isang permanenteng sitwasyon kundi isang karaniwang kalagayang nararanasan din ng ibang tao.

2. Maging kontento sa 'yong sarili sa kabuuan.

3. Magkaroon ng magandang kaugalian sa pagkain at pag-eehersisyo, at matulog ka nang sapat.

4. Gamitin mo ang panahon ng pag-iisa sa paggawa ng sariling-likhang mga bagay at pag-aaral ng mga bagong kasanayan.

5. Mag-ingat na huwag hatulan ayon sa dati mong mga karanasan ang mga taong nakikilala mo.

6. Pahalagahan mo ang iyong mga kaibigan at ang kani-kanilang pambihirang mga katangian. Sikaping magkaroon ng isang mahusay na grupo ng mga kaibigan

7. Gumawa ka ng mabuti sa iba​—ngumiti ka sa kanila, magsalita ka nang may kabaitan, magbahagi ka sa kanila ng isang ideya mula sa Bibliya. Ang pagkadamang kailangan ka ng iba ay isang panlaban sa kalungkutan.

8. Kung may asawa ka na, huwag mong asahang maibibigay ng iyong asawa ang lahat ng iyong emosyonal na pangangailangan. Matutong magbigay at tumanggap, tumulong at sumuporta sa isa’t isa.

9. Matutong makipag-usap sa iba at maging mabuting tagapakinig. Pagtuunan mo ng pansin ang ibang tao at ang kanilang mga kapakanan. Magpakita ka ng empatiya.

10. Aminin mo na nalulungkot ka, at makipag-usap ka sa isa na mapagkakatiwalaan mo. Huwag mong pahirapan ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagsasawalang-kibo.

11. Iwasang uminom ng maraming alak, o huwag na lamang uminom. Hindi kayang lunurin ng alak ang iyong mga problema​—lulutang uli ang mga 'yon mayamaya.

12. Ibaba mo ang iyong pride. Patawarin mo ang mga nakasakit sa 'yo, at makipag-ayos ka. Huwag kang laging nangangatuwiran.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177