Maging Masaya Ngayong 2024: 8 Negatibong Habits na Kailangan Mong Tanggalin sa Buhay mo By Brain Power 2177





Speaking of MASAYA, may tao bang AYAW SUMAYA? Siguradong lahat tayo ay gustong sumaya, 'di ba? At para maging tunay na masaya, dapat tanggalin natin ang mga NEGATIBONG HABITS sa buhay natin. Sa videong ito, malalaman natin kung ano ang 8 HABITS na kailangan nating tanggalin sa buhay natin.


NUMBER 1
SOBRANG GAWAIN


Tandaan mo, isa lang ang katawan mo. Hindi mo kayang pagsabayin ang lahat ng gawain. Sa lahat ng aspekto ng buhay, sinasabi sa atin na dapat tayong maging MAS MAGALING, dapat tayong MAG-IMPROVE, dapat tayong magtakda ng MAS MATATAAS NA GOAL at MATAGUMPAY. Ang hirap kapag palaging PRESSURED. Dahil sa sobrang trabaho at paggala sa mga barkada, dahil sa mga smartphone, marami ang nagpupuyat. Alam mong masama ang pagpupuyat pero 'yon ang iyong ginagawa. Madalas na nauuwi ang ganiyang lifestyle sa burnout.

Pinasisigla tayo ng Bibliya na maging masipag. Basahin natin ang Roma 12:11,

“Maging masipag kayo, hindi tamad.”

Pero hindi nito inirerekomenda na sagarin mo ang sarili mo hanggang sa maapektuhan ang lahat ng bagay sa buhay mo—kasali na ang kalusugan mo. Tama ang sabi ng Eclesiastes 9:4,

“Dahil ang buháy na aso ay mas mabuti kaysa sa patay na leon.”

Kapag pinipilit mong gawin ang higit sa talagang kaya mo, baka maisip mong kasinlakas ka ng leon. Pero di-magtatagal, mabe-burnout ka at masisira ang kalusugan mo. Kaya dapat unahin mo ang mahahalagang gawain. Ano ba ang importanteng gagawin mo ngayon? 'Yon lang muna. Tandaan mo ang kasabihan na, ROME WASN'T BUILT IN A DAY. Ibig sabihin, hindi mo matatapos ang lahat ng gawain mo kung pagsasabayin mo ito. Robot nga ay nasisira. Ikaw pa kaya? Paano ka maging tunay na masaya kung pagod na pagod ka na sa buhay mo?


NUMBER 2
UMU-O SA LAHAT NG BAGAY


Hindi ka dapat umu-o sa lahat ng request, sa lahat ng demand, sa lahat ng ipapagawa sa 'yo. Matuto ka namang tumanggi. Sinasabi ng Kawikaan 11:2,

“Ang karunungan ay nasa mga mapagpakumbaba.”

Alam ng isang taong mahinhin, o mapagpakumbaba, ang kaniyang mga limitasyon at hindi siya tumatanggap ng mas maraming atas kaysa sa kaya niyang gawin. Ang pinakamalamang na ma-burnout ay ang taong hindi marunong tumanggi at pinipilit gawin ang lahat ng ipinagagawa sa kaniya. Hindi 'yon kapakumbabaan. Sa bandang huli, mabe-burnout ka. Tandaan mo, hindi mo mapi-please ang lahat ng tao. Kaya 'wag kang people pleaser. Masarap naman gawin ang lahat ng bagay lalo na kung pinupuri ang kasipagan natin pero may kapalit din 'yon, ang KALUSUGAN mo. Pero hindi rin naman masama ang tumanggi. Ibig sabihin lang nun, na pinapahalagahan mo ang iyong oras, ang iyong lakas, at mental health. At alam mo ba na ang oras, lakas at mental health mo ay sangkap 'yan ng tunay na kaligayahan? Kapag apektado na ang isa diyan, magiging miserable na ang buhay mo. Kaya mula ngayon, matuto ka ng tumanggi. Tanggapin mo lang ang mga bagay na talagang dapat gawin at mahalaga sa 'yo.


NUMBER 3
BINALEWALA MO ANG IYONG KATAWAN


Sa sobrang halaga ng ating katawan, tinawag pa nga ito ni apostol Pablo na “DWELLING HOUSE” (2 Corinto 5:1, 2) Gaya ng bahay, ang ating katawan ay nangangailangan din ng TAMANG PAG-AALAGA. Ang tanong, pinahahalagahan mo ba ang katawan mo? Dapat lang. Dahil ang katawan ng tao ay tunay na obra maestra sa lahat ng mga nilikha sa lupa. Aaminin ko, noong mga nakaraang taon, palagi kong inuuna ang ibang tao. Palagi kong inaatupag ang trabaho ko. Palagi kong sinasabayan ang mga kaibigan ko. Wala na akong panahon sa sarili ko. Pinagsisisihan ko 'yon. Akala ko kasi na 'yon ang tamang gawin. Pero nai-stress ako. Pero nagpapasalamat ako sa stress kong 'yon dahil na-realize ko sa oras na 'yon, kung hindi ko aalagaan ang sarili ko, hindi ko kayang alagaan ang mga mahal ko sa buhay. Kaya binago ko ang aking habit. Inuuna ko na ang aking sarili pero hindi naman sa punto na naging makasarili na ako. Balanse lang naman. At doon nagbago ang takbo ng aking buhay. Napakahalaga ng iyong KATAWAN. Hindi ka magtatagumpay kung wala kang lakas. Hindi ka sasaya kung palagi mong inuuna ang kagustuhan ng iba.


NUMBER 4
KINIMKIM MO ANG GALIT


Normal lang naman masaktan. Normal lang din na may nagawa tayong mali sa iba. Hindi naman tayo perpekto. Ngunit tama bang kimkimin mo ang sama ng loob? Aaminin ko, mahirap magpayo na bitawan mo ang galit kasi alam kong hindi ito madaling gawin. Mahirap patawarin ang taong nakasakit sa atin. Kaya lang, iniutos sa atin ng Diyos na ibigin natin ang isa't-isa (Juan 13:34). Para mabitawan natin ang galit, pag-usapan natin ang 3 SIMULAIN sa Bibliya:

UNA, alam ng ating Ama sa langit ang lahat ng bagay. Nakikita ng Diyos ang lahat ng nangyayari, pati na ang kawalang-katarungang nararanasan natin at ang pagdurusang dulot nito.

IKALAWA, ang pagpapatawad ay hindi pagkunsinti. Kapag pinapatawad natin ang mga nakagawa sa atin ng mali, hindi ibig sabihin nito na minamaliit natin, o ipinagmamatuwid, ipinagdadahilan, o kinukunsinti natin ang ginawa nila. Tandaan mo, hindi kailanman sinasang-ayunan ng Diyos ang kasalanan, pero pinapatawad Niya ito kung may basehan. Kapag hinihimok tayo ng Diyos na magpatawad, hinihiling Niyang tularan natin Siya. Hindi Siya naghihinanakit magpakailanman.

IKATLO, tayo rin ang nakikinabang kapag hindi tayo nagkikimkim ng sama ng loob. Habang nagkikimkim tayo ng sama ng loob—kahit maliit na bagay lang ang dahilan—lalo tayong nasasaktan. Kaya hinihimok tayo ng Diyos na kalimutan ang  sama ng loob. Paano sasaya kung bitbit mo ang bigat sa dibdib mo?


NUMBER 5
IKINOKOMPARA MO ANG IYONG SARILI SA IBA


Noong mga nagdaang taon, ginawa mo na ito. Sana ngayong taon na ito, buong taon, ay 'wag mo ng ikompara ang sarili mo sa iba. Basahin natin ang Galacia 6:4,

“Kundi suriin ng bawat isa ang sarili niyang mga pagkilos.
Sa gayon, magsasaya siya dahil sa mga nagawa niya,
at hindi dahil ikinumpara niya ang sarili niya sa ibang tao.”

Tingnan mo ang iyong sarili gaya ng pagtingin sa 'yo ng Diyos. Matutulungan ka nito na pahalagahan ang iyong sarili. Sinusukat ng Diyos ang halaga mo, hindi sa pamamagitan ng paghahambing sa 'yo sa iba, kundi sa pamamagitan ng pag-alam sa laman ng iyong puso. O 'di ba? Diyos nga ay hindi ka ikinompara sa iba, ikaw pa kaya? Kung ihahambing mo ang iyong sarili sa iba, pwede kang maging mayabang o di-kontento. Kaya maging mahinhin, o mapagpakumbaba, at tanggapin na hindi ka magiging angat sa lahat ng bagay.

Bahala na kung ano ang mayroon sa iba na wala ka. Nakakapagod magkompara at hindi mo na mapapansin ang mga nakamit mo sa buhay dahil sa iba ka na nakapokus. Sinasaktan mo lang ang iyong sarili at nawala pa ang kaligayahan mo. Start focusing on your own growth and celebrate your own victory, kahit maliit pa 'yan.


NUMBER 6
NAKAPOKUS KA SA KAHAPON AT BUKAS


Kung hindi ka maka-move on sa nakaraan mo, hindi ka magiging masaya. Mas lalong hindi ka sasaya kung nag-iisip ka palagi kung ano ang mangyayari bukas. Ano ang mangyayari kung nakapokus ka NGAYON? Masaya ka. Paano ko nasabi? Alalahanin mo yung mga araw na MASAYA kang kasama ang mahal mo. Noong kayo lang dalawa. Masaya kayo sa panahong 'yon, 'di ba? Bakit? Kasi wala kayong ibang iniisip kundi sa araw na 'yon lang. Wala kayong naiisip na problema sa hinaharap. Wala kayong paki sa mga nagdaan. Ang iniisip lang ninyo ay ang pagsasama ninyong dalawa sa mismong araw na 'yon. Walang negatibong tumatakbo sa isipan mo. You just felt amazing. Pero hindi lang ito sa may jowa. Pwede rin maranasan ang kagalakang ito sa mga lugar na pinuntahan mo, sa pag-eehersisyo, sa pagbabasa ng paborito mong libro. There was something common at all these times. What is it? Your mind wasn't thinking, analyzing or going over the events of the past. All it was doing was just BEING IN THE PRESENT. That's what made them the most pleasurable experiences. Para saan pa ang pag-iisip sa nakaraan e hindi mo naman 'yon mababago. Para saan pa ang pag-iisip sa hinaharap e hindi mo naman kontrolado ang maaaring mangyari. Hindi mo mahuhulaan. Living in the present is KEY TO HAPPINESS. It allows you to fully appreciate and enjoy what's happening in your life at this very moment.


NUMBER 7
NANINIWALA KA NA MAY KULANG SA 'YO


Sana'y matanggal mo na sa isipan mo na HINDI KA SAPAT. Alam kong madalas mong naririnig sa ulo mo na HINDI KA SAPAT, HINDI KA MAGALING, HINDI KA MATALINO, HINDI KA TALENTADO. 'Yan ang tinatawag nating NEGATIVE SELF-TALK. Palagi mo 'yang maririnig kung wala kang tiwala sa sarili mo. Mas lalong lalakas ang negatibong boses na 'yan kung papaniwalaan mo na. Hindi mo ba alam na ang mga naririnig mong boses galing sa ulo mo ay HINDI TOTOO? Boses 'yan ng TAKOT mo. Boses 'yan ng INSECURITIES mo. Sa oras na maririnig mo ang HINDI KA SAPAT sa ulo mo, isipin mo ang mga bagay na nakamit mo sa buhay, talaga bang hindi ka sapat? Talaga bang hindi ka magaling? E bakit may nakamit ka, 'di ba? Kaya hindi mo dapat paniwalaan ang negatibong boses na 'yan dahil 'yan ang magiging hadlang sa buhay mo. You are more than enough just as you are. And the sooner you believe that, the happier you'll be.


NUMBER 8
ANG DAMI MONG KONDISYON


“Magiging masaya ako kapag nagkaasawa ako at nagkaanak.”

“Magiging masaya ako kapag nagkaroon ako ng sariling bahay.”

“Magiging masaya ako kapag nakuha ko ang trabahong iyon.”

Bakit ba ikinakabit mo ang kaligayahan mo sa mga bagay na 'yan? Paano kung ang ninanais mong mangyari ay hindi mangyayari? Ibig bang sabihin na ikukulong mo na rin ang iyong sarili sa kalungkutan? Happiness is an inside job. Lahat ng nasa labas na gusto mo ay pansamantalang kaligayahan lang ang dulot nun. Real happiness comes from within. It's about accepting the situation. Pwede ka namang sumaya kahit ganyan ka lang, 'di ba? Yung iba nga kahit walang wala, masaya pa rin sila. Stop seeking happiness in the wrong places. Dapat marunong kang magpahalaga sa mga bagay na nasa sa 'yo na. Hindi perpekto ang ating buhay pero hindi ibig sabihin na hindi na tayo pwedeng sumaya.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177