9 na Rason Kung Bakit Single ka pa Rin Hanggang Ngayon By Brain Power 2177




Palagi nating iniisip na may isang taong itinadhana para sa atin. Pero makikita ba natin ang taong 'yon? Kailan kaya siya ibibigay ng Diyos sa atin? Baka naman nangangarap lang tayo ng gising? O baka sa next life pa natin matatagpuan ang para sa atin?

Pero mas mabuti ng mag-isa kaysa sa toxic naman ang makakasama natin. Sa totoo lang, may mga tao rin namang tatandang mag-isa. Pwedeng choice nila o pwede ring wala silang nagustuhan o walang nagkakagusto sa kanila. Kung single ka pa ngayon, 'wag kang magpokus sa paghahanap ng jojowain mo. Magpokus ka kung anong matutunan mo sa pagiging single mo. Pwede ka namang sumaya kahit mag-isa ka. Masarap naman maging independent, 'di ba?

Ginawa ko ang videong ito para malaman mo kung bakit single ka pa rin hanggang ngayon. 


NUMBER 1
CHOICE MONG MAPAG-ISA


May mga tao kasing gusto lang nila na mag-isa sila. Hindi natin masisisi ang kanilang personalidad. Lalo na sa mga introvert. Napakatahimik nila at napakalalim nilang mag-isip. Ayaw nila ng taong maingay. Kaya mas pinili nila ang mag-isa para hindi ma-distract ang kanilang mood. Hindi naman sila mahiyain. Nakikipaghalubilo din naman sila sa mga tao pero hindi gano'n katagal. Lalo na kung wala silang aral na makukuha sa mga taong nakapalibot sa kanila, hindi sila magtatagal do'n. Ayaw din nila ng tsismisan o pagtsismisan kaya nilalayo nila ang kanilang sarili sa mga tao. Kung single ka ngayon, ito ba ang dahilan kung bakit single ka? Gusto mo bang mapag-isa? Mas pinili mo na lang ang magbasa, makikinig ng musika, manonood ng mga entertainment at educational videos at mas gusto mong tumambay sa nature ng mag-isa. 'Wag kang mag-alala kung ganito ang personalidad mo. Hindi ka naman unsocial. Pinili mo ito dahil dito ka naging masaya. Alam kong hindi maintindihan ng mga tao ang personalidad mo. Pero ang importante, alam mo kung ano ang tunay mong pagkatao.


NUMBER 2
CHOOSY KA


Walang masama kung namimili ka ng taong ipapasok mo sa buhay mo. Pero ang masama lang do'n ay kung SOBRANG CHOOSY mo na umabot sa punto na hindi na realistic ang inaasahan mo. Yun bang imposible ng abutin ang mga standards mo. Pero kung choosy ka lang dahil ayaw mo ng mga taong peke na makapasok sa buhay mo, yun ang tama. Kasi namimili din ako ng partner in life, namimili din ako ng kaibigan, yung mga ka-same minded ko rin para mas madali kaming aangat sa buhay. Kaya ayos lang maging choosy para hindi masayang ang oras mo sa mga taong hindi nakakatulong sa 'yong pag-unlad at hindi align ang goals niyo sa buhay. Marami na kasing negatibong tao ngayon kaya kailangan din nating mag-ingat sa pagpili.


NUMBER 3
NAG-IILUSYON KA


Hindi ka makakahanap ng partner mo kung nag-iilusyon ka lang palagi. Ang ibig kong sabihin, ang PAG-IBIG ay hindi katulad ng pag-ibig na nakikita mo sa TV o nababasa mo sa mga libro. Kapag 'yon ang ini-imagine mo palagi, wala kang maa-attract na tao dahil nag-iilusyon ka lang. Ang true love ay hindi nangyayari kaagad. Walang mystical signs sa totoong buhay. At ang nakikita mo sa TV na mga sweet moments, sa totoong buhay, napakagaspang ng sitwasyon. Mas marami pa ang pagsubok kaysa sa matamis na pagsasama.


NUMBER 4
TAKOT KA NG MAGMAHAL ULIT


Isa ito sa mga dahilan na pinili mong mag-isa na lang. Dahil palagi kang nakaka-attract ng toxic na tao. Pinili mong maging single dahil ayaw mo ng maulit ang nakaraan. Palagi kang nasasaktan. Nauunawaan mo na ang PAG-IBIG ay hindi lang sweet moments, may nakakatakot na side din pala at gusto mong iwasan 'yon. Natatakot ka na maging dependent sa iba dahil kapag nawala sila buhay mo, mawawala ka na rin sa tamang landas. Makakalimutan mo ang pagiging independent at back to zero ka na naman ulit. Pero hindi dapat takot ang pinapairal mo. Dapat mag take ka ng risk. Kapag nagmahal ka, para kang nagsa-sign up na handa ka ng masaktan at handa ka ng ma-disappoint. Kahit pa magkatuluyan kayo, may mga panahon talaga na hindi kayo magkakasundo. In short, falling in love is terrifying because a broken, devastated heart is one of the most painful things a human being will ever experience. Kaya kung takot ang laman ng puso mo, hindi ka makakahanap ng partner kasi hindi mo pa binuksan ang puso mo.


NUMBER 5
MAKASARILI KA


Ito ang negatibong katangian na kailangan mong tanggalin sa sarili mo para makahanap ka ng partner. Hindi ko alam kung bakit naging selfish ka. Siguro dahil na rin sa mga nararanasan mong masakit noon. Ayaw mo ng ibigay ang lahat dahil takot kang hindi masuklian. Pero kung selfish ka ng walang dahilan, 'yon ang sign na toxic ka. Hindi bagay sa 'yo ang magkaroon ng partner kasi masasaktan lang ang tao sa 'yo. Siguro nakikita ito ng mga tao at ito ang dahilan kung bakit walang nagkakagusto sa 'yo. Hindi kasi attractive ang ganitong ugali.


NUMBER 6
HINDI KA NAGBAGO


Siguro may mga negatibo kang ugali na hindi mo binabago kaya ka naging single. Kung hindi mo babaguhin ang ugali mo, walang magkakagusto sa 'yo. Marami na kasi akong naririnig na hindi mo raw dapat binabago ang sarili mo para sa tao dahil kapag mahal ka nila, tatanggapin ka nila. Pero hindi 'yan totoo. Sometimes changing yourself is good for a relationship. Talagang kinakailangan. Relationships are based on compromise because there is no such thing as a “perfect fit” between people. Magkaiba kasi ang infatuation sa true love. Ang infatuation, kahit puno ka ng bisyo, mamahalin ka pa rin ng tao pero mag-eexpire ang infatuation e. Hindi 'yan gagana ng pangmatagalan. Hihiwalayan ka din pagdating ng panahon. Ang pagbabagong tinutukoy ko ay tungkol sa mga bad habits mo. Kung sa pagkatao mo naman o mga interes mo sa buhay, hindi mo dapat binabago 'yon para mag fit kayo. Ang baguhin mo ay ang mga negative habits o mga ugaling makakaapekto sa iba sa negatibong paraan.


NUMBER 7
HINDI KA PA HANDA


Isa ito sa mga dahilan kung bakit single ka. Hindi mo pa nahanap ang sarili mo. Hindi mo pa alam kung anong klaseng tao  ang gusto mong makasama sa buhay mo. Hindi mo pa natutupad ang pangarap mo sa buhay. Ang dami mo pang gustong gawin. Para mahanap mo ang sarili mo, bibigyan kita ng tips.

Una, ilagay mo ang sarili mo sa sitwasyong hindi ka komportable, diyan mo makikita kung paano mo ma-handle ang sitwasyong 'yon.

Ikalawa, gumawa ka ng bagong bagay. Diyan mo malalaman kung ano ba talaga ang gusto mong gawin sa buhay at ano ang mga ayaw mong gawin.

Ikatlo, isipin mo ang mga araw na may nangyaring hindi maganda, ano ang nagbago sa buhay mo?

Ikaapat, gumala ka ng mag-isa. Diyan mo malalaman kung ano totoong desisyon mo sa buhay.

Marami kang matutunan habang mag-isa ka. Madali mong mahanap at makilala ang sarili mo. Kapag kilala mo na ang sarili mo, buksan mo na ang iyong puso para makilala rin ng iba ang tunay mong pagkatao.


NUMBER 8
AYAW MONG MAGPATALI


May mga taong single dahil ayaw nilang may nagkokontrol sa kanila. Gusto nilang gumala ng hindi namamaalam. Gusto nilang uminom ng walang umawat. Siyempre hindi mo na magagawa 'yan kapag may partner ka na dahil ang partner mo ang hahadlang sa kagustuhan mo. Pero mabuting paghadlang naman 'yon. Pero kung ayaw mo ng pinipigilan ka, 'wag ka na lang mag jowa.


NUMBER 9
MAY PANGARAP KA PA


Isa ito sa mga positibong dahilan kung bakit single ka pa rin hanggang ngayon. Siyempre kapag may pangarap tayo sa buhay, minsan sagabal talaga ang relationship e. Lalo na pagdating sa pagbigay ng oras. Hindi natin maibibigay ng sapat ang oras sa partner natin dahil naibuhos natin sa ating pangarap. Mamaya ka na maghanap ng kasintahan kung natupad mo na ang pangarap mo o pwede ring tuparin ninyong dalawa ang pangarap na 'yon kung pareho kayo ng goal sa buhay. Don't forget that relationship fulfills the heart. Ang sarap magmahal. Masakit din naman kung maghiwalay but I think that's the price. It's definitely worth it to find someone whom you can connect with. It sounds obvious but that's how I see it. Hindi lang ito para sa magkarelasyon, pwede ring mapuno ng pagmamahal ang puso mo dahil sa pamilya mo at tunay mong mga kaibigan. Spend time with them. Share stories, talk about your day, your hobbies and interest. That's what makes life all about.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177