Paano Panatilihing Malusog Ang Mental Outlook By Brain Power 2177

Kung paano mapananatili ang isang malusog na pangmalas Ang pisikal na kalusugan natin ay nakadepende sa kung ano ang kinakain natin. Kung palagi tayong kumakain ng junk food, mapipinsala rin ang ating katawan eventually. Katulad din sa ating mental na kalusugan. Kung may pagkaing masustansya at junk food para sa katawan, may pagkain ding katulad non para sa utak. May mental na pagkain ba? Mayroon. Ang mga impormasyong nakukuha natin sa mga aklat, magazine, palabas sa TV, video, online games, song lyrics, at ang dami rin sa Internet. May nakikita at naririnig tayong positibo at negatibong bagay. Lahat ng 'yon, positibo man o negatibo ay nakaaapekto sa ating pag-iisip at sa ating personality. Halimbawa na lang natin ang social media dahil nag boom na ang socmed ngayon, may makikita tayong iba't-ibang larawan at video sa social media at lahat ng nakikita natin dito ay papasok sa utak natin. Akala natin entertainment lang ang hatid nun. Ang pananalita, mga larawan, tunog, ideya, ka...