Mga Benepisyo sa Pagiging Mapagbigay By Brain Power 2177


Photo by Gustavo Fring:
https://www.pexels.com/photo/happy-senior-couple-in-love-with-flowers-in-forest-4148987/


Sinabi ni Jesus, sa Gawa 20:35,


Ayon sa mga mananaliksik, nakabubuti ang pagbibigay. Paano?

Ipinakikita ng mga karanasan na magkaugnay ang PAGBIBIGAY at KALIGAYAHAN. Isinulat ni apostol Pablo, sa 2 Corinto 9:7,


Hindi sinasabi ni Pablo na nagbibigay sila kasi masaya sila. Sa halip, masaya sila kasi nakapagbigay sila.

Sa katunayan, ayon sa isang pag-aaral, kapag nagbibigay ang isa, gumagana ang mga bahagi ng utak na nauugnay sa PLEASURE, SOCIAL CONNECTION, at PAGTITIWALA, anupat nagdudulot ito ng MATINDING KASIYAHAN. Ayon pa sa isang pag-aaral, mas nagiging masaya ang isa kapag nagbigay siya ng pera sa iba kaysa sa gastusin ito para sa kaniyang sarili.

Nadarama mo bang wala kang kakayahang magbigay? Ang totoo, maaaring maranasan ng bawat isa ang kagalakang dulot ng MASAYANG PAGBIBIGAY. Hindi naman kailangan ang malaking halaga para makapagbigay, ang mahalaga ay tamang motibo.

Siyempre pa, hindi lang pera ang maibibigay natin. Marami pang paraan ng pagbibigay.

NAKABUBUTI SA KALUSUGAN ANG PAGBIBIGAY

Sinasabi ng Bibliya, sa Kawikaan 11:17,


Ang isang taong mabait ay bukas-palad at handang magbigay ng PANAHON, LAKAS, PAGMAMAHAL, at iba pa. Kung magiging kaugalian ito ng isa, marami siyang pakinabang. Isa na rito ang pagkakaroon ng MABUTING KALUSUGAN.

Ipinakikita ng mga pag-aaral na mas mababa ang tsansang makaranas ng sakit at depresyon ang mga nagboboluntaryong tumulong sa iba. Sa kabuoan, mas maganda ang kanilang kalusugan. Napatunayan din na kapag tumutulong sa iba ang mga taong nagre-recover pa lang sa pagiging alcoholic, nababawasan ang kanilang depresyon at bumababa ang tsansang bumalik sila sa kanilang bisyo.

Bakit may gayong mga resulta? Dahil sinasabing ang PAGKAMAHABAGIN, KAGANDAHANG-LOOB, at KABAITAN ay tumutulong para maiwasan ang mga negatibong damdamin. Nakababawas din ng stress ang pagbibigay at pinabababa nito ang blood pressure. At ang mga taong namatayan ng mahal sa buhay ay agad na nakaka-recover sa mga sintomas ng depresyon kapag tumutulong sila sa iba. Talagang ang pagbibigay ay makabubuti para sa ating lahat.

NAKAHAHAWA ANG PAGBIBIGAY

Hinimok ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod, sa Lucas 6:38,



Kapag nagbibigay ka sa iba, malamang na pasalamatan ka nila at maging bukas-palad din sila. Kaya itinataguyod ng pagbibigay ang pagtutulungan at pagkakaibigan.

Ayon sa mga mananaliksik na nag-aral tungkol sa ugnayan ng tao, nauudyukan ng mga mapagmalasakit at di-makasarili ang iba na gayon din ang gawin. Sa katunayan, ang pagbabasa lang ng kuwento tungkol sa mga nagpakita ng kabaitan ay nag-uudyok na sa iba na maging mas bukas-palad. Kaya ayon sa isang pag-aaral, maaaring maimpluwensiyahan ng sinuman ang marami o daan-daang tao pa nga, kahit ang ilan na hindi pa niya nakilala at nakita. Sa ibang salita, ang isang gawa ng pagkabukas-palad ay maaaring makahawa sa iba’t ibang tao sa buong komunidad na maging bukas-palad din. Tiyak na gusto mong tumira sa ganitong lugar. Oo, malaki ang pakinabang kung magiging bukas-palad ang mga tao.

TULARAN NATIN ANG PINAKADAKILANG HALIMBAWA
NG PAGBIBIGAY, ANG DIYOS

Natuklasan ng mga pagsasaliksik sa siyensiya na lumilitaw na likas sa tao ang tumulong sa iba. Ayon sa pag-aaral, ang mga bata ay nagpapakita na ng pagmamalasakit sa iba bago pa man sila matutong magsalita. Bakit? Dahil sinasabi ng Bibliya na ang tao ay nilalang AYON SA LARAWAN NG DIYOS (Genesis 1:27) Ibig sabihin, taglay nila ang pangunahing mga katangian ng Diyos.

Ang pagiging bukas-palad ay isa sa mga kahanga-hangang katangian ng ating Maylalang. Binigyan Niya tayo ng buhay at binigyan Niya tayo ng lahat ng kailangan natin para maging masaya. Makikilala natin ang ating makalangit na Ama at malalaman natin ang Kaniyang layunin kung pag-aaralan natin ang Kaniyang Salita, ang Bibliya. Ang Diyos ay bukas-palad at nilalang ka Niya ayon sa Kaniyang larawan. Kaya naman hindi nakapagtataka na kung tutularan mo ang pagiging bukas-palad ng Diyos, makabubuti ito para sa 'yo at sasang-ayunan ka Niya. Basahin natin ang Hebreo 13:16,


Ang PAGBIBIGAY at PAGTULONG sa iba ay nagdudulot ng malaking kagalakan. Pero may higit na kagalakan kung habang tumutulong ka sa iba, naipakikilala mo rin ang isa na pinagmumulan ng lahat ng mabubuting kaloob—ang ating Diyos Ama! Basahin natin ang Santiago 1:17,


Nadarama mo ba ang kagalakang dulot ng pagbibigay?

Tandaan mo na INIIBIG NG DIYOS ANG MASAYANG NAGBIBIGAY.

Masarap makatanggap ng regalo mula sa isang tao na nauudyukan ng pag-ibig at hindi napipilitan lang. Kapag nagbibigay, mahalaga kung ano ang motibo. Mahalaga ito sa atin at lalung-lalo na sa Diyos. Isaalang-alang ang mga salita ni apostol Pablo na nakaulat sa 2 Corinto 9:7,


Bakit isinulat ni Pablo ang mga salitang ito? Gusto niyang pasiglahin ang mga Kristiyano sa Corinto na tulungan ang kanilang nangangailangang mga kapananampalataya sa Judea. Pinilit kaya niya ang mga taga-Corinto na magbigay? Sa kabaligtaran, isinulat niya ang 2 Corinto 9:7 na binasa na natin kanina.

Ang isang tunay na Kristiyano ay nagbibigay dahil NAIPASIYA na niya ito sa kaniyang PUSO. Kaya ang isang Kristiyano ay nagbibigay-pansin sa pangangailangan ng kaniyang mga kapuwa mananamba. Talagang pinag-iisipan ng isang Kristiyano kung ano ang mga pangangailangan ng kaniyang kapananampalataya at kung ano ang magagawa niya para masapatan ang mga iyon. Basahin natin ang 1 Juan 3:17,


Tinukoy ni Pablo ang dalawang uri ng pagbibigay na dapat iwasan ng mga tunay na Kristiyano—ang may PAG-AATUBILI at ang NAPIPILITAN. Ang nagbibigay nang mabigat sa loob, o nag-aatubili, ay nagbibigay MULA SA ISANG PUSONG NANGHIHINAYANG SA PAKAKAWALANG PERA. Ang isang napipilitan ay nagbibigay dahil lamang nagigipit siya na gawin ito. Mayroon bang sinuman na gustong tumanggap ng regalo mula sa isa na nagbibigay nang may pag-aatubili o napipilitan? Hindi nakakatuwang tumanggap ng regalo kung napipilitan lang ang nagbigay.

Kapag ang isang Kristiyano ay nagpasiyang magbigay, dapat niyang gawin ito nang masaya, o may kagalakan. Oo, ang kaligayahan ay resulta ng pagbibigay nang may tamang motibo. Hindi maitatago ng masayang nagbibigay ang kaniyang kagalakan. Sa katunayan, tamang-tama ang salitang MASAYA para ilarawan ang damdamin at reaksiyon ng nagbibigay. Naaantig ng isang masayang nagbibigay ang ating puso. Napapamahal din siya sa Diyos.

Ang mga pananalitang ito ni apostol Pablo ay isang simulaing gumagabay sa mga Kristiyano. Nagbibigay man tayo ng ating ORAS, LAKAS, o MGA ARI-ARIAN, dapat nating gawin ito nang bukal sa loob at dahil nagagalak tayo na maging bukas-palad sa iba, lalo na sa mga nangangailangan. Ang gayong pagbibigay ay hindi lang magpapasaya sa atin, kundi mapapamahal pa tayo sa Diyos, dahil INIIBIG NG DIYOS ANG MASAYANG NAGBIBIGAY.

Likas sa atin na maging mabait sa malalapít nating kamag-anak dahil ito naman talaga ang pangunahing kahulugan ng salitang kabaitan. Pero ang kabaitan ay pangunahin nang isang katangian ng Diyos. Sinabi ni Jesus na ang kaniyang Ama sa langit ay mabait hindi lang sa mga umiibig sa Kaniya, kundi maging SA MGA WALANG UTANG-NA-LOOB (Lucas 6:35). Hinimok ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na tularan ang kabaitang 'yan ng Diyos. Basahin natin ang Mateo 5:48,


Ang mga tao, na NILALANG AYON SA LARAWAN NG DIYOS (Genesis 1:27), ay may kakayahang magpakita ng kabaitan. Oo, puwede nating tularan ang Diyos at matutuhang maging mabait kahit sa mga hindi natin kamag-anak. Inilalarawan ng Bibliya ang kabaitan bilang bahagi ng bunga ng banal na espiritu ng Diyos. Kaya maaari itong malinang habang ang isa ay higit na natututo tungkol sa Diyos at nagiging malapít sa Kaniya.

Yamang ang kabaitan ay likas sa tao at napakahalaga sa Diyos, makatuwiran lang na hilingin sa atin ng Diyos na MAGING MABAIT SA ISA’T ISA (Efeso 4:32).

Sa ngayon, marami ang hindi mabait at hindi mapagpasalamat. Posible pa rin kaya para sa atin na maging mabait sa iba, kahit pa nga sa mga strangers? Ano ang makatutulong sa atin para magawa 'yan? Bakit dapat itong maging mahalaga sa atin?

Kapansin-pansin, pagkatapos banggitin ni apostol Pablo ang tungkol sa pagpapakita ng kabaitan sa mga strangers. Kung magiging habit na nating maging mabait sa iba, pati na sa mga hindi natin kilala o sa mga strangers, maaari tayong tumanggap ng di-inaasahang mga gantimpala. Hindi opsyonal ang magpakita ng kabaitan, napakahalaga nito sa Diyos.

Tinutulungan tayo ng KABAITAN na mas makilala ang Diyos. Sinasabi ng Bibliya na sa panahon natin, marami ang magiging WALANG UTANG-NA-LOOB, DI-MATAPAT, WALANG LIKAS NA PAGMAMAHAL (2 Timoteo 3:1-3). Tiyak na may nakakasama ka ring ganiyang uri ng mga tao araw-araw. Pero hindi 'yan dapat makahadlang sa atin para magpakita ng kabaitan sa iba. Pinaaalalahanan ang mga Kristiyano, sa Roma 12:17,


Maaari tayong magpakita ng saganang kabaitan. Sinasabi ng Bibliya, sa 1 Juan 4:7,


At ang isang paraan para ipakita ang ating pag-ibig ay sa pamamagitan ng pagiging mabait sa iba. Sa ganiyang paraan, mas nakikilala natin ang Diyos, kaya nagiging mas masaya tayo. Sinabi ni Jesus sa kaniyang Sermon sa Bundok, sa Mateo 5:7, 8,



Hindi naman kailangang gumastos nang malaki para magpakita ng kabaitan. Hindi rin ito nakadepende sa iyong kakayahan o pisikal na lakas. Kadalasan nang sapat na ang isang ngiti, sapat na ang madamaying salita, pagtulong, sapat na ang maliit na regalo, o maging ang pagpaparaya sa pila. Kapag hindi ka tiyak kung ano ang dapat sabihin o gawin sa isang partikular na kalagayan, magpakita ka na lang ng kabaitan. Hindi nga kataka-takang hiniling ng Diyos sa kaniyang mga mananamba na IBIGIN ANG KABAITAN (Mikas 6:8)

Kapag nagpapakita tayo ng kabaitan sa iba nang may tamang motibo at pag-ibig sa Diyos, tiyak na maaantig ang kanilang puso. Hindi man pahalagahan ang ating kabaitan, hindi pa rin 'yan sayang. Dahil pinahahalagahan 'yan ng Diyos. Tinitiyak sa atin ng Bibliya na kapag nagpapakita tayo ng kabaitan sa iba, tayo ay nagpapautang sa Diyos. Basahin natin ang Kawikaan 19:17,


Kaya mo bang magbigay ng hindi napipilitan? Kaya mo bang magpakita ng kabaitan sa lahat ng tao?




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177