Huwag Mong Patulan ang mga Taong Feeling Victim By Brain Power 2177
Ito ang tanong ng isang viewer:
Unang-una sa lahat, bakit, sa palagay mo, inaasar o pino-provoke ka ng taong 'yan? Gusto ba niyang makitang mairita ka? Gusto ba niyang makita na magmukha kang tanga? O sadista lang talaga siya na natutuwa sa negatibong nangyari sa 'yo? Siguro OO ang lahat ng sagot ng mga tanong ko sa 'yo.
Ang maipapayo ko sa 'yo at pati na rin sa mga lahat ng nagbabasa na nakakaranas nito, 'wag kang lumaban sa mga taong nangpo-provoke sa 'yo. Bakit? Dahil sabi mo nga sa comment mo,
ikaw palagi ang masama kapag nangangatwiran ka sa kanila. Kaya walang punto na lumaban pa sa taong ito kasi hindi magpapatalo ang taong 'yan. Sarado ang isip ng mga taong toxic. Ayaw nilang matalo dahil masasaktan ang kanilang EGO.
Manahimik ka lang. 'Wag kang magpapaapekto sa taong toxic. Don't give them the satisfaction of knowing that they got to you. Ayon nga sa kantang LET IT GO,
DON'T LET THEM IN
DON'T LET THEM SEE
BE THE GOOD PERSON YOU ALWAYS HAVE TO BE
CONCEAL, DON'T FEEL,
DON'T LET THEM KNOW
Yes, don't let them know na naaapektuhan ka sa mga ginagawa nila. Don't openly express your annoyance to someone trying to provoke you. Kapag ipinapakita mo sa kanila na nagagalit ka, na naiirita ka sa mga ginagawa nila, na naiinis ka na, mae-encourage sila na gumawa pa ng mga bagay na mas ikagalit mo pa. Don't feed them. Matutuwa sila kapag naaapektuhan ka. 'Yan ang gusto nila, kaya ka nila pino-provoke.
i-ignore mo lang sila at tawanan mo lang ang kanilang mga sinasabi. Alam kong madaling sabihin. Kapag kasi nananahimik ka, pagsasabihan ka nila na duwag ka. But it's a TRAP. What they really want to see is you will respond with anger, frustration, or other negative emotions. 'Yan ang gusto nilang makita, ang maging negatibo ka. Kahit kaunting negatibong reaksyon mo lang, mag-o-overreact na sila at ang mas masaklap, ang reaksyon mo ay kaya nilang baliktarin at ikaw na ang may kasalanan sa lahat. Whenever you show any response, they play the victim and turn it into a BIG ISSUE.
Kaya 'wag kang mag react sa mga sinasabi nila. Magkunwari ka na lang na wala kang naririnig o di kaya'y magkunwari ka na wala kang naiintindihan sa mga sinasabi nila. Dapat mahinahon ka lang. Dapat marunong kang magpokus sa sarili mo dahil ikaw lang naman ang nakakaalam sa sarili mo.
Pero kung hina-harass ka na o binu-bully ka na ng isang tao, hindi mo dapat balewalain ito. Ibang usapan na ito. You must take action to put a stop to it. Kung kamag-anak mo ang taong ito, lumayo ka na at mag set ka ng boundaries. 'Wag mong hayaan na tatapak-tapakan ka nila. Putulin mo na ang ugnayan mo sa mga taong puro katoxican lang ang dulot sa buhay mo. Tanggalin mo na sila sa buhay mo kung sobrang nai-stress ka na.
Before I end this video, remember that the most important thing is to safeguard yourself both mentally and physically. Nobody should be mistreated, and you have the right to be respected.


Comments
Post a Comment