Bakit Hindi Lahat ng Panalangin ay Sinasagot ng Diyos? By Brain Power 2177


Photo by Tima Miroshnichenko from Pexels:
https://www.pexels.com/photo/a-bearded-man-praying-5206040/


Handang makinig sa atin ang Ama natin sa langit, at natutuwa Siyang pakinggan ang mga panalangin na mula sa puso. Pero may mga dahilan kung bakit hindi Niya sinasagot ang ilang panalangin. Ano kaya ang mga panalangin na 'yon, at ano ang dapat nating tandaan kapag nananalangin? Tingnan natin ang mga sinasabi ng Bibliya.

Una ang Mateo 6:7,


Hindi gusto ng Diyos na kabisaduhin natin at paulit-ulit na sabihin ang mga panalangin o basahin lang ito mula sa isang aklat. Pero gusto Niyang kausapin natin Siya mula sa puso. Isipin mo ito: Ano ang mararamdaman mo kung may kaibigan ka na paulit-ulit ang mga salitang sinasabi sa 'yo araw-araw? Sumo na kaayong paminawon, di ba? Kapoyon na ka'g paminaw kay balik-balik na lang ang iyang isulti. Ang tunay na kaibigan ay laging makikipag-usap sa 'yo mula sa puso. Iba kasi yung galing sa puso kasi mararamdaman mo e. Kapag sinasabi natin sa panalangin ang mga naiisip at nadarama natin, personal tayong nakikipag-usap sa ating Ama sa langit.

Pangalawa, ang Santiago 4:3,


Kung ang hinihiling natin sa Diyos ay mga bagay na ipinagbabawal Niya o hindi Niya gusto, hindi tayo makakaasa na sasagutin Niya ang mga panalangin natin. Halimbawa, sasagutin ba ng Diyos ang mga panalangin ng isang sugarol na umaasa sa suwerte kahit malinaw ang babala ng Diyos tungkol sa kasakiman, tungkol sa paniniwala sa suwerte at tungkol sa pamahiin? Siguradong hindi 'yon sasagutin ng Diyos. Para sagutin ng Diyos ang mga panalangin natin, dapat na ang mga hinihiling natin ay ang mga bagay na sinasang-ayunan Niya.

Ikatlo, ang Kawikaan 28:9,


Noong panahon ng Bibliya, hindi sinagot ng Diyos ang panalangin ng mga taong sumusuway sa mga batas Niya. Hindi nagbago ang Diyos. Para sagutin ng Diyos ang mga panalangin natin, dapat na gawin natin ang makakaya natin para masunod ang mga utos Niya. Pero paano kung may nagawa tayong mali noon? Ibig bang sabihin, hindi na tayo papakinggan ng Diyos? Hindi naman gano'n! Kung magbabago tayo at gagawin ang mga bagay na magpapasaya sa Kaniya, papatawarin tayo ng Diyos.

Napakaganda ng sinabi ng Hebreo 11:6,


Ang panalangin ay hindi lang paraan para mailabas ang nararamdaman natin kapag nai-stress tayo. Pagpapakita rin ito ng pananampalataya sa Diyos at bahagi ito ng pagsamba natin sa Kaniya. Kung hindi tayo PATULOY NA HIHINGI NANG MAY PANANAMPALATAYA, hindi tayo MAKAAASA NA TATANGGAP TAYO NG ANUMAN MULA SA DIYOS. Para magkaroon ng pananampalataya sa Diyos, kailangan nating magsikap at maglaan ng panahon sa pag-aaral ng Bibliya para makilala natin Siya. Kapag ginawa natin ito, malalaman natin ang kalooban Niya at makakatiyak tayo na papakinggan Niya ang mga panalangin natin.

Pero 'wag kang sumuko. Alam kong pinapakinggan ka ng Diyos kung nananalangin ka mula sa puso. Maghintay ka lang sa sagot Niya. Sabayan mo rin ng iyong pagkilos.

Paano Tayo Mananalangin Para Pakinggan Tayo ng Diyos?

Sa Awit 65:2, tinatawag ang ating Diyos na DUMIRINIG NG PANALANGIN. Puwede natin Siyang kausapin kahit saan at kahit kailan, malakas man ang ating boses o hindi. Gusto ng Diyos na tawagin natin Siyang “Ama,” at siya talaga ang pinakamabuting Ama para sa atin. Mahal tayo ng ating Diyos Ama kaya tinuruan Niya tayo kung paano dapat manalangin.

MANALANGIN TAYO SA DIYOS AMA SA PANGALAN NI JESUS. Basahin natin ang Juan 16:23,


Malinaw ang sinabing 'yan ni Jesus. Gusto ng Diyos na manalangin tayo, hindi sa pamamagitan ng mga imahen, santo, anghel, o sa mga ninuno, kundi sa pangalan ni Jesu-Kristo. Kapag nananalangin tayo sa Diyos sa pangalan ni Jesus, ipinapakita natin na pinapahalagahan natin ang ginawa ni Jesus para sa atin. Basahin natin ang Juan 14:6,


Kaya MANALANGIN TAYO MULA SA ATING PUSO. Ito ang sabi sa Awit 62:8,


Kapag mananalangin tayo sa Diyos, makipag-usap sa Kaniya na parang nakikipag-usap ka sa isang maibiging ama. Imbes na basahin o sabihin ang isang kabisadong panalangin, dapat tayong makipag-usap sa Kaniya nang may paggalang at mula sa puso.

MANALANGIN TAYO AYON SA KALOOBAN NG DIYOS. Basahin natin ang nakasulat sa 1 Juan 5:14,


Mababasa sa Bibliya kung ano ang gagawin ng Diyos para sa atin at kung ano ang dapat nating gawin para sa Kaniya. Para pakinggan ng Diyos ang mga panalangin natin, dapat tayong manalangin AYON SA KALOOBAN NIYA. Kailangan nating mag-aral ng Bibliya para makilala pa natin Siya ng husto. Kung pag-aaralan natin ang Salita ng Diyos, matutuwa ang Diyos na pakinggan ang mga panalangin natin.

Baka maitanong mo, ano naman ang pwedeng ipanalangin natin? Kahit ano basta't galing sa puso mo at naaayon rin sa kalooban ng Diyos. Halimbawa,

una, pwede nating ipanalangin ang ating mga pangunahing pangangailangan. Ang ating pagkain, damit, at tirahan. Puwede rin tayong humingi ng karunungan para makapagpasiya tayo nang tama. Pwede rin tayong humingi ng lakas para makayanan natin ang mga problema. Puwede nating ipanalangin sa Diyos na magkaroon tayo ng pananampalataya, na patawarin tayo, at na tulungan Niya tayo.

Pangalawa, pwede rin nating ipanalangin ang iba. Katulad ng mga magulang natin, natutuwa ang mga magulang kapag nakikita nilang nagmamahalan ang mga anak nila. 'Yan din ang gusto ng Diyos na gawin ng mga tao. Kaya tama lang na ipanalangin mo ang asawa mo, ang mga anak mo, kapamilya, at kaibigan mo. Isinulat ng alagad na si Santiago, sa 5:16,


Ikatlo, pwede rin nating ipanalangin kung gaano tayo ka-grateful sa Diyos. Tungkol sa ating Maylalang, sinasabi ng Bibliya, sa Gawa 14:17,


Kung iisipin natin ang lahat ng ginawa ng Diyos para sa atin, mapapakilos tayo nito na pasalamatan Siya sa panalangin. At maipapakita natin na talagang nagpapasalamat tayo sa Kaniya kung susundin natin Siya.​

Natural lang naman na minsan, baka nalulungkot tayo kasi parang hindi agad sinasagot ang mga panalangin natin kahit mula ito sa puso. Ibig bang sabihin, walang pakialam ang Diyos sa atin? Hindi! Kailangan lang nating magpatuloy sa pananalangin.

Siyempre, hindi naman natin kailangang hintayin na manganib ang buhay natin o na may dumating na napakabigat na problema bago tayo manalangin. Lahat tayo ay nagkakaproblema—malaki man ito o maliit. At madalas, kailangan natin ng tulong para maharap 'yon. Teka lang, nakakatulong ba talaga ang panalangin?

Ang sabi ng Bibliya, sa Awit 55:22,


Nakakapagpatibay 'yan! Kaya paano ka matutulungan ng panalangin? Kapag mananalangin ka sa Diyos sa tamang paraan, ibibigay Niya ang kailangan mo para maharap mo ang mga problema.​

Kapag mananalangin tayo, magiging payapa ang ating isip. Basahin natin ang napakagandang nakasulat sa Filipos 4:6, 7,



Kapag sinabi mo sa Diyos ang lahat ng ikinababahala mo, tutulungan ka Niya na maging kalmado at kumilos nang may karunungan kahit nai-stress ka.

Kapag mananalangin tayo, bibigyan tayo ng Diyos ng karunungan. Ito ang sabi sa Santiago 1:5,


Kapag nai-stress tayo, hindi tayo laging nakakagawa ng mga tamang desisyon. Pero kung hihingi tayo ng karunungan sa Diyos sa panalangin, puwede niyang ipaalala sa atin ang mga prinsipyo sa Bibliya na makakatulong sa sitwasyon natin.

Kapag mananalangin tayo, palalakasin tayo ng Diyos at patitibayin Niya tayo. Basahin natin ang Filipos 4:13,


Dahil ang Diyos ay Makapangyarihan-sa-Lahat, puwede ka Niyang bigyan ng lakas na kailangan mo para maharap o malampasan ang problema mo. Sa Bibliya, Siya'y tinawag na DIYOS NA NAGBIBIGAY NG KAALIWAN (2 Corinto 1:3). Kaya puwede Niya tayong patibayin SA HARAP NG LAHAT NG PAGSUBOK.

Pero hindi ka naman pinipilit ng Diyos na manalangin ka sa Kaniya. Pero gusto Niya na manalangin ka sa Kaniya. Pero paano kung may pagkakataon na hindi sinagot ng Diyos ang mga panalangin mo? Huwag kang panghinaan ng loob o sumuko. Tandaan mo, mahal ng mga magulang ang kanilang mga anak, 'di ba? Pero hindi nila laging ibinibigay ang mga hinihiling ng mga anak nila sa panahon at paraan na inaasahan ng kanilang mga anak, 'di ba? Baka may mas magandang naiisip ang mga magulang nila. Pero isang bagay ang sigurado: Gusto ng mapagmahal na mga magulang na tulungan ang kanilang mga anak.

Ganiyan din ang ating Diyos. Gusto ng ating Diyos na tulungan tayong lahat. Kung pag-iisipan mo ang mga tinalakay sa videong ito at susundin mo ang mga ito, sasagutin ng Diyos ang mga panalangin mo sa pinakamagandang paraan!

Uulitin ko, nakikinig ang Diyos sa ating panalangin pero hindi Niya ito sasagutin agad dahil gusto Niya na mahaba ang ating pasensya at hindi tayo panghinaan ng loob. At tandaan mo rin na ibibigay Niya kung ito'y naaayon sa Kaniyang kalooban. Gusto rin ng Diyos na manalangin ka sa Kaniya pero hindi ka Niya pinipilit. At talagang nagmamalasakit sa 'yo ang Diyos. Alam na alam ng Diyos ang mga problema at álalahanín natin, at gusto Niya tayong tulungan.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177