7 GAMOT Para Mawala ang Inggit By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio:
https://www.pexels.com/photo/yelling-formal-man-watching-news-on-laptop-3760778/


Ang inggit ay may positibong epekto din naman sa ating buhay. It can be a major driving force that causes us to make something of ourselves. Kapag nakikita nating may nakakamit ang ibang tao lalo na kapag gusto natin ang mga bagay na nakakamit nila, naiinggit tayo sa kanila at gusto rin nating makamit ang mga bagay na 'yon. This makes us work harder. Positibong inggit ito. Pero kapag sumobra na, tayo ang magdurusa, tayo ang mapapahamak. Maling inggit na ito.

Ang kahabag-habag na kahihinatnan ng taong mainggitin ay nakasaad sa kinasihang Kawikaan 28:22,


Kung tayo'y mainggitin, maghihirap tayo dahil hindi na tayo makontento sa mga nakamit natin at tayo'y mababalisa. Ang inggit ang bumabalot sa atin. Pakiramdam natin na hindi tayo malaya. Sobra na tayong bitter sa mga kapwa natin. Ito rin ang nagtutulak sa atin na gumawa ng masama.

Kahit masama ang epekto ng sobrang inggit, bakit pinairal pa rin natin ito sa ating buhay? It is a constant battle that wars against our heart and soul. Naiinggit tayo sa hitsura nila, sa kanilang mga talento, sa kanilang kayamanan. It offers no positive contribution to our lives. Yet, it remains. Bakit nananatili pa rin ang inggit sa puso mo? It's time to break free.


NUMBER 1
MAGPOKUS KA SA BUHAY MO


Maraming nangyayaring maganda sa 'yong buhay na hindi mo napapansin kasi nakapokus ka sa buhay ng ibang tao. Pinagpala ka rin naman ng Diyos pero tini-take for granted mo lang. Count your blessings again. May talento ka. May nagmamahal sa 'yo. May halaga ang buhay mo. You have countless reasons to be grateful for the life you've been given.

Kung mapagpasalamat tayo, nagiging balanse ang tingin natin sa ating sarili. Nagiging positibo ang tingin natin sa ating sarili. Isang magandang dahilan 'yan para maging mapagpasalamat. Kung mapagpasalamat tayo, gumaganda ang pakiramdam natin. Bakit nakakapagpasaya ang pagiging mapagpasalamat? Dahil doon natin mapapansin na wala na palang kulang sa buhay natin. Siyempre iniisip mo ngayon na may kulang dahil doon ka sa kakulangan nakapokus. Scarcity mindset.

Lalo na tayong dapat maging mapagpasalamat sa Diyos. Tiyak na naiisip mo rin ang maraming espirituwal at materyal na regalong ibinigay Niya at patuloy pang ibinibigay. Pero sa halip na basta isipin lang ang kabaitan ng Diyos, bakit hindi ka gumugol ng panahon para isiping mabuti ang maraming pagpapala na ibinibigay ng Diyos sa 'yo at sa mga mahal mo. Kapag binubulay-bulay natin ang pagkabukas-palad ng ating Maylalang, lalo natin Siyang pahahalagahan at mas madarama natin kung gaano Niya tayo kamahal.​

Dapat din tayong maging mapagpasalamat dahil nakakatulong ito sa atin na maging positibo sa halip na negatibo. Kapag mapagpasalamat tayo, para nating hinaharangan ang negatibong kaisipan kaya mga positibong bagay lang ang naiisip natin. Hindi tayo nakakapagtuon ng pansin sa mga problema. Habang nagiging mapagpasalamat tayo, mas marami tayong nakikitang positibo, kaya lalo pa tayong nagiging mapagpasalamat. Hindi makakapasok ang inggit kung nakapokus tayo sa ating buhay.


NUMBER 2
ITIGIL MO NA ANG PAGKOKOMPARA


Sa oras na ikokompara mo ang iyong sarili sa iba, palagi kang talo. Bakit? Lahat ng nakikita mo sa iba ay ang mga HIGHLIGHTS ng kanilang buhay tapos nilalaban mo sa PANGIT mong karanasan. Talo ka lagi.  Tandaan mo, kahit gaano ka pa kagaling, kayaman, kagwapo, palaging may MAS LAMANG pa sa 'yo. We always compare the worst of what we know about ourselves to the best assumptions we make about others. It's always a losing proposition. Tandaan mo, lahat ng taong kinaiinggitan mo, may kinakaharap din 'yang matinding problema, maraming pinagdaanang pagsubok, lahat ng hamon nilalabanan, may mga kahinaan din sila katulad mo. Nobody is exempt. Nobody has it all. Nobody.

Kung ihahambing mo ang iyong sarili sa iba, puwede kang maging mayabang o di-kontento. Kaya maging mahinhin, o mapagpakumbaba, at tanggapin mo na hindi ka magiging angat sa lahat ng bagay.​ At lagi mong itatak sa isipan mo na hindi mo alam ang takbo ng buhay ng lahat ng tao. Nakikita mo lang ang mga HIGHLIGHTS ng kanilang buhay. Hindi ang kanilang BEHIND THE SCENES. Nakikita mo lang kung ano ang ipinapakita nila pero hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan nila. Your life is not only made of success all the time. It's UP and DOWN, and you can only judge the journey at its end. And most of all, you possess an amazing ability to EVOLVE and GROW. Dahan dahan lang sa paggawa ng mga bagay. Simulan mo na ngayon. Magbubunga rin ang lahat. 'Wag mong sayangin ang iyong oras sa kakahambing sa sarili mo dahil madidismaya ka lang.


NUMBER 3
'WAG KANG SUMAMA SA MGA MAINGGITIN


Kadalasan nang ginagaya natin ang mga taong nakakasama natin. Napakalakas ng impluwensiya ng ating mga kaibigan sa ating mga saloobin. Kaya ang mga kaibigang pinipili natin ay makaiimpluwensiya sa magiging pagkatao natin. Halimbawa may mga kaibigan kang puro angatan na lang ang pag-iisip, siyempre ganyan ka din mag-isip. Tapos sasabihin pa nila, dapat may maganda kang bahay. Dapat may sasakyan ka na. Dapat may magagara kang mga damit. Dapat mag-asawa ka na dahil matanda ka na. Dapat patunayan mo sa mga tao na kaya mong bilhin 'yan. Paano kung hindi mo kaya? Matataob ka sa kompetisyon na 'yan. Paano naman kung kaya mo? Hindi ka rin magiging masaya dahil ginagawa mo ang mga bagay na hindi mo naman gusto. Nagiging sunud-sunuran ka lang nila. Ginagawa mo lang para may maipapakita ka sa iba. So why even bother hanging out with those people when all it's gonna do is feed your insecurity, cause you to feel like you're not good enough, and make you feel like you need to compete. Ang tunay na mga kaibigan ay tapat at tumutulong sa 'yo na gawin ang tama.


NUMBER 4
MAGING MASAYA SA NAKAMIT NG IBA


'Yan ang isa sa mga gamot ng inggit. Kung ano man ang nakamit ng iba, maging masaya ka. Yung saya na hindi peke. Find genuine happiness in the success of other people. Hindi naman kompetisyon ang buhay e. Hindi naman ibig sabihin na nakamit nila ang bagay na ito ay hindi mo na pwedeng makamit ito. Kaya mo rin naman 'yang kamtin kung may ginagawa ka lang. Hindi naman ibig sabihin na nanalo sila, ay talo ka na. Kahit talo ka sa ngayon, may pagkakataon pa rin naman para bumawi. Don't focus on what you feel anyone deserves or doesn't deserve. Instead, just focus on their joy, smile brightly, and celebrate with them.

Iba na kasi ang mga tao ngayon e, nadadapuan na sila ng crab mentality. Yun bang, kung hindi ko maabot 'yan, dapat hihilahin rin kita para hindi mo rin maabot. Hindi dapat ganyan ang ipasok mo sa 'yong utak. Mabuti naman ang pakikipagkompetensiya para ma-improve natin ang ating sarili. Ang mali lang ay nakikipagkompetensiya ka tapos naghahangad ka na sana'y mabigo ang iba para ikaw ang umangat. 'Yon ang napakalaking mali. People allow fears and insecurities to cloud their judgment. Hindi na nila nakikita kung ano ang dapat i-improve sa kanilang sarili. Kapag nakikita nilang nagtatagumpay ang iba, napupuno ang kanilang puso ng galit dahil umaasa sila na yung tagumpay na 'yon ay dapat para sa kanila. Why can't we be happy for other people's success? Of course we can. And we should. That nasty streak of comparison, jealousy, and dissatisfaction needs to be curbed in order to be happy in order to be happy.


NUMBER 5
GAWIN MONG POSITIBO ANG INGGIT


This is one of my personal favorites because it stems from a place of positivity rather than negativity. Halimbawa gusto mo ng trabaho na mataas ang sahod pero hindi mo nakuha. Tapos nakuha ng kaibigan mo, ano ang gagawin mo sa sitwasyon na 'yan? Maiinggit ka? Remember, envy is a negative feeling and you should ditch it the first chance you get. Kaya ano ang gagawin mo? Gawin mong motibasyon ang inggit. Instead of feeling envious of them, use this as an inspiration and motivation to work even harder to get that dream job of yours. Hindi naman ibig sabihin na nakuha ng kaibigan mo ang trabahong gusto mo ay wala ng ibang trabahong makukuha mo. Marami pang pagkakataon at may oras ka pang i-improve ang sarili mo.


NUMBER 6
MAGPOKUS KA
SA PAG IMPROVE SA SARILI MO


Kapag wala kang pinagkakaabalahan sa buhay, ang papasok sa isip mo ay puro negatibo na lang. Wala kang ibang maiisip kundi ang tingnan ang buhay ng iba. The mind just keeps on running and before you know it, it starts thinking about what you don't have in your life. Ito ang dahilan kung bakit ka nalulungkot. Gumawa ka ng mga bagay na makakapag-improve sa sarili mo. Dapat may pinagkakaabalahan ka. Hindi mo mapapansin ang ginagawa ng ibang tao kung may ginagawa kang produktibo araw-araw. Gamitin mo ang free time mo para matuto ka ng bagong skill o i-enhance mo ang iyong skill. Kapag abala ka na sa buhay, wala ng oras para mainggit pa. Gumawa ka ng plano, magtakda ka ng layunin mo. Find the motivation to change your life in the ways that you want.


NUMBER 7
BAWASAN MO ANG ORAS
SA PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA


Hindi pwedeng minu-minuto, social media ang inaatupag mo. Ang daming pekeng buhay sa social media. Halos lahat pinapaniwalaan natin. Ang dami nating nakikitang perpektong buhay. May mga relationship goals. Perfect travel. Halos lahat perpekto. Pero sa totoong buhay, hindi naman gan'on kasaya ang buhay nila. You have to remember that people tend to post only the best versions of themselves on social media. Pinipili lang ng mga tao kung ano ang ipo-post nila. Tinatago nila ang pangit na parte ng buhay nila, tinatago nila ang kanilang kahirapan at ang kanilang kabiguan. They pick the most socially acceptable and praise-worthy parts and that's what they post. Maraming pangyayari ang nagaganap sa buhay ng tao na hindi nila ipinapakita sa social media at ipaalala mo sa sarili mo na pare-pareho lang tayo ng buhay. May problema tayong lahat.

Gusto ng Diyos na labanan natin ang inggit at itaguyod ang kapayapaan. Dapat nating pagsikapang magawa ang mga bagay na 'yan. Gaya ng tinalakay sa artikulong ito, may tendensiya tayong mainggit. At ang mundong kinabubuhayan natin ay nagtataguyod ng inggit. Pero kung tayo ay mapagpakumbaba, kontento, at mapagpahalaga, mawawalan na ng lugar ang inggit. Sa halip, maitataguyod natin ang kapayapaan na pagmumulan ng magagandang katangian.​




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177