7 GAMOT Para Mawala ang Inggit By Brain Power 2177

Paano mawala ang inggit? Photo by Andrea Piacquadio: https://www.pexels.com/photo/yelling-formal-man-watching-news-on-laptop-3760778/ Ang inggit ay may positibong epekto din naman sa ating buhay. It can be a major driving force that causes us to make something of ourselves. Kapag nakikita nating may nakakamit ang ibang tao lalo na kapag gusto natin ang mga bagay na nakakamit nila, naiinggit tayo sa kanila at gusto rin nating makamit ang mga bagay na 'yon. This makes us work harder. Positibong inggit ito. Pero kapag sumobra na, tayo ang magdurusa, tayo ang mapapahamak. Maling inggit na ito. Ang kahabag-habag na kahihinatnan ng taong mainggitin ay nakasaad sa kinasihang Kawikaan 28:22 , Kung tayo'y mainggitin, maghihirap tayo dahil hindi na tayo makontento sa mga nakamit natin at tayo'y mababalisa. Ang inggit ang bumabalot sa atin. Pakiramdam natin na hindi tayo malaya. Sobra na tayong bitter sa mga kapwa natin. Ito rin ang nagtutulak sa atin na gumawa ng masama. Kahit masama...