Pagmamahal na Walang Kondisyon By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio:
https://www.pexels.com/photo/woman-in-gray-tank-top-while-sitting-on-bed-3807730/


Nasaktan ka na ba ng taong mahal mo? Nasaktan ka na ba ng taong inaakala mong ni hindi ka sasaktan o di kaya'y hahayaang masaktan? Yung inaakala mong ituturing kang kanilang katuwang sa buhay, 'yon pala itinuturing kang trapo. Masakit, 'di ba? Pero no'ng nasaktan ka, anong ginawa mo? Gumanti ka ba o nangingibabaw sa puso mo ang pagpapatawad? Mahirap magpatawad, 'di ba? Lalo na kung ang taong nanakit sa 'yo ay yung taong may malaking parte sa buhay mo. Kung ikaw yung nasaktan o sinaktan, ano ang paiiralin mo? Ang magalit at gumanti, o magpatawad at tanggapin siyang muli?

Minsan kung sino pa ang mga taong malalapit sa atin at ating pinagkakatiwalaan ay sila pa ang magiging dahilan kung bakit tayo nasasaktan. Bakit tayo nasasaktan? Kasi importante sila sa atin. Kasi mahal natin sila. Pero kapag malalim ang sugat natin dahil sa kanilang ginawa, minsan yung pagmamahal natin sa kanila ay natatabunan na ng galit. GALIT na nauuwi sa POOT, hanggang sa ikulong natin ang ating mga sarili dahil sa galit na ating nararamdaman. Lahat ng kabutihan na kanilang ginawa ay nawala at napalitan ng sakit at galit ng dahil sa isang pagkakamali. Inaamin ko, oo, naranasan ko na 'yan, na pairalin yung galit kaysa sa pagpapatawad. Naranasan ko ring isisi ang lahat sa taong nakasakit sa 'kin? Makita ko lang ang taong 'yon, kumukulo na ang dugo ko. Ni hindi ako makatagal sa isang lugar na kasama siya. Naranasan mo na ba 'yan lahat sa taong inaakala mong hindi ka sasaktan? yung inaakala mong poproteka sa 'yo at ipagtatanggol ka sa iba?

Minsan tinatanong mo ang sarili mo kung may mali ba sa 'yo? may kulang ba? Alam mo namang mabait ka, maalaga, masipag, mapagmahal, pero bakit sinaktan ka pa rin ng taong mahal mo? Naramdaman mo ng... nangibabaw yung galit sa puso mo. Galit na ikaw mismo ang lumikha. Yung pagmamahal na ipinaramdam niya sa 'yo mula umpisa, yung pag aalaga niya sa 'yo, lahat ng 'yon nabura at napalitan ng galit. Nawala na ang respeto mo sa taong 'yon.

Dahil sa sakit at galit na nabubuo sa puso mo, natutunan mo rin kung paano magpatawad, kung paano pairalin ang pagmamahal at kung paano magmahal ng totoo. Nasa Bibliya ang kasagutan. Tuturuan ka ng Panginoon kung paano magmahal ng tunay. Magmahal ng walang kondisyon, na sa kabila ng sakit, sugat at pagkakamali na kanilang nagawa ay makakaya mo silang tanggapin, mapatawad at mahaling muli.

Tuturuan ka ng Panginoon na patawarin ang mga taong nananakit sa 'yo sa kabila ng kanilang nagawa. Sabi nga nila "Kung ang Dios ay nagpapatawad, tayo pa kayang tao lamang". Totoo naman, 'di ba?


Tunay nga na napakahirap magpatawad at mahalin ang mga taong walang ibang iniwan sa atin kundi ang malalim na sugat at sakit subalit may isang Diyos na nagturo sa atin kung paano magmahal at magpatawad sa mga taong nakakasakit sa atin. Ang sabi sa Kanyang aklat, "mahalin mo ang iyong mga kaaway". Isang klase ng pagmamahal na napakahirap gawin at napakahirap ibigay. Subalit ito ang pagmamahal na ipinakita Niya sa atin. Pagmamahal na handang umunawa at tumanggap sa kakulangan at kamalian. Pagmamahal na handang magpatawad ng sakit, hinanakit at masasamang karanasan na dulot ng iba. Pagmamahal na walang kondisyon o hinihinging kapalit. Pag-ibig na tulad ng pag-ibig ng Diyos.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177