Ngayon na ang Tamang Pagkakataon By Brain Power 2177


Photo by Cliford Mervil:
https://www.pexels.com/photo/silhouette-of-person-standing-near-camping-tent-2398220/


Ano ba ang pumipigil sa 'yo? Pagod ka na ba? Hindi ka ba makatulog dahil sa dami ng problema? Wala ka na bang lakas para magpatuloy? Wala ka na bang oras sa sarili mo? 'Yan ba ang humahadlan sa 'yon ngayon? Hindi ba kasya ang pera mo? 'Yan ba ang palagi mong iniisip? 'Yan ba talaga ang humahadlang sa 'yo o IKAW mismo ang humahadlang sa sarili mo?

Masarap magdahilan. Madaling magdahilan. Sa palagi mong pagdadahilan, mas lalo mong kinawawa ang sarili mo. Tapos palagi mong sinasabi sa mga tao kung gaano ka kalungkot, kung gaano ka-miserable ang buhay mo, tapos sinasabi mo na ito ang dahilan, 'yan ang dahilan. Sa tingin mo may maniniwala sa 'yo? Hindi ba't 'yan ang mga bunga ng mga ginagawa mo? 'Wag kang mainggit sa mga taong angat sa buhay kasi doble nila yung pinaghirapan.

Kung hindi ka kikilos, walang mangyayari sa buhay mo. Walang tao ang magbibigay  sa 'yo ng marangyang buhay. Ikaw ang kikilos upang makaahon ka sa kahirapan. Subukan mong ilabas ang kakayahan mo. Laruin mo ang buhay. Kailangan mong sumulong. 'Wag kang maghintay ng tamang pagkakataon. Ikaw ang gagawa ng tamang pagkakataon. Alam kong may problema ka ngayon. Gumawa ka ng paraan upang solusyonan ang problema mo. Kung gusto mong makuha ang buhay na gusto mo, kumilos ka.

Hindi pwedeng palagi ka lang magdadahilan na kesyo ganito, kesyo ganyan. Hindi ka ba nagsasawa sa istilo mong 'yan? Gumising ka. 'Wag kang magsinungaling sa sarili mo. Kasi ang totoo, may sapat na oras ka. May kakayahan ka. May kaalaman ka. May lakas ka. May disiplina ka. May mga taong sumuporta sa 'yo. Nandiyan ka sa mababang sitwasyon ng buhay kasi wala kang ginagawa.

Lahat ng ginagawa mo ay magbubunga sa huli. Pero ang matamis na bunga na 'yon ay makukuha mo kung haharapin mo ang hamon ng buhay. Lahat ng magagandang bagay ay kailangang paghirapan. Hindi 'yan mahuhulog tapos pupulutin mo lang. Hindi ganyan kasimple ang buhay. Napakahirapnng buhay. Kung gusto mo, may paraan kaya gumawa ka ng paraan upang makuha mo ang gusto mo.

Ngayon na ang tamang pagkakataon. Ngayon na ang tamang oras. Ito na ang tamang lugar. 'Wag kang maghintay ng bukas. Paano kung bukas wala ka na? Buhay ka ngayon. Hindi mo pa alam ang mangyayari bukas. Pangarap mo ito, 'di ba? Kung talagang may pangarap ka, hindi pwedeng wala kang gagawin. Magbabago ang buhay mo, kung may gagawin ka lang. Tandaan mo 'yan.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177