Harapin mo ang mga Hamon sa Buhay By Brain Power 2177


Photo by Tobias Bjørkli:
https://www.pexels.com/photo/man-looking-at-a-rock-formation-2334533/


Marami na ang nabigo hindi dahil wala silang abilidad kundi dahil hindi sila seryoso sa kanilang ginagawa. Kulang sila ng puso. Kaunting kahirapan lang, sumuko na kaagad. Alam mo naman na ang buhay ay hindi puro kaligayahan lang. Napakaseryoso ng hampas ng pagsubok sa ating buhay. Minsan napakadumi maglaro ng buhay. Kahit gaano ka pa katibay sa tingin mo, may panahon na luluhod ka talaga. Pero kung matatalo ka man sa laban ng buhay, tumayo ka at lumaban ka ulit. Dadaan ka talaga sa kabiguan.

Kapag nasa kadiliman ka, 'wag mong hintayin na matamaan ka ng liwanag. 'Yan ang kadalasang ginagawa ng mga tao. Naghihintay na lang sila ng liwanag. 'Wag kang magmukmok sa silid. Ang tanging paraan na magagawa mo ay tumayo ka at lumabas ka sa kadiliman. Harapin mo ang hamon ng buhay. Harapin mo ang mga bagay na kinakatakutan mo. Hanapin mo ang liwanag.

Kung nabibigo ka ngayon, maaaring mabibigo ka ulit bukas. Hindi mawawala ang pagsubok sa buhay. Palaging may mga problema. Palagi ring may leksyon na ating matutunan. Kung durog na durog ka ngayon, 'wag mong kalimutan na may lakas pang natitira sa loob mo. Kaya mong baguhin ang sitwasyon mo.

Kahit ang daming dapat labanan, kahit napanghinaan ka na ng loob, kahit wala ng tiwala ang mga tao sa 'yo, kahit sinukuan ka na nila, 'WAG MONG SUKUAN ANG SARILI MO.

Kung naniniwala ka na kaya mo, talagang MAKAKAYA MO kung may gagawin ka lang. Hindi uusad ang buhay mo kung palagi kang takot magkamali, kung palagi kang takot mabigo. Paano ka uunlad kung takot ka sa negatibong resulta ng iyong ginagawa? Paano ka matututo kung wala ang mga 'yon? Lahat ng mga taong nagtatagumpay, pinagtawanan sila ng mga tao, pinagsabihan silang baliw dahil sa taas ng kanilang pangarap, tinatawag silang talunan, walang naniniwala sa kanila. Ang dami nilang mga bashers. Ang dami nilang mga haters. 'Wag kang matakot sa kanila. Gamitin mo 'yan bilang motibasyon.

Napakahirap kalabanin ng lipunan. Gusto nila na perpekto ka. Napakataas ng kanilang standard. Hindi mo maabot ang kanilang expectations. Kaya yung iba ay natatakot. Tumambay na lang sila sa kanilang comfort zone. Gusto nila na safety sila, walang mamba-bash, walang haters, pero kung 'yan ang nasa isip mo, walang mangyayaring maganda sa buhay mo. Kasi ang comfort zone ay parang dead zone. Stable lang ang buhay d'on. Dapat patuloy mong i-push ang sarili mo. Paano mo malalaman ang tunay mong potensyal kung paulit-ulit lang ang ginagawa mo?

Lahat tayo ay matatamaan ng matinding pagsubok. Pero hindi ito tungkol sa kung gaano kalakas ang tama natin, ito'y tungkol sa kung gaano tayo katibay sa pagsalo sa lahat ng mga pagsubok. Alam kong may problema ka ngayon, umabante ka pa rin. Harapin mo ang lahat ng pagsubok. Kung alam mo ang tunay mong halaga, lumabas ka at subukan mo ang iyong kakayahan. Dapat handa kang humarap sa mga problema.

May gantimpala sa mga taong nagpapatuloy. Habaan mo ang iyong pasensya, determinasyon, manalig ka sa Panginoon, magtiwala ka sa sarili mo. Wala ng oras para kaawaan mo ang iyong sarili. Wala ng oras para magreklamo ka sa buhay mo. 'Wag mong sayangin ang iyong oras. Tumigil ka na sa kakareklamo. Tumigil ka na sa kakaiyak. May oras pa para baguhin ang sitwasyon mo. Kailangan mong bumangon. May kailangan ka pang gawin.

Ano ba ang mga BAKIT mo? Ano ba ang NAG-UUDYOK sa 'yo? Ano ba ang NAGTUTULAK sa 'yo? Ano ba ang NAGPAPALAKAS sa 'yo? Kung kumilos ka ng kusa, makukuha mo ang tagumpay. May mga tao kasi na kumikilos lang dahil may nagtutulak sa kanila na kumilos. Pero kung kumilos ka dahil tinutulak ka ng sarili mo, may posibilidad na mananalo ka.

Angkinin mo ang resulta kahit negatibo pa 'yan. 'Wag mong isisi sa iba kung bakit nandiyan ka sa kalagayan na 'yan. 'Wag kang magdahilan na kesyo ganito, kesyo ganyan. Kontrolin mo ang iyong ego. Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit nandiyan ka. Ikaw ang dahilan kung bakit nagkamali ka. Ikaw ang dahilan kung bakit nabigo ka. Ikaw ang dahilan kung bakit nagkaproblema ka. Ikaw rin ang sosolusyon ng mga problema mo.

Posibleng magtatagumpay ka. Kinakailangang may plano ka at kailangang kumilos ka. Kailangang magpatuloy ka kahit nahihirapan ka na. Hindi ka pwedeng sumuko. Napakahirap ng buhay. Walang madali sa buhay. Kung dinurog ka ng pagsubok, tumayo ka ulit at sabihin mo: HINDI PA TAPOS ANG LABAN.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177