Alam Kaya ng Diyos ang Pinagdaraanan mo By Brain Power 2177


Photo by Caleb Oquendo:
https://www.pexels.com/photo/standing-man-in-blue-dress-shirt-praying-3229850/


Hindi na tayo nagugulat kapag dumaranas tayo ng mga pagsubok. Gaya ng sinasabi ng Bibliya, alam natin na KAILANGAN NATING DUMANAS NG MARAMING KAPIGHATIAN PARA MAKAPASOK SA KAHARIAN NG DIYOS (Gawa 14:22) Alam din natin na mawawala lang ang mga problema natin kapag dumating na ang bagong sanlibutan ng Diyos, kung saan MAWAWALA NA ANG KAMATAYAN, PATI ANG PAGDADALAMHATI AT ANG PAG-IYAK AT ANG KIROT. (Apocalipsis 21:4)

Hindi tayo pinoprotektahan ng Diyos mula sa mga pagsubok. Hinayaan Niya tayo na subukin tayo ng panahon. Pero tinutulungan Niya tayong makapagtiis. Pansinin ang sinabi ni apostol Pablo sa mga Kristiyano sa Roma. Binanggit muna niya ang maraming problemang nararanasan niya at ng mga kapatid. Pagkatapos, sinabi niya, sa Roma 8:37,


Ibig sabihin, kaya kang tulungan ng Diyos na magtagumpay kahit kasalukuyan kang dumaranas ng mga pagsubok. Sinasabi ng Bibliya na LAHAT TAYO AY NAAAPEKTUHAN NG PANAHON AT DI-INAASAHANG PANGYAYARI. (Eclesiastes 9:11)

Kung minsan, dumaranas tayo ng mga problemang NARARANASAN DIN NG IBANG TAO (1 Corinto 10:13) O baka magdusa tayo dahil sa pagiging alagad ni Jesus. Halimbawa, baka tuyain tayo, salansangin, o pag-usigin pa nga dahil sa pananampalataya natin. Ito ang sabi sa 2 Timoteo 3:12,


Anuman ang dinaranas mong pagsubok, pagtatagumpayin ka ng Diyos. Naranasan mo na rin ba ang isang mahirap na sitwasyon na lalo pang humirap kahit taimtim ka nang nananalangin? Nangyayari talaga 'yan. Sabi ko nga kanina, hindi tayo pinoprotektahan ng Diyos mula sa mga pagsubok sa mundong ito na kontrolado ni Satanas. Pero makakatiyak kang alam na alam ng Diyos ang pinagdaraanan mo, at nagmamalasakit Siya sa 'yo. Bukod diyan, nangako rin Siya, basahin natin ang Hebreo 13:5,


Tutulungan ka ng Diyos na makapagtiis kahit parang wala nang pag-asa ang sitwasyon mo. Marahil ay maitatanong mo, nakikialam ba ang Diyos sa lahat ng nangyayari sa atin? Minamaniobra ba Niya ang bawat pangyayari sa buhay natin para magkaroon ng magagandang resulta ang masasamang bagay na nangyayari? Hindi, walang sinasabing ganiyan sa Bibliya. Pero alam natin na kapag may pinagdaraanan tayo, alam 'yon ng Diyos at naririnig Niya ang paghingi natin ng tulong. Higit pa riyan, tinutulungan tayo ng Diyos na makayanan ang mga problemang 'yon. Paano?

Inaaliw tayo at pinapatibay ng Diyos, at madalas na ibinibigay Niya ang mga tulong na ito sa tamang panahon. Basahin natin ang 2 Corinto 1:3, 4,



May maganda pang sinasabi sa Isaias 30:15,


May panahon ba sa buhay mo na binigyan ka ng Diyos ng kaaliwan at pampatibay noong kailangang-kailangan mo ito?

Kadalasan nang nakikita lang natin ang tulong ng Diyos kapag natapos na ang problema. ISIPIN MO PALAGI ANG MGA PAGPAPALA MO. Basahin natin ang Awit 40:5,


Tunguhin ng isang mountain climber na makarating sa pinakatuktok ng bundok, 'di ba? Pero sa pag-akyat niya, may mga lugar na puwede siyang huminto muna at pagmasdan ang magagandang tanawin. Sa katulad na paraan, mahalagang huminto ka muna at bulay-bulayin mo kung paano ka pinagtatagumpay ng Diyos kahit sa panahong may pinagdaraanan ka. Sa pagtatapos ng bawat araw, tanungin mo ang iyong sarili:

SA ANONG PAGKAKATAON KO
NAKITANG PINAGPALA AKO NG DIYOS SA ARAW NA ITO?

KAHIT NA MAY PROBLEMA PA RIN AKO,
PAANO AKO TINUTULUNGAN NG DIYOS NA MAKAPAGTIIS?

Puwede kang mag-isip ng kahit isang pagpapala mula sa Diyos na nakatulong para magtagumpay ka. Sigurado akong mayroon kang maiisip.

Baka ipinapanalangin mong matapos na ang mga problema mo. Natural lang 'yon at tama naman. Pero dapat din nating isipin ang mga pagpapalang tinatanggap natin sa ngayon. Hindi ba’t nangako ang Diyos na papatibayin Niya tayo at tutulungang makapagtiis? Kaya huwag na huwag mong kakalimutang pasalamatan ang Diyos sa mga tulong Niya. Kapag ginawa mo 'yan, makikita mo kung paano ka pinagtatagumpay ng Diyos, gaya ng ginawa niya sa mga matuwid na tao sa panahon ng Bibliya, kahit sa panahon ng mga pagsubok.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177