6 RASON Kung Bakit Tinapak-tapakan ka Lang Nila By Brain Power 2177


Photo by Sameel Hassen:
https://www.pexels.com/photo/man-sitting-near-brown-wood-plank-734479/


Gaano kadalas na napasok ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman gusto, ngunit hinaharap mo pa rin? O baka may taong tumapak sa boundary mo at ngayon ay naging miserable ka na? Pero ang tanong, bakit tinatrato ka nila ng ganito? At bakit hinayaan mo sila na tapak-tapakan ka lang? Sa videong ito, malalaman mo kung bakit may mga taong ganito katoxic at malalaman rin sa videong ito kung bakit tino-tolerate mo ang ganitong behaviour.


NUMBER 1
AYAW MONG LUMABAN


Hinayaan mo lang silang tapakan ka kasi ayaw mong lumaban. Siguro noong una ay lumaban ka pero napansin mo na naging malala ang resulta kaya ayaw mo ng mag set ng boundary. Halimbawa, sinabihan mo ang ang isa sa mga kakilala mo na 'wag masyadong demanding tapos nagalit at iniwan ka. Tapos d'on mo naisip na may malalang resulta kung lumaban ka pa. Kaya ang naging desisyon mo ay manatili na lang mababa. Ayaw mo ng i-defend ang sarili mo. Kapag ayaw mo ng lumaban, doon papasok ang mga taong mabangis. Dudurugin ka nila. 


NUMBER 2
TAKOT KA


Hinayaan mo lang silang tapakan ka kasi takot ka sa kanila. Maraming tao ang takot humarap at magsabi ng direkta sa mga taong mapanakit. Magdadahilan na lang sila na para peaceful lang daw ang buhay. Hindi naman masama ang manahimik pero kung inaapi ka na, masama na ang manahimik. Mas lalo ka kasing abusuhin ng mga tao kung sobrang tahimik mo, tahimik na wala na sa lugar. Nagkukunwari ka na lang na ayos ka lang sa ginagawa nila.


NUMBER 3
AYAW MONG MAG IMPROVE


Hinayaan mo lang silang tapakan ka kasi iniisip mo na wala namang mag-iimprove sa buhay mo. Isa 'yan sa mga rason kung bakit ayaw mong lumaban kasi wala kang planong mag improve. “Bahala na kung aapihin, wala namang kwenta ang buhay ko e.” Nagpapaapi ka na lang kasi wala kang matinong desisyon sa buhay. Wala kang responsibilidad. 


NUMBER 4
WALA KANG BILIB SA SARILI MO


Hinayaan mo lang silang tapakan ka kasi wala kang bilib sa sarili mo. Kung wala kang kompiyansa, kung wala kang tiwala sa sarili mo, madali kang ibagsak ng mga tao. Mamaliitin ka nila. Kung palagi kang iniinsulto ng mga tao, diyan mo malalaman na wala ka talagang bilib sa sarili mo. Kung wala kang bilib sa sarili mo, hinayaan mo na lang din na tatapakan ka ng mga tao dahil ang nasa isip mo, deserve mo naman 'yon. Kasi nga, mababa ang kompiyansa mo. Mababa ang tingin mo sa 'yong sarili. Hindi mo nakikita ang tunay mong halaga. Iniisip mo na trapo ka lang. 

Kapag sobrang sama na ng ginawa nila sa 'yo, hindi mo kasalanan ito. Sa halip, ito ay isang taktika na ginagamit nila sa mga taong mahihina. Sinusubukan nilang ibagsak ka at kontrolin ka upang madali ka nilang magamit kung sila'y may pangangailangan sa 'yo. Pero sa totoo lang, sila naman ang mahina. Malakas lang sila sa tingin mo kasi ayaw mong lumaban.


NUMBER 5
PEOPLE PLEASER KA


Hinayaan mo lang silang tapakan ka kasi people pleaser ka. Naging habit mo na ang palugdan ang iba. Kinalimutan mo na ang iyong sarili para lang mapasaya mo sila. Kahit dinurog ka na nila, sila pa rin ang inuuna mo dahil gusto mo silang ma-please. Ayaw mong magalit sila sa 'yo. Halimbawa, kung malaki ang kinikita mo, hingi sila ng hingi, bigay ka rin ng bigay dahil takot ka na magalit sila. Ayaw mong murahin ka kapag hindi mo naibigay ang kanilang gusto. Sobra ka ng nice hanggang umabot sa punto na tinapakan ka na nila. Wala na silang respeto sa 'yo. 


NUMBER 6
WALA KANG CHOICE


May mga taong nakausap ko, hinayaan na lang daw nila na tatapakan sila kasi wala naman daw silang choice. Nakitira lang sila, nakikain, o ano pa man 'yan. Kung lalaban pa sila, palalayasin sila.

'Yan ang 6 na rason kung bakit tinapakan ka nila tapos hinayaan mo lang. Recap muna tayo. Bakit ka tinapakan ng iba? Bakit hinayaan mo lang sila? Dahil

NUMBER 1 AYAW MONG LUMABAN
NUMBER 2 TAKOT KANG KOMOMPRONTA SA KANILA
NUMBER 3 AYAW MONG MAG IMPROVE
NUMBER 4 WALA KANG BILIB SA SARILI MO
NUMBER 5 PEOPLE PLEASER KA
NUMBER 6 WALA KANG CHOICE

Ngayong nalaman na natin kung bakit madali ka lang nilang tapakan, alamin na rin natin ang solusyon. Pero bago natin alamin ang solusyon, tanggalin mo muna sa isip mo na mabuting maging submissive na lang at masama ang kumompronta pa sa mga tao dahil mali ang paniniwala mong 'yan. Heto na ang 6 na solusyon.


NUMBER 1
KOMPRONTAHIN MO SILA


Harap-harapan mong sabihin sa kanila na mali na ang kanilang ginagawa at hindi mo na ito gusto. Pwede mo namang harapin ang tao ng hindi nakikipag-away. Pagsabihan mo lang sila ng mahinahon. Hindi pwedeng hayaan mo lang sila na ganyanin ka. Mas lalo silang maging makapangyarihan kung wala kang imik. 


NUMBER 2
AYUSIN MO ANG UGALI MO


Minsan tinatapakan ka ng iba kasi ikaw din naman ay nanda-down ng ibang tao. Parang repleksyon lang ito sa ugali mo. O di kaya'y tinapakan ka ng tao dahil sobrang bait mo. Hindi masama ang mabait pero hindi na pwede 'yon kung sobra na kasi madali ka lang kontrolin ng mga taong nakapalibot sa 'yo. Maiisip kasi ng mga taong toxic na wala kang kalaban-laban. Kaya nga ang sabi ko, baguhin mo ang ugali mo. Maging strikto ka naman minsan. Lalayuan ka man nila dahil nagbago ka, hindi naman sila kawalan sa buhay mo, 'di ba? 'Yan pa nga ang gusto mo e.


NUMBER 3
MAG SET KA NG BOUNDARIES


Kapag lumampas sila sa boundary mo, magalit ka. Hindi masama ang magalit. Minsan nga masama pa ang hindi magalit kasi aabusuhin ka ng mga tao. Magalit ka kung lumampas sila sa boundaries mo. Depensahan mo ang iyong sarili. Mahal mo ang sarili mo, 'di ba? Kung magsabi ka ng HINDI PWEDE, dapat totohanin mo. Kumbaga may rules ka sa buhay na dapat sundin rin nila.


NUMBER 4
LUMAYO KA SA KANILA


Palitan mo ang mga taong kinakasama mo. Humanap ka ng mga taong matino sa buhay. Pero may nagtatanong sa akin kung paano lalayuan ang mga taong toxic kung kasama mo sila sa trabaho o sa bahay? Simple lang naman. Nag set ka na ng boundaries, 'di ba? May consequence 'yon. Halimbawa may ginawa sila 'yo na hindi mo nagustuhan, komprontahin mo sila. Sabihin mo na mali ang kanilang ginagawa. Pagsabihan mo na kapag hindi pa rin sila titigil, hindi mo na sila kakausapin. Dapat kung may boundaries ka, seryoso ka. Hindi pwedeng paulit-ulit nilang ginawa ang mga bagay na ikakasakit mo tapos easy ka pa rin. Hindi pwede 'yon. Matuto kang lumaban. May mga taong toxic rin na kapag pagsabihan mo, mas lalong lumala ang kanilang ugali. Nasasaktan kasi ang ego nila. Pero 'wag kang matakot. Kung hindi sila nagbago, kung kaya mong bumukod, kung kaya mong umalis, gawin mo. Put distance between you and those who are walking all over you. Pero bago ka umalis, ipaalam mo sa kanila kung ano ang dahilan ng pag-alis mo. Sabihin mo ng harap-harapan na sila ang dahilan ng pag-alis mo. 

Sabihin mo na marami ng katoxican silang ginawa at hindi mo na kayang balewalain 'yon. Sabihin mo rin sa kanila na makikipag-usap ka lang ulit, o babalik ka lang kung nagbago na sila. Dapat sinasabi mo ito ng may pagka-astig. Hindi pwedeng malamya para malaman nila kung gaano ka kaseryoso sa issue na 'to. Kung magwawala sila, kung magdadabog sila, 'wag mo ng pahabain ang usapan. Umalis ka na. Pero asahan mo na kaagad na itsi-tsismis ka nila. Babaliktarin nila ang kwento. Pero 'wag kang magpapatinag. Kapag cool ka lang sa buhay, mas lalo silang manliliit sa sarili nila. 


NUMBER 5
MATUTO KANG HUMINDI


Kung hindi mo gusto, hindi na. Kung ayaw mo sa kanila, ayawan mo. Mean what you say. Kapag niyaya ka ng mga taong toxic, NO na kaagad. May karapatan kang magsabi ng OO at HINDI. Kung sasabihin nila na KILL JOY ka, just hold your ground. NO MEANS NO. 'Wag kang matakot magsabi ng hindi kahit hindi ka pa nila magustuhan. Kahit bukas iiwan ka ng mga kaibigan mo. Kasi ang tunay na kaibigan, hindi 'yan namimilit lalo na kung may dahilan ka sa pag-ayaw mo sa kanila. Siyempre ang mga taong toxic, hindi magpapatalo 'yan. Mang-iinsulto pa 'yan pero cool ka lang. Hayaan mo silang insultuhin ka para mas lalo pang lilitaw ang totoo nilang kulay para malaman din ng mga tao kung gaano sila katoxic. Siguradong lalayo din ang mga taong nakapalibot sa kanya. Hindi kita tinuruan para manalo. Tinuruan lang kita kung paano tumayo sa sarili mo. Kung paano depensahan ang sarili mo. Kung paano tratuhin ang ganitong klaseng mga tao.


NUMBER 6
'WAG KANG MANAHIMIK


Hindi ito contradict sa nakaraan nating video na SILENCE IS GOLDEN. Marami kasi ang hindi nakakaintindi sa mga paliwanag ko. Ang ibig kong sabihin, may panahon ng pagtahimik at may panahon ng pagsasalita. 'Wag kang tumahimik kung inaapi ka na. Gamitin mo ang iyong boses upang protektahan ang sarili mo. Dalawa lang naman ang choice mo, HAYAAN mo lang ba sila? o HARAPIN mo sila? Mararamdaman mo ang init ng tensyon, pero tumayo ka pa rin sa harap. 'Wag kang matakot. Maraming tao ang umatras dahil ayaw nila ng gulo. Hindi ka na man makikipag-away. Makikipag-usap ka lang sa kanila ng matino. Ipaunawa mo lang naman sa kanila ang sitwasyon. If you back off, that will allow things to continue as they always have. Simply call them out on their behavior. Ask them to explain their actions in a simple way, with a neutral tone. Magtatanong ka lang naman kung bakit ginawa nila ito sa 'yo at bakit iniisip nila na tama ang kanilang ginagawa. There is no need to feel tense or agitated; stay loose and relaxed.

Siguradong magsisinungaling sila, magiging defensive sila, jina-justify nila ang kanilang behavior. Yung iba nga magagalit ng sobra. Listen to what they have to say, and then make it clear to them that their behavior is inappropriate and has to stop.

Kumalma ka lang. Hindi mo trabaho ang ayusin ang kanilang masamang ugali. Sundin mo lang ang pinapataw mong rules sa 'yong buhay. Balang araw, matututo rin sila. May mga taong toxic rin naman na magbabago. Mare-realize nila na mali na pala ang kanilang ginagawa at nakakasakit na pala sila sa kapwa nila. Makikita mo rin naman ang kanilang pagka-sincere. Titigil na sila at magso-sorry sila sa 'yo. Napakasarap naman kung gan'on nga ang mangyari, 'di ba? If you come across this situation, then definitely reward the positive behavior. If their apologetic actions are sincere, be generous with forgiveness. When the right time comes, be ferocious. Hindi ka nila madaling kontrolin at durugin kung alam nila kung gaano ka ka-strikto sa buhay at kung alam nila na hindi mo sila hahayaang gawin 'yon sa 'yo. Hindi naman ibig sabihin na umasta kang mayabang at kutungan mo sila isa-isa. Hindi rin naman tama 'yon. Find a middle ground between a strict guy and being a doormat. You can be kind, graceful, and noble, but resonate strongly with the energy of “thou shalt not f*** with me”

Uulitin ko, komprontahin mo sila sa mahinahong paraan. 'Wag mo silang sigawan. Dapat propesyonal kang makipag-usap sa kanila. You can show your power with a straight stance and a hard, level gaze. Keep in mind that most people are cowards. Most of the people who are gossiping about you or passively sniping at you want to dominate you but are too scared of your strength to do it directly. Matapang lang sila sa social media. Matapang lang sila kung wala ka. Ganyan ang mga taong toxic. Nagiging tuta na sila kapag kaharap mo. 

Guys, lead by example, and don’t tolerate situations that you find excruciating. Yung mga taong mahilig man-down ng kapwa nila, sila ang hindi masaya sa kanilang buhay. Kinakailangan pa nilang man-down ng iba para sumaya. Nakakalungkot na buhay, 'di ba? They need to denigrate your life choices in order to feel more comfortable about their current state. Lead by example by living your best life.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177