16 na Gawi ng mga Taong Mapagkakatiwalaan By Brain Power 2177


Photo by Jonas Ferlin:
https://www.pexels.com/photo/two-men-sitting-on-chairs-1876291/


Ang sarap sumama sa mga taong mapagkakatiwalaan. Sila kasi yung mga tao na hindi mapanakit at hindi tayo ida-down. Pero ang hirap ng humanap ng mga taong mapagkakatiwalaan. Kung may nahanap ka mang ganitong tao, 'wag mo ng pakawalan pa. So keep watching to see some of the most common traits this type of person has.


NUMBER 1
CONSISTENT SILA


Ito ang mga taong maaasahan mo. Hindi sila mawawala nang biglaan at hindi rin magbabago ang kanilang isip nang basta-basta. Kung sasabihin nilang pupunta sila, pupunta talaga sila. Consistent sila sa lahat ng bagay, sa kanilang pagkatao, sa kanilang ugali, mga opinyon, at palagi silang nandiyan kung kailangan mo ang kanilang tulong. 


NUMBER 2
TINUTUPAD NILA
ANG KANILANG PANGAKO


Karamihan sa atin ay nagi-guilty sa paggawa ng isang pangako na hindi natin natutupad. Marahil ay gumawa ka ng isang walang kabuluhang pangako; isang pangakong hindi mo sineseryoso noong panahong 'yon. Hindi ganito ang ugali ng isang tunay na mapagkakatiwalaang tao. Kung committed sila na gagawa ng isang bagay sa 'yo, makatitiyak kang magagawa nila ito, kahit hindi mo talaga inaasahan na gagawin nila ito. Sineseryoso ng mga mapagkakatiwalaang tao ang kanilang mga pangako, at gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para mangyari ang mga positibong bagay.  Kung nangako sila sa 'yo, tutuparin nila 'yon.


NUMBER 3
HINDI SILA PEOPLE PLEASER


Alam mo naman siguro kung ano ang people pleaser, 'di ba? Sila yung mga taong hindi nagsasabi ng HINDI kasi natatakot silang magalit ang taong nasa paligid nila. Oo lang sila ng oo. Ang isang mapagkakatiwalaang tao ay hindi gagawin ito sa 'yo at sa lahat. Kung hindi sila makakapunta sa lugar kung saan imbitado sila o kung hindi ka man nila mami-meet sa isang partikular na oras at lugar, magsasabi sila ng totoo, straight to the point. Magalit ka man o hindi, sasabihin talaga nila ang totoo kung bakit hindi sila makakapunta. Wala na silang paligoy-ligoy pa. Palagi silang magiging tapat sa 'yo at gagawa sila ng praktikal na diskarte sa buhay. Kung hindi nila magawa o ayaw nilang gawin ang isang bagay, sasabihin nila sa 'yo.


NUMBER 4
NAGPAKATOTOO SILA


Kapag ang isang tao ay nagpanggap lang o dini-deny niya sarili niya para lang umangkop sa iba o makuha ang kanilang pabor, you have to question their trustworthiness. Ang mga taong mapagkakatiwalaan ay handang magpakatotoo. Wala silang paki kung magugustuhan ba ng mga tao ang tunay nilang pagkatao. Hindi sila natatakot na mahusgahan. You can trust this person to be who they are; to be honest and real. This is a wonderful trait to have.


NUMBER 5
SOBRANG TAPAT NILA


May mga panahon na may dirty secrets tayo, 'di ba? Safe tayong ipagsabi ito sa mga taong mapagkakatiwalaan natin. Ang dami ng peke ngayon na nagkukunwaring mapagkakatiwalaan pero isinawalat na pala ang sekreto mo.


NUMBER 6
HINDI SILA TSISMOSA


Hindi mo makikita ang mga taong mapagkakatiwalaan na nakikipagtsismis sa kung sinu-sino. Kung may nakausap kang tsismosa, kahit sa tingin mo ay hindi nakakapinsala ang kanyang sinasabi, siyempre magtataka ka pa rin: kung nakikipag-usap ka sa mga taong handang ibahagi sa 'yo ang sikreto ng iba, magtitiwala ka pa kaya na hindi nila ibahagi ang sa mga sekreto mo? Kung kaya nilang sabihin sa 'yo ang sekreto ng iba, kaya rin nilang sabihin sa iba ang sekreto mo. Kaya mag-ingat ka. Kapag alam mong umiiwas ang isang tao sa tsismis at hindi nagkakalat ng mga kuwento, magkaroon ka rin ng kumpiyansa na kung ibabahagi mo sa kanila ang isang pribadong bagay, makakaasa kang ito ay mananatili lamang sa pagitan ninyong dalawa. Seeing them stay out of gossip circles creates not only a sense of trust, but it demonstrates their maturity.


NUMBER 7
NIRE-RESPETO NILA
ANG IYONG BOUNDARIES


Bihira lang ang mga taong mapagkakatiwalaan. Seryoso nilang tinatrato ng maayos ang boundaries mo. Kung ayaw mong magbahagi ng sekreto, hindi ka nila pipilitin. Kapag sinubukan ng isang tao na i-push ang iyong boundaries o hindi ito sineseryoso, para na ring sinasaktan ka nila emotionally habang binabalewala nila ang isang personal na choice na makabuluhan para sa 'yo. Kapag lumampas ang isang tao sa linyang 'yon at piniling gawin ang isang bagay na alam niyang hindi ka komportable, mahirap nang malaman kung kailan titigil ang taong 'yon at siguradong magagalit ka na rin. Ang isang mapagkakatiwalaang tao ay igagalang ang iyong boundaries. Hindi nila susubukan ang iyong choices o susubukang baguhin ang iyong isip.


NUMBER 8
MAAASAHAN MO SILA


Alam kong nahihirapan ka ng magtiwala dahil sa paulit-ulit ka ng ginago ng mga tao. Kung gusto mong malaman kung mapagkakatiwalaan mo ba ang isang tao, mapapansin mo 'yan kung sinunod ba nila ang kanilang commitments. Hindi magbabago ang kanilang pangako. Gagawin nila 'yon, umulan man o bumagyo. Walang makakapagpabago sa kanila. Tutuparin nila 'yon.


NUMBER 9
VULNERABLE


Yun bang ipinapakita rin nila na may kahinaan sila. It takes a lot of trust to feel comfortable with being vulnerable around someone, right? 'Yan ang tunay na senyales na mapagkakatiwalaan mo rin ang isang tao. Kung ang taong ito ay lalapit sa 'yo para humingi ng payo o ipinagkatiwala sa 'yo ang sekreto nila na hindi nila gustong malaman ng iba, alam mong iginagalang ka nila at pinahahalagahan ka rin. Kung willing silang mag open up sa 'yo, nagpapakita lang 'yan na na-appreciate nila ang tiwala ninyo sa isa't-isa. Knowing this, they’re more likely to value your trust and keep anything between you private. They’re a trustworthy friend to have because they expect the same loyalty back from you that you give to them.


NUMBER 10
INAAKO NILA ANG KANILANG MALI


Alam nilang magkakamali sila at mag-sosorry din sila kung may nagawa man silang mali. Ang tiwala ay hindi lamang ipinapakita kapag ang isang tao ay gumagawa ng isang bagay sa tamang paraan. Ito rin ay ipinapakita kapag sila ay nagkamali, marahil ay nakakainis sila o nakakasakit na sila ng ibang tao. Ito ang panahon na haharapin ka nila dahil sa kanilang mga nagawang hindi tama. Aaminin nila ang kanilang pagkakamali, aaminin nila ang kanilang mga pagkukulang, at magbibigay ng taos-pusong paghingi ng tawad. 'Yan ang ugali ng isang mapagkakatiwalaang tao. Hindi sila maninisi. 


NUMBER 11
POSITIBO SILA SA BUHAY


Hindi blurred ang kanilang pananaw. Nakapokus sila sa magagandang darating sa kanilang buhay. Ang ilang mga tao ay maaaring maging determinado sa pagkamit ng isang layunin, kaya't hindi nila nakikita kung paano ito negatibong nakakaapekto sa ibang bahagi ng kanilang buhay. When someone becomes irrational and obsessive, their behavior can become erratic. Hindi ganito ang mga taong mapagkakatiwalaan. Makikita mo kasi ang solidong presensiya nila. These are the people you can count on to be there when you need them and give balanced, thoughtful advice. Kung hindi balanse ang takbo ng buhay ng tao, lalo na kung negatibong tao ito, paano ka makakaasa sa mga payo nila sa 'yo? If a person is trustworthy, it’s because they are a constant and rational influence who you can always rely on.


NUMBER 12
PAKIKINGGAN KA NILA


Ang mga taong mapagkakatiwalaan, marunong makinig. Pero mag-ingat ka rin, hindi lahat ng nakapokus sa 'yo ay nakikinig rin sa 'yo. Yung iba kasi, tulala lang. Hindi mo alam kung distracted ba ang taong ito o wala lang talagang interes sa mga pinagsasabi mo. O pinipilit lang nilang i-insert ang mga gusto nilang sabihin tungkol sa buhay nila dahil ayaw nilang magpokus sa mga pinagsasabi mo.

Ang mga taong mapagkakatiwalaan ay maghihintay lang sila hanggang matapos kang magsalita. They will ask relevant questions and keep the focus on you. Hindi sila makikipagplastikan sa 'yo. They know that to give the best advice and be the best friend, they need to be there for you and the way to do this is to fully engage with, and actually listen to, what you have to say.


NUMBER 13
LOYAL SILA SA 'YO


Mapagkakatiwalaan ang isang tao kung nananatili pa rin sila sa buhay mo kahit sa mahihirap na panahon. Hindi katulad ng ibang tao na susulpot lang kapag maganda ang takbo ng panahon. Hindi man sila palaging sumang-ayon sa 'yo pero hindi ka pa rin nila iiwan sa oras ng kahirapan. Susuportahan ka pa rin nila. Hindi sila weather-weather lang. These are the people who will stick by you through the good and the ugly and keep your confidence for as long as you need.


NUMBER 14 
MAPAGSAKRIPISYO


Hindi naman laging nakakatuwa kapag palagi kang nilapitan o palagi kang nandiyan. Minsan nakakapagod rin naman. Hindi kasi lahat ng maibahagi mo ay masaya at positibo and having someone’s confidence can be a big responsibility at times. Sinasabi ng ilang tao na nandiyan sila para sa 'yo, ngunit hindi mo sila makikita kapag ikaw ay nalulugmok na sa buhay at nangangailangan ng suporta. Ang taong mapagkakatiwalaan ay yung mga taong nakakita na nahihirapan ka na at isinakripisyo nila ang kanilang panahon para lang mapuntahan ka. Kaya nilang makinig sa 'yo o pupuntahan ka nila kung 'yan ang gusto mo. They are not just in this friendship for the good times, they show their commitment by helping you through the difficult times too.


NUMBER 15
PINAPANSIN NILA ANG EFFORT MO


Ang taong mapagkakatiwalaan, hindi 'yan nanghahakot ng credits ng hindi naman sa kanya. Pupurihin nila ang mga nagawa mo. Hindi nila aangkinin ang effort na ikaw ang gumawa. Relevant ito sa trabaho. May mga taong sipsip. Ikaw ang gumawa ng trabaho, sila ang sasalo. Hindi nila sasabihin na ikaw ang may gawa nito. Kung sasabihin man nila ang totoo, may halo namang negativity para hindi ka masyadong mapuri ng manager. Ang taong mapagkakatiwalaan, pinapahalagan nila ang pagod mo. 


NUMBER 16
INIISIP NILA ANG INTERES MO


Maraming tao na ngayon ang makasarili. Nakapokus sila kung paano sila naaapektuhan ng isang sitwasyon, kung paano nila maipapahayag ang kanilang mga iniisip at nararamdaman, at kung paano nila makuha ang atensyon at pagkilala na hinahanap nila. Upang maging tunay na mapagkakatiwalaan, kailangan mong magkaroon ng mas balanseng pokus. Kailangan mong ilagay ang mga pangangailangan at interes ng ibang tao sa parehong antas ng iyong sarili. Kailangan mong magkaroon ng kamalayan sa 'yong sariling oryentasyon at ilipat ito sa isang mas patas na posisyon sa tuwing napapansin mong nagmamataas ka na. Kailangan mo ring ipakita sa mga tao na mapagkakatiwalaan ka rin kaya dapat alam mo rin kung ano ang pinagagawa mo.

Marami na ngayon ang mga pekeng tao. Kaya't kailangan mong magpokus sa mga kinikilos nila. Kung nakahanap ka na ng mapagkakatiwalaang tao, tratuhin mo ng maayos dahil bihira lang ang taong ganyan ang ugali. Mananatili sila sa buhay mo, kahit sa panahon ng kahirapan. Masasandalan mo sila sa tuwing malulungkot ka. But remember, we have people in our lives for different purposes and not everyone can be the person closest to you, whose opinion you value above others. Ang mapagkakatiwalaang tao ay isang taong dapat panatilihing nasa buhay mo, dahil sila ang alam mong magiging tapat at nandiyan para sa 'yo sa mga panahong kailangan mo sila.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177