10 TIPS Kung Paano Natin Tratuhin ang mga Taong Peke By Brain Power 2177


Photo by Moose Photos:
https://www.pexels.com/photo/woman-wearing-blue-shawl-lapel-suit-jacket-1036622/


Sa bawat grupo ng magkakaibigan, may isa diyan na peke. Sila yung tao na grabe maghatid ng negatibong balita, maninira sa tao ring kakilala mo, at sobrang papansin. Sila din yung hindi magkakatugma ang mga salita at kanilang kinikilos. Sila din yung grabe humingi ng tulong pero hindi naman marunong tumulong. May napansin ka bang ganitong istilo sa mga kaibigan mo? Kapag nakadikit ka sa kanila, mas lalo kang mababalot ng negatibong enerhiya. Wala silang ibang nadagdag sa buhay mo kundi ang pagkanegatibo lang nila. Heto na ang 10 TIPS na dapat nating gawin sa kanila.


NUMBER 1
RESPETUHIN MO PA RIN SILA


Kahit gaano pa sila kanegatibo sa buhay, mas mainam pa rin na mag stick ka sa values mo. Dapat makikita nila na hindi ka matitinag. Kahit sobrang annoying na nila, lamang ka pa rin kung may respeto ka sa kanila. Tandaan mo, kung wala ka rin namang sasabihing maganda sa kanila, mas mabuti pang manahimik ka na lang. Sa ganitong paraan naipapakita mo na nirerespeto mo pa rin sila. Dapat cool ka lang upang makita nila na ikaw ang dapat tularan. Matatalo ng positibo ang negatibong enerhiya. Pero hindi ko naman sinasabi na hindi ka dapat magalit. May karapatan ka namang magalit lalo na kung sumobra na sila. Pero choice mo na 'yan at kung ano man ang magbunga ng galit mo, dapat responsible ka. Bawat aksyon mo ay may reaksyon. Kausapin mo sila ng maayos. Hindi naman ibig sabihin na galit ka ay bastos ka ng tao, 'yan din ang paraan na maipapakita mo na seryoso kang naapektuhan sa pagkanegatibo nila. Uulitin ko, hindi masamang magalit. Bakit ko nasabi na hindi masamang magalit? Ang Diyos ay paulit-ulit na inilarawan sa Kasulatan bilang nakadarama at nagpapahayag ng Kaniyang galit. Ngunit ang Kaniyang matinding galit ay laging matuwid. Hindi Siya kailanman nagagalit nang walang tamang saligan at ipinahahayag Niya ang Kaniyang galit sa isang makatarungan at matuwid na paraan, hindi Siya kailanman nawawalan ng pagpipigil.​ 

Samakatuwid, hindi laging masama na magalit. Kung tutularan natin ang Diyos, maaaring makaharap pa nga natin ang mga kalagayan kung saan masama ang hindi magalit! Ang mahalaga ay sundin ang payo ng Bibliya, tinitiyak na mayroon tayong makatarungang saligan sa ating mga damdamin at na ipinahahayag natin ang mga ito sa isang matuwid, Kristiyanong paraan.


NUMBER 2
DUMISTANSYA KA


Kung hindi nila kayang lumayo sa 'yo, ikaw na lang ang lalayo. Ito ang unang option kung ayaw mo sa isang tao. Kung ayaw mo, layuan mo. Simple lang naman, 'di ba? Paano kung katrabaho mo sila? Hindi lang naman siya ang katrabaho mo, 'di ba? So malalayuan mo pa rin. Kapag gusto mo, palaging may paraan. Hindi 'yan kabastusan. Ginagawa mo 'yan dahil mahal mo ang sarili mo. Ayaw mong ma-drain ang energy mo. Nirerespeto mo na sila, kailangan mo ring respetuhin ang sarili mo. Saan man kayo magkatapat, hindi ka naman obligadong makipag-ugnayan sa taong peke. Choice mo pa rin naman 'yan kung kakausapin mo ba o umiwas ka na lang. Kung ako ang papiliin, I will walk away and I won’t engage with them. Kahit sa social media. 40 lang ang friends ko sa Facebook. Kasi marami na ang peke sa social media.

May matututuhan tayo sa Kawikaan 13:20,


Kapag ikaw ay lumalakad na kasama ng isang tao, ipinapakita mo rin na mahal mo ang taong 'yon at malapít ka sa kaniya kasi sumama ka e. Malaki ang impluwensiya sa atin ng mga lagi nating nakakasama, lalo na kung malapít tayo sa kanila. Puwedeng makabuti o makasamâ sila sa atin. Sabi ko nga, dumistansya ka na lang kung ayaw mong mahawa sa kanilang ugali.


NUMBER 3
'WAG KANG MASYADONG MADALDAL


Sa sobrang paggamit mo ng bibig, hindi ka na nakakapag obserba kung sino ang peke sa grupo niyo. Madali mong makikita ang kilos ng tao kung tahimik ka lang. Dapat kaunting salita lang. Hayaan mong dumaldal sila upang madali mong makita kung anong klaseng tao ang kaharap mo. 'Wag mong i-share lahat sa mga tao kung ano ang ginagawa mo sa buhay. Alam mo naman basta't ang tao ay peke, nagongolekta lang 'yan ng bagong impormasyon.

Kung ang pagsasalita ay pilak, ginto naman ang pagtahimik. Ang pagtahimik ay tanda ng paggalang. Pagpapakita rin ito ng KARUNUNGAN at KAUNAWAAN Sinasabi ng Bibliya, sa Kawikaan 10:19,


Idagdag natin ang Kawikaan 11:12,


Isaalang-alang kung paano ipinakita ni Jesus ang karunungan at kaunawaan sa pamamagitan ng pananahimik. Yamang alam ni Jesus na mawawalan ng saysay ang anumang sasabihin niya sa kaniyang mga kaaway, ayon sa Mateo 26:63, si Jesus ay nanatiling tahimik. Nang litisin si Jesus sa harap ni Pilato, mababasa natin sa Mateo 27:11-14 na si Jesus ay hindi sumagot. Minabuti niya na ang kaniyang reputasyon ang magsilbing sagot sa mga ipinaparatang sa kaniya. Pagpapakita rin ng karunungan kung maingat tayo sa pagsasalita kapag masasamang tao ang kausap natin. Kapag tinutuya tayo ng mga pekeng tao, makabubuting manahimik na lamang tayo. Bukod diyan, isang karunungan kung mananahimik tayo kapag may nagbibiro nang malaswa o nagmumura sa harap natin. Sa gayon, nalalaman nila na hindi natin nagugustuhan ang kanilang sinasabi.


NUMBER 4
DIRETSUHIN MO NA


Minsan nakakapagod ding umiwas e. Minsan ayaw nating umiwas lalo na kung napamahal na natin ang taong ito. Kaya mas mabuti rin na sabihin mo sa kanila na may mali na sila. Mas mabuti pang masaktan sila sa katotohanan kaysa sa umiwas ka lang na hindi nila alam kung bakit. Maging honest ka sa kanila. Diretsuhin mo. Mas mabuting lapitan mo sila nang may katapatan at tunay na pangangalaga, hindi galit at panghuhusga. Pero 'wag kang mag expect na mababago mo sila. Kahit mahinahon kang nagsasalita sa harap nila, minsan magagalit pa rin sila. Kaya dapat maghanda ka sa pag push back nila o sa mga disagreement nila.

Sabi sa Genesis 45:24,


Napakahusay ng payo na 'yan! Kapag hindi mo kinokontrol ang iyong damdamin at madali kang mainis sa reaksyon ng taong pinagsabihan mo, baka mas lalo siyang magalit. Ibaba mo ang iyong pride, okay? Ang importante lang dito ay kinompronta mo sila at nalaman nila na may ugali silang hindi mo nagustuhan.


NUMBER 5
PAKINGGAN MO SILA


Hindi pwedeng kumompronta ka sa kanila pero ayaw mo namang makinig sa mga dahilan nila kung bakit sila nagkaganito. Hindi naman patas 'yon. Sabi ko nga kanina, dapat may respeto ka. Dapat may empatiya ka rin at matuto kang makinig. Kasi gusto mong malaman kung bakit naging peke ang pagkatao nila, 'di ba? Kasi minsan, gusto lang naman ng mga tao na may nakikikinig sa kanila e. Siguro grabe katindi ang pinagdadaanan nila sa buhay. Siguro insecure sila. Kung pakikinggan mo lang sila, mawawala na rin ang pagka-judgemental mo. Mas madali mo pa silang mapatawad. Friendship is a two-way street. Hindi lang give. Hindi lang take. Dapat give and take. Kung gusto mo ng mabuting kaibigan. Dapat mabuting kaibigan ka rin sa lahat. 'Yan ang solidong pundasyon ng pagkakaibigan. Huwag mo siyang sabayan sa pagsasalita. Kapag ikaw ang dapat makinig, huwag kang sumabad o tumutol. Magkakaroon ka rin naman ng pagkakataong magsalita. Pero sa ngayon, makinig ka lang muna. Ito ang napakagandang simulain sa Bibliya, ang Kawikaan 18:13,



NUMBER 6
'WAG KANG BUMABA SA KANILANG LEBEL


Sakto na yung may katapatan na pagkompronta. Pero kung sinabayan mo ang antics nila, mas ipinapakita mo sa kanila na fake ka rin. Kasi sinalamin mo ang ugali nila. Kung gaganti ka sa pamamagitan ng sisiraan mo rin sila, itsi-itsismis mo sila, matatakot na rin ang mga taong kausap mo sa 'yo. Baka ikaw din ay lalayuan nila. When you stoop to their level, you become fake and toxic yourself. Ayaw mo ng fake at toxic na tao, 'di ba? Pero bakit ginagawa mo ang ginagawa nila? Don’t make the situation any harder than it needs to be. Hold your tongue when you get the impulse to fire back at them. Piliin mong maging mabuting tao.


NUMBER 7
MAHALIN MO ANG TUNAY


Kung alam mo na ang katangian ng pekeng tao, mahalin mo ang nanatiling tapat at tunay sa buhay mo. Nang dahil sa mga taong peke, nalalaman mo rin  kung sino ang tunay sa 'yo. Panalo ka pa rin. Doon ka lang sumama sa mga taong hinihila ka pataas, sa mga taong tapat sa 'yo, sa mga taong sinusuportahan ka, lalo na kung lugmok ka sa buhay. Kung dumikit ka sa mga tunay, baka magbago ang mga taong peke dahil maiinggit sila sa mga taong tunay. 


NUMBER 8
MAKIPAG-USAP KA SA 'YONG KAIBIGAN


Ano ang ibig kong sabihin? Kapag hindi ka sigurado kung may peke ka bang kaibigan, makipag-usap ka sa iba mong kaibigan, baka may napansin rin silang hindi tama sa partikular na tao. Alamin mo ang kanilang opinyon. Baka may alam pa silang kakaibang ugali ng taong 'yon na hindi mo pa alam. 'Wag kang mag post sa social media. 'Wag kang magpapahaging. Hindi 'yan mature na gawain. Mas lalo mong ipinamukha sa karamihan kung gaano ka katoxic na tao. Venting might encourage negative behavior. So try to keep the respect lest you become toxic yourself.


NUMBER 9
HUMINGI KA NG PAYO


Kung hindi mo alam kung anong gagawin mo sa kanila, magpatulong ka. Humingi ka ng payo. May alam kasi ang ibang tao na hindi mo alam. Kaya dapat magtanong ka. Kung ayaw mong humingi ng payo, baka aabot pa sa punto na maapektuhan na ang mental na kalusugan mo dahil hindi mo na solve ang issue mo sa mga taong peke. Remember that your self-care should still be a priority in this situation.

Bawat isa’y nangangailangan ng tulong at payo. Walang sinuman na may lahat ng kasagutan. Kung ang mga magulang ay nangangailangan ng tulong sa pag-alam sa pinakamagaling na paraan ng pagpapalaki sa kanilang mga anak sa magulong sistemang ito ng mga bagay, ang mga teenager din naman ay nangangailangan ng tulong upang mailagay sa ayos ang kanilang suliranin sa emosyon at mga kagipitang waring hindi nila kayang mapagtagumpayan. Bawat isa’y nangangailangan ng tulong sa pagsunod sa praktikal na mga minamahalagang asal sa isang daigdig na kung saan ang pagdaraya, imoralidad, karahasan ay higit at higit na sinasang-ayunan. Toxicity and negativity can be damaging, so it’s best to deal with it as soon as you can before it ruins any more of your relationships.


NUMBER 10
'WAG MONG MASYADONG SERYOSOHIN


Usually may malalim at personal na pinaghuhugutan ang mga taong peke kaya sila naging ganyan ka-toxic. Siguro hindi sila confident sa kanilang sarili kaya sila nambabato ng masasakit na salita sa iba. Kaya sabi ko kanina, dapat may respeto ka pa rin. Kasi hindi mo alam ang kanilang pinagdadaanan.

Kung talagang ayaw mo na sa kanila, maghanap ka na lang ng bagong kaibigan. 'Wag mong hayaan na hihilahin ka ng mga taong peke. Kung gusto mong maka-attract ng mga taong tunay, dapat tunay ka rin sa sarili mo. Tanggalin mo ang iyong maskara. 

Minsang naitatag ang isang pakikipagkaibigan, gawin mo ang lahat upang manatiling buháy ang relasyong 'yon. Totoo, habang nakikilala ninyo ang isa’t-isa, nakikita ninyo ang mga kahinaan at mga pagkukulang ng isa’t-isa. Gayunman ay mabuti na kilalanin na talagang mayroon ng ganoong maliliit na kahinaan. At pagka ikaw ay nagdududa, ang mabuti ay magparaya ka na sa 'yong kaibigan, iwasan mo ang di-nararapat na paghihinala sa kaniya. Magtiisan tayo sa isa’t-isa nang may pag-ibig. Higit sa lahat, tayo’y magkaroon ng maningas na pag-iibigan, sapagkat ang pag-ibig ay nagtatakip ng maraming kasalanan.

Matalino rin na iwasan ang labis na pagiging mausisa, personal, o mapag-angkin. Ang kahinhinan ang mag-uudyok sa atin upang iwasan ang pagiging-dogmatiko. Tiyak ito, ang pagkakaibigan ay hindi nagbibigay sa atin ng karapatan na ipilit sa iba ang ating mga opinyon o mga sariling panlasa. Tunay, kung tayo’y inaakay ng karunungan buhat sa itaas, tayo’y magiging makatuwiran.​

Pero kahit anong gawin mo, hindi pa rin magiging perpekto ang iyong sitwasyon, makakatagpo ka pa rin ng pekeng tao. Kung mangyayari man 'yan, tandaan mo lang ang rule NUMBER 1, RESPETUHIN mo pa rin sila at 'wag mong hayaan na maapektuhan ka sa katoxican nila.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177