Why More People Prefer The Single Life By Brain Power 2177



Photo by Pixabay:
https://www.pexels.com/photo/adolescent-adorable-alone-close-up-207569/


Sa panahon ngayon, ano ang madalas mong napapansin? Palaging usap-usapan ang tungkol sa RELASYON. Maraming magtatanong sa 'yo kung bakit wala kang jowa e matanda ka na. 'Yan ang madalas na naririnig natin, 'di ba? Pinipilit tayo ng lipunan na makahanap ng partner at mag settle down. Pero hindi lahat, jowa ang inuuna sa buhay. May ilang mga tao na mas prefer nila maging single muna kahit 30 años na sila. Hindi naman 'yan problema e. Whether matagal ka ng single o bago ka pa lang hiniwalayan, basta't single ka, walang problema diyan. Ang problema ay in a relationship ka nga pero toxic naman ang relasyon ninyo. Pero kung taken ka na tapos masaya ka naman, mas maganda 'yan. Pero may mga taong hindi sanay mag-isa. Lalo na yung mga taong nasanay na, na may karelasyon, nahihirapan na silang mag adjust. Ayaw nila ng mag-isa. Pero 'wag kang mag-alala. 'Wag kang magmadali. Darating din ang taong para sa 'yo. Sa ngayong single ka, kailangan mo lang unawain na may benepisyo ang pagiging single at makakatulong ito sa 'yo na yakapin ang karanasan mo at masulit mo ang pagkakataong ito. Kahit single ka ngayon, maaari ka pa ring mabuhay ng isang puno ng kagalakan at makabuluhang buhay at baka mahalin mo pa ang single life mo. Kung matagal ka ng single, ang mga benepisyong sasabihin ko sa 'yo ay malamang naranasan mo na. At ito'y magagamit mo bilang paalala na rin na hindi lahat ng single ay malungkot. Sinasabi ko ito sa 'yo para hindi ka magiging desperado sa paghahanap ng jowa at baka mapunta ka pa sa maling tao. 'Yon ang masakit. Pero alam ko na may mga single na sobrang atat ng magkajowa. Wala silang pakialam sa benepisyo. Pero tandaan mo, may halaga ang pagiging single. Kaya kung single ka, magpokus ka sa mabuting nangyari sa buhay mo habang ika'y nag-iisa.

Ang tanong, bakit may mga taong mas pinili nilang maging single? May mga in a relationship pero ayaw pa rin nilang magpakasal. Alam mo ba kung bakit marami ang gustong magkajowa? Kasi natatakot sila sa opinyon ng mga tao. Sa panahon kasi ngayon, kapag single ka, kinakaawaan ka. Pagsasabihan ka na hindi ka kamahal-mahal o pangit ka. Kaya ikaw rin, sobrang atat mo ng magkajowa kasi nasasaktan ang ego mo e. Iniisip mo na parang may malaking kulang sa buhay mo. But that's not the case. Ako ay single rin. Maraming nagtatanong kung bakit. Kasi pinili ko ang buhay na ito. Sobrang dami ko kasing dapat gawin sa buhay at gusto kong makahanap ng babae na naiintindihan ako o susuporta sa mga pinagagawa ko. Kung wala akong makita na ganyang babae, mas pipiliin ko na lang na maging single. Sabi ko nga kanina, 'wag kang magmadali. Hindi kasi biro o laro ang pagpasok sa relasyon. Minsan mapupunta ka sa maling tao. Minsan nakakapagod kapag in a relationship ka lalo na kapag nakahanap ka ng taong hindi ka nauunawaan o sinasakal ka. Kaya mas masarap pa rin maging single kasi may kalayaan kang gumawa ng kahit anong gusto mo. Hindi mo na kailangang mag adjust o baguhin ang buhay mo para mag fit sa jowa mo.

Heto na ang 14 na BENEPISYO ng pagiging single.


NUMBER 1
MAKIKILALA MO ANG IYONG SARILI


Siyempre kapag wala kang jowa, ang oras mo ay para sa sarili mo lang. The more na marami kang oras sa sarili mo, the more na makikilala mo ang iyong sarili. Tandaan mo, sarili mo lang ang iyong kakampi kaya dapat sarili mo ang i-nurture mo ng mabuti. Kung single ka, mas malalaman mo kung ano ang mga kagustuhan mo sa buhay at kung ano ang mga ayaw mo. Malalaman mo rin kung anong klaseng tao ka. Matutunan mo kung ano ang gusto mong gawin sa buhay. Tapos malaya kang mag explore ng iba't ibang bagay. Walang pipigil sa 'yo. Hindi ba't ang sarap ng feeling nun? Kung may gusto kang gawin tapos hindi mo nagawa noong may jowa ka pa, ngayong single ka na, pwede mo ng gawin 'yon. Basta't hindi lang masamang gawain o hindi makakaapekto sa buhay mo. Gawin mo lahat ng gusto mo basta't ito lang ay makakatulong sa 'yong pag-angat. Habang may natutunan ka na tungkol sa 'yong sarili, matutunan mo ring pahalagahan ang iyong kalayaan. Makakatulong ito sa 'yo na gumawa ng pinakamahusay na mga desisyon para sa 'yong sarili, matutunan mong akuin ang iyong negatibong aksyon, matutunan mong banggain ang mga pagsubok ng ikaw lang at mas motivated kang ipagpatuloy ang iyong mga layunin. Habang natutunan mo ang lahat ng mga bagay na ito, magkakaroon ka ng lakas ng loob at mararamdaman mong kompleto ka na at hindi mo na kailangan ng katuwang sa buhay. Kung magkakajowa ka man, parang bonus na 'yon sa buhay mo kasi nga nabuo mo na ang sarili mo habang ika'y nag-iisa pa.


NUMBER 2
MARAMI KANG MADISKOBRE


Lalo na yung iba't-ibang skills. Hindi ka basta-bastang matuto kung may karelasyon ka kasi sa jowa ka na lang nakapokus e. Kaya ngayong single ka, magpasalamat ka dahil pinili mo ang pag-iisa dahil marami kang oras para i-develop ang maraming skills na gusto mo. Ang dami mong pwedeng gawin habang mag-isa ka. Gamitin mo ang oras na ito para maging produktibo ang buhay mo. Ang dami mo pang kailangang i-improve sa buhay. Lahat ng oras ay nasa sa 'yo na at magagamit mo 'yan para pagpokusan ang mga bagay na gusto mong malaman. Dagdag pa, kailangan mong gawin ang mga bagay nang ikaw lang tapos ang iba ay umaasa pa sa kanilang partner. O 'di ba mas lamang ka sa kanila? Hindi ka ba natutuwa sa kalagayan na 'yan?


NUMBER 3
PWEDE KANG LUMANDI


Nakakatawa, 'di ba? pero totoo 'to. Pwede kang lumandi dahil walang taong magseselos sa 'yo. Hindi naman yung LANDI na kabastusan. Sa Ingles, FLIRT ba. Kasi kung taken ka na, bawal mo na itong gawin. Ito ang dahilan ng kaguluhan sa relasyon. Pero kung single ka, wala ka ng dapat alalahanin dahil walang magagalit sa 'yo. May kalayaan kang lumandi. Pero hindi naman lahat gustong makipag-flirt. Pero kung gusto mo ng ganitong buhay, piliin mo na lang maging single para wala kang damdaming masaktan.


NUMBER 4
MAKAKAPUNTA KA KAHIT SAAN


Para sa akin ah, ako kasi yung tipo na pupuntahan ko ang isang lugar kapag gusto ko. Pero marami akong na-miss na mga pagkakataon dahil ayaw ng ex ko. Ayaw niyang sumama ako sa mga kaibigan ko kasi baka may babae daw. Ako naman, inayawan ko siyempre para wala ng away. Ngayong single na ako, gigising ako na may ngiti sa aking mukha dahil alam kong malaya ako at kahit anong oras makakapunta ako kahit saan. Nandiyan lang ang sasakyan ko sa labas, pwede na akong mag drive. Walang pumipigil. Wala na akong kailangang ipagpaalam pa. Lalo na ngayon na sobrang komplikado na ng mundo, gusto kong pumunta palagi sa nature at magmuni-muni. Gusto kong lumayo muna sa mga distractions. Hindi ba't napakasarap sa pakiramdam kapag single? Hindi kasi ito napapansin ng karamihan kasi isa lang ang iniisip nila, ang PHYSICAL TOUCH. Masarap daw kapag in a relationship dahil gusto nila ng kayakap, kahalikan at ka-sex. Pero kung hindi ka magpokus sa mga bagay na 'yan, mapapansin mong masarap din maging single. You can do whatever you desire without factoring anyone else in.


NUMBER 5
MAY ORAS KA PARA SA IBA


Sabi ko nga kanina, kapag taken ka na, nakapokus ka lang sa jowa mo. Lahat ng oras mo ay para sa kanya na. Pero ngayong single ka, makakapaglaan ka ng sapat na oras para sa pamilya mo at para sa mga kaibigan mo. Mas mapapatibay mo ang relasyon ninyo bilang pamilya at makakabuo ka ng healthy friendships. May mga jowa kasing pagbabawalan kang makipagkita sa mga kaibigan mo at minsan magseselos pa kapag palagi kang nagbibigay ng oras sa pamilya mo. Hanggang sa nasasakal ka na rin. Kaya masarap kapag single kasi mas magpatuonan mo ng pansin ang ibang mga tao na malapit sa buhay mo. Mas mapalago mo ang social connection. Kasi nga, marami ang oras na pwede mong magamit para sa ibang tao na walang humahadlang. Magagamit mo ang iyong oras para tumulong at makipag-usap sa iba. At wala ring magseselos kung may tutulong sa 'yo lalo na kung opposite sex.


NUMBER 6
ANG SARAP MATULOG


Oo alam kong kokontrahin niyo ito. Kasi masarap naman kapag may katabi matulog o kayakap. Pero masarap din naman kapag mag-isa kang matulog. Walang disruptions. Walang late night texts. Walang video calls. Walang kahati sa kama. Walang kahati sa kumot. Lahat ng posisyon ng pagtulog kaya mong gawin. Walang magagalit. Wala kang maisturbo. Walang humihilik. Walang gumigising sa 'yo. Minsan kasi kailangan nating tignan ang positive side ng single life. 'Wag lang tayong magpokus sa physical touch.


NUMBER 7
MAKAKAPAGPOKUS KA
NG MAAYOS


Kapag single ka, marami kang oras. Gamitin mo ang oras na 'yan para makapagpokus sa buhay mo. Magpokus ka sa pangarap mo. Gamitin mo ang iyong oras para trabahuhin ang iyong pangarap. Gamitin mo ang iyong oras at lakas para sa career mo, sa business mo, sa studies mo, para naman mag improve ang iyong buhay. Para kapag nakahanap ka na ng jowa, stable na ang buhay mo. Mas masarap kasi ang buhay kapag pangarap mo muna ang uunahin mo kaysa sa magkarelasyon. Pero hindi ko naman hawak ang desisyon mo. Ikaw pa rin ang masusunod.


NUMBER 8
MAY ORAS KA PARA TUMULONG


Hindi ko naman sinasabi na kapag may jowa, hindi ka na makakatulong. Ang punto ko ay ORAS. As a single person, you can contribute to your loved ones and society in meaningful ways. Kasi may oras ka at hindi mahahati ang oras mo sa iyong jowa at sa ibang tao. Kaya kahit anong oras, magagawa mong tumulong. Makakalapit ka sa kanila automatic. Mapupuntahan mo kaagad ang mga taong malapit sa 'yo kapag kailangan ka nila. Maaalagaan mo sila ng maayos nang hindi nagmamadali. Plus, makakapag volunteer ka pa sa simbahan ninyo. Makakatulong ka sa paglilinis o sa mga dapat gawin doon. At ang benepisyong makukuha mo sa pagtulong ay sobrang kaligayahan. Nakakapagpasaya ka ng mga tao at mas lalong napapasaya mo ang Diyos.


NUMBER 9
MAGIGING MADALI ANG BUHAY


Totoo ito. Kapag single ka, lahat ng desisyon mo ay nakasalalay lang sa 'yo. Walang humahadlang. Hindi magiging komplikado ang sitwasyon at wala ka pang masisising tao. Kapag magkamali ka sa desisyon mo, sarili mo lang ang matuturo mo. Hindi ba't less complicated na sitwasyon? Hindi ka ba natutuwa sa benepisyong ito? Lahat ng bagay ay sa 'yo lang. Pwede kang maging selfish sa kahit anong gusto mo. Plus, since you have a better sense of who you are, you’ll make the most fulfilling decisions. Making decisions without discussing them with another person allows you to maintain a sense of self-identity.


NUMBER 10
LAHAT MAGAGAWA MO


Ito ang pinakagusto ko sa pagiging single. Lahat ng gusto ko ay hindi na kailangang ipagpaalam pa. Gagawin ko na kaagad. Literal na malayang malaya tayong mga single na gawin ang gusto natin. Kapag may nag invite ng kainan, pupunta na kaagad. Wala ng magtatanong kung sino ang kasama natin o kung ano ang gagawin natin. Kaya kung gusto mo ng ganitong buhay, ng ganitong kalayaan, piliin mo ang maging single.


NUMBER 11
MABUBUKSAN ANG IYONG KAISIPAN


Kapag single ka, ang isipan mo ay kung saan-saan na lang tumatakbo. Lalawak ang iyong imahinasyon. At hindi mo napapansin na may naisip kang maganda para sa ikakaunlad mo. For example, it allows you to pursue meaningful work, you have more opportunities to pursue your interests and passions. You can focus on doing work that you find meaningful. This situation allows you to live a fulfilling life while enjoying what you do for a living.


NUMBER 12
MAKAKAPAGPOKUS KA SA KALUSUGAN MO


Wala ka kasing ibang iniisip kundi ang sarili mo lang. Wala kang ibang inaalagaan. Madali mong mapapansin na may sakit ka na pala, mahina ka na pala. May oras ka para makapag ehersisyo. Kung single ka ngayon tapos pabaya ka pa rin sa sarili mo, kasalanan mo na 'yon. 'Yon ang dahilan kung bakit hindi ka masaya sa pag-iisa mo kasi hindi mo ginagamit ang iyong oras para sa ikakasaya mo. Ito na ang panahon para alagaan mo ang iyong sarili. Ang iba nga ay inaalagaan mo pero ang sarili mo hindi. Hindi pupwede 'yon. Kung walang taong nag demand ng oras mo, mas makakapagpokus ka sa sarili mo. Mahirap kasing alagaan ang ating sarili kung may jowa na tayo kasi siyempre mas inuuna natin sila. Ayaw naman nating nagkakasakit sila, 'di ba? Now that you're single, you have more time to focus on your health without distraction or compromise. Plus, your habits won’t interrupt anyone or be interrupted by another person.


NUMBER 13
MAGIGING INDEPENDENT KA


Kapag mag-isa ka, dito mo maiisip na sarili mo lang ang iyong masasandalan. Wala ka ng ibang mapagsasabihan sa mga problema mo kaya natuto ka ring solusyonan ito ng ikaw lang mag-isa. Nakakakapagpatibay ng damdamin, 'di ba? You don’t have someone to depend on to do what you don’t want to do. Malaking benepisyo ang pagiging independent. Alam kong gusto mo ng independent na buhay. You can handle things alone, and you grow to like it because you know it will get done. Plus, you can overcome hardships without falling back on someone else.


NUMBER 14
AYAW MONG MAG SETTLE NA LANG


Siyempre sanay ka ng mag-isa kaya ayaw mo ng madaliang pag settle. Hindi ka na matatablan ng mga negatibong opinyon ng iba tungkol sa pag-aasawa. Hindi ka mapi-pressure kasi sobrang tatag na ng buhay mo. Wala ka ng pakialam kung sasabihin nilang tumanda kang mag-isa dahil nasanay ka na ng independent na buhay. Lalo na kung motivated kang tao, pinu-pursue mo yung pangarap mo, ayaw mo rin sa taong walang pangarap sa buhay. Yung iba kasi natitinag ng societal pressure. Iniwan nila ang kanilang pangarap basta may makasama lang. Para masabi lang ng ibang tao na may jowa na sila. Pero sa kaloob-looban nila, napipilitan lang pala sila. 'Yon ang masakit.

Oo alam ko na may mga oras na gusto nating magkajowa. Minsan sumasagi rin 'yan sa isip ko. Kung maiisip mo man ito, palagi mo lang isipin ang 14 na benepisyong ito para hindi ka madala sa opinyon ng iba. Just use these 14 tips to learn to enjoy your single life. LIVE THE LIFE YOU WANT. Wala ng ibang makakapagpasaya sa 'yo kundi ang sarili mo lang. Kompleto ka na noon pa. Hindi mo na kailangan ng jowa para buuin ka. Dagdag lang sila sa kaligayahan mo pero hindi sila ang source ng iyong kaligayahan, tandaan mo 'yan, okay? Do the things you enjoy, try activities that interest you, and spend time with the people you love. Walang tao na magsasabi na hindi mo pwedeng gawin 'yan o mag demand ng atensyon mo, kaya i-take advantage mo na ang pagkakataong ito. Ignore mo na lang yung mga negatibong komento ng iba. Nagtakda sila ng tamang edad para sa pagpapakasal pero 'wag mong pilitin ang sarili mo kung ayaw mo pa. 'Wag kang mag settle kaagad kung alam mong hindi mo pa gusto. 'Wag kang magpapadala sa komento nila. Buhay mo 'to e at ikaw lang ang nakakaalam kung ano ang nakakapagpasaya sa 'yo. Ignore comments from people who don’t understand the benefits of staying single. If you’re happy, don’t make any changes to appease others. Learning to embrace staying single can help you live a meaningful and fulfilling life. You won’t settle for anything less than you deserve, and you’ll find the right person for you. Kung gusto mong maging single habambuhay, ikaw na ang bahala sa desisyon mo na 'yan. Go lang kung saan ka masaya. Whatever you choose to do, it’s best to understand that staying single is not a bad thing. It gives you a chance to focus on yourself and allowing you to live up to your potential.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177