9 Things To Stop Doing To Be Happy By Brain Power 2177


Photo by Godisable Jacob:
https://www.pexels.com/photo/woman-in-blue-spaghetti-strap-top-posing-for-photo-944762/


NUMBER 1
REKLAMO

Wala namang masama kung nagrereklamo ka paminsan-minsan. Ngunit kung palagi ka lang nagrereklamo at naging habit mo na ito, 'yan ang seryosong problema. Kaya dapat mong itigil ang ugaling 'yan. Hindi ka magiging masaya kung palagi ka lang nakatingin sa madilim na side ng mundo. Hindi ka magiging masaya kung palagi ka lang naghahanap ng butas sa lahat bagay, kung palagi ka lang nakapokus sa negatibong sitwasyon. It will make your life unbearable. Kapag nalulong ka na sa negativity, ang tanging bagay na makakapagpagaan ng mood mo ay tanggapin mo ang lahat ng negatibong bagay. Work to change your default setting in order to live a better life. Hindi mo man maramdaman ang kagandahan ng buhay sa ngayon, but I promise that there is beauty and wonder in this world — but only if you choose to see it.


NUMBER 2
PANINISI


Maraming mga tao ang naninisi. Isa ka ba sa kanila? But the reality is that blaming doesn't work. Hindi ito makaka-solve ng sitwasyon. Mas nakakalala pa sa sitwayson. When someone is blaming, you're pushing the entire responsibility for the situation onto the other person's plate. Sisi ka lang ng sisi at hindi mo nakikita na may naiambag ka naman sa problema. Paano ka sasaya kung hindi mo nakikita ang sarili mong kamalian? Paano ka sasaya kung paninisi lang ang alam mo? You need to engage in ways that will lead to a more productive outcome.


NUMBER 3
PAKIKIPAGTALO


Hindi naman masamang makipagtalo lalo na kung kinakailangan para sa maliwanagan ang isang tao sa buong sitwasyon. Pinapayuhan nga tayo ng Bibliya sa Kawikaan 1:1-4 at sa Roma 12:1, na pasulungin ang ating “KAKAYAHANG MAG-ISIP” at gamitin ang ating “KAKAYAHAN SA PANGANGATUWIRAN.” Pero may mga pagkakataong hindi dapat makipagtalo lalo na kung ang kalaban mo ay mangmang. Minsan kailangan mo rin ng oras para manahimik. Kung gusto mong makipagtalo, mag-isip ka muna bago ka sumagot. Sinasabi ng Bibliya, sa Kawikaan 15:28,


Uulitin ko, kapag wala ng saysay ang pinagtatalunan niyo, mas mabuti pang lumayo ka na lang. Kasi ang taong kausap mo ay hindi na 'yan nakikinig sa mga paliwanag mo.


NUMBER 4
MAPAGMAPURI


May kasabihan noon na ang pagmamapuri ay una sa pitong nakamamatay na kasalanan. Pero sa pagsisimula ng ika-21 siglo, ang pagmamapuri ay itinuturing na isang mahalagang katangian, hindi isang kasalanan. Gayunman, kapag binabanggit ng Bibliya ang pagmamapuri, ito’y karaniwang may negatibong kahulugan. Ang aklat ng Bibliya na Kawikaan ay may ilang sinasabi na humahatol sa pagmamapuri. Halimbawa, ang Kawikaan 8:13 ay nagsasabi:


Ganito naman ang sabi ng Kawikaan 16:5,


At ang Kawikaan 16:18 ay nagbababala:


Kaya tama lamang na naisin natin na maingatan ang ating personal na reputasyon, ang magtagumpay, at maging maligaya sa gayong tagumpay. Subalit, ang pagtataas-sa-sarili, kapalaluan, at paghahambog sa sarili o sa iba ay mga bagay na hinahatulan ng Diyos. Tunay na nakalulungkot kung ang sinuman ay magsimulang “MAGMALAKI” sa pagmamapuri o ‘MAG-ISIP NANG HIGIT SA KANIYANG SARILI KAYSA NARARAPAT ISIPIN.’


NUMBER 5
SENSITIBO


Pero aaminin ko, sensitibo ako, kung below the belt na ang pagtira sa akin. Pero kung hindi naman, wala akong pakialam. Unawain mo, na hindi lahat ng bagay sa mundo ay ginawa o nangyari para lang masaktan ka o para ibagsak ka. Unawain mo, ang bawat tao sa mundong ito ay may karapatang mag react o tumugon sa paraan kung paano nila nakikita ang sitwasyon. Hindi mo makokontrol ang kanilang reaksyon. Makokontrol mo lang ang reaksyon mo. Hindi nakakatulong ang pagiging sensitibo mo sa lahat ng bagay. Sa katunayan, lalo ka lang mag-alala at magpapanic ka pa. Sinasabi ko ito sa 'yo para maging matatag ka. Sensitibo kasi ako noon. I only taught myself to stop getting scared of everything. I taught myself to tell life, whenever something wrong happens, that you know what? Bring it on! I'm not scared!


NUMBER 6
NAKASASAKIT NA SALITA


Magpakita ka ng empatiya. Ilagay mo ang iyong sarili sa katayuan ng ibang tao at sikaping unawain kung ano ang epekto sa isang tao ang mga sinasabi mo. Umisip ng isang espesipikong sitwasyon kung saan nasaktan ang isang tao sa sinabi mo. Huwag kang magpokus sa mga sinabi mo kundi sa nadama ng isang tao sa iyong mga sinabi. May naiisip ka bang paraan kung saan mababait na salita sana ang nasabi mo sa halip na nakasasakit? Ang sabi ng Bibliya, sa Kawikaan 15:1,


Alamin mo kung kailan ka tatahimik. Kung nagiging tensiyonado na ang sitwasyon at nakapagsasalita ka na ng masasakit, mas makabubuting ipagpaliban muna ninyo ang pag-uusap. Kadalasan na, hindi naman masamang umiwas sa mainitang pagtatalo at maghintay hanggang sa puwede na kayong mag-usap nang kalmado. Ito ang simulain ng Bibliya, sa Kawikaan 17:14,




NUMBER 7
MAPANGHUSGA


Ang dami ng mapanghusga sa mundo, 'wag mo ng idagdag ang sarili mo. Alamin mo kung bakit ka nanghuhusga. Nanghuhusga ka dahil sa palagay mo ay alam mo na ang buong sitwasyon at parang alam mo na ang katangian ng isang tao. You conclude that the person is always going to be that way. Iniisip mo na mali sila pero ikaw lang pala ang nagpapamali sa sitwasyon. Ginagawa mo ito dahil siguro ay insecure ka lang. So keep track of your thoughts.


NUMBER 8
MAGSINUNGALING


Hindi ibig ninuman na siya’y pagsinungalingan. Subalit, ang mga tao sa buong daigdig ay nagsisinungaling sa isa’t isa sa sari-saring dahilan. Karamihan sa atin ang nahihirapang mabuhay ng isang linggo nang hindi nagsisinungaling. Isa sa lima ang hindi makagawa nito kahit sa isang araw​—at ang ibig kong tukuyin ay ang sinadya, pinag-aralang mga pagsisinungaling. Ang mga taong tumatangging huminto sa kinaugaliang pagsisinungaling ay hindi nakalulugod sa Diyos; sila’y hindi tatanggap ng Kaniyang kaloob na buhay. Sa katunayan, ang Awit 5:6 ay tuwirang nagsasabi na,




NUMBER 9
KINALIMUTAN MO ANG DIYOS


Kalimutan mo na ang lahat, 'wag lang ang Diyos. Ipakitang hindi mo nalilimutan ang Diyos sa pamamagitan ng iyong pagbabata. Idiniriin ng Bibliya ang isa pang mahalagang katangian na dapat nating taglayin upang hindi natin malimutan ang Diyos. Basahin natin ang Santiago 1:4,


Ano ang nasasangkot sa pagiging “GANAP AT MALUSOG SA LAHAT NG BAGAY”? Kasama rito ang paglinang ng mga katangiang tutulong sa atin na harapin ang mga pagsubok nang may pagtitiwala sa Diyos at determinasyong mapagtagumpayan ang mga ito anupat hindi nanghihimagod. Ang gayong uri ng pagbabata ay nagdudulot ng masidhing kasiyahan kapag natapos ang mga pagsubok sa ating pananampalataya. At palagi namang natatapos ang mga ito. Palagi kang kumonekta sa Diyos at siguradong gagabayan ka Niya tungo sa tamang landas. Ito ang sabi sabi sa Kawikaan 3:5, 6,






Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177