20 Signs You're Genuinely Happy With Your Life By Brain Power 2177
Tunay ka bang masaya? Photo by Tirachard Kumtanom: https://www.pexels.com/photo/woman-wearing-black-bra-and-white-tank-top-raising-both-hands-on-top-347135/ Napakasarap sa pakiramdam yung kahit simple lang ang buhay mo tapos nagagawa mo pang ngumiti. Parang magaan lang ang takbo ng buhay mo. Pero siyempre naman, hindi mawawala ang ups and downs sa buhay natin. Hindi sa lahat ng oras ay masaya tayo. Pero kahit down ka na tapos nagagawa mo pa ring ngumiti, isa na 'yang napakalaking blessing. Pero mahirap ngumiti kapag nababalot ka ng problema, 'di ba? Kaya may sasabihin akong 20 senyales na masaya at kontento ka na sa buhay. Pero nakadepende naman ito sa bawat tao. Pero kung ikaw yung masaya at kontento na sa buhay, siguro nararamdaman mo na ito o nararanasan mo na. NUMBER 1 MADALI KANG MAKATULOG Siyempre kapag relax ka lang sa buhay, madali ka ring makatulog. Kapag diretso kang makatulog sa gabi, isa na 'yang senyales na masaya ka na sa buhay. Kapag kasi sobra na tayong stre