20 Signs You're Genuinely Happy With Your Life By Brain Power 2177
https://www.pexels.com/photo/woman-wearing-black-bra-and-white-tank-top-raising-both-hands-on-top-347135/
Napakasarap sa pakiramdam yung kahit simple lang ang buhay mo tapos nagagawa mo pang ngumiti. Parang magaan lang ang takbo ng buhay mo. Pero siyempre naman, hindi mawawala ang ups and downs sa buhay natin. Hindi sa lahat ng oras ay masaya tayo. Pero kahit down ka na tapos nagagawa mo pa ring ngumiti, isa na 'yang napakalaking blessing. Pero mahirap ngumiti kapag nababalot ka ng problema, 'di ba? Kaya may sasabihin akong 20 senyales na masaya at kontento ka na sa buhay. Pero nakadepende naman ito sa bawat tao. Pero kung ikaw yung masaya at kontento na sa buhay, siguro nararamdaman mo na ito o nararanasan mo na.
NUMBER 1
MADALI KANG MAKATULOG
Siyempre kapag relax ka lang sa buhay, madali ka ring makatulog. Kapag diretso kang makatulog sa gabi, isa na 'yang senyales na masaya ka na sa buhay. Kapag kasi sobra na tayong stress, mahirap ding makatulog. Kahit gaano pa kakomportable ang higaan mo, basta't may bigat sa ulo mo, hindi ka madaling makatulog. Kasi siyempre marami kang iniisip. Marami kang pag-aalala. Kaya't napaka-imposibleng madali kang makatulog kung naguguluhan ka na sa buhay. Kung nakatulog ka man ng mahimbing at gumising ka na magaan ang mood mo, ibig sabihin na masaya ka na sa buhay mo.
NUMBER 2
ALAM MO ANG IYONG LAYUNIN
Isa sa mga dahilan kung bakit nababalot ng kalungkutan ang isang tao ay kung wala silang layunin sa buhay. Ang ilan sa mga pinakamasayang tao sa mundo ay ang mga sumusunod sa layunin ng kanilang buhay. Gumigising sila araw-araw na masigasig tungkol sa mga kaya nilang gawin na ibibigay nila sa mundo, at matutulog sila ng mahimbing dahil alam nilang may nagawa na naman silang mabuti. Kung alam mo kung ano ang layunin mo sa mundong ito, at kung inaaksyonan mo talaga, masasabi nating masaya ka na sa buhay.
NUMBER 3
MATULUNGIN KA
Kung matulungin kang tao, 'yan na ang senyales na masiyahin ka. May nakikita ka bang malungkot na tao na matulungin? Wala pa siguro. Kasi paano ka makakatulong kung mismong sarili mo ay hindi mo natulungan at hindi mo napasaya? Mahirap gumalaw kapag mababa ang antas ng ating kaligayahan. Ano mang klaseng tulong ang ginawa mo at gagawin mo pa, repleksyon na 'yan na masaya ka na sa sarili mong buhay.
NUMBER 4
HINDI KA
NAKIKIPAGKOMPETENSIYA
Kasi alam mo mismo sa sarili mo na masaya ka na at kontento ka na sa buhay. Wala ka ng paki kung nakikipagkompetensiya sila sa 'yo kasi nakapokus ka lang sa sarili mo. Ang mga taong mahilig magkompara at makipagtaasan ay mga taong hindi masaya sa kanilang buhay. Nakukulangan pa sila sa kanilang mga nakamit. Hindi pa sila nakokontento. Kahit wala ka namang nakamit na malaking bagay ay feeling pa rin nila na talo sila kasi napapansin nilang masaya ka na. Kung hindi ka nakikipagkompetensiya sa kanila, ibig sabihin na wala ka ng dapat patunayan pa kasi masaya ka na sa buhay mo. Wala ka ng paki kung mas magaling pa sila sa 'yo at mas mayaman pa sila sa 'yo kasi ang iniisip mo lang ay kung paano pasayahin ang sarili mong buhay. Kapag masaya ka, hindi ka na rin nagkokompara sa buhay mo at sa buhay ng iba. Kasi alam mo sa sarili mo na pinagpala ka. 'Yan ang senyales na namumuhay ka ng maayos.
NUMBER 5
NAKAKAKAIN KA NG MAAYOS
Kapag nakakain ka ng 3 beses sa isang araw o kung mahigit pa diyan, isa na 'yang senyales na maayos ang buhay mo. Okay lang naman kung gusto mo pa ng maraming bagay pero minsan kailangan mo ring bigyang pansin ang maliliit na bagay sa buhay mo. Kung gayon, mas magiging masaya ka.
NUMBER 6
KONTENTO KA NA SA BUHAY
Hindi ko naman sinasabi na kontento ka na sa kahirapan mo kasi sa totoo lang, mahirap sumaya kapag mahirap tayo lalo na sa pinansiyal. Ang ibig kong sabihin ng pagkakontento ay yung may nakamit kang bagay tapos pinasasalamatan mo kahit maliit na tagumpay man 'yon. Halimbawa, may nakikita ka ba sa paligid tapos ngumiti ka na lang dahil natutuwa ka sa nakikita mo? Kung gano'n e wala ng kulang sa 'yo kasi marunong kang magpahalaga sa bawat bagay. 'Yan ang ibig sabihin ng pagkakontento. Kontento na rin ako sa buhay ko at sa paligid ko. Kontento na ako sa buhay dahil may nagmamahal sa akin. May mga kaibigan akong sumusuporta sa mga pinagagawa ko. Kung kontento ka na sa buhay, ibig sabihin na masaya ka na.
NUMBER 7
HINDI KA TAKOT MAG-ISA
Kung takot kang mag-isa sa buhay, ibig sabihin hindi ka pa masaya. Kasi takot ang naninirahan sa puso mo. Kapag mag-isa ka sa bahay, ano ang madalas mong nararamdaman? Anxiety? Stress? Depression? Kung ganito ang nararamdaman mo, ibig sabihin na mababa ang antas ng kaligayahan mo. Oo alam kong stressful minsan ang buhay. Pero alam mo, kapag mag-isa lang ako sa bahay, mas narerelax ako at kumakalma ang isip ko. Kung gusto mong mag-isa kagaya ko, ibig sabihin na masaya na tayo sa buhay.
NUMBER 8
MAY BAGAY KANG
PINAGLALAANAN NG ORAS
Dito mo mapapansin kung maayos ba ang buhay mo. Sige nga, kapag may libreng oras ka, ano ba ang produktibong ginagawa mo? Manood ng TV? Social media? Nakikipag-inuman? Hindi 'yan produktibo. Kung 'yan ang ginagawa mo, mahihirapan ka ring sumaya. Maraming bagay ang magagawa mo kapag may libreng oras ka na. Pwede mo itong gamitin para magbasa, manood ng mga motivational at inspirational videos. Ang daming libangan na magagawa natin. Hindi lang puro trabaho na lang o pagsasayang lang ng oras. Kapag hindi balanse ang buhay at trabaho mo, taob rin ang kaligayahan mo. Pero kung binalanse mo naman, masasabi ko na masaya ka na sa buhay mo.
NUMBER 9
MASAYA KA NA SA PALIGID MO
Kapag kasi kontento na tayo sa mga nakikita natin, susunod ang kaligayahan. Masaya ka ba sa bahay na tinitirhan mo kahit maliit man 'yan? Hindi ka ba nagagalit?Kung kontento ka na sa mga nakikita mo, senyales na 'yan na masaya ka na sa buhay mo. Kung sa mismong loob ng bahay pa lang hindi ka na masaya, paano ka sasaya sa labas e sa labas marami kang makikitang negatibong sitwasyon. Kung pagka-irita ang nararamdaman mo kapag tinitignan mo ang lahat ng bagay, magiging miserable ang iyong buhay. Kaya simulan mong buuin ang iyong kaligayahan sa bahay mo para paglabas mo, masiyahin ka ng tao.
NUMBER 10
NAGKAKAISA ANG UTAK AT PUSO MO
Mahirap kontrolin ang isip at puso lalo na kung ang dalawang ito ay nagtatalo. Hindi ka makakatulog kung pagod na pagod ang puso mo pero nag-ooverthink naman ang isip mo. Naranasan ko na ito noon. Buti na lang nakaya kong kontrolin ang aking isipan at damdamin. Pero hindi ko naman sinasabi na perpekto na ako ngayon. Minsan nagiging negatibo rin ako. Pero nakokontrol ko naman. Kaya kung nagkakaisa ang isip at puso mo, magiging masaya ka rin. Makakapagpokus ka rin sa mga ginagawa mo ngayon kahit ang dami pang distractions sa paligid.
NUMBER 11MASAYA KA KAHIT WALA KANG JOWA
Sino ba ang masaya kahit single? Kung hindi ka masaya kung single ka, paano mo mapapasaya ang jowa mo kung makakahanap ka man? Dapat ngayong single ka pa, alam mo na kung paano pasayahin ang iyong sarili. Sabi ko nga sa nakaraan kong video, napaka-sweet kapag nakakarinig ka ng linyang, “IKAW ANG NAKAKAPAGKOMPLETO SA AKIN” pero sa totoo lang, hindi 'yan sweet. Parang pinapakita mo lang sa ibang tao na hindi ka independent. Dapat alam mo na kompleto ka na noon pa. Kasi kung alam mong kompleto ka na, hindi ka tatablan ng kalungkutan kahit single ka. Siyempre gusto rin naman natin na may partner tayo sa buhay pero kung masaya ka na kahit single ka, hindi mo mararamdaman na may kulang sa 'yo. Maayos na ang buhay mo e. Ang punto ko, kung masaya ka kahit single ka, ibig sabihin na maayos na ang buhay mo. Kung may partner ka man ngayon, dapat 'wag kang masyadong dumikit para hindi sila masakal. Dapat balanse lang ang pagtrato mo sa inyong relasyon. Hindi pwedeng sobrang clingy mo o sobrang needy. Mamamatay ang attraction niyan.
NUMBER 12
COMMITED KA
Madali nating mapapansin na masaya ang isang tao kapag committed siya sa kanyang mga ginagawa. Kumbaga inspired ka at motivated ka sa buhay. Kapag depress ka, siyempre mawawala rin ang gana mong kumilos. Kung committed ka sa mga ginagawa mo ngayon, senyales na 'yan na masaya ka na sa buhay.
NUMBER 13
HINDI KA MASYADONG SERYOSO
Lalo na sa mga maliliit na mga inconvenience, hindi ka na matatablan niyan. Ika nga, “Don't sweat the small stuff” Marami na ngayon ang nai-stress dahil kahit wala namang masyadong problema ay pinapalaki nila. Nag-ooverthink sila at nakabuo sila ng mga problemang hindi naman nag-eexist. Dapat seryosohin mo ang iyong pangarap hindi ang maliit na issue sa buhay mo. Kapag nakapokus ka sa maliliit na isyu, lalaki 'yan. Kontento na ako sa buhay ko kaya kapag may mga minor issues na nangyayari, sinolusyonan ko kaagad. Hindi ko na 'yan palalakihin pa. Kung alam mo kung paano pakalmahin ang mood mo, senyales na 'yan na masaya ka na sa buhay mo.
NUMBER 14
WALA KANG DRAMA SA BUHAY
Siyempre kapag masaya ang tao, wala ng kabullshitan pa sa buhay. Wala ng kadramahan. At hindi ka na rin didikit sa mga taong negatibo kasi ayaw mo ng makarinig ng mga negatibong salita. Kasi nga masaya ka na at kontento ka na sa buhay. Hindi ka na rin makikipagtalo kasi alam mong walang punto ang pakikipagtalo lalo na kung ang kaharap mo ay taong mangmang, sarili lang niya ang pakikinggan niya. Ang maiisip mo lang kasi sa buhay kapag masaya ka ay hindi mo sasayangin ang iyong oras sa mga bagay na walang kwenta. Lalo na sa mga taong ayaw pakinggan ang mga paliwanag mo. Kung wala kang kadramahan sa buhay, senyales na 'yan na masaya na ang buhay mo.
NUMBER 15
HINDI KA ALIPIN SA EMOSYON MO
Sabi ko nga kanina, kapag kontrolado mo ang iyong emosyon, magiging masaya ka. Pero sabihin ko na sa 'yo ang totoo, mahirap kontrolin ang emosyon. Madali lang 'yang sabihin pero napakahirap gawin. Pero hindi ibig sabihin na wala ka na ring gagawin. Maraming negatibong bagay ang makakaharap natin sa hinaharap. Mayroon na nga ngayon e. Pero madaling kontrolin ang iyong emosyon kapag matuto kang makontento sa buhay.
NUMBER 16
MARUNONG KANG MAGPAYO
Kung marunong kang magpayo, ibig sabihin na masaya ka. Katulad ko, marunong akong magpayo. Bakit ko nasabi na ako'y marunong? Dahil maraming nanghihingi sa akin ng payo. Ibig sabihin lang niyan, masaya na ako sa buhay ko. Kasi mahirap magbigay ng payo kung hindi ka masaya at hindi mo pa nasusubukan ang mga pinagsasabi mo. Makikita naman 'yan sa resulta e. Hindi ako namimilit na maniwala kayo sa akin. Tignan niyo na lang ang resulta. Pero hindi kasi ako nagfi-flex ng mga nakamit ko sa buhay kaya hindi niyo rin ako paniniwalaan. Pero isa lang ang masasabi ko sa inyo, masaya na ako at kontento na ako sa aking buhay. Kung maraming tao ang manghihingi sa 'yo ng payo, ibig sabihin, nakikita nila at nararamdaman nila na may something sa 'yo. Nakikita nila na masaya ka sa buhay at gusto rin nilang sumaya katulad mo. Kapag masaya ang isang tao, yung aura niya ay kakaiba din. Mararamdaman 'yan ng ibang tao e.
NUMBER 17
MARAMING MAGKAKAGUSTO SA 'YO
Marami ang gustong makikipagkaibigan sa 'yo, makikipaghalubilo. Madali mong ma-attract ang mga tao kung ipinapakita mong masaya ka na. Simply because you’re shining with sincere happiness. Pero mag-ingat ka lang dahil hindi lang matinong tao ang maa-attract mo, pati mga toxic kakapit sa liwanag mo para lang sirain ka. Ayaw kasi nilang makakita ng masayang tao kaya papasukin nila ang buhay mo.
NUMBER 18
HINDI KA NA NAGHIHINTAY NG PAPURI
Kapag masaya ka na sa buhay, wala ka ng paki kung may papuri kang natatanggap o wala kasi ikaw na ang pumupuri sa sarili mo. Alam kong may goals kang gustong kamtin. Pero hindi ka na naghahangad na may susuporta sa 'yo o na may papalakpak sa 'yo kapag nakamit mo na 'yon kasi suportado mo na ang sarili mo. Kapag ganito ang nararamdaman mo, senyales na 'yan na masaya ka na sa buhay mo.
NUMBER 19
HINDI KA NAIINGGIT
Kapag masaya ka, papalakpak ka na sa tagumpay ng ibang tao. Hindi ka na naiinggit sa nakamit nila. Hindi ka na rin nakikipag-unahan sa kanila. Hindi ba't masarap sa pakiramdam kapag wala kang kinakalaban? Magaan lang ang buhay, 'di ba? People who are feeling content and secure in their own lives can feel happy for others when great things happen to them.
NUMBER 20
MADALAS KANG NGUMINGITI
Yung ngiting walang halong kaplastikan. Diyan mo makikita na masaya ka na sa buhay. Tapos kahit maliit na accomplishments, na-appreciate mo. Generally, if you check in with yourself on a regular basis and determine that yes, you feel rather awesome, that’s the strongest sign of all.
As you can see, there are some significant indicators that you’re pretty happy with your life. These mentioned in this video are some of the major ones, but there will also be other signs that are unique to the individual. Pero umaasa akong masaya ka ngayon sa buhay mo. Dapat masaya pa rin tayo kahit ang dami na nating problemang pinapasan.
Comments
Post a Comment