15 Things Successful People Don’t Waste Their Time On By Brain Power 2177


Photo by Pixabay:
https://www.pexels.com/photo/clear-glass-with-red-sand-grainer-39396/


Bagama't lahat tayo ay may parehong 24 oras sa isang araw, pero bakit mas marami ang nakakamit ng ilan kaysa sa iba? Isa sa mga dahilan niyan ay kung paano nila mina-manage ang kanilang oras. Ang ating pang-araw-araw na buhay ay puno ng mga bagay na gustong ilayo ang ating atensyon sa kung ano ang mahalaga sa atin: may mga advetisements kung saan-saan para maligaw ang ating pokus, may mga promo para maubos ang ating pera, may mga bagong pelikula at serye para hindi natin mauna ang ating mahalagang gawain. Hindi ba't napakaraming distractions? Madali kang mawala sa tamang landas. Ito ang dahilan kung bakit ang daming nabibigo sa buhay. Kung gusto mong makamit ang pangarap mo, dapat 'wag mong sayangin ang iyong oras sa mga walang kwentang bagay. Mahirap 'yang gawin lalo na kung nasanay ka ng magbabad sa TV, mag scroll sa social media, maglakwatsa o ano pa man 'yan. Kaya may 14 na bagay akong sasabihin sa 'yo na hindi mo dapat gawin para tuloy-tuloy ang iyong pag-angat.


NUMBER 1
'WAG KANG MAGPOKUS
SA MGA BAGAY NA HINDI IMPORTANTE


Kung isa kang dancer at gusto mong maging mas mahusay pa sa pagsasayaw, sa pagsayaw ka magpokus. 'Wag mong sayangin ang iyong oras sa pagtugtog. Alamin mo kung saan ka nararapat at paglaanan mo 'yan ng oras. Kung gusto mong mag negosyo, siyempre sa negosyo ka rin magpokus. Aralin mo ang takbo ng negosyong gusto mong umpisahan. 'Wag mong ibaling ang iyong pokus sa mga bagay na hindi mo naman gusto. Kaya alamin mo kung ano ang mahalaga sa buhay mo dahil ito ang magbibigay-daan sa 'yo na patuloy na sumulong at umunlad, lalo na sa mga oras na ika'y nahihirapan.


NUMBER 2
'WAG KANG KUMAIN
NG MGA UNHEALTHY FOODS


Siyempre sinali ko ito sa listahan dahil napakaimportante ito sa buhay mo. Lahat ng mga kinakain natin ay may impact sa ating productivity. Kung unhealthy ang kinakain natin, hindi rin gagana ng maayos ang utak natin. Kung hindi gagana ang ating utak, wala rin tayong magagawang ikakaunlad natin. Dapat may disiplina tayo sa ating sarili. Hindi porket masarap ay healthy rin sa ating katawan. Mapapansin naman natin 'yan sa mga atleta, 'di ba? They don’t gorge on chocolate and cheeseburgers. They stick to their lean proteins and vegetables or whatever their diet recommends. They need the energy from these foods to keep up their energy. Kaya dapat ganito rin tayo. Kapag malaki ang pangarap mo, kailangan mo rin ng matinding energy para makakilos ka ng maayos. Para hindi ka madaling mapagod. Hindi mo masusungkit ang tagumpay kung bukas pagod ka na.


NUMBER 3
'WAG KANG GUMAMIT
NG SOCIAL MEDIA


'Wag kang gumamit ng social media lalo na kung wala ka namang importanteng tinitignan d'on. Kung nagnenegosyo ka at ginamit mo ang social media, okay na okay 'yon. Pero kung puro scroll ka na lang para lang maki-tsismis o makibalita, 'yan ang literal na pagsasayang ng oras. Hindi ko naman sinasabi na masamang gumamit ng social media. Walang kasalanan ang social media. Kasalanan na 'yan ng mga tao kung paano nila ito ginagamit. Malaki ang benepisyo ng social media kung gagamitin lang natin ito sa mabuting paraan. Pero ang napapansin ko, kaunti lang ang gumamit ng social media para sa ikakaunlad nila. Marami ang gumagamit ng social media para lang manood ng mga walang kwentang content. 'Wag mong pakainin ang utak mo ng mga content na wala kang matutunan. Manood ka ng mga self-help videos o magbasa ka ng mga articles na ikakabago ng iyong buhay. Ang daming interviews from successful people and courses from experts na makikita mo sa social media at lahat ng 'yon ay libre lang panoorin o basahin. Marami ang ayaw ng mga content na ganito kasi boring daw, pero ito ang makakapagpabago ng iyong buhay. Mas marami ang nahuhumaling sa entertainment. Hindi naman masama 'yon. 'Wag mo lang ubusin ang oras mo sa kakanood ng mga ganyang videos. Kahit kaunting minuto lang, ayos na 'yon. Again, there’s nothing wrong with consuming entertainment once in a while. But if you want to achieve great things in life, be careful with your consumption habits, or else you will fall into an easy addiction.


NUMBER 4
'WAG KANG MANGARAP
NG MALIIT


Lakihan mo ang iyong pangarap. Pero depende naman ito sa personalidad mo. I set big goals because I’m someone who’s passionate about life and I actually enjoy challenges. Because of this, I tend to set big ones. It’s what works for me and what keeps me engaged in life. Nabo-bored kasi ako sa maliit na goals. Gusto ko kasi yung nahihirapan ako. If something doesn’t interest me enough, I don’t want to bother. But you might not be someone who needs to challenge yourself in big ways. If this is the case, then set goals that are more in line with who you are. Big goals are about seeing what you’re capable of - seeing how much you can expand who you are. They might not be for everyone. And there’s nothing wrong with that. The important thing, more important than what you accomplish in life, is living in truth with who you are. That’s where you’ll find the most happiness and fulfillment. What we’re all shooting for is connection, happiness, fulfillment, and love. If big goals bring about any of these feelings, then go for them. If smaller ones do, then go for those! Just do what’s right for you. Don’t listen to anyone else’s idea of what you “should” be doing.


NUMBER 5
'WAG MONG PABILIBIN ANG IBA


Pabilibin mo ang sarili mo. 'Wag mong sayangin ang iyong oras sa kaka-please sa ibang tao. 'Wag kang magpokus sa kanilang reaksyon kasi hindi mo mapi-please ang lahat. Magtrabaho ka para sa sarili mo at sa ikakaayos ng kinabukasan mo. Itapon mo na ang iyong paki kung ano ang iniisip ng ibang tao. Magpokus ka sa dapat mong gawin. 'Wag kang sumunod kung ano ang mga trending ngayon. Pero kung ito naman ang gusto mo, sundin mo. But it's best if you carve your own path and make something your own. Don’t please the wrong people where the effort is wasted and where things are not going anywhere. Make the effort and please people that make the effort with you and the people that appreciate it when you do.


NUMBER 6
'WAG KANG MAGPOKUS SA MGA BAGAY
NA HINDI MO MAKOKONTROL


Siguradong masasayang ang oras at lakas mo kung pipilitin mong mangyari ang mga bagay na hindi mo naman hawak. Kahit ano pa ang gawin mo basta't hindi mo hawak ang isang bagay, hindi mo mati-twist ang sitwasyon. Sabi ko nga, masasayang lang ang oras at lakas mo. When you focus on what is not within your control, you’re wasting your energy on factors that will not move you forward. Halimbawa, may naka-schedule kang flight pero na-cancel dahil sa hindi inaasahang sitwasyon. Siyempre isipin mo na hindi mo kontrolado ang pangyayari. Stop draining your energy on it and start thinking clearly. Kapag binalewala mo rin ang ang mga bagay na hindi mo makokontrol, mapa-praning ka naman. You shouldn’t ignore external factors, instead, accept what is and be aware of the external conditions that are outside your control. Kapag binalewala mo naman kung ano ang kaya mong kontrolin, sinasayang mo rin ang mga oportunidad. You’re being unreasonable. Hindi mo man makokontrol ang lagay ng panahon, ang batas, ang ekonomiya, pero kaya mong kontrolin ang iyong sarili, kaya mong kontrolin kung paano mo ginagamit ang iyong oras, kaya mong kontrolin kung sino ang sinasamahan mo. So stop being wasteful and start using your time wisely for creations and productivity.


NUMBER 7
'WAG KANG MAKINIG
SA MGA TAONG NEGATIBO


Kung sino ang kinakasama mo ngayon, positibo man 'yan o negatibo, may malaking impact 'yan sa mindset mo. Kahit pa sabihin mo na ang mga kaibigan mo ngayon ay mga taong kilala mo na ng matagal o pinagkakatiwalaan mo na, kung ang lahat ng lumalabas sa bibig nila ay mga negatibong bagay tulad ng kung gaano ka-imposibleng maging matagumpay sa ekonomiyang ito, maaaring pigilan ka lang nito sa pagtupad sa iyong mga pangarap. Kapag paulit-ulit mong naririnig ang negatibong mga salita, mapapaniwalaan mo 'yon. Hindi ka na rin kikilos kasi naniniwala ka na imposible ang lahat.


NUMBER 8
'WAG KANG MAGREKLAMO


Ang daming nagrereklamo kasi madali lang gawin 'yon. Maraming mga taong gumugol ng kanilang oras sa pagrereklamo tungkol sa kung paanong hindi sila nabigyan ng parehong mga pagkakataon tulad ng mga may pribilehiyo at mayaman. Palagi na lang silang nagra-rant at galit na lang ang ipinapakita nila. Palagi na lang silang nagrereklamo pero wala namang ginagawa para mabago ang kanilang sitwasyon. Sana'y 'wag mong gawin 'yan. Kung mahirap ang buhay mo ngayon, hindi naman palaging mahirap ka kung may gagawin ka lang. Hindi ka uunlad kung hanggang reklamo ka na lang. Don’t let your background stop you from becoming better.


NUMBER 9
'WAG KANG INSECURE


Learn to take responsibility for your life. 'Wag mong hayaan na lalamunin ka ng insecurities mo. I know, it can be difficult in the best of times to not dwell on your insecurities. But you must know that overcoming insecurities start with embracing your strengths. Tayong lahat naman ay may insecurities. Minsan hindi lang natin alam. This is where you start to really tap into your personal power. It’s a process that takes time, but the more you work at it, the stronger you’ll feel — and the stronger it’ll be able to help you. Alam mo, lahat naman tayo ay may nakatagong lakas at kakayahan pero marami lang ang hindi nakapokus sa sarili kaya pakiramdam nila ay wala silang kakayahan. Marami sa atin ang nagdududa sa ating sarili at puro limitasyon na lang ang ating naiisip. We stop doing what brings us true happiness. Always remember that true empowerment needs to come from within.


NUMBER 9
'WAG KANG MANISI


Kung nagkakamali ka, tanggapin mo ang mga pagkakamali mo. Paano ka mag-iimprove kung iniisip mong hindi ka nagkakamali? Wala kang mararating kung paninisi lang ang alam mo. Tanggapin mo ang kamalian mo at matuto ka sa mga pagkakamaling 'yon para mag-improve ka naman at para umunlad ka. Learn from your mistakes and try to become mentally and physically stronger the next time. If you and the people around you are dealing out blame, you aren’t only making it bad for those around you, but for yourself.


NUMBER 10
'WAG MONG PAGDUDAHAN
ANG SARILI MO


Alam ko naman na sobrang lupit ng ating isipan. Marami tayong naririnig na negatibong boses sa ulo natin.





Tayo ang pinakaharsh critic ng ating sarili. Kahit nga napatunayan na natin na hindi tayo talunan, may mga negatibong boses pa rin tayong naririnig. What I’ve learned through it all, however, is to not allow this self-doubt stop you from whatever it is that you're doing. Reassure these voices that “Yeah, you’re right, but you know what? I’ll do it anyway”. Don’t spend your life “Testing the waters” to see if you can jump or not, just jump! Magtiwala ka palagi sa sarili mo. Kasi kailangan e. Wala ng ibang tao ang maniniwala sa 'yo. It’s your belief in yourself that allows you to perform at such a high standard. 'Wag kang mahiya na magmukha ka ng tanga sa mata ng karamihan kasi hindi naman nila naintindihan kung ano ang plano mo sa buhay. Ikaw lang naman ang nakakaalam kung ano ang gusto mong makamit.


NUMBER 11
'WAG MONG GAWIN ANG BAGAY
NA HINDI MO IKINASAYA


'Wag mong pilitin ang sarili mo. Kung may yumaya sa 'yong gumala tapos may iba kang gawin, magsabi ka lang ng hindi. Alam kong umu-o ka dahil ayaw mong ma-disappoint sa 'yo ang mga kaibigan mo pero alam mo bang nakasalalay ang kinabukasan mo dito? Mas inuuna mo pa ang barkada kaysa sa gawin ang ikakaunlad ng buhay mo. Kaya 'wag kang magtaka kung bakit nandiyan ka pa rin sa sitwasyong hindi mo gusto. Nasa huli ang pagsisisi. Marami ka ng nasayang na mga araw. 'Wag mo ng dagdagan pa. Know how to say No. All our choices come with sacrifices – even at the cost of two things that are important to us. Although you might value your friends, you might value your personal success much more. Hindi man madali ang desisyon na ito pero ito naman ay ikakaunlad mo.


NUMBER 12
'WAG MONG IKOMPARA
ANG SARILI MO SA IBA


'Wag mong sayangin ang iyong oras sa kakatingin kung ano ang ginagawa ng ibang tao. Kasi hindi mo alam na yung taong pinagkomparahan mo, mas malala pala ang pinag-iisip niya. Nang dahil sa social media, madali nating makita ang buhay ng marami. Madali rin natin ikompara ang buhay natin sa buhay nila. The problem with that is it could lead to crippling self-doubt. Kaya ang maipapayo ko sa 'yo ay magpokus ka sa mga pinagagawa mo para malaman mo kung may nag-iimprove ba sa buhay mo. Ikompara mo ang buhay mo noon at buhay mo ngayon. Kakompetensiya mo ang iyong sarili, hindi ang ibang tao.


NUMBER 13
'WAG MONG HAWAKAN
ANG PANGIT MONG NAKARAAN


Lahat naman tayo ay may nakaraang ayaw nating malaman ng iba. Kumbaga may baho tayong nagawa sa nakaraan at hindi tayo proud sa mga bagay na 'yon. Masisira ang kinabukasan mo kung palagi ka lang nakadikit sa iyong nakaraan. Wala na 'yon e. Tapos na 'yon. The only way I know how not to waste the past is by learning from it. Because it’s our greatest mistakes that teach us the most valuable lessons in life. Kahit ako, nagpapayo ako sa 'yo ngayon pero minsan ako'y nalulungkot rin dahil sa mga nagawa ko at nagsisisi rin ako sa mga nagawa ko noon pero hindi ko tinambayan ang ganitong pag-iisip. I look forward and move on. Gusto ko kasing mag improve ang aking buhay.


NUMBER 14
'WAG KANG MAGHINTAY
NG TAMANG PAGKAKATAON


Hindi kasi ako naniniwala na may tamang pagkakataon. Naniniwala ako na lahat ng araw ay tamang pagkakataon. Yung iba ay nangangarap lang, habang nangangarap sila, inaaksyonan na ng iba. Ang dami kasing tao na naghihintay ng perpektong panahon pero ilusyon lang 'yon. Diyos lang ang nakakaalam ng perpektong panahon. Just do it. Dapat handa ka sa araw-araw. Dahil kahit anong oras pwede kang banggain ng problema. Ang mga taong matagumpay sa buhay, kahit hindi sila handa, inaaksyonan pa rin nila ang kanilang pangarap. Mas mabuti pang hindi perpekto ang plano mo kaysa sa wala kang plano sa buhay. Take that leap of faith and get going.

Madaling mangarap pero mahirap kamtin ang pangarap. Dapat matatag ang mentalidad mo. Dapat baguhin mo ang iyong mindset. If you want to be successful, then start with setting goals and then achieving them. Pero ang problema lang ng karamihan ay palagi nilang iniisip na wala na silang magagawa. 'Yan na ang kanilang pinaniniwalaan. Nagiging habit na nila ang maling paniniwala. Kaya oras na para tanggalin mo ang iyong negatibong habits at sundin mo lang ang sinasabi ko. 'Wag mong gawin ang 14 na bagay na ito at siguradong may makikita kang improvement sa buhay mo.




Comments

Popular posts from this blog

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177