10 Traits Of A Mean Person By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio:
https://www.pexels.com/photo/woman-in-gray-tank-top-looking-furious-3812754/


Hindi naman lahat ng tao ay masama. May mga araw lang talaga na naba-bad mood tayo and some people deal with something much deeper. Ano sa palagay mo? Napapalibotan ka ba ng mga taong masasama? Uulitin ko, hindi lahat ng tao ay masama. Kaya ayokong pagsabihan ang tao na siyay masama dahil lang sa galit siya o nafu-frustrate siya. Sabi ko nga kanina, minsan nadadala tayo sa sitwasyon at naba-bad mood tayo. May mga taong sobrang magalit pero mabait naman sila. May mga tao ring naging masama dahil binubully sila noon. May mga tao ring naging masama dahil sa kahirapan ng buhay. At lahat ng masasamang tao ay pwedeng magbago. Kaya bago natin i-judge ang isang tao, kailangan muna nating makita kung ano ang nagtutulak sa kanila na gawin ang kasamaan. Gayunpaman, may mga ilang tao talaga na sobrang sama kahit hindi naman sila inaano. Sila ang mga taong TUNAY NA MASAMA. Hindi sila marunong magpakita ng kabaitan at gusto nilang ibagsak ang ibang tao at sumasaya sila kapag nakita nilang nabibigo ang taong hinihila nila pababa. Hindi 'yan basta-basta nilang ginawa. INTENSYON talaga nila na wasakin ka at ang mga nakamit mo. Nagiging toxic na rin sila. They are motivated to do bad things. Gamit ang mga katangian, mauunawaan natin kung sino talaga ang mga taong ito. Narito ang 10 PARAAN upang malaman natin ang negative signs ng mga taong masama.


NUMBER 1
NAPAKABASTOS NILA


Ang pagiging bastos ay isang CHOICE. Isa ako sa mga hindi naniniwala na hindi nila 'yon sinasadya. Pinag-isipan nila 'yon. Alam nila na mali ang ginawa nila pero ginagawa pa rin nila. Napakabastos nilang magsalita. Bastos sila sa mga taong mas mahirap ang katayuan sa buhay. Bastos ang kanilang pag-uugali. Kahit ako ay nabastos na rin at hindi ko makakalimutan 'yon. Hindi ko makakalimutan kasi edukado siya e. Kahit hindi ka pa nabastos. Kapag may nakita kang tao na binabastos niya ang iba, lumayo ka sa taong ito dahil kung kaya niyang bastusin ang iba, kaya niya rin yung gawin  sa 'yo. Kung hindi ka lalayo sa taong bastos, magiging bastos ka rin. Maa-absorb mo ang negatibo nilang ugali. Nagiging bastos sila dahil naiinis sila sa kanilang sarili. Kasi isipin mo ah, when someone has a healthy sense of self, they are healthy, gracious, considerate, kind, and encouraging of others and to themselves. Kapag ang mga tao ay gumugol ng panahon sa panghuhusga, they are avoiding the fact that they refuse to address the things about themselves that they dislike. Sa madaling salita, ang ginagawa nila ay REPLEKSYON ng kanilang nararamdaman. Hindi kasi sila interesado sa kanilang sariling buhay kaya nambabastos na lang sila ng iba. The best way to deal with rude people is to IGNORE THEM. And if you can't ignore them, make them feel so uncomfortable to be around you para sila na ang kusang lalayo. Gan'on lang. Gumana siya sa 'kin, promise.


NUMBER 2
WALA SILANG PAKIALAM


Wala silang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao. Pero may mga taong nawalan ng paki dahil na rin sa mga pinagdadaanan nila. May mental trauma sila dahil niloko, nakakaranas ng pang-aabuso sa relasyon, palaging nire-reject. May iba din na lumalaki lang talaga ang ulo. Nakapokus lang sila kung ano ang nakakaapekto sa kanila at hindi pa nila nararanasan na mabigo, sa trabaho man o sa relasyon. Kaya hindi nila alam kung ano ang feeling ng nasaktan. May mga tao naman kasi na hindi sila pina-pranka kaya hindi rin sila natauhan kung ano ang kanilang kamalian. Hindi na bago sa akin na makakita ng taong ganito. Marami na ngayon ang self-centered na tao. They will do everything on their own terms, without taking your needs or desires into consideration. Halimbawa, gumagala kayo, gusto nilang puntahan ang gusto nila kahit hindi mo naman gusto ang pupuntahan ninyo. Kasi wala silang pakialam sa kagustuhan mo, sa kasiyahan mo. Minsan hindi sila susulpot sa gala na pinlano ninyo dahil wala naman silang pakialam kung masasaktan ka ba o hindi. Hindi nakapagtataka na kakaunti ang ibig magsakripisyo para sa ibang tao, kaunti lang ang mag-abala o magkusa para sa iba maliban sa kanilang mga sarili. Gaya ng inihula ng Bibliya, sa 2 Timoteo 3:1, 2, ang mga tao sa ngayon ay MAIBIGIN SA KANILANG MGA SARILI. Kahit ang dami ng ganitong klaseng tao, 'wag mo silang tularan. Ugaliin mo ang pagbibigay at pagsasakripisyo.


NUMBER 3
SINUNGALING SILA


Tayong lahat naman ay nakapagsinungaling na. Pero iba naman yung nagsisinungaling ka lang paminsan-minsan sa taong napakasinungaling talaga. Pero kahit magkaiba pa 'yan, MALI pa rin ang pagsisinungaling, okay? Kung nagsinungaling ka paminsan-minsan, hindi ka pa matatawag na napakasinungaling niyan. Bakit? Kasi hindi mo intensyon na magsinungaling. Siguro kinakailangan lang para sa ikakatahimik ng sitwasyon. Sa kabilang banda, ang isang taong napakasinungaling ay ginawa nila ang pagsisinungaling na habit nila. Halos araw-araw na lang nagsisinungaling sila. People who lie repeatedly often have a desire to be in control. When the truth of a situation doesn't agree with such control, they produce a lie that does conform to the narrative they desire. Kung sa palagay nila na ang mga bagay ay hindi gagana gaya ng inaasahan nila, gagawa sila ng paraan para ma-twist ang sitwasyon. Bawal magsinungaling, 'yan ang sabi ng Bibliya pero hindi naman natin maiiwasan e, 'di ba? 'Wag na tayong magpakabanal. Pero ang mahirap lang sa pagsisinungaling, kailangan pa nating tandaan ang mga pinagsasabi natin para hindi tayo mabuko. If you lie once, you need 10 more lies to cover that one lie. Napakahirap i-maintain, 'di ba?


NUMBER 4
NAPAKAPLASTIK NILA


Sobrang plastik nila sa ibang tao pero hindi nila alam, pinaplastik na pala nila ang kanilang sarili. Hindi lang nila napapansin 'yon. They deeply HATE themselves. They have low self-esteem. Siguro sobrang bored na nila sa kanilang buhay o sobra na ang inggit nila sa katawan. Speaking of PLASTIK, itong mga nakaraang araw pa lang, pinaplastik ako ng mga kamag-anak ko. Oo “MGA” kasi ang dami nila. Pero tinanggal ko na sila sa buhay ko. Wala akong pakialam. Gusto ko kasing PEACEFUL ang aking isipan at PEACEFUL din ang aking buhay. People are just so hard to be around these days. Mahirap din silang itaboy sa buhay. Minsan hindi mo sila ma-spottan kaagad dahil umaasta silang anghel pero mga back stabbers pala. They will talk behind your back and say the rudest things about you. Yet when they see you, they act like your angel. Nakakagigil ang kanilang kaplastikan. Pero ang mas nakakagigil ay sila pa ang minamahal ng mga tao. Sila ang pinaniniwalaan ng lahat. Dahil magaling silang mag-imbento ng mga salita. People nowadays care more about their image than their own character. Like they always say, ang asin nga ay napagkakamalang asukal. But I guess we all have to accept the fact that the world will always be filled with fakes, we're gonna have to deal with it.


NUMBER 5
NATUTUWA SILA KAPAG PUMALPAK ANG IBA


Minsan maitatanong natin, bakit sila natutuwa? Mas madali kasing mapansin ang kapalpakan ng iba kaysa sa kanilang tagumpay. Lalo na kapag mainggitin kang tao, ayaw na ayaw mong magtagumpay ang iba. Negative energy is much more stable than positive energy. Naka built in na kasi sa atin ang pagkokompetensiya e. Gusto natin na mas matalino tayo, gusto natin na mas magaling tayo kaysa sa ibang tao. Gusto natin na mas marami ang pera natin kaysa sa iba, gusto natin na tayo'y mas malusog, sa pisikal man o sa pangka-isipan. Kaya hindi natin matanggap na masarap ang buhay ng iba. Kapag may nakikita kang tao na ganito ang ugali, lumayo ka na kaagad. Hindi sila komportableng makita ka na umaangat sa buhay. If others do well, they feel unworthy. They feel useless. Pakiramdam kasi nila na talunan na sila sa buhay. Gusto nila na sila ang SUPERIOR. Gusto nila na sila lang ang titingalain. Gusto nila na sa kanila dumaan ang lahat. Gusto nilang nasa itaas sila palagi. Kaya ang payo ko sa 'yo, 'wag kang gumawa ng mga bagay na 'yan kasi masisira lang ang kapayapaan mo. Hayaan mo na silang mainggit basta't 'wag kang mainggit. Tandaan mo, kung sa tingin mo ay mas angat ka na, hindi. May mas angat pa sa 'yo. Imbes na mainggit ka, matuto ka sa kanila. Stay humble.


NUMBER 6
WALA SILANG PAGSISISI


Ang masamang tao, pagkatapos niyang maibuga ang mga masasamang salita at nakapanakit ng kapwa, hinding hindi nila pagsisisihan 'yon. Wala silang pakialam kung gaano kasakit ang nagawa nila, kahit na pinapahiya ka pa nila, binabastos ka nila, wala silang pakialam sa mga nagawa nila sa 'yo. Ganyan sila kakupal. 


NUMBER 7
NANGUNGONTROL SILA


Ang mabuting tao, hindi 'yan nangungontrol ng ibang tao. Kasi para sa akin, nakakapagod mangontrol ng tao kasi hindi naman natin makokontrol ang mga tao e. Siguro ang mga taong toxic ay may depekto sa utak. Controlling and manipulating others makes them feel special and powerful. It doesn't seem to matter how this plays out either. May nakasama na akong mga taong ganito. Sobra kung mangontrol. Hindi naman sila palaging abusive pero takot kasi silang may mangyari at sila ang masisisi. They're afraid that if they let lose, everything will fall apart. Ang taong nangungontrol, hindi lang pagkontrol sa kinikilos mo, pati emosyon mo ay pinapaikot nila. Mawawala ang motibasyon mo dahil pinaglalaruan ka lang nila gamit ang kanilang mga negatibong salita. But the best way of dealing with it, is to take responsibility for yourself and when they offer to do it, be stubborn about it. Gawin mo lang kung ano ang gusto mo. 'Wag kang magpapakontrol sa kanila.


NUMBER 8
WALA SILANG RESPETO


Wala silang respeto sa 'yo dahil wala silang respeto sa kanilang sarili. Sobrang taas ng EGO nila, emotionally immature at arogante. Ang mabisang response sa taong walang respeto ay i-ignore mo sila. Do not make them feel important, superior, entitled and in control. 'Wag kang matakot sa kanila. Ignore mo lang. Stand up for yourself. Kahit na may respeto sila sa tao pero kapag wala silang respeto sa mga hayop, pareho pa rin 'yon. Lumayo ka sa mga taong walang respeto sa mga hayop. Kapitbahay nga namin e sobrang magbigay ng respeto sa mga tao pero noong nakita ko na hinampas niya ng walis ang alaga kong pusa, bumaba ang tingin ko sa kanila. Mas masahol pa sa hayop ang mga taong may ganitong ugali.


NUMBER 9
NAGDADALA SILA NG KADILIMAN


Minsan mararamdaman mo na masama ang isang tao. May kutob tayo e. Pero alam naman nila na toxic sila e. But they refuse to acknowledge it. Because they feel they are not the one who's wrong, it's always another's fault. They blame others for their situation and condition. Hindi ko sinasabing matalino akong tao pero ako'y mapag-obserba lang. Hindi kasi ako nagtitiwala kaagad sa mga tao. May trust issue na ako simula noong pinlastik ako ng mga kamag-anak ko. That's why I avoid these people and I avoid engaging with them at all cost. Kaya kung may nag-iinvite sa akin tapos nandoon din ang mga taong plastik, hindi ako pupunta. I have no tolerance for them, they will do anything to bring you down and even if you remain the better person in ignoring their comments, hearing them replay in your head again again will eat you. Kaya mas mabuting bumitaw ka na sa mga friendships na 'yan. Mahirap bumitaw, mahirap lumayo pero mas mabuting gawin mo 'yon.


NUMBER 10
PALAGI SILANG TAMA


Palagi silang may explanation. Hindi sila pwedeng magkakamali. May kakilala ka bang hindi marunong tumanggap ng kamalian? Ang ganitong mga tao ay napakasama. Bakit? Magagalit sila kapag kinokorek mo sila. Pero depende naman kung paano mo sila kinokorek. At mahirap makipaglaban sa kanila kasi hindi mo sila matatalo. Kapag maramdaman nilang matatalo sila sa laban, gagamitin nila ang nalalaman nila tungkol sa 'yo para manahimik ka na. Lilihis sila sa usupan para ikaw na lang ang susuko. This is truly mean and hurts so much.

Bakit nagiging toxic ang isang tao? Dahil sobra silang BILIB sa kanilang sarili. Sa mga araw na ito, binabale-wala ng mga tao ang mga pamantayang moral. Baka magulat tayo sa paglaganap ng mga pag-uugaling ito, pero puwede tayong maimpluwensiyahan ng paggawi at saloobin ng mga tao sa palibot natin. Kaya mag-ingat din tayo. Marami na ngayon ang maibigin sa kanilang sarili at sa salapi, ang mga tao ay mapagmapuri sa sarili, palalo, at mapagmalaki. Kadalasan, ipinahihiwatig ng mga katangiang ito na nadarama ng isa na nakahihigit siya sa iba dahil sa kaniyang mga abilidad, hitsura, yaman, o katayuan sa buhay. Gustong-gusto ng mga taong ito na sila ay hangaan at mahalin. Sa kaniyang puso, mayroon siyang maliit na altar kung saan yumuyukod siya sa kaniyang sarili. Parang gan'on ang pagkakaintindi ko sa kanila. May mga nagsasabi pa nga na talagang kasuklam-suklam ang sobrang pride kung kaya kinaiinisan ito kahit ng mayayabang kapag nakikita nila ito sa iba. Kung ikaw man ay may ganitong ugali, baguhin mo na ang sarili mo. Ngayon na. 'Wag mong hayaang lalamunin ka ng kadilimang ito.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177