10 Things You Should Never Do In Life By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio:
https://www.pexels.com/photo/woman-in-gray-tank-top-looking-frightened-3812729/


NUMBER 1
HUWAG KANG MAGPAPAKONTROL
SA TAKOT


Hindi ka dapat nagpapadala sa takot mo. Hindi naman ibig sabihin na dapat wala ka ng takot. Normal lang naman na matakot tayo. Ang takot ay isang emosyon na mabubuo kapag tayo'y sobrang nag-aalala. Mabubuo ito kapag palagi tayong nag-iisip ng mga masasamang bagay. Pero tandaan mo, what we focus on, EXPANDS. Walang tao ang hindi takot. Pero ang tanong, ano ang ating gagawin kapag natatakot tayo? Hahayaan na lang ba natin na kontrolin tayo nito? O haharapin natin? Isa ang takot sa nakakapatay ng pangarap natin. Kapag may pangarap tayo, lalo na kung malaking pangarap, may risk 'yan e. Fear is always present. Gusto mong mag negosyo pero natatakot kang malugi. Gusto mong mangibang bansa pero natatakot ka baka may mangyari sa 'yong masama. Ang dami nating kinakatakutan. Kung gusto mong itigil ang pangarap mo, isipin mo muna ng maraming beses kung bakit ito'y sinimulan mo. Alam kong marami kang dahilan kung bakit nangangarap ka. On your toughest days, remember all of these reasons. Dapat handa ka sa mga posibleng mangyari. Sa totoong buhay, dapat matatag ang emosyon mo at mentalidad mo. Bakit? Dahil palaging may sagabal sa buhay. Hindi mawawala 'yan. Kahit nasa comfort zone ka, discomfort pa rin ang mararamdaman mo plus wala ka pang mararating. Ang kabiguan, hindi naman 'yan ang tutuldok ng pangarap mo. Failing is not really failing UNLESS you let it STOP YOU. 'Yang mga taong successful na nakikita mo, hindi naman 'yan nagtatagumpay agad e. Basahin mo ang talambuhay nila, maaawa ka na lang sa pinagdaanan nila. You know why they failed so many times? Because they try so many more times. Sumugal sila e. They put themselves out there. They take chances. They risk failing. Kung bumagsak ka man sa unang pagkakataon, hindi mo matatawag na talunan ka na. Magiging talunan ka lang kung hindi ka na susubok ulit. You will fail. And that is how you will know what direction not to go in. Diyan ka matututo. Most people don't have the courage to go for their dreams. And they don't understand those of us who do. Their minds simply don't work the same way. Kaya 'wag kang makinig sa sinasabi ng mga taong sumuko na. Doon ka makinig sa mga taong lumalaban at naging successful. 'Wag kang maghintay na humupa ang takot mo dahil hindi 'yan mawawala kung hindi mo 'yan haharapin. Kung palagi ka lang maghihintay, marami ng opportunity ang mami-miss mo. Tandaan mo, hindi titigil ang oras. Nakatunganga ka man diyan, ang mga kamay ng orasan ay palaging umiikot. Sayang ang mga araw na nagdaan na wala kang ginagawa, 'di ba? Fear is all in your mind.


NUMBER 2
'WAG PURO SALITA


Sa totoo lang, ayaw ng mga tao ng sobrang ingay lalo na kung putak ka ng putak tapos wala ka palang napapatunayan sa buhay. Nakakairita 'yon. Magiging HANGIN ka lang sa paningin nila. The MORE you talk, the LESS people listen to you. That's the truth. Para itong pera. Kapag magpi-print tayo ng maraming pera, magde-decrease din ang value nito. Gan'on ang pagsasalita ng sobra. Mawawala rin ang value mo. Tandaan mo, lahat ng sobra ay masama. Teka lang, bakit ba ang daldal mo? Kasi iniisip mo na baka 'yon ang paraan para pakinggan ka at respetuhin ka. Siguro dahil stress ka. Siguro gusto mo ng connection. Pero baliktad ang katotohanan e. When you talk less, people actually listen to you MORE and they RESPECT you MORE. Your words are valued then. When you are stressed, talking a lot won't actually do anything. Mas lalo ka lang mai-stress at nenerbyosin ka pa. Kung gusto mo ng connection, magpokus ka sa KALIDAD ng mga salita mo kaysa sa dami ng pinagsasabi mo pero wala namang punto. Imbes na magsalita ka ng magsalita, mas mabuti pang MAKINIG ka na lang para naman may matutunan ka sa buhay.


NUMBER 3
'WAG MONG BITBITIN ANG NAKARAAN


Magbago ka na. Pakawalan mo na ang nakaraan. Bitawan mo na ang mga masasakit na pinagdaanan mo. Wala ka ng magagawa para balikan pa 'yon. Pero may magagawa ka pa ngayon. Ngayon na ang panahon mo. The best way to stop thinking about the past is to realize it doesn't matter anymore and that it actually only exists in your mind. Totoo naman na hindi na nag-eexist ang nakaraan dahil nandito ka na sa kasalukuyan. Lahat ng ating nakaraan ay naging ALAALA na lang natin. Wala ng role ang nakaraan. Whatever may have happened in your past, doesn't matter anymore. Hayaan mo lang na nag-iisip ka sa nakaraan mo pero 'wag mong hayaan na dumikit ka na lang doon. Nasa isipan mo na lang 'yan. Minsan mapaglaro ang ating isipan e. Lalo na kapag hiniwalayan tayo, palagi tayong nag-iisip sa ex natin. Mahirap magpokus sa kasalukuyan kung nakadikit pa tayo sa nakaraan. Ang gawin lang natin ay magpasalamat tayo. Realize that if your past went any other way, you would have turned out entirely different. You are where you are today because of the choices that you have made. Look at this as something positive and be grateful for it. It's okay to come back to your past as a way to see where you are going and why. But then zone back in on the PRESENT, focus back on the NOW, prepare for the FUTURE and GO.


NUMBER 4
'WAG KANG MAGREKLAMO


Natural lang naman magreklamo. Parte na 'yan ng ating  komunikasyon. Reponse ito sa ating problema o kung dissatisfied tayo. Pero ang hindi na pwede ay yung sobra ka ng nagrereklamo sa buhay. Sabi ko nga kanina, lahat ng sobra ay masama. Hindi ko naman sinasabi na dapat HINDI KA NA MAGREREKLAMO. Pero LIMITADO lang dapat. Imbes na magreklamo ka dahil ang rosas ay may tinik, magpasalamat ka dahil ang tinik ay may rosas. Baguhin mo ang iyong pag-iisip. Alam kong mahirap gawin 'to. Kasi madali tayong naiipit ng negatibong bagay. Kaya panahon na para ilista mo ang mga bagay na ikinakasaya mo. Thinking all of the great things and amazing people in your life will probably put any silly complaints you had to rest. Tanggapin mo ang mga nangyari sa buhay mo. May mga nangyayari sa ating buhay ngayon na nakakairita. Pero kailangan nating tanggapin 'yon. Kung pwedeng ayusin, ayusin natin. Kung hindi man, hayaan natin na ito'y lilipas. Alagaan mo ang iyong sarili. Dahil ang pagrereklamo ay sobrang nakaka-stress. Always choose happiness. Magpokus ka sa positibong nangyayari sa buhay mo. Ang problema ay parte ng ating buhay pero ang pagrereklamo ay choice natin 'yan. Mas lalong lumalala ang problema kung palagi tayong magrereklamo. Complaining takes energy. Hahayaan mo na lang ba na maubos ang lakas mo sa kakareklamo? Nakakapagod 'yon. Stop wasting your breath about what went wrong or how things messed up. Start concentrating on improving.


NUMBER 5
'WAG MONG KONTROLIN ANG LAHAT


Real freedom comes from letting go of control. To fall freely, you need to let go. Una, alamin mo kung bakit nangungontrol ka. Dahil ba natatakot ka na magbago ang mga mahal mo sa buhay? Takot ka ba na baka hindi mangyayari ang gusto mo? Dahil ba nagseselos ka, insecure ka ba o wala kang kompiyansa sa sarili mo? Tandaan mo, kapag nangungontrol ka, wala ka na ring kalayaan sa buhay kasi takot na ang naninirahan sa puso mo. Kahit gaano ka pa kayaman, isa lang ang makokontrol mo, ang SARILI mo. Kung wala kang kontrol sa sarili mo, magdurusa ka. At ayaw mong magdusa, 'di ba? Ang napapansin ko sa mga tao ngayon, ipinipilit nila ang kanilang opinyon o ideya sa ibang tao at magagalit sila kung ayaw tanggapin ang ideya nila. 'Yan ang isa sa mga senyales na controlling ang isang tao. Mangyayari din ito sa relationship. But control doesn’t last. Itatak mo 'yan sa isip mo. Hindi mo mapipilit ang iba na sundin ka palagi. Dahil may isip ang bawat isa sa atin. May kanya kanya tayong desisyon sa buhay. 'Wag kang mangontrol. Sa halip, i-inspire mo ang mga tao para umangat pa sila sa buhay.


NUMBER 6
'WAG MONG KALIMUTAN ANG NGAYON


Kapag nawawala ka na sa pokus mo ngayon, mawawala ka sa tamang landas. Ang kahapon ay naging alaala na. Ang hinaharap ay wala pang katiyakan. Ito ang sabi ni Jesus, sa Mateo 6:34,


Nang sabihin ni Jesus ang mga salitang ito, tiniyak niya sa mga tagapakinig na hindi nila kailangang mag-alala nang sobra tungkol sa mga darating na problema. At mas mabuti kung paisa-isang araw lang ang iisipin nila. Hindi ibig sabihin ni Jesus na hindi na natin dapat isipin ang mangyayari bukas o hindi na tayo dapat magplano para sa hinaharap. Tinutulungan lang niya tayong huwag masyadong mag-alala o mamroblema tungkol sa posibleng mangyari sa hinaharap. Hindi na kasi tayo magiging masaya at hindi tayo makakapagpokus sa dapat nating gawin. Hindi rin naman natin malulutas ang mga darating na problema kung poproblemahin natin iyon ngayon. At kadalasan, hindi naman nangyayari ang pinoproblema natin o hindi naman kasinsama ng iniisip natin ang talagang nangyayari. Ang mga salitang ito ni Jesus ay bahagi ng kaniyang Sermon sa Bundok na mababasa sa Mateo kabanata 5-7. Sa sermong iyan, ipinaliwanag ni Jesus na ang sobrang pag-aalala ay hindi makakapagpaganda o makakapagpahaba ng buhay natin. Sinabi rin niya na kung uunahin natin ang Diyos sa buhay natin, hindi na natin kailangan na masyadong mag-alala tungkol sa mangyayari sa mga susunod na araw. Hindi pinapabayaan ng Diyos ang mga halaman at hayop, kaya siguradong hindi rin Niya papabayaan ang mga naglilingkod sa Kaniya. Kung tungkol naman sa nakaraan, hindi mo na mababago 'yon. Kahit iiyak ka pa buong araw, wala pa ring mangyayari. The only thing you can do is LEARN, MOVE ON, and LET GO. Magpokus ka sa ngayon para mahuhulma nito ang iyong hinaharap.


NUMBER 7
'WAG KANG MANISI


Mas madali kasing manisi kaysa mag take ng responsibility. Para siyang defense mechanism. Kung palagi kang naninisi sa iba, hindi lang sila ang pinapahiya mo, mas pinapahiya mo ang iyong sarili. Take responsibility, own your mistakes, and seek to learn the truth about it. Kung isa kang carpenter, tapos nagkakamali ka sa mga pinagagawa mo, sisisihin mo ba ang tools mo? Hindi, 'di ba? Ganyan din kapag may nagawa kang mali sa buhay, dapat akuin mo 'yon. Learn that a mistake is just a mistake and nothing else, and move on.


NUMBER 8
'WAG KANG MAGPA-IMPRESS


Magpakatotoo ka sa sarili mo. Gawin mo lang kung anong gusto mo basta't 'wag ka lang manapak ng tao. Magpokus ka sa buhay mo. Don't seek fulfillment of reputation, being praised and accepted by others. Ikaw lang ang nakakilala sa sarili mo. Wala ka ng dapat patunayan. Kapag nagpapa-impress ka, malulungkot ka lang. Bakit? Maliligaw ka sa tamang landas. Kasi lahat ng ginagawa mo ay para na sa ibang tao, hindi na para sa sarili mo. That's when you become unhappy. There are some things you need to stop doing on purpose. Because if you do, it will kill your JOY, CONTENTMENT, and PEACE. Sa totoo lang, wala namang pakialam ang mga tao e. Abala din ang mga tao sa buhay nila. Wala silang pakialam sa mga naabot mo. Kung may maiinggit man, hindi mo naman misyon na painggitin ang ibang tao e. It's just the demons inside your head that tell you to do so. Kung ma-impress man ang isang tao, dahil 'yon sa mga bagay na nakamit mo, hindi sa 'yo. Minsan nga nayayabangan pa ang mga tao e. At mas lalong dumami ang pekeng tao na dumikit sa buhay mo dahil sobrang tamis ng buhay mo e. Sa kakapokus mong magpa-impress sa mga tao, madalas sa maling tao, nakakalimutan mo ng bigyang atensyon ang mga taong worthy sa atensyon mo. You are blessed to be surrounded by people, and you don't have to impress and prove your worth.


NUMBER 9
'WAG KANG BASTOS


Napaka-importante ang magandang asal. Sa pagkakaroon ng magandang asal, mapasusulong mo ang sumusunod na tatlong bagay:

NUMBER 1, Ang iyong REPUTASYON. Nagiging mabuti o masama ang impresyon sa iyo ng mga tao depende sa pakikitungo mo sa kanila. Kung maganda ang iyong asal, ituturing ka nilang mature at responsable—at ganoon din sila makikitungo sa iyo! Pero kung magaspang ka, iisipin ng mga tao na sarili mo lang ang iniintindi mo, kaya baka hindi ka matanggap sa trabaho at makalampas sa iyo ang ibang oportunidad. Gaya nga ng sabi sa Bibliya, sa Kawikaan 11:17,


NUMBER 2, Ang iyong PAKIKIPAGKAIBIGAN. Sinasabi ng Bibliya, sa Colosas 3:14,


Totoong-totoo iyan pagdating sa pakikipagkaibigan. Gusto ng mga tao ang mga indibiduwal na mabait makitungo at may magandang asal. Sino ba naman ang gustong makisama sa isang taong magaspang o walang modo?

NUMBER 3, Ang PAKIKITUNGO sa iyo ng mga tao. Kung lagi kang magalang, darating ang panahon na baka gumanda ang pakikitungo sa iyo kahit ng mga taong napakasama ng ugali. Pero kung magaspang ka, kabaligtaran nito ang maaaring mangyari. Sinasabi ng Bibliya, sa Mateo 7:2,


Tandaan mo, araw-araw tayong nakikisalamuha sa mga tao. Depende sa pakikitungo mo sa kanila kung ano ang magiging tingin at pakikitungo nila sa iyo. Sa simpleng pananalita, importante talaga ang iyong asal!


NUMBER 10
'WAG MONG IBAGSAK ANG IBA


Marami ka mang pera, nakapagtapos ka man ng pag-aaral, mahusay ka man sa maraming bagay, marami ka mang napagtagumpayan, hindi ibig sabihin na may karapatan ka na ring tratuhing trapo ang iba. Hindi ka naman mataas e, malayo lang ang narating mo pero tao ka pa rin. Pantay lang tayong lahat. Pantay tayo dahil lahat tayo ay parehong unique. Remember this: there is no better or worse when it comes to people. We're just different.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177