Do Not Seek Revenge By Brain Power 2177

Gusto mo bang maghiganti? Photo by Engin Akyurt: https://www.pexels.com/photo/woman-in-green-v-neck-sweater-leaning-on-table-3214207/ Sinasabi ng Bibliya na nakakasamĆ¢ ang di-makontrol na galit, kapuwa sa taong nagagalit at sa mga taong nasa paligid niya. Basahin natin ang Kawikaan 29:22 , Kung minsan, may dahilan naman kung bakit tayo nagagalit, pero sinasabi ng Bibliya na ang mga taong laging may āSILAKBO NG GALITā ay hindi makaliligtas sa araw ng Diyos. Nakakita na tayong lahat ng taong nagagalit, at tiyak na may mga pagkakataong nagalit na rin tayo. Bagaman alam natin na ang galit ay isang negatibong damdamin na dapat kontrolin, madalas tayong nagdadahilan na may katuwiran tayo para magalit, lalo na kapag nilalabag ang ating pamantayan ng katarungan. Ang galit ay normal na damdamin ng tao at karaniwan nang nakatutulong. Tila makatuwiran ang gayong pananaw kung iisipin natin ang ipinasulat ng Diyos sa Kristiyanong apostol na si Pablo. Dahil alam niya na may mga panahong nagagalit a...