Do Not Seek Revenge By Brain Power 2177


Photo by Engin Akyurt:
https://www.pexels.com/photo/woman-in-green-v-neck-sweater-leaning-on-table-3214207/


Sinasabi ng Bibliya na nakakasamâ ang di-makontrol na galit, kapuwa sa taong nagagalit at sa mga taong nasa paligid niya. Basahin natin ang Kawikaan 29:22,


Kung minsan, may dahilan naman kung bakit tayo nagagalit, pero sinasabi ng Bibliya na ang mga taong laging may “SILAKBO NG GALIT” ay hindi makaliligtas sa araw ng Diyos. Nakakita na tayong lahat ng taong nagagalit, at tiyak na may mga pagkakataong nagalit na rin tayo. Bagaman alam natin na ang galit ay isang negatibong damdamin na dapat kontrolin, madalas tayong nagdadahilan na may katuwiran tayo para magalit, lalo na kapag nilalabag ang ating pamantayan ng katarungan. Ang galit ay normal na damdamin ng tao at karaniwan nang nakatutulong. Tila makatuwiran ang gayong pananaw kung iisipin natin ang ipinasulat ng Diyos sa Kristiyanong apostol na si Pablo. Dahil alam niya na may mga panahong nagagalit ang mga tao, sinabi niya, sa Efeso 4:26,


Alam kong napakahirap sundin ng payo na ito. Kasi ako rin ay hindi ko ito maa-apply sa sarili ko. Gusto ko lang na maging honest sa inyo. Huhupa ang galit ko ng dahan-dahan, hindi sa isang tulog lang pero hindi ibig sabihin na napatawad ko na ang isang tao. Dahan-dahan lang. It takes time to heal and it takes time to forgive. Ayokong magmadali dahil baka mauuwi lang lang ito sa kaplastikan at ayoko ng gan'on. 

LAGI BANG MALI ANG MAGALIT?
Hindi. May pagkakataong makatuwiran lang magalit. Halimbawa, ang tapat na taong si Nehemias ay ‘LUBHANG NAGALIT’ nang malaman niyang pinahihirapan ang mga kapuwa niya mananamba. Basahin natin ang Nehemias 5:6,


Nagagalit din ang Diyos. Halimbawa, nang hindi tumupad ang bayan Niya noon sa kasunduan nilang Siya lang ang sasambahin at naglingkod sila sa ibang diyos, “LUMAGABLAB ANG GALIT NG DIYOS LABAN SA ISRAEL.” Basahin natin ang Hukom 2:13, 14,



Pero hindi galit ang nangingibabaw na katangian ng Diyos. Ang kaniyang galit ay laging makatuwiran at kontrolado.

KAILAN MALING MAGALIT?
Maling magalit kapag hindi ito makontrol o wala sa katuwiran, na madalas nangyayari sa mga taong katulad natin na hindi perpekto. Halimbawa:

Si Cain ay “NAG-INIT SA MATINDING GALIT” nang hindi tanggapin ng Diyos ang handog niya. Hinayaan ni Cain na patuloy siyang magalit, kaya napatay niya ang kaniyang kapatid na si Abel.

Ang propetang si Jonas rin ay “NAG-INIT SA GALIT” noong maawa ang Diyos sa mga Ninevita. Itinuwid ng Diyos si Jonas; ipinakita Niyang hindi ‘TAMA NA MAG-INIT ITO SA GALIT’ at na dapat ay naaawa ito sa mga makasalanang nagsisisi.

Ipinapakita lang ng mga halimbawang ito na dahil hindi perpekto ang mga tao, ‘ANG POOT NG TAO AY HINDI NAGPAPAKITA NG KATUWIRAN NG DIYOS.’

PAANO MO MAKOKONTROL ANG IYONG GALIT?
TANDAAN NA MAPANGANIB ANG DI-MAKONTROL NA GALIT. Iniisip ng ilan na tanda ng kalakasan ang paglalabas ng galit. Pero ang totoo, kapag hindi makontrol ng isang tao ang kaniyang galit, mahina siya. “Gaya ng lunsod na nilusob, na walang pader, ang taong hindi nagpipigil ng kaniyang espiritu.” Sa kabilang banda, kapag sinisikap nating kontrolin ang ating galit, nagpapakita tayo ng tunay na lakas at kaunawaan. Sinasabi ng Bibliya, sa Kawikaan 16:32,


KONTROLIN MO ANG IYONG GALIT BAGO KA MAKAGAWA NG ISANG BAGAY NA PAGSISISIHAN MO. “Iwasan mo ang galit at iwanan mo ang pagngangalit,” 'yan ang sabi ng Awit 37:8. Idinagdag pa nito: “Huwag kang mag-init na hahantong lamang sa paggawa ng masama.” Kaya kapag nakakaramdam tayo ng galit, may magagawa tayo—puwede natin itong pahupain bago pa tayo ‘MAKAGAWA NG MASAMA.’ Sabi sa Efeso 4:26, na binasa na natin kanina, “mapoot kayo, gayunma’y huwag magkasala.”

KUNG POSIBLE, UMALIS KA KAPAG NAGAGALIT KA NA. Basahin natin ang Kawikaan 17:14,


Kahit na tamang ayusin agad ang mga di-pagkakasundo, kailangan muna ninyong magpalamig para mahinahon kayong makapag-usap.

ALAMIN ANG TOTOONG NANGYARI. Basahin natin ang Kawikaan 19:11,


Kailangang malaman muna natin ang lahat ng detalye bago tayo gumawa ng konklusyon. Kung pakikinggan nating mabuti ang lahat ng panig, hindi tayo basta-basta magagalit.

MANALANGIN TAYO PARA SA KAPAYAPAAN NG ISIP. Matutulungan tayo ng pananalangin na magkaroon ng “kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan.” (Filipos 4:7) Puwede nating hilingin sa panalangin ang banal na espiritu ng Diyos, na tutulong sa atin na magkaroon ng mga katangiang gaya ng KAPAYAPAAN, MAHABANG PAGTITIIS, at PAGPIPIGIL SA SARILI.

PILIIN NATING MABUTI ANG MGA KASAMA. May tendensiya tayong maging katulad ng mga taong nakakasama natin. Kaya nagbababala ang Bibliya, sa Kawikaan 22:24, 25,



DAPAT BA TAYONG MAGALIT?
Nang magpayo si Pablo tungkol sa galit, malamang na nasa isip niya ang isinulat ng salmista, sa Awit 4:4,


Ano kaya ang layunin ng payo ni Pablo? Ipinaliwanag niya, sa Efeso 4:31,


Hinihimok talaga ni Pablo ang mga Kristiyano na kontrolin ang galit. Ayon sa pagsusuri, ang paglalabas ng galit ay nagpapatindi sa galit at nagsusulsol ng karahasan at hindi ito nakatutulong para ayusin ang sitwasyon. Kaya paano natin magagawang “ALISIN” ang galit at ang masasamang epekto nito? Isinulat ng matalinong hari na si Solomon ng sinaunang Israel, sa Kawikaan 19:11,


Paano makatutulong “ANG KAUNAWAAN NG TAO” kapag nagsisimula na siyang magalit? Ang kaunawaan ay ang kakayahang makita ang nasa likod ng isang sitwasyon. Kaya kung may kaunawaan ang isa, nakikita niya ang mga detalye. Paano iyon nakatutulong kapag ginagalit tayo? Kapag nakakita tayo ng kawalang-katarungan, posibleng magalit tayo. Pero kung magpapadala tayo sa ating damdamin at maghihiganti, baka masaktan natin ang ating sarili o ang iba. Kung paanong kayang tupukin ng apoy ang isang bahay, maaaring sirain ng nag-aalab na galit ang ating reputasyon at kaugnayan sa iba, pati na sa Diyos. Kaya kapag nararamdaman nating nagagalit na tayo, dapat nating suriing mabuti ang sitwasyon. Kapag nakita natin ang buong larawan, tiyak na matutulungan tayo na makontrol ang ating damdamin.

Marami ngayon ang natulungan nang kontrolin ang galit. Maaaring matinding damdamin nga ang galit, pero mas malakas pa rin ang payo ng Salita ng Diyos. Kung susundin mo ang matalinong payo ng Bibliya at mananalangin para sa tulong ng Diyos, mapababagal o makokontrol din ng kaunawaan ang iyong galit.

Tandaan mo ito, ang paglalabas ng galit ay makasasamâ sa kalusugan. Ayon sa mga pag-aaral, mas malaki ang tsansa ng isa na magkaroon ng high blood pressure, sakit sa puso, depresyon, at problema sa panunaw kapag hindi nakokontrol ang galit. May koneksiyon din ang galit sa insomnia, pagkabalisa, sakit sa balat, at stroke. Kaya ganito ang sabi ng Bibliya, sa Awit 37:8,


Makasasamâ rin ang pagkikimkim ng galit. Kapag hinayaang tumagal ang galit, para itong sakit na nakapipinsala sa loob ng katawan mo. Halimbawa, puwede kang maging mapaghinala o mapamintas. Dahil diyan, mahirap kang pakisamahan at puwede itong makasira sa pagkakaibigan ninyo o sa relasyon ninyo.

Kung sa palagay mo ay kailangan mong kontrolin ang iyong galit, makakatulong sa iyo ang videong ito! Pero alamin mo muna kung bakit mahalagang manatiling kalmado kapag ginagalit ka.

Isipin mo ang iyong kalusugan. Ayon sa Kawikaan 14:30,


Kung magagalitin ka, huwag magtaka kung iniiwasan ka ng iba. Kung hindi mo pag-aaralang kontrolin ang galit mo, mawawalan ka ng mabubuting kaibigan. Kapag hindi mo nakontrol ang galit mo, malalaman ito ng iba at papangit ang tingin nila sa iyo. Tanungin mo ang iyong sarili,

“Ano ba ang gusto kong maging pagkakilala sa akin—bilang taong mahinahon at mapagpayapa o parang bombang sasabog anumang oras?”

Sinasabi ng Bibliya, sa Kawikaan 14:29,


Kailangang matutuhan mong kontrolin ang iyong emosyon. Kung sisikapin mong maging mahinahon at positibo, hindi agad mag-iinit ang ulo mo at hindi mo magiging problema ’yan. Dapat nating pagsisihan ang mga pagkakamali natin, pero dapat din tayong matuto mula sa mga ito. Kapag nagkamali, kailangan tayong bumangon at sikaping bumawi sa susunod.

Pero nang dahil sa galit mo sa isang tao, maiisip mong maghigante. Pero ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa PAGHIHIGANTI? Kahit iniisip ng isang tao na may katuwiran siyang maghiganti, labag pa rin iyon sa sinasabi ng Bibliya. Basahin natin ang Kawikaan 24:29,


ANO’NG MASAMA SA PAGHIHIGANTI?
Kapag ginawan ka ng masama ng isang tao, natural lang na magalit ka at gusto mong maparusahan siya dahil sa ginawa niya. Pero kung tayo mismo ang maghihiganti, labag iyon sa sinasabi ng Bibliya. Bakit? Hindi natutuwa ang Diyos kapag naghihiganti tayo. Sa Bibliya, sinabi ng Diyos, sa Roma 12:19,


Ipinapayo ng Bibliya na kapag ginawan tayo ng masama ng iba, dapat nating ayusin iyon sa mapayapang paraan kung posible imbes na maghiganti. Pero paano kung hindi iyon posible o ginawa mo na ang lahat para makipag-ayos? Pinapayuhan tayo ng Bibliya na magtiwalang itatama ng Diyos ang mga bagay-bagay. Paano naglalapat ng parusa ang Diyos? Sa ngayon, hinahayaan ng Diyos ang mga gobyerno na magparusa sa mga gumagawa ng masama. Darating ang panahon, paparusahan Niya ang lahat ng gumagawa ng masama at titiyakin Niyang wala nang magdurusa kahit kailan. Paano mo malalabanan ang kagustuhang maghiganti? Huwag kang magpadalos-dalos. Karaniwan nang nagsisisi sa bandang huli ang mga taong nagpapadala sa galit. Pero mas malamang na makagawa ng tamang desisyon ang mga nag-iisip muna. Alamin ang mga detalye bago ka sumugod. Kung nagawan ng mali ang isang tao, makakabuting itanong muna niya sa sarili niya, ‘May mga hindi ba ako alam na posibleng dahilan kung bakit niya iyon nagawa sa ’kin? Stressed lang ba siya? O baka hindi lang niya alam ang ginagawa niya?’ Kung minsan, iniisip nating sinadya tayong saktan ng isang tao pero hindi naman pala.

Ito ang ilang maling akala tungkol sa paghihiganti. Dahil raw sinasabi ng Bibliya na “mata para sa mata,” puwede na raw tayong maghiganti. Pero ang totoo: Ginamit ang utos na “mata para sa mata” sa sinaunang Israel para maiwasan ang paghihiganti. Nakatulong ito sa mga hukom noon na magbigay ng tamang parusa. Dahil raw sinasabi ng Bibliya na hindi puwedeng maghiganti, hindi na raw natin puwedeng ipagtanggol ang sarili natin. Pero ang totoo: Kapag may nananakit sa isang tao, may karapatan siyang ipagtanggol ang sarili niya o humingi ng tulong sa mga awtoridad. Pero sinasabi ng Bibliya na dapat nating iwasan ang karahasan hangga’t maaari.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177