10 Habits That Are Waste Of Time By Brain Power 2177


Photo by Eugene Shelestov:
https://www.pexels.com/photo/person-holding-burning-paper-in-dark-room-33930/


Iba-iba naman ang kahulugan ng tagumpay para sa bawat tao. Ngunit anuman ang kahulugan na ibinibigay mo sa tagumpay, basta't pinag-aaksayahan mo ng oras ang 10 BAGAY na ito, hinding hindi ka talaga magtatagumpay. Sa videong ito, malalaman mo ang 10 bagay na hindi mo dapat pinag-aaksayahan ng oras.


NUMBER 1
PAGKOKOMPARA


'Wag mong sayangin ang oras mo sa pagkokompara. Ganito kasi ako noon e. Palagi kong ikinokompara ang sarili ko at mga achievements ko sa iba. I know that sounds bad, but without acknowledging that, it would be hard to stop. Lahat naman siguro tayo ay nagkokomparahan. Pero alam mo bang hindi ka uunlad kapag ganyan ang mindset mo? Ayos lang naman ikompara mo ang iyong sarili sa iba basta't sa POSITIBONG PARAAN. Para naman ma-motivate ka. Pero kung ikinokompara mo ang iyong sarili tapos INGGIT ang nabubuo sa puso mo, 'yon ang napakalaking MALI. Ito ang sabi ni Theodore Roosevelt


Totoo naman, 'di ba? Kasi malulungkot ka kung ano yung mga nakikita mo sa iba na wala sa 'yo. Imbes na mainggit ka o ituring na kakompetensiya mo sila, maging masaya ka na lang sa narating ng iba. Good things can happen to other people, it doesn't mean that your life is any less important. Plus, by being happy for others, you will learn to accept yourself and let more positivity into your life. Dapat confident ka sa sarili mo. Dapat masaya ka kung ano ang hitsura mo at kung ano ang mga nakamit mo sa buhay. Lahat naman tayo ay may mga ups and downs. Kung palagi ka lang negatibo, ito ang magpapalugmok ng buhay mo. If you think you can't do something, then you most likely will not. Negative thoughts can make you feel stuck, they can make you feel like there is no way out of your problems, and that you have zero options. Pero kung positibo ka lang sa buhay, mare-realize mo na kaya mo palang harapin ang malupit na sitwasyon. Mare-realize mo na kaya mo palang kontrolin ang iyong buhay. Bago mo ikompara ang iyong sarili sa iba, tandaan mo, walang perpektong buhay. No one is perfect. Once you realize that, you'll find that comparing yourself to others is wasted time because everyone has a different path, including you. At isa pa, yung mga taong pinagkokomparahan mo, hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan nila sa buhay. Hindi kasi natin alam kung ano ang nasa likod ng kanilang mga pagtawa at ngiti. Lalo na sa social media, mga HIGHLIGHTS lang ng mga tao ang nakikita natin. Palagi tayong talo kapag ikinokompara natin ang ating sarili sa kanila. Kaya maging masaya ka na lang kung ano ang nalampasan nila. Mas mabuti pang ikompara mo na lang ang sarili mo sa nakaraan mo para naman makita mo na ang layo-layo na pala ng narating mo. This is how you're able to improve and how you avoid the self-deprecating emotions that come from comparing. Dapat mong maintindihan na napakakomplikado ng buhay at iba-iba din ang ating sitwasyon. Kaya imposibleng maging patas kapag nagkokomparahan tayo.


NUMBER 2
PALAGING NAKATUTOK SA SOCIAL MEDIA


Hindi ko naman sinasabi na walang kwenta ang social media. Pero 'wag mong ubusin ang oras mo sa kaka-scroll lang. Wala kang mapapala kapag hanggang scroll ka na lang. Para malinawagan ka, lahat ng bagay ay may advantage at disadvantage, lalo na ang social media. Depende na lang sa 'yo kung paano mo ito ginagamit. Social media is not a waste of time if you use it properly. Pwede mo itong gamitin for educational and for business purposes. Pero alam naman natin na halos lahat ng tao ay hindi ginamit ang social media for productive purposes. Most people only consume content to kill their time. Scrolling mindlessly is becoming so common these days. Scrolling is one of the biggest factors that affect FOCUS and ATTENTION negatively. Ano ba ang mga nakikita mo sa social media? Kadalasan ay mga post na wala namang kwenta. Mga post na hindi nakakatulong sa iyong pag-unlad. Have you heard of the saying,


Naririnig mo na 'yan, 'di ba? They cost you your TIME, FOCUS and ATTENTION and these 3 things are worth more than money. Pagbukas mo pa lang ng social media, hindi mo na namamalayan na ang lalim na pala ng gabi. Napansin mo 'yan, 'di ba? Ayos lang naman magbukas ng social media basta't 'wag mo lang ibuhos ang buong atensyon at oras mo doon. Minsan nagbubukas ako ng social media para manood ng funny videos. Kaunting oras lang para diyan tapos magsusulat na naman ako ng panibagong topic depende sa request ng mga viewers. I want to use my time wisely to be more productive. Gusto ko rin na maging ganyan ka. Pero hindi kita pinipilit na lumayo sa social media. Hindi ko naman hawak ang desisyon mo. Ipinapaalam ko lang sa 'yo kung paano gamitin ng tama ang social media.


NUMBER 3
PANGTSI-TSISMIS


Napakarami na ng tsismosa sa mundong ito. Ang dila ay parang matalas na kutsilyo, pumapatay ang dila ng walang pumapatak na dugo. Napakagrabe, 'di ba? Alam nating lahat na ang TSISMIS ay hindi kanais-nais, hindi produktibo, nagsi-spread lang ng negativity at wala itong benepisyo sa atin. Pero bakit dumarami ang mga tsismosa? Dumarami sila dahil wala kasi silang pinagkakaabalahan sa buhay. Kahit kapwa tsismosa ay nagtitirahan din sila sa isa't-isa. Nakakatawa, 'di ba? Bakit kailangan mong itigil ang pangtsi-tsismis? Dahil nakakasira ito ng pagkakaibigan at magkawatak-watak ang mga tao. Hindi lang ang taong pinag-tsismisan ang masisira, made-degrade din ang iyong karakter. Kapag nangtsi-tsismis ka, lumiliit din ang pagtingin ng mga tao sa 'yo. Hindi ka na pagkakatiwalaan ng mga tao. Para mo na ring sinasabi kung gaano ka ka-INSECURE sa sarili mo at sa buong buhay mo. Itatak mo sa isipan mo, ang taong kinakausap mo ay makakapag-isip na kung kaya mong siraan ang iba, siguradong kaya mo rin siyang siraan pagdating ng panahon. Kaya unti-unting nawawala ang mga tao sa paligid mo. At magiging boring na ang buhay mo kasi wala ng magtitiwala sa 'yo e. Kaya dapat mong baguhin ang iyong ugali. Dapat kang mag commit na hindi ka na mangtsi-tsismis. 'Wag ka na ring makinig sa mga tsismosa, 'wag ka na ring magbahagi ng baho ng iba. Kung may gusto kang sabihin, dapat mag-isip ka muna kung ito ba ay nagdadala ng positive vibes. Kung hindi, 'wag ka na lang magsalita. Kung tsismosa ka talaga, alam mo bang pinagtsi-tsismisan ka rin ng iba? Kung gusto mong malaman ang baho ng iba, may nagsasaliksik rin kung ano ang baho mo. Imbes na maglaan ka ng oras para malaman kung ano ang mga hakbang para umunlad ang buhay, iginugol mo ang iyong oras sa mga walang kwentang kwento ng buhay ng iba. Wala namang punto e. At ang mas malala pa, hindi ka ba nakokonsensya na pinagtsi-tsismisan mo ang mga taong walang kaalam-alam at walang kalaban-laban? Sinasaksak mo sila patalikod. Tapos ang plastik mo pa sa harap nila. Kasi ako, isa lang ang goal ko. Kung paano ko paunlarin ang aking buhay. A person's private life is none of my business. Hindi naman ako magkakapera sa pangtsi-tsismis e. Wala tayong sweldo diyan. And when you engage in gossip, all it serves to do is make yourself more judgemental and toxic. Gusto mo ba 'yon? Alam kong hindi. Rather than gossiping about people behind their backs, magpokus ka na lang sa goal mo. And that’s really what being successful is all about: Completing the goals that you set out to complete.


NUMBER 4
LUMAYO KA SA MGA TAONG NEGATIBO


'Wag kang maglaan ng oras sa mga taong puro negatibo lang ang lumalabas sa bibig nila. Kasi manghihina ka rin e. Sila pa ang magpapabagsak sa 'yo. Gusto mo namang umunlad ang buhay mo, 'di ba? E di tanggalin mo ang mga taong nagpapabagsak sa 'yo. Doon ka sumama sa mga taong may matutunan ka kung paano umunlad sa buhay. Surround yourself with people who lift you up, who lend you knowledge and help you learn from your mistakes. Napakasikat na ng quote na ito,


Gusto mo bang sumama sa mga taong toxic? Kung gusto mo e wala kang mararating. Pero ang positive side lang kapag may kasama kang toxic, ay mas determinado kang hindi ka magpapabasgsak. Their constant efforts to bring you down will actually bring out the BEST IN YOU. Alam mo, kawawa ang mga taong toxic. Kaya sila ganyan dahil hindi sila masaya sa buhay nila e. Its the troubled mind and lack of awareness that makes them do all this. Uulitin ko, hindi sila masaya sa kanilang sariling buhay, wala sila sa pokus, hindi rin nila maintindihan kung ano ang ginagawa mo. Kaya 'wag kang magalit sa kanila. Kasi kawawa ang mga taong ito e. Lumayo ka lang sa kanila pero 'wag kang magkimkim ng galit. Maghanap ka ng mga taong optimistic sa buhay. Yung mga taong may magandang plano sa kanilang buhay at yung mga taong hindi bastos ang ugali. Hindi madaling bitawan ang mga taong toxic lalo na kung pamilya mo sila. Pero minsan kailangan mong gawin 'yon para makalaya ka, para makapagpokus ka sa goal mo. Tandaan mo, DIAMOND ka. The more critical condition you will subject yourself to, the brighter you will shine.


NUMBER 5
LUMAYO KA SA MAINGAY NA LUGAR


Kung lalayo ka sa mga toxic, layuan mo rin ang lugar na napakaingay. Hindi ko naman sinasabi na lumayas ka. Kailangan mo ring mag relax sa nature. Sa nature walang ingay. Napakapresko pa ng utak mo doon. Kaya isa ako sa mga taong hindi sumama sa mga party kasi ayoko ng mga maiingay na lugar. Introvert kasi ako e. Pero hindi ibig sabihin na mahiyain ako. Ayoko lang talaga sa maiingay na tao at lugar kasi nadi-drain ang energy ko e. Hindi rin gumagana ang utak ko kapag may ingay. Musika lang ang hilig ko. Bakit gusto ko ang nature? Kasi parte ako ng nature e. Parte tayong lahat sa nature. When you go towards it, you go close to yourself. It soothens you up, deep within your heart, mind and soul. Minsan subukan mo ring pumunta sa nature. Ina natin ang kalikasan e. Pinoprotektahan nito ang ating well-being. NATURE and LIFE runs with balance and life is all about balance. Pero hindi ibig sabihin na sa bahay lang maingay. Kasali na rin dito sa workplace. Kapag ayaw mo ang trabaho mo, umalis ka na. Humanap ka ng ibang trabaho. Paano ka uunlad kung nagpapa-ipit ka sa sitwasyong hindi mo gusto? Isipin mo 'yan ng mabuti, okay?


NUMBER 6
NAKATUNGANGA NA LANG SA BUHAY


'Wag mong sayangin ang iyong oras sa kakatunganga. Wala ka bang plano sa buhay? Kung gusto mong maging successful, dapat may plano ka kung ano ang gagawin mo. Imagine na gusto mong mag build ng bahay. Hanggang imagine ka na lang ba? Kukuha ka lang ba ng martilyo at pako at 'yon na 'yon? O magpaplano ka muna? Siyempre magpaplano ka muna. Starting without a plan is a recipe for disaster. Kung gusto mong maging positibo ang iyong mindset, dapat baguhin mo ang ugali mo. Dapat maunawaan mo na hindi magbubunga ang lahat sa isang tulog lang. Kahit maayos na ang plano mo, matatagalan ka pa rin. It takes time to achieve your big goals, and that involves achieving little goals every single day. Kahit matatagalan ka pa, 'wag mong sukuan ang mga plano mo. Marami na ngayon ang nakatunganga na lang sa buhay. Hindi nila alam kung ano ang patutunguhan nila sa buhay. Kaya nagpapaanod na lang sila sa buhay na hindi nila gusto. Imbes na sila ang nagkokontrol sa buhay nila, sila ang kinokontrol ng kanilang buhay. Masasayang lang oras mo kung araw-araw ay wala kang planong inaaksyonan.


NUMBER 7
'WAG KANG MAGPOKUS SA IBA


'Wag kang maglaan ng oras para isipin ang buhay ng iba. Dapat mas unahin mo ang sarili mong buhay. Paano ka mag-iimprove niyan? Water your own grass. Tanggapin mo kung nasaan ka ngayon. Hindi mo mababago ang sitwasyon kung hindi mo tanggap ang sitwasyon mo. Instead of fighting where you are, come to peace with it. Say yes to every part of your life, and from that place, make decisions that will move you in the right direction. Kung hindi ka man masaya sa buhay mo ngayon, tandaan na ito'y isang snapshot lang ng buhay mo. Kung anuman ang sitwasyon mo ngayon, hindi naman mananatiling ganyan ang sitwasyon mo e. Malay mo 3 years from now, makakalaya ka na sa negatibong mentalidad. What matters is your mindset, attitude, and where you're going. Magpokus ka lang kung ano ang mga nakamit mo ngayon. Sabi nga ni Oprah Winfrey,


Decide not to let fear guide your choices. Imbes na magpokus ka sa buhay ng iba, gamitin mo na lang sila bilang iyong inspirasyon. 'Wag mong baguhin ang iyong sarili para lang maging katulad ka nila. Kasi hindi mangyayari 'yon. Magpakatotoo ka sa sarili mo. 'Wag kang mahiya na iba ka sa kanila. Ang tunay na tao, tatanggapin ka ng buo. 'Wag mong itago ang tunay mong pagkatao dahil ikaw lang ang nakakaalam ng tunay mong kalakasan, kahinaan, and everything in between. Don’t try to be someone you're not, okay?


NUMBER 8
KALIMUTAN MO NA ANG NAKARAAN


Hindi naman literal na kalimutan kasi hindi mo naman makakalimutan 'yon. Bitawan mo lang. Tanggapin mo lang. Masasayang lang oras mo kasi hindi mo naman maibabalik o mababago ang mga nangyayari e. Hindi ka makaka-move on kung hindi mo bibitawan ang nakaraan mo. Being successful is all about moving forward and improving. Balikan mo ang nakaraan kung saan may mapupulot kang aral. Pagkatapos mong magamit ang aral na 'yon, bumitaw ka na. Magpokus ka na sa goal mo ngayon.


NUMBER 9
'WAG KANG MAGPAPADIKTA SA IBA


Masasayang lang ang oras mo kung palagi mong sinusunod ang expectations nila. Napakataas ng expectations ng mga tao at mahirap abutin 'yon. Kapag nabubuhay ka para sa kanila, maliligaw ka ng landas. Dapat may sarili kang standards para sa sarili mo. Hindi mo misyon na i-please ang mga tao. Hindi mo naman magagawa 'yon. And worrying about what other people think is just a time-wasting activity that doesn’t help you move forward in life.


NUMBER 10
'WAG KANG MAG REKLAMO


Masasayang lang ang oras mo sa kakareklamo. Kapag reklamador ka, walang magkakagusto sa 'yo kasi negatibong ugali 'yan e. Complainers are not fun to be around and they make everything seem more difficult than it really has to be. Kung tunay ka sa layunin mo, 'wag mong sayangin ang iyong oras sa kakareklamo sa mga bagay na hindi mo mababago. 'Wag kang magapapakabiktima. Take responsibility for your actions and always try your best.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177