10 Things To Remove In Your Vocabulary By Brain Power 2177

Photo by Liza Summer:

https://www.pexels.com/photo/frustrated-black-woman-sitting-in-room-6382672/
 

Unang una sa lahat, gusto kong malaman mo na ang negatibong pag-iisip na naranasan mo ngayon ay normal lang. Kahit ako ay nag-iisip din ng negatibo paminsan-minsan. Wala namang perpektong tao. We are programmed to scan our environment and searching for problems to fix. Peo magiging problema lang ito kung pinaniniwalaan natin ito. Yun bang iniisip natin na totoo ang mga ito. Maaari tayong maging pinakamasamang kaaway ng ating sarili. Ang mga negatibong 'yan ang naglilimita sa ating buhay. Tulad ng karamihan sa mga tao, bulag ako sa impormasyon na ito. Napapagod ako noon sa kakaisip ng negatibo. At napagtanto ko na ang mga negatibong pag-iisip na mayroon ako ay hindi talaga katotohanan. Pero tandaan mo, kung kaya mong isipin ang negatibo, kaya mo ring tanggalin 'yan sa ulo mo. Heto na ang 10 karaniwang negatibong pag-iisip na mayroon tayong lahat at kailangan mo na itong tanggalin ngayon.


NUMBER 1
HINDI AKO SAPAT


Naisip mo ba na hindi ka sapat? Hindi mo kayang mahalin ang sarili mo habang kinamumuhian mo ito. Ang isa sa mga dahilan kung bakit naiisip mong hindi ka sapat ay palagi mong ikinokompara ang buhay mo sa buhay ng iba. You start comparing yourself and you forget all the unique and wonderful things you possess. Maaari itong maging isang sintomas ng mababang pagtingin sa sarili, ngunit ang totoo, ang bawat isa ay SAPAT na. Tandaan mo 'to palagi: WALANG KULANG SA 'YO.

Maaaring wala kang skill upang makamit ang gusto mo ngayon, ngunit tiyak na ikaw ay sapat na mahusay at karapat-dapat na makamit ang gusto mo sa buhay. Kung mayroon kang P1, 000, at nahuhulog ito sa putik, nawawala ba ang halaga ng P1, 000 mo?  Syempre HINDI!  Kaya't bakit mo naramdaman na nawalan ka ng halaga batay sa nagawa mo sa buhay?

Sa halip na sabihin mong, "HINDI AKO SAPAT," sabihin mo sa 'yong sarili na karapat-dapat ka sa lahat ng iyong hinahangad sa buhay. Magpokus ka sa mga bagay na gusto mo tungkol sa iyong sarili sa oras na 'to.  Maaari mo ring ilista lahat ng mga bagay na gusto mo sa 'yong sarili at ipaskil mo ito malapit sa 'yo upang mababasa mo ito araw-araw. 'Yan ang magiging reminder mo na SAPAT KA NA. You are really special and with purpose. If you are not happy because you think you're not good enough, you will never be happy. Be happy and be who you are regardless of what society says, regardless of what the world out there thinks. Don't lose your laughter and joy in this cold dark world. Smile and put on a happy face.


NUMBER 2
HINDI KO MAGAGAWA 'TO


Ang salitang "HINDI" ay isa sa mga pinaka-naglilimita na mga salita na masasabi mo sa 'yong sarili. Minsan ng sinabi ni Henry Ford,


You need to understand that it's a BELIEF that you have made to keep yourself safe from the challenges of life. You need to understand that there is nothing to be afraid of. Be open to losing first and commit mistakes. Lahat ng iniisip mo ay magiging karanasan mo. Ibig kong sabihin, kung sasabihin mong “Hindi ko magagawa 'to” ano ang resulta, WALA. Hindi GAGANA ang iyong isipan kung sinabi mo na HINDI MO KAYA, na ito'y IMPOSIBLE. Sa halip na ituon ang iyong isipan sa mga bagay na hindi mo kayang gawin, sabihin mo sa 'yong sarili,

KAYA KONG GAWIN 'TO

Maniwala ka sa iyong kakayahan. Iniisip mo na hindi mo kaya e paano kung kaya mo pala? What if there is even a tiny chance that you could do it? Naisip mo ba 'yan minsan? Isa lang ang buhay mo. Bibitawan mo ba ang pagkakataong 'yan dahil lang iniisip mo na hindi mo kaya? Ilan na kaya ang pagkakataong inayawan mo dahil hindi mo sinubukan? Ilan na kaya ang matamis na bungang dumaan sa 'yo dahil natakot kang pitasin ito? Nakuha mo ba ang punto? Are you really let another one go without a fight? Subukan mo muna kasi hindi mo naman alam kung mananalo ka ba o hindi.


NUMBER 3
HINDI AKO SWERTE


Hindi ako swerte tulad niya. Palagi mo bang iniisip na mas mabuti pa ang buhay ng ibang tao dahil sila ay swerte. Kung oo, 'yan ang dahilan kung bakit nadidismaya ka sa 'yong buhay. Ang "PERPEKTONG BUHAY" ay hindi umiiral. Wala ring swerte sa buhay. Bakit? Hindi mo lang alam, na sa likod ng SWERTE na 'yon ay may maraming dugo't pawis na pumapatak. Napaka-disempowering kung isipin na ang buhay ay hindi magbibigay sa 'yo ng mabubuting bagay; kasi ang totoo, kung marunong ka lang magpasalamat, kung marunong ka lang magpahalaga sa maliit na bagay, makikita mo na mayroon ka nang magagandang bagay sa paligid mo at sa buhay mo mismo.

Sa halip na ipokus mo ang iyong isipan sa mga taong swerte, sabihin mo sa 'yong sarili, "ANG MABUBUTING BAGAY AY PWEDE RING MANGYARI SA 'KIN." Matuto kang magpasalamat sa mga bagay na nasa sa 'yo na. Kahit malilit na bagay man 'yan. Upang mapansin mo naman ang lahat ng mabubuting bagay na hindi mo karaniwang napapansin. Halimbawa, kailan ang huling oras na nagpapasalamat ka sa bahay mo? Sa pagkain na kinakain mo? O sa iyong komportableng kama? Kung hindi ka pa nakapagpasalamat, pasalamatan mo na 'yan lahat ngayon.


NUMBER 4
HINDI KO ALAM KUNG…


Anuman ang paniniwalaan mong magiging realidad mo, magkakatotoo 'yan.  Hinuhubog mo ang iyong hinaharap araw-araw sa pamamagitan ng iyong mga desisyon ngayon at sa pamamagitan ng iyong habits. Maaari mong masabotahe ang iyong pagkakataon sa pamamagitan ng paglilimita sa iyong sarili ng mga negatibong pag-iisip.

Ano kaya ang magiging kalagayan mo kung naniniwala ka na matutupad mo ang iyong pangarap? Hindi ka naman mananalo kaagad, hindi mo naman makukuha kaagad, ang punto lang dito ay sinubukan mo. Manalo man o matalo. Huwag mong pigilan ang sarili mo. Bigyan mo muna ang sarili mo ng pagkakataon na sumubok man lang. Huwag mong limitahan ang iyong sarili. Huwag kang mag-isip na hindi ka hindi mo magagawa ang isang bagay. Sa halip, sabihin mo sa 'yong sarili, "SIGURADO AKO NA GAGAWIN KO 'TO" Kahit na kaunti lang ang tiwala mo sa pagkakataong ito, kapag palagi ka lang nag-iisip ng positibo, kapag pinapakain mo ng positibong bagay ang utak mo, dahan-dahang mabubuo ang kumpiyansa mo. At ang mga bagay na hindi mo pa alam ay malalaman mo rin. Lalawak ang iyong kaalaman.


NUMBER 5
DAPAT MAS MAGING MAHUSAY AKO


Ang paggamit ng salitang "DAPAT" sa kontekstong ito ay gumagawa ng isang tunay na negatibong pag-iisip at ginagawa mo lang mas mababa ang iyong sarili kaysa sa ibang tao. Gaano ba kadalas mong masabi sa iyong sarili na: "DAPAT MAS MATALINO AKO, DAPAT MAS MAY DISIPLINA, DAPAT MAS PRODUKTIBO AKO. Naaalala mo ba n'ong sinabi mo ang mga 'yan? Ano ba ang pakiramdam mo kaagad pagkatapos mong sabihin 'yan? Siyempre babalik ang isip mo sa number 1, HINDI AKO SAPAT.

Sa halip na isipin mo 'yan, sabihin mo sa 'yong sarili, "NAGSISIKAP AKONG BAGUHIN ANG MGA HINDI KO GUSTO SA SARILI KO." Ang bawat isa ay may parte sa kanilang sarili na inaasahan nilang mapabuti, at ito ay tiyak na POSIBLENG MABAGO, but it requires approaching these things with a sense of self-love and patience. Sa halip na sabihin mo sa iyong sarili kung ano ang "DAPAT" gawin, magtakda ka ng mga LAYUNIN para sa mga bagay na hindi ka nasisiyahan. Aksyunan mo ang mga bagay na gusto mong baguhin at alisin mo ang paglilimitang salita mula sa 'yong bokabularyo.


NUMBER 6
WALA AKONG SAPAT NA LAKAS


May mga araw naman talaga na nanghihina ka. At napaka NORMAL na pakiramdam lang 'yon. Lahat tayo ay tao lamang, at walang tao ang hindi nanghihina. But the important thing, is the conversation you have with yourself afterwards. Paano ka ba lalakas kung negatibo na lang palagi ang laman ng iyong isipan? Gaya ng walang sariwang hangin kung puro basura ang nasa paligid. Sa halip na magpokus ka sa mga kahinaan mo, sabihin mo sa 'yong sarili na ikaw ay may SAPAT na LAKAS upang harapin ang mga hamon sa buhay mo, at siyempre gumawa ka ng paraan para masuportahan mo ang iyong sarili.


NUMBER 7
WALANG NAGMAMALASAKIT SA 'KIN


Maaaring nakaramdam ka ng kalungkutan dahil sa tingin mo ay nag-iisa ka at walang nagmamalasakit sa 'yo, ngunit kumbinsido ako na may mga taong iniisip ka, may mga taong nagmamalasakit sa 'yo, pero hindi mo lang alam. Ang mga tao ay nagmamalasakit, hindi lang lahat ay nagpapahayag ng kanilang emosyon sa paraan na gusto mo. Hindi magandang isipin mo na walang nagmamalasakit sa 'yo. Nakakasira 'yan ng mood mo. Kaya't itigil mo na ang pagpokus doon. Change your focus to something that makes you feel better instead. Sa halip na ipagpalagay mo na walang nagmamalasakit sa 'yo, paalalahanan mo ang 'yong sarili na may mga tao sa iyong buhay, na sa katunayan, ay nagmamalasakit talaga. Do your best to cultivate those relationships and accept the love others are willing to give in order to combat your negative thoughts.


NUMBER 8
HINDI AKO MATALINO


Ito ay isang napaka-pangkalahatang pahayag, subalit maraming tao ang madalas na sabihin 'to at nalulungkot din sila pagkatapos. Wala namang natutuwa kung sasabihin 'yan sa 'yo, 'di ba? Paano kung ako ang magsasabi sa 'yo na BOBO ka? Magagalit ka, 'di ba? Pero bakit napaka harsh mo sa 'yong sarili? Tanungin nga kita, saang parte ka hindi matalino? Kasi hindi sa lahat ng bagay ay bobo ka. May mga taong bobo sa Math pero ang talino sa Science. Halimbawa lang 'yan pero alam kong nakuha mo ang ibig kong sabihin. Hindi ka bobo sa lahat ng bagay, magagawa mo 'yon kung talagang susubukan mo. Kasi ako nga, may mga bagay na hindi ko pa alam. May parte rin na marunong ako. Hindi lahat ay matalino at perpekto sa bawat bagay, at ito ang nagpapa-unique sa ating lahat. Kung sa palagay mo ay nagkukulang ka sa kaalaman, sa halip na lumikha ng negatibong kaisipan, maglaan ka ng oras upang pag-aralan ang mga bagay na wala kang alam at alamin mo kung ano man ang gusto mo upang hindi mo na maisip ang ganitong kaisipan.

Sa halip na maniwala ka na hindi ka matalino, paalalahanan mo ang iyong sarili na ikaw ay matalino sa isang natatanging paraan at may kakayahang pagbutihin ang iyong kaalaman sa anumang lugar na iyong pipiliin. Ang panghabang buhay na pag-aaral ay maaaring maging isang layunin na patuloy mong pinagtutuunan.


NUMBER 9
NAPAKATANGA KO


Grabe ang taas naman ng inaasahan mo sa 'yong sarili. At ang pagkakaroon ng mga kundisyon na nakakabit sa 'yong halaga ay hindi talaga MAKATARUNGAN. Kailangan mong subukan ang kakaibang mga bagay kung gusto mong makakuha ng iba't ibang resulta. Huwag kang matakot mabigo; ang tunay na kabiguan ay yung mga taong hindi kailanman sumubok.

Kapag nahaharap ka sa isang peligrong hamon sa buhay, sabihin mo sa 'yong sarili, SUSUBUKAN KOHINDI AKO NATATAKOT MABIGO, HINDI 'YON ANG MAHALAGA. Kahit na "NABIGO KA," may matututunan ka tungkol sa mundo at tungkol sa 'yong sarili. At kung pagkatuto naman ang kapalit, hindi 'yon KABIGUAN. 'Yon ay bagong KAALAMAN.


NUMBER 10
MAY MASAMANG BAGAY NA MANGYAYARI


Teka lang, ba't mo hinuhulaan ang mangyari? May superpower ka ba? Ang problema kasi ng mga negatibong tao, kahit anong gawin, nakapokus lamang sa mga masamang mangyari. Ano ang magiging kalagayan ng iyong buhay kung naisip mo ang pinakamabuting senaryo? Ang ating positibo at negatibong pag-iisip ay NAPAKALAKAS. Kung mag-iisip ka ng masamang pangyayari, kasamaan rin ang darating sa 'yo. Kung naiisip mo man ang pinakamasama o pinakamagandang sitwasyon, naiimpluwensyahan mo din ang resulta. Ihinto mo ang pagpokus sa kung ano ang ayaw mong mangyari at simulan mong magpokus sa kung ano ang gusto mong mangyari.

Sa halip na isipin mo na ang mga masasamang bagay ay magaganap kapag sinubukan mo ang isang bagay, subukan mong isipin ang pinakamaayos na maaaring mangyari. Sa ganitong paraan, aangat ka, at kahit na medyo madapa ka, mas aangat ka pa rin kaysa sa dati.

Lahat tayo ay may mga negatibong pag-iisip paminsan-minsan. Gayunpaman, kapag ang karamihan ng iyong mga iniisip ay negatibo, pinapahina mo lang ang iyong sarili. Mas lalo kang malulungkot. Ang ating mga iniisip ay direktang nakakaapekto sa ating nararamdaman, at samakatuwid, nakakaapekto kung ano ang ginagawa natin sa buhay.

Kung nalulungkot ka at nalulula ka ng mga negatibong pag-iisip, maaari mong isaalang-alang ang pakikipag-ugnayan sa isang propesyonal upang maiayos ang iyong mentalidad at ibalik ka sa tamang daan patungo sa positibo. Huwag mong limitahan ang iyong sarili o limitahan kung ano ang posible para sa 'yo. MASTER YOUR THOUGHTS AND CHANGE YOUR RESULTS.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177