10 Sign You Have A Bad Attitude By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio:
https://www.pexels.com/photo/woman-in-gray-tank-top-3812746/


Alam mo ba kung ano ang mabilis na makakasira ng kaligayahan mo? Walang iba kundi ang masama mong ugali. Kung masama ang ugali mo, mahihirapan ka talagang sumaya. Kung masama ang ugali mo, imbes na silver lining ang makikita mo, makapal na ulap ang bumabalot sa paningin mo. Mahihirapan kang makakita ng solusyon sa bawat problema mo. Ito ay seryosong problema. Dahil sa pangit na ugaling 'yan, 'yan din ay magbubunga at ikaw ang sasalo sa bunga na 'yan.

Halimbawa, galit ka sa lahat ng tao at pakiramdam mo ay walang nagmamalasakit sa 'yo dahil palagi ka lang iniiwan ng mga tao. Ngunit hindi mo lang na-realize na ang iyong sobrang galit sa mundo at ang iyong pagkanegatibo ang siyang dahilan kung bakit nilalayuan ka ng mga tao. Ang taong positibo at optimistic ay hindi sasama sa mga taong masasama ang ugali kasi ayaw nila ng katoxican. It is emotionally draining. Minsan kasi hindi ang ibang tao ang may kasalanan kung bakit lumalayo sila. Kailangan mo ring suriin kung may problema ba sa 'yo.

Kung napapansin mong sobra na ang ugali mo, siyempre kailangan mo ng tulong. Hindi ba dapat may tumulong sa 'yo? Assuming na nangangailangan ka ng tulong, assuming na tatanggap ka ng tulong para mabago ang pananaw mo sa buhay, hindi ka pa rin magbabago kung hindi ka tutulong sa sarili mo. Kailangang pagsikapan mo rin na baguhin ang masama mong ugali. Ang mga tao ay willing gumabay sa 'yo pero nasa sa 'yo pa rin ang desisyon kung paano baguhin ang sarili mo. Pero siguro naitanong mo ngayon, “paano ko naman malalaman kung masama ba ang ugali ko?” Well, narito ang 10 karaniwang mga palatandaan.


NUMBER 1
HINDI MAKATWIRAN ANG EXPECTATIONS MO

Ang hindi makatwirang mga expectations ay kadalasang tanda ng pagiging SPOILED. Kumbaga feeling entitled ka. Ang mga taong may hindi makatwirang mga inaasahan ay hindi marunong makiramay sa mga taong nahihirapan sa buhay. Kasi iniisip nila na sila lang ang dapat tulungan dahil sila lang daw ang may karapatang tumanggap ng tulong. Spoiled e. Madalas ba ay demanding ka? Palagi ka bang nag-iisip na ikaw ang dapat unahin? na lahat ng gusto mo ay dapat tutuparin nila? Minsan ang mga taong feeling entitled ay hindi sumasang-ayon sa mga ideya ng ibang tao lalo na kung hindi pabor sa kanila ang resulta ng usapang 'yon.

Tandaan mo, wala ka sa itaas. No one is above the law and no one is above the rules. Kaya't 'wag kang umasa na ibaluktot ng ibang tao ang batas o mga panuntunan para lamang paboran ka. May mga tao talagang ganito. At sana'y hindi ganito ang ugali mo. Lalo na yung mga taong nagtatrabaho, may ibang tao na sisigawan ang empleyado kasi customer daw sila, sila daw ang palaging tama. Sila lang daw ang may karapatan. May mga taong nagagalit kapag pinapila sila dahil mas mayaman daw sila, mga feeling VIP. Napakasama ng ugaling 'yan. Alam kong nasaksihan mo na ang ganitong ugali. Uulitin ko, sana'y hindi ganito kalala ang ugali mo.


NUMBER 2
TINATRATO MO ANG IBA NA KALABAN MO


Totoo naman na talagang mapanganib na ang mundo ngayon. Marami na ang mga taong mapanakit. Gagawa sila ng masama sa anumang paraan. Kaya ikaw din ay naniniwala sa negatibong ikot ng mundo. Kaya ang tingin mo sa mga tao ay kakompetensiya mo o kalaban mo. Okay lang naman makipag compete ka. Alam mo ba ang hindi okay? Yung hihigitan mo ang iba dahil gusto mong ikaw ang titingalain ng ibang tao. Aaminin ko, ganito ako mag-isip noon. Gusto kong higitan ang iba para spesyal ako sa paningin ng mga tao. But I never realized that it's okay to not have what others have because I already have something which others don't. Kailangan nating i-admire ang mga nakamit ng iba nang walang halong inggit. Kailangan mong sanayin 'yan. Kung may nakikita kang tao na mas maganda pa sa 'yo, mas gwapo pa sa 'yo, mas mayaman pa sa 'yo, mas marami pang followers sa 'yo, i-admire mo sila. Admire their hard work, admire their capacity, admire their talent but all the time, never question yours. It will provide great relief.

At tandaan mo, makipagkompetensiya ka lang sa sarili mo. Higitan mo ang ginawa mo kahapon. Be better than yesterday. Try to be the best version of yourself. Compare yourself with yourself, no one else but yourself. 'Wag kang mainggit. 'Wag kang magalit. 'Wag mong pangitin ang ugali mo nang dahil lang sa mga bagay-bagay sa mundo.


NUMBER 3
GUSTO MONG IKAW LANG ANG RERESPETUHIN


Maraming tao ang hindi nakakaalam na mayroong dalawang magkaibang respeto. Una ay ang pagkakaroon ng mataas na pagpapahalaga sa ibang tao. Lalo na sa mga taong hinahangaan natin. Inilaan natin ang ating respeto sa mga taong hinahangaan natin. Ikalawa ay ang pagkilos natin sa paraang hindi sagabal o hindi nakakahadlang sa buhay ng ibang tao. Kung hindi mo nirerespeto ang ibang tao, 'wag kang umasa na rerespetuhin ka nila. Sino ka ba sa tingin mo, 'di ba? Ang sama naman ng ugali mo kung ikaw lang ang dapat respetuhin. Respect is not demanded, it is EARNED. It takes a damn long time to earn. It comes from the INTEGRITY of a person's actions matching their words. Madali kang respetuhin ng mga tao kung ikaw yung tipo na may isang salita. Kung ikaw yung tipo na may respeto sa ibang relihiyon. Kung ikaw yung gumawa ng mabuti sa sinuman nang walang hinihinging kapalit. Madali mong matanggap ang respetong hinihingi mo kung tumulong ka nang hindi nagmamayabang. Kung ikaw yung tipo na tinatratong pantay ang lahat ng tao. Nakuha mo ba ang punto? Dapat ikaw ang magbigay nun sa sarili mo at sa ibang tao bago nila mapansin na karerespeto kang tao. People deserve respect if they have earned it. Natutunan ko pa nga na kailangan din nating respetuhin ang ating kaaway lalo na kung nakikita natin na nagpapakatotoo siya. Alam mo kung ano ang mahirap respetuhin? Yung mga taong balimbing, mga chismosa, mga sinungaling, mahirap respetuhin ang mga taong ito. Kaya kung nag de-demand ka ng respeto, hindi 'yan pwede. Respetuhin mo muna ang sarili mo at ang ibang tao bago mo matanggap ang respetong hinahangad mo.


NUMBER 4
PALAGI KANG BAD MOOD


Alam mo ba kung bakit nadadamay ang ugali mo sa mood mo? Kasi kung bad mood ka, dinadamay mo ang lahat ng tao. Bad mood ka dahil sa isang bagay, damay-damay na lahat. Masama ang ugaling ito. Yes I know that there's always bitterness, anger, or cynicism to fall back on even the sunniest of days. Pero isipin mo rin ang kagandahang side ng buhay. Hindi lang naman palaging ganyan, 'di ba? Kailangan mo ring kontrolin ang emosyon mo. 'Wag mong idamay ang ibang tao dahil lang sa nangyari sa buhay mo. May mga panahon na naba-bad mood din ako. Alam mo ba kung ano ang kakampi ko? Mga libro. When I am reading something interesting, I forget my existence. Oo aaminin ko na mahirap magbasa kapag bad mood ka, mahirap manood ng TV, hindi mo maintindihan ang pinanood mo, but for me, reading is the best medication I have. Kaya't madali kong napahinahon ang kalooban ko. At hindi ako nandadamay ng iba. Minsan nga tumatawag pa ako sa mga kaibigan ko o sa mga pinsan ko para gumala kami. I will tell them how I feel, how bad it feels, how hard it is for me to cope up, or sometimes talking nonsense. Whatever comes to mind. Para lang maibsan ang aking pangit na nararamdaman. Kaya kung bad mood ka, 'wag mong hayaan na kontrolin ka nito. Ikaw dapat ang magkokontrol sa emosyon mo. Tandaan mo, 'wag kang mandamay ng iba.


NUMBER 5
WALA KANG PAKIALAM SA IBA


Napakasamang ugaling ito. Alam mo na ngang masama ang ugali mo, proud ka pa. Wala kang pakialam kung may magkakagusto ba sa 'yo o wala. Pero sa totoo lang, gusto mo namang may kumakaibigan sa 'yo e. Umaasta ka lang na parang wala kang gusto dahil tinatakpan mo lang ang iyong insecurities. Alam mo, madali kang magustuhan ng mga tao kung ikaw mismo gusto mo ang sarili mo. Paano ba nila makikita ang tunay mong pagkatao e hindi mo pinapakita ang kabutihan mo. Umaasta ka na parang wala lang kaya paano ka magugustuhan ng mga tao e parang wala kang feelings? People grow to expect negative things from you because that's who you have determined yourself to be.

Pero hindi naman kita hinuhusgahan kung bakit nagkaganyan ka. Siguro may pinagdadaanan ka na sobrang bigat at na-truma ka. Siguro may mga taong iniwan ka at pinamukha nila sa 'yo na wala kang kwenta, na hindi ka kamahal-mahal, na hindi ka kagusto-gusto at nadala mo 'yan sa buong buhay mo. Kaya negatibo na rin ang pagtingin mo sa iyong sarili at naninigas ang iyong puso at nawalan ka na ng paki sa mundo. In that regard, it becomes a self-fulfilling cycle where the person doesn't have the self-worth to realize they are valuable, projects that onto others through their hostility, and then ends up alone because no one wants to deal with it.


NUMBER 6
INIISIP MO NA MAS LAMANG KA SA IBA


Sa palagay mo ba ay mas lamang ka sa kanila? na mas marami kang alam kaysa sa kanila? 'Wag kang mayabang. SELF-INFLATED EGO. An individual can be smarter, better looking, wealthier, in great shape, but nothing means that they are better than everyone else. Bakit ko nasabi? Kasi hindi sa lahat ng aspeto ng buhay ay lamang ka. Kung lamang ka sa kayamanan, paano kung masaklap pala ang love life mo? Kaya 'wag kang magmayabang. Sabi ni Thomas Jefferson, “All men are created equal” hindi naman ibig sabihin na ipinanganak tayo na pareho ang ating kagalingan at talento. Alam nating lahat 'yan. Ang ibig sabihin ni Thomas ay pareho tayong may halaga ang ating buhay. All people should have the same rights and the same responsibilities as one another. In the moral sense, none could be superior or worth more than the other.


NUMBER 7
FEELING VICTIM KA


Isa ito sa mga pinakamasamang ugali ng tao. Kung ito ang ugali mo, magbago ka na. Nakakawalang gana kapag may kasama kang mga taong ganito. Magkaiba ang BIKTIMA at NAGPAPAKABIKTIMA at VICTIM MENTALITY. Kaya ipapaliwanag ko ng mabuti para maunawaan mo.

Ang BIKTIMA ay taong nagdurusa dahil sa ginagawa ng masamang tao. Madali lang intindihin, 'di ba?

Ang NAGPAPAKABIKTIMA naman ay taong fina-fabricate nila ang kwento o ini-exaggerate nila ang kwento para sila ang magmukhang malinis sa eksena, para magkasala ang iba, para kontrolin ang isipan ng iba, ito ang kanilang strategy para sila ang kaawaan ng karamihan, para makakuha sila ng atensyon. Playing victim can become a bad habit and can develop into a victim mentality.

Ang VICTIM MENTALITY naman ay taong marunong magplano, wala pang nangyari, planado na ang kanyang kasinungalingan. Alam na niya kung ano ang kanyang gagawin para magmukha siyang biktima kung sakaling maipit siya sa sitwasyong siya lang din ang gumawa. Kung may ugali kang ganito, magbago ka na.


NUMBER 8
NAIINGGIT KA SA TAGUMPAY NG IBA


Napakasamang ugali nito, 'di ba? Tanungin nga kita, ang tagumpay ba ng iba ay nagdudulot sa 'yo ng galit at inggit? Naiinggit ka ba dahil nagkaroon na sila ng bagay na matagal mo ng hinahangad? Naiinggit ka ba dahil gumaganda na ang buhay nila? Tanggalin mo na ang inggit sa katawan mo. You can be happy for the happiness of others. Practice thinking positive thoughts for them when another achieves success. No matter why you are happy, happiness is a great pleasure and achievement in itself. Try feeling happiness for another even if it seems difficult. It will become more and more genuine over time. Wala namang bayad pumalakpak sa tagumpay ng iba, 'di ba? It's all INTERNAL but it will ENRICH your life so much. And while you're busy being happy, your own life will become more and more successful without you even having to think about it. Try it and see what I mean.


NUMBER 9
HINDI KA MAGSO-SORRY


May mga taong ganito e. Kahit alam nilang sila ang may kasalanan, ayaw nilang mag sorry. Isa ka ba sa mga taong may ganitong ugali? Napakaraming dahilan kung bakit maaaring gawin ito ng isang tao. Maaaring ito ay resulta ng social dysfunction sa kanilang pamilya. Siguro feeling entitled sila. Gusto nila na sila ang unang lalapitan at wala silang pakialam sa emosyon ng iba. Maaaring iniisip nila na ang pagso-sorry ay tanda ng kahinaan at ayaw nilang ipakita na mahina silang tao. Maaaring feeling perfect sila kaya hindi nila maiisip na magkakamali sila. Accept responsibility and approach the person humbly and with humility. Kung hindi ka pa kayang harapin ng taong nasaktan mo, mag message ka na lang sa kanya. Siguradong mababasa naman niya 'yon. Kung nagso-sorry ka na pero hindi ka pa nila pinatawad, sa kanila na 'yon. Hindi naman madaling magpatawad kaya 'wag mong pilitin na patawarin ka nila. Ang importante ay nalaman nilang humble kang tao at sincere ka. 


NUMBER 10
AYAW MONG TANGGAPIN ANG OPINYON NG IBA


Ikaw ba yung tipo na pinakinggan mo lang ang gusto mong pakinggan? Gusto mo ba na ikaw lang lahat ang masusunod at iniisip mo na mali sila sa kanilang desisyon kung ayaw nila ang opinyon mo. Masama ba ang reaksyon mo kung katotohanan ang narinig mo tungkol sa 'yo? Halimbawa sa relasyon, nag-flirt ka sa ibang tao, para sa 'yo hindi 'yon big deal. Pero para sa partner mo, big deal na 'yon. At ikaw pa ang galit dahil ang nasa isip mo dapat ikaw ang masusunod na hindi 'yon big deal. Tapos ikaw pa ang galit kung bakit hiniwalayan ka at sisiraan mo pa ang partner mo na siya ang walang kwenta. Napakasama naman ng ugaling 'yan, 'di ba?

Ngayong alam mo na masama ang iyong ugali, gusto mo bang magbago? Paano? Alamin mo kung bakit nagkakaganito ka. Alamin mo kung ano ang ugat ng masamang ugaling ito. Alamin mo kung ano ang maaaring gawin upang pagalingin ang sugat sa puso mo dahil sa past experiences mo na nakakaapekto sa iyong pag-uugali ngayon? 'Yan ang susi para malaman mo ang lahat ng ugat nito.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177