10 Sign You Have A Bad Attitude By Brain Power 2177

Masama ba ang ugali mo? Photo by Andrea Piacquadio: https://www.pexels.com/photo/woman-in-gray-tank-top-3812746/ Alam mo ba kung ano ang mabilis na makakasira ng kaligayahan mo? Walang iba kundi ang masama mong ugali. Kung masama ang ugali mo, mahihirapan ka talagang sumaya. Kung masama ang ugali mo, imbes na silver lining ang makikita mo, makapal na ulap ang bumabalot sa paningin mo. Mahihirapan kang makakita ng solusyon sa bawat problema mo. Ito ay seryosong problema. Dahil sa pangit na ugaling 'yan, 'yan din ay magbubunga at ikaw ang sasalo sa bunga na 'yan. Halimbawa, galit ka sa lahat ng tao at pakiramdam mo ay walang nagmamalasakit sa 'yo dahil palagi ka lang iniiwan ng mga tao. Ngunit hindi mo lang na-realize na ang iyong sobrang galit sa mundo at ang iyong pagkanegatibo ang siyang dahilan kung bakit nilalayuan ka ng mga tao. Ang taong positibo at optimistic ay hindi sasama sa mga taong masasama ang ugali kasi ayaw nila ng katoxican. It is emotionally draining. M...