8 Things To Start Doing Today By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio from Pexels:
https://www.pexels.com/photo/photo-of-woman-standing-on-sunflower-field-3756168/


Tayong lahat ay may parehong hangarin sa mundo. Gusto nating magbago ang ating pananaw sa buhay. Gusto nating mag-improve tayo. Pero sa kasamaang palad, marami pa rin ang na-stuck sa kanilang sitwasyon. Hindi sila makausad. Bakit? Kasi alam na sana nila ang kanilang kagustuhan pero wala naman silang inaaksyonan. Hanggang sa plano lang tapos hindi ini-execute. But you know what, you are capable of making the BIGGEST TRANSFORMATION of your life. Pero hindi naman magbabago ka kaagad. Hindi mo mababago ang sarili mo sa isang araw lang. Ibig kong sabihin, paisa-isang hakbang lang. Baguhin mo ang iyong attitude. To create the level of life you ultimately want, you have to change something you do daily. Kung ano man ang iyong sitwasyon ngayon, positibo man o negatibo, 'yan ang resulta ng ginagawa mo dati. It is your duty to live TRUE to yourself. Your life's mission is to EXPRESS YOURSELF. Your life's mission is to CREATE WHAT YOU LOVE and LOVE WHAT YOU CREATE. It's about EXPANDING and LIVING YOUR VISION of yourself. Until it is the greatest possible expression of who you are. Ang pinakaimportanteng hakbang sa buhay ay,


NUMBER 1
MAGDESISYON KA


MAKE A COMMITMENT. Dapat committed ka sa ginagawa mo. Dapat magdesisyon ka na gusto mo talagang magbago. Magdesisyon kang iwan ang mga walang kwentang bagay. Sa sitwasyon ko, when I have to make a hard decision that can change my life, mas sinusunod ko ang aking puso kaysa sa aking isip. Bakit? Kapag kasi desisyon ang pag-uusapan, lalo na kung tungkol sa pagbabago, my mind starts giving me all the reasons why not to do it,

“Paano kung mabibigo ako?”
“Paano kung wala silang tiwala sa akin?”
“Paano kung mapahiya lang ako sa desisyon ko?”
“Paano kung pagtatawanan lang nila ako?”

Naranasan mo na ito, 'di ba? Mismo ang sarili mong isipan ang kalaban mo. But when you follow your heart, isa lang ang maririnig mo,

“Gusto mo ba talaga itong gawin? Kung gusto mo, e 'di gawin mo.”

'Yan ang kaibahan. Sabi ng iba hindi pwedeng gamitin ang puso pero napatunayan ko na ito sa sarili ko. 'Wag kang magpokus sa outcome. Kung gusto mong makamit ang tagumpay, ibuhos mo lahat ng makakaya mo. 'Wag kang matakot kung mabigo ka. Even if you fail, no one can stop you from rising up again. Kahit mabigo ka, hindi ka naman mamamatay. Kung hindi ka mamamatay, e bakit natatakot ka pa? Magdesisyon kang 'wag sayangin ang oras mo. Hanapin mo ang mga kasagutan sa lahat ng BAKIT mo upang magawa mo ang lahat ng PAANO. Everyone craves clarity. It's the only way to reach deeper into yourself to find out what makes you come alive. Sino ba ang gusto ng magulong buhay? Wala, 'di ba? Pero nakakaranas na tayo ng ganyang buhay. May iba nga nasa ganyang sitwasyon pa rin. May mga taong natuto na pero wala pa ring ginagawa. Minsan maitatanong natin sa ating sarili:

“Ano ba ang layunin ko?”
“Ano ba ang kaya kong gawin?”

Maraming tao ang walang alam kung ano ang gusto nilang gawin sa buhay. Pero hindi naman masama 'yon. Okay lang 'yon. Self-discovery is a journey. Kung handa ka ng malaman kung ano ang mga hakbang at kung handa ka ng banggain ang mga pagsubok, diyan mo makikilala ng lubos ang sarili mo. Kung alam mo na ang BAKIT LIST mo, diyan na dapat papasok ang iyong aksyon. Only when you know your WHY will you find the courage to take the risks needed to get ahead.


NUMBER 2
SUMAMA KA SA MGA TAONG
MAS MARUNONG PA SA 'YO


Kasi ang tamang tao na nakapokus sa tamang bagay ay palaging umaangat sa buhay. Kaya't sumama ka sa kanila kung gusto mo ring umangat. Doon ka sumama sa mga taong mas maraming alam sa 'yo kasi marami kang mapupulot na karunungan sa kanila. When you surround yourself with people who are better than you, it will give you the room to understand that you are a work in progress. Matutunan mo na yung inaakala mong imposibleng gawin ay posible pala. Mai-inspire ka sa kanilang mga insights at sa kanilang confidence. Matutunan mo rin na ang matagumpay na tao ay ordinaryong tao lang pero may extraordinary mentality. You also begin to attract the winning mindset. Paano kung negatibo lang lahat ng kaibigan mo? Makakasira sila ng pananaw mo. Bakit? Wala silang tiwala sa kanilang sarili at mas lalong hindi ka nila paniniwalaan at susuportahan. Sarili nga nila hindi nila maiangat, ikaw pa kaya? Ang pag-angat sa buhay ay nakadepende 'yan kung sino ang nasa paligid mo. Kahit ang talino na ni Albert Einstein pero may mentor pa rin siya na si Max Talmud. Nagbago din ang aking buhay kasi may mentor din ako. We all need mentors in our lives. Sila ang gumagabay sa atin. Mga kaibigan na katulad nating positibong mag-isip.


NUMBER 3
MAGTIWALA KA SA MALIIT NA BOSES


Kahit napakaingay na ng ating mundo, kahit abalang-abala ka na sa buhay, may maliit na boses ka pa ring maririnig sa puso mo na magsasabing:

“Kailangan nating lumaban”

That positive voice in your head, if you listen hard enough, you can still hear it. Kapag nagdedesisyon ka ng magbago dahil naniniwala ka sa positibong boses na 'yan, makakayanan mo ang mahihirap na pagsubok. Sa sobrang bigat ng pagsubok, dalawang boses lang ang maririnig mo sa iyong ulo:

AYOKO NA at KAYA KO PA

Pero alam mo, minsan may mga taong nahihirapan magbago. Kasi kung magbabago ka na, lahat ng kaibigan mo ay iiwan ka. Sasabihin nila na nag-iba ka na. Pero subukan mo pa ring umabante. Ang nkakakatawa pa, kung magtatagumpay ka na, lahat ng mga nang-iwan sa 'yo, babalikan ka para i-congratulate ka at magtatanong pa sila kung paano mo nagawa 'yon. So always try the exact opposite and see what happens.


NUMBER 4
GAWIN MO ANG MAKABUBUTI SA 'YO


Sa buhay kasi natin, marami ang ibabato na opinyon galing sa iba't-ibang tao. Kung magpapaapekto ka, palagi kang talo. No matter how much you try to fit in or follow trends, some people will always pick, tease, or talk down to you. Just ignore the haters. They have nothing helpful to say. Remember that you can't base your happiness on what other people think. Doing so only makes you a slave to others. Accept the fact that you can't make everyone else happy and focus on making yourself happy. Do that and you will enjoy life. You will also build self-confidence and that can help you become something great. Buhay mo ito. Do what matters most to you. Do what makes you feel alive and happy. Don't let the EXPECTATIONS and IDEAS of others LIMIT who you are. If you let others tell you who you are, you are living their reality. Gusto mo bang mamuhay ka lang na nakasunod sa kanila? Sa kakagaya sa kanila? There is more to life than pleasing people. There is much more to life than following others' prescribed path. There is so much more to life than what you experience right now. You need to decide who you are for yourself. Become a whole being. You have a UNIQUE GIFT and the world needs to know about it. Kung nasaan ka man ngayon, ano man ang ginagawa mo, lahat ng pinagagawa mo ay dapat para sa sarili mo. Hindi dapat para pa-impressin mo sila. Alam kong magtatagumpay ka. Kaya lang, hindi ka pa naniniwala sa kakayahan mo. Tandaan mo 'to, hindi ka isinilang sa mundo na ganyan ka lang. You have everything you need to make an impact in the world. 'Wag mong ibuhos ang oras mo sa kakaisip sa hinaharap. Mawawala ang pokus mo sa ngayon. 'Wag mong patayin ang pokus mo sa araw na ito.


NUMBER 5
GAWIN MO


Dapat kumilos ka na. Dapat may gagawin ka. Hindi pwedeng imahinasyon ka na lang palagi. 'Wag kang palaging maghintay. Gawin mo na ngayon. Ano man ang religion mo, magtiwala ka na may Diyos tayo. Siya ang palaging gumagabay sa atin. There will always be RULES and LIMITS. Pero hindi ibig sabihin na ang limitasyon natin ay limitasyon na lang. Nakikita mo ba ang ebolusyon ng Apple? iPhone 14 na tayo ngayon. Kasi iniisip ng kompanya na hindi limitado ang kanilang isipan. Palaging may bago silang ginagawa. You should never limit yourself mentally. Never let your mind and your fears create the limits for your life. Let me ask you, what can you IMPROVE today? Kaya mo bang maglakbay sa sarili mong landas? Siyempre kaya mo. You think you are not capable but you can DO MORE than you think you can. 'Wag kang maniwala kung may tao man na magsasabing, diyan ka lang nararapat. Don't let them control you. Lahat ng nakapaligid sa 'yo ay nakakaapekto sa 'yong isipan. Positibo man o negatibo. The important thing about any journey is the courage to get BACK UP and CONTINUE. Halos lahat ng matagumpay na tao ay may maraming pinagdadaanang sobrang hirap. Pero bakit nagtatagumpay pa rin sila? Kasi ginagawa pa rin nila ang kanilang kagustuhan. Ano ba talaga ang pumipigil sa 'yo? 'Wag kang matakot mabigo. Kung takot kang mabigo, NABIGO KA NA. Ang daan na nilalakbayan mo ay pwedeng magbago. Pero dapat malinaw pa rin ang iyong pananaw. It's about time you made your first innovative step. Minsan kasi pag may ginagawa tayo, maiisip natin,

“walang magkakagusto sa ginagawa ko”

Who cares? This is what you love. Put your mind to getting things done instead of focusing on all the things that could go wrong.


NUMBER 6
'WAG MONG GAYAHIN ANG IBA


Ito kasi ang nakakatuwa sa buhay, palagi tayong gumagaya, palagi tayong sumusunod sa uso. Kung ano ang trending, ginagawa kaagad. Kopya dito, kopya doon. I'm here to tell you to stop listening to everyone else. The best part is, when you truly live the life you want to live, when you speak your truth, when you embrace who you are, then you gain real respect and real love. The world is waiting for you to start something. The world is waiting to hear what you have to say. Waiting to share your ideas and original work. May pangarap ka ba ngayon na takot kang gawin? Hindi pa huli ang lahat para gawin mo 'yon. May mga tao kasi na nangangarap pero iniisip nila na hindi nila ito makukuha. 'Yan pa lang TALO na sila. Kung ganyan ka rin mag-isip, TALO ka na kaagad. Self-doubt will always be present and the only solution is to just act in spite of them. Step by step we improve. Tanggapin mo na minsan magulong-magulo ang kalalabasan ng pangarap mo. Pero matututo ka naman dahil sa kaguluhang 'yon. Nobody can achieve perfection. It's humanly IMPOSSIBLE. But please never give up.


NUMBER 7
LUMABAN KA PA RIN


Magpatuloy kang banggain ang hadlang sa harapan mo. Tandaan mo 'to, ang lahat ng hadlang sa ating pangarap ay binabangga natin. Challenge your obstacles. Be open-minded. Obstacles are your teacher and your friend. Sila ang makakapaglahad ng iyong kahinaan. Not through words but through demonstrations of events in which you failed. Alam mo ba kung ano ang humahadlang sa 'yo? Reflect on those failures and figure out what stopped you from succeeding. Then write down how you plan to overcome them. Wala na tayong pakialam kung anong nangyayari sa ating nakaraan. Ang gagawin lang natin ay ang pagbibigay aksyon kung anong nangyayari sa buhay natin ngayon. Ang problemang hindi makakapatay sa 'yo ay ang problemang magpapatatag sa 'yo.


NUMBER 8
UMPISAHAN MO NA NGAYON


Kailan ka ba maging handa? O handa ka na pero kulang na lang ng pagkilos? Life sets us a challenge to test our courage and willingness to change. Wala na tayong oras sa kaka-pretend na walang nangyari. Wala rin tayong oras sa kakasabi na hindi pa tayo handa. The challenge will not wait. Life doesn't look back. Kung palagi ka lang naghihintay, papasok 'yan sa 'yong subconscious mind, na hindi ka pa handa sa laban ng iyong buhay. Get ready to take a step. Get ready to start a healthy habit. Get ready to start a passion project. Get ready to love again. Get ready to launch that project on your mind. Saan ka ba sa dalawang ito?

WALA NG MAGAWA? O GAGAWIN NA?

Wala ka ng ibang pagpipilian. Doing something might be extremely uncomfortable for us. Pero kailangan pa rin ng matinding aksyon upang magbunga ang ating ginagawa. Aanhin mo ang kakapokus sa resulta kung hindi ka naman nakapokus sa mga dapat mong gawin? Parang niloko mo lang ang sarili mo. Do not miss the train. Opportunities are often late but they always go away fast.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177