Control Your Money By Brain Power 2177


Photo by Kuncheek:
https://www.pexels.com/photo/accountant-counting-money-210990/


So what I have here is 100K, I'm showing you this not to brag, but I want to talk with you about the REAL TRUTH about money. May mga nagsasabing “Pera ang nagpapaikot sa mundo.” Medyo totoo naman, 'di ba? Kailangan natin ng pera para makabili tayo ng pagkain at damit, at makapagbayad ng renta o makabili ng bahay. Talagang napakahalaga ng papel ng pera sa lipunan. Kung mawawala ang pera bilang pambayad, magkakaroon ng kaguluhan at giyera sa loob lang ng isang buwan. Pero siyempre, may mga limitasyon ang pera. Ang pera ay makabibili ng pagkain, pero hindi ng gana; makakabili ka ng gamot, pero hindi ng kalusugan; makakabili ka ng malambot na higaan, pero hindi ng tulog; mababayaran mo ang kaalaman, pero hindi ng karunungan; mababayaran mo ang kaningningan, pero hindi ng kagandahan; mababayaran mo ang kasikatan, pero hindi ng pagmamahal; mababayaran mo ang katuwaan, pero hindi ng kagalakan; makakabili ka ng kakilala, pero hindi ng kaibigan; mababayaran mo ang lingkod, pero hindi ng katapatan.

Kapag balanse ang pananaw ng isang tao sa pera—na itinuturing itong kasangkapan lang para maabót ang kaniyang tunguhin—magiging kontento na siya. Nagbababala ang Bibliya, sa 1 Timoteo 6:10,


Take note ha, ang pag-ibig sa pera, hindi ang pera mismo, ang ugat ng kasamaan. Ang maling pananaw sa pera ay puwedeng magtulak sa mga tao na maging mapanghusga. Halimbawa, baka isipin ng isang taong mayaman na ang mahihirap ay napakatamad at ayaw magsikap na umasenso. O baka isipin agad ng isang mahirap na ang mayayaman ay materyalistiko o gahaman. Pagdating sa pera, ang payo ng Bibliya ay praktikal pa rin sa ngayon. Hindi hinahatulan ng Bibliya ang pera o ang mga mayroon nito—kahit marami pa silang pera. Ang mahalaga ay hindi ang dami ng pera ng isa kundi ang saloobin niya sa mga pag-aari niya o sa mga gusto niyang makamit. Pagdating sa pera, ang payo ng Bibliya ay balanse at praktikal pa rin sa ngayon. Pansinin ang sumusunod na mga halimbawa.

Sabi sa Kawikaan 23:4,


Hindi naman masamang mangarap. Pero kung mali na ang tunguhin mo at kung sobra na ang iyong pag-aambisyon, 'yon ang mali. Ang mga nag-aambisyong yumaman ay nagkakaproblema sa kalusugan ng isip; sinasabi rin nilang mas madalas silang makaranas ng pananakit ng lalamunan, likod, at ulo at mas malamang na maglasing at gumamit ng bawal na gamot. Dahil sa pagsisikap na yumaman, lumilitaw na nagiging miserable ang mga tao. Kaya ito ang sabi sa Hebreo 13:5,


Kahit ang taong kontento ay daranas pa rin ng pagkabalisa sa pinansiyal; pero alam niya kung ano ang pinakamahalaga sa buhay kaya hindi siya nadaraig ng pagkabalisa. Halimbawa, ang isang taong kontento ay di-masyadong manlulumo sa pagkalugi. Sa halip, sisikapin niyang tularan ang saloobin ni apostol Pablo, na sumulat sa Filipos 4:12,


Ito pa ang sabi sa Kawikaan 11:28,


Ayon sa mga mananaliksik, pera ang isa sa karaniwang dahilan ng pag-aaway ng mag-asawa na nauuwi sa paghihiwalay. At ang problema sa pera ay isang dahilan ng pagpapakamatay. Para sa ilang tao, mas mahalaga ang pera kaysa sa kanilang pag-aasawa o maging sa buhay nila! Sa kabaligtaran, ang mga taong may balanseng pananaw sa pera ay hindi nagtitiwala rito. Kinikilala nila ang karunungan ng sinabi ni Jesus, sa Lucas 12:15,


Ang pagsusuri sa sarili ay makatutulong para magkaroon ka ng balanseng pananaw sa pera. Halimbawa, itanong mo sa 'yong sarili ang mga sumusunod:








Kung OO ang sagot mo sa alinman sa mga tanong na iyan, paglabanan mo ang kaisipan at tuksong dala ng materyalismo. Iwasang makipagkaibigan sa mga taong masyadong nagpapahalaga sa pera at mga ari-arian. Sa halip, makisama ka sa mga taong mas nagpapahalaga sa mga pamantayan ng Bibliya kaysa sa mga pag-aari nila.

Huwag hayaang tumubo sa puso mo ang pag-ibig sa pera. Sa halip, panatilihin ang pera sa tamang lugar. Dapat PANGALAWA lang ang pera. Dapat UNA ang iyong mga kapamilya at kaibigan, at ang iyong emosyonal at pisikal na kalusugan. Sa paggawa nito, maipakikita mo na mayroon kang balanseng pananaw sa pera.

Basahin muna natin kung ano ang sabi sa Kawikaan 14:20,


Ipinakikita ng talatang iyan mula sa Bibliya na ang pananaw natin sa pera ay makaaapekto sa pakikitungo natin sa mga tao. Halimbawa, baka hinahamak natin ang mahihirap at walang maitutulong sa atin. O baka naman hinahangaan natin ang mayayaman at sinisikap na mapalapít sa kanila para magustuhan nila tayo—at marahil ay mabigyan ng pera. Hindi sinasang-ayunan ng Bibliya ang mga taong nagpapakita ng paboritismo, hinahamak man nila ang mahihirap o pinupuri ang iba alang-alang sa kanilang sariling kapakinabangan. Uulitin ko, hindi sinasang-ayunan ng Bibliya ang mga taong nagpapakita ng paboritismo. Pagsikapan mong pakitunguhan nang patas ang lahat ng tao.









Hindi naman masamang yumaman. Hindi naman ipinagbabawal ng Diyos ang pagyaman. Nasa sa 'yo 'yan. My point is, don't allow money to control your decisions in life. Gusto ko lang sabihin sa 'yo, kung pera ang boss mo, magiging alipin ka nito. Madali lang intindihin, 'di ba? Hindi mo na makikita ang iba pang mahahalagang bagay dahil sa kakapokus mo sa pera. You have to take control of your money before it takes control of you. Kung naiintindihan mo kung paano paikutin ang pera, maiintidihan mo rin na ikaw ang boss nito. Hindi dapat baliktad. Don't be a slave to it. 'Wag mong hayaang kontrolin ka ng pera, 'wag mong hayaang maloko ka dahil sa kakasunod sa pera. Sabi nga sa Bibliya na binasa natin kanina, ang pera ay isang PROTEKSIYON lang. It's just a tool to help you get things done. Sabi sa Bibliya na 'wag nating ibigin ang pera. Ibig bang sabihin na magalit tayo sa pera? Hindi rin. Bakit natin pagagalitan ang pera e wala itong alam? Ito ay isang papel lang na walang buhay. It means, you have to understand its purpose in your life. Itong 100K na hawak ko ngayon, kinikita ko ito dahil sa value na nililikha ko sa lipunan. Ito ang kapalit ng aking mga ginagawa. Nagnenegosyo ako, nagva-vlog ako, nagsusulat ako ng mga articles, ito ang kapalit. Nakuha mo naman siguro ang punto ko, 'di ba? So if you want to make a lot of money then you've got to make a lot of people happy. No one's gonna pay you if you're not doing anything. Hindi ka yayaman kung isa lang ang stream of income mo. Gamitin mo ang pera para magkapera ka. Hindi dapat ikaw ang ginagamit ng pera mo. Invest in yourself first to learn more about how money really works. Use money as a tool to help you get more done in life.

Ito pa ang mas maganda mong malaman tungkol sa pera. Ang pera ay hindi namimili ng tao o ng lahi. Lalapit ang pera sa sinuman. Kahit Amerikano ka, kahit African ka, kahit Asian ka, kahit anong race ka pa, walang pakialam ang pera. It never discriminates. My point is, you have to have an abundance mentality. You deserve to be rich. Sabi ko nga kanina, kung iniisip mo na ang mayayaman ay mayabang, shame on you. Ang mga mayayaman nga ang nagbibigay ng mga donations e. But if you really understand that money is a tool to help you reach your highest expression in the order of God, then God will provide more money to you. 'Wag kang desperado na magkapera para hindi ka mapahamak.

Ito pa, 'wag mong ipagpalit ang oras mo sa pera. Gamitin mo ang iyong oras para lumikha ng mga bagay na magdadala sa 'yo ng maraming pera. You know what, we are not poor. Money is widely available but you got to understand how to make it. Galing ba ang pera sa banko? Galing ba ito sa mga tao? Hindi. Galing ito sa Diyos. Bigay ito ng Diyos sa atin. Tayo lang ang naging masama dahil sa maling paghawak nito. Hindi bawal yumaman pero bawal ang maging sakim. Like I said, you cannot allow your money to control you. Take charge of your wealth, take charge of your finances, take charge of your earning power and money will be your servant instead of your master. Kung alam mo kung paano gamitin ang pera, mas lalong dadami ang pera mo. Ang pagkawala o pagdami ng iyong pera ay nakadepende sa ugali mo. Kung tama ang pananaw mo sa pera, yayaman ka.




Follow me

Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177