Life Is So Short By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio:
https://www.pexels.com/photo/woman-in-blue-denim-jeans-sitting-on-floor-3807737/


Napakaikli lang ng buhay. Konting oras na lang ang natitira sa atin. That is why it's very important for us to invest our time and energy in things that provide value. Kahit wala tayong gagawin, ang oras ay palaging tumatakbo paabante. Hindi natin mapipigilan ang bawat sandali. Minsan maiisip natin kung ano ba talaga ang layunin natin dito. Nakakaranas na tayo ng kalungkutan. May mga bagay na nawala sa buhay natin. Nararamdaman natin ang sakit ng pagkawala ng mga mahal natin. Walang kaseguruhan ang ating buhay. Hindi natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundong ito.

Marami na ang namamatay. At IKAW, NANDITO KA PA! Ano ba ang hinihintay mong mangyari? Wala kang mapapala sa kakahintay. You must GO ON. You must have an AIM in life. Ano ba ang kailangan mong gawin sa buhay? What kind of leadership qualities do you have? Ano ba ang gagawin mo para makakaabante ka sa buhay? Paano mo ba gagabayan ang susunod na henerasyon? GIVE WINGS TO YOUR IMAGINATION. Ipasok mo ang positibong bagay sa kalooban mo.

Kung galit ang nasa loob mo, wala 'yang patutunguhan. Ang pagkatakot mong magpakatotoo sa sarili mo ay wala 'yang patutunguhan. Don't allow anybody to dictate your life. 'Wag mong pakinggan kung ano ang sasabihin nila. Don't allow them to change you. It's your life. At the end of the day, your satisfaction matters and nobody cares about your life more than yourself. And never allow yourself to change just to fit in. Don't change your true self just to fit in. Don't let anyone take away who you are, how true you are and what you matter in this world to so many other people.

'Wag kang matakot magsabi ng katotohanan. 'Wag kang matakot magpakatotoo. 'Wag mong ikahiya ang kaibahan mo. Alam kong ang pagiging iba ay hindi katanggap-tanggap sa iilan. Ito ang dahilan kung bakit ayaw mong maging iba dahil takot ka na baka hindi ka matanggap nila. But I guarantee you this, walang sino man ang magiging katulad mo. At hindi ka rin magiging katulad nila. Kaya tanggapin mo na iba ka.

Kung darating na ang huling araw mo, may maipapasa ka ba sa ibang tao? Ano ba ang maiiwan mo sa mundo? Let them remember your greatness. Maaalala nila ang kabaitan mo, ang pagiging mapagbigay mo, kung ano ang mga nagawa mo, kung ano ang inayos mo, kung ano ang nakamit mo. Maaalala nila kung paano ka nagmahal, kung paano mo binuo ang relasyon.

'Wag kang matakot mabigo. Dahil doon ka mas lalong matuto. Dadalhin ka niyan sa tagumpay. Napakaikli lang ng buhay natin. Hindi madaling mabuhay sa mundong ito. Ang araw-araw na pamumuhay ay may araw-araw ding pagsubok. Kaya't hindi madaling mabuhay sa mundong ito. Palaging may mga hadlang. Pero parte na ito ng ating buhay. Mas lalo tayong mahihirapan sa buhay kung pilit nating kinokontrol ang mga bagay na hindi natin makokontrol. At isa pang dahilan kung bakit tayo nahihirapan, ay dahil palagi tayong nag-iisip sa ating kinabukasan at nakaraan. We are haunted by our past and scared by the future. We are restless and sad.

May iba't ibang pagsubok na lalabanan. Hindi madali kung tinanggal ka na sa trabaho. Hindi madali kung wala ka ng uuwian. Ang ganitong sitwasyon, ang ganitong sakit, at itong iba't ibang pagsubok, ay nagdudulot ng stress, pagod, at kalungkutan. At masasabi mo na lang, “Ito na talaga ang buhay” Hindi natin masisisi ang buhay. Kasi hindi naman ang buhay ang nagbibigay ng pagsubok. May pagsubok kung mayroon kang goal. Kung wala kang goal, wala ka ring babanggain. Kasi natural na lubog na ang buhay mo e.

The more you want something, the more you face challenges. Purpose always tells you the truth. At habang nabubuhay ka pa, kailangan mo pang kumapit. I need you to be strong and never give up. I need you to believe that every possibility that you have and understand that it is NOT OVER for you. Kailangang maintindihan mo, na kahit maikli lang ang buhay, napakaganda naman nito. Pero palagi mong tandaan, kahit anumang oras, titigil din ang ating mundo. Kaya't magpatuloy ka lang at 'wag kang sumuko at 'wag kang bumigay. Do the best that you can. To have the right attitude, to make your existence, MATTER.

Ang buhay mo, isinilang ka dito, hindi dahil nagkataon lang ang lahat. May kahulugan ang buhay mo. May layunin ka. Handa ka na bang salubungin ang hindi kaaya-ayang panahon? Handa ka na ba? You can't even understand, in most cases, how beautiful it is sometimes to not even know what's coming your way. Minsan hindi na kailangang malaman mo ang lahat. Minsan hindi na kailangang maintindihan mo ang lahat. Pero handa ka na ba? Handa ka na bang tanggapin ang katotohanan, na balang araw, ang buhay mo, pati na ang buhay ko, ay mawawala rin kahit anong oras? Ano ba ang magagawa mo sa sitwasyong ito? Ano ba ang magagawa mo ngayong buhay ka pa?

See, we talk about life, because life is such a BEAUTIFUL thing, LIFE has so much university to it. It is UNEXPLAINED to some people. It is UNIMAGINABLE to some people. Minsan masasabi mo na lang sa sarili mo, na hindi ka karapat-dapat sa buhay na ito. Minsan maitatanong mo na lang sa sarili mo, “Bakit nagdurusa ako sa sitwasyong ito? Pero bakit ang iba'y maayos naman ang buhay nila. Ako lang ba ang nagkakaganito? Bakit ako pa?”

LIFE, your existence is TEMPORARY. Hindi ka mananatiling buhay magpakailanman. Kung nakatunganga ka na lang diyan, kung nagkimkim ka man ng galit ngayon, kung pinupuno mo ng inggit ang puso mo, walang mangyayari sa buhay mo. Kung bibitaw ka lang sa mga bagay na hindi mo makokontrol, gagaan ang iyong buhay. Control your possibilities, control your uniqueness, control your qualities, control your principles, control who you really are inside, ano na ang susunod na mangyayari? Darating din ang oras, na iiwan mo na ang mundong ito at ilalagay ka ng mga mahal mo sa ilalim ng lupa at alam mo naman, na wala ni kahit isang tao ang sasama sa 'yo sa ilalim ng lupa. Wala ni isang tatalon para lang maipakita sa 'yo na mahal ka nila. Napakasakit ng katotohanan, 'di ba? Alam kong ang iba sa inyo ay natatakot sa sitwasyong ito. Pero ito ang katotohan, hindi mo matatakasan ang kamatayan. Napakaikli lang talaga ng buhay. And the only thing that's beautiful about it is that when you live and you have strong possibilities, you have something that you can be doing to make it impactful for others to see.

Hindi ka pwedeng tumigil sa 'yong paglalakbay. Hindi mo pwedeng itigil ang buhay mo. You can't stop growing. You can't stop fighting. Dapat mong maintindihan na ang kahapon at ngayon at bukas ay tatlong magkakaibang panahon. At ang panahon na kinabibilangan mo ay ang NGAYON. Ang sandaling ito, ang NGAYON, ay ang REALIDAD. Hindi mo maaayos ang lahat ng bagay na nasira mo na. Minsan maaayos ito sa paglipas ng panahon. Pero mas mabuting iwanan mo na lang ang nakaraan. Maraming negatibong tao ngayon ang nabubuhay dito sa mundo. At may mga taong manonood ng videong ito at may mga taong nakakapanood na nito, may mga taong nakikinig ng mensaheng ito ngayon, pero patuloy pa rin nilang hinahanap ang mga bagay na hindi naman makakapagpasaya sa kanila. Life is too short to ARGUE and FIGHT. COUNT YOUR BLESSINGS. VALUE the people who LOVE you and make the most of each day. Life is short and it is up to you to make it sweet. You must make peace within your heart. You must make peace within your spirit. LIFE is so SHORT.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177