7 Diskarte Para Maharap mo Ang Hamon ng Buhay By Brain Power 2177


Photo by george ketselashvili:
ttps://www.pexels.com/photo/man-on-the-edge-of-the-cliff-above-the-cloudy-sky-725743/


Sa buhay natin, nahaharap tayo sa mga matitinding hamon na sumusubok sa ating emosyon. May mga pinsala, may mga magkakasakit, may mga nawalan ng trabaho, may kalungkutan, diborsyo, kamatayan, at marami pang ibang problema na hindi ko na mabanggit sa sobrang dami. Kahit hindi natin makokontrol ang mga pangyayaring ito, narito ang 7 mga diskarte upang makaabante pa rin tayo sa buhay.


NUMBER 1
HARAPIN MO ANG REALIDAD


Isa lang ang alam nating pinakamadaling gawin sa buhay. Ang talikuran at balewalain ang mga problema. Sobrang galing natin sa pag-iwas ng mga problema. But if we want to be present—to enjoy life and be more effective in it—we must orient ourselves toward facing reality. Kapag ginagabayan tayo ng prinsipyo ng katotohanan, magkakaroon tayo ng mas malalim na kakayahan upang harapin ang realidad ng buhay. Dapat matapang tayong humarap sa mga hamon. Ang mahihirap na sitwasyon ay mananatiling mahirap kung INIIWASAN mo ito. Magiging madali lang ang lahat kung HAHARAPIN mo ito. Mabibigo ka man ng ilang ulit pero kailangan mong mag try pa rin ng mag try hanggang sa magtagumpay ka. Sa una lang tayo MAGUGULUHAN at MAHIHIRAPAN. Sa una lang tayo MATATAKOT. Hanggang sa unti-unti natin itong MAKAKAYANAN. LIFE BECOMES MORE MANAGEABLE. May matutunan pa tayo sa bawat sitwasyon. Makikita natin na lumalakas tayo. Mas magiging kompiyansa na tayo. This is the basis of feeling capable, which is the wellspring of a satisfying life.


NUMBER 2
TANGGAPIN MO ANG IYONG SITWASYON


May hinihiling ka pa ba sa buhay na hindi pa dumating? 'Yan ang dahilan kung bakit nade-depress ka. Palagi ka nalang nakapokus sa mga bagay na wala sa 'yo. Nakalimutan mo na ang mga bagay na nasa buhay mo na. The SECRET to life is to WANT WHAT YOU HAVE and to NOT WANT WHAT YOU DON’T HAVE. Being present means being present to the life that YOU HAVE RIGHT HERE, RIGHT NOW. May kalayaan ka namang pumili sa buhay mo. May mabuting nangyayari pero sa masama ka nakapokus. May magandang sitwasyon pero sa trahedya ka nakapokus. May maraming nagmamahal sa'yo pero iniisip mo lang ang isang tao na nawala sa'yo. Araw-araw kang nabubuhay pero araw-araw ka ring nalulumbay. Pumili ka sa dalawa: MAGPOKUS KA SA NEGATIBO o MAGPOKUS KA SA POSITIBO? ALWAYS CHOOSE POSITIVITY. YOU HAVE A REAL CHANCE TO ENJOY LIFE. Kaya ngayon, nanggapin mo na mangyayari ang mga negatibong bagay sa buhay mo. Hindi mo talaga maiiwasan 'yan. Surrender to the reality so you can give yourself a chance to DO what you CAN DO.


NUMBER 3
HUWAG KANG MAGMADALI


Naaalala mo pa ba ang kwento ng Pagong at Kuneho? Ang nanalo sa karera ay ang mabagal pero ang mabagal na hayop na 'yon ay nakapokus lang sa goal niya. Mai-apply ba natin 'yan sa ating buhay? Siyempre sa palaging pagmamadali natin, marami tayong makakaligtaan sa buhay. Parang tayo lang din ang nagwasak sa sarili nating tagumpay. Pati sarili natin, inuunahan na natin. Ito ang dahilan kung bakit marami tayong nagawang pagkakamali. Gusto kasi nating madaliin ang lahat ng bagay. Kahit hindi natin nakokontrol, pilit nating kinokontrol. Pero ang madaling buhay na hinahangad mo, hindi naman 'yon ang pinakamagandang buhay na inaasahan mo. Tandaan mo, walang shortcut sa tagumpay. Walang elevator sa tagumpay. Lahat tayo ay naghahagdan. May kasabihan nga tayo:

“Kapag mabagal kang umabante, mas maaga kang makarating.”

Ibig sabihin ng mabagal ay DISIPLINADO. Ito ay uri ng diskarte na hahantong sa pangmatagalang PAGBABAGO.


NUMBER 4
MAPAGPASALAMAT


Sa palagi mong pagpokus sa mga problema mo, hindi mo na naiisip ang mga magagandang pangyayari. Madali mong mabilang ang iyong mga problema sa halip na mga blessings mo. Kung nakapokus ka lang sa mga problema mo, wala ng ibang lalabas sa bibig mo kundi palagi ka na lang magrereklamo. Changing your perspective, can make all the difference. Recognizing the good and receiving it with gratitude is a recipe for emotional health and well-being. Ang pagiging mapagpasalamat ay napatunayan nang maraming pakinabang—sa pisikal, mental, at emosyonal. Kaya dapat itong gawing bahagi ng buhay nating lahat. Ang pagiging mapagpasalamat ay napatunayang talagang nakapagpapasaya. Nakatutulong ito para magkaroon ng POSITIBONG DAMDAMIN, MASIYAHAN SA MAGAGANDANG KARANASAN, BUMUTI ANG KALUSUGAN, MAHARAP ANG MAHIHIRAP NA PROBLEMA, at MAGKAROON NG MALAPIT NA KAUGNAYAN SA IBA.


NUMBER 5
YAKAPIN MO ANG IYONG SARILI


Sarili mo na lang ang natitira at tunay mong kakampi sa buhay. Kaya't yakapin mo ang iyong sarili. Yakapin mo lahat-lahat. Pati sitwasyon mo, yakapin mo. Kahit masakit na pangyayari. May mga sitwasyon na kinakatakutan natin, may mga mabibigat na problema, may nakakalito, tapos kinikimkim na lang natin ito kasi akala natin, ito lang ang tanging paraan para hindi tayo masaktan. But the truth is, we need our feelings in order to find SATISFACTION, in order to find MEANING and in order to find PLEASURE in life. Getting rid of feelings, not only BACKFIRES, but it also DRAINS us of the psychological energy that makes life worth living. Feelings are the source of our motivation. They are the ENERGY, the VITALITY, the JUICE of life. Kung wala ang kalungkutan, hindi natin mapahalagahan ang tunay na kagalakan. Parte ang negatibo sa ating buhay. Kaya kung wala ang mga ito, ano ang silbi ng ating buhay? Paano mabubuo ang ating personalidad? Paano masusukat ang ating kakayahan? Walang kulay ang buhay. Mawawala ang pagiging malikhain ng bawat isa. Hindi rin natin malalaman kung ano ang kahulugan ng MASAYA. Wala rin siguro tayo dito. Without our feelings, nothing would really matter.


NUMBER 6
TANGGAPIN MO ANG KABIGUAN


Bahagi ito ng ating paglalakbay. Lahat tayo ay natuto na walang perpektong tao. Don't be hard on yourself. Kung matatalo ka, lumaban ka ulit. The important thing is, you stay in the game. The dynamic process of life, TRYING, SUCCEEDING, FAILING, and TRYING AGAIN is the only way to develop lasting confidence in ourselves. Natutunan natin sa ating buhay na pwede tayong magtagumpay. Pwede rin tayong bumangon mula sa pagkabigo. Natuto din tayong maging mapagpakumbaba at nalalaman natin na tayo'y tao lamang na palaging nangangailangan ng tulong at suporta ng iba. Para lang itong kanta na “A Warrior is a Child”. No matter how mature or successful we become, the child within always needs mentors and friends who will see us through.


NUMBER 7
MAGPOKUS KA SA IYONG RELASYON


Madali na lang balewalain ang mahahalagang bagay. We easily take people for granted. Marriage, family, and friendship is a living experience. Giving love is what you need to do everyday. It is something that is earned every day. It requires commitment to keep it working. Alam na alam natin na masasaktan tayo at tayo rin ay makakasakit sa iba. Ito ang likas na katangian ng pagiging tao. Hindi natin maiiwasan ang mga sitwasyong ito. We can only devote ourselves to do what we can. Weather them. Mend them. Love is essentially repair work. Makakasakit man tayo, hihingi tayo ng kapatawaran. Hinaharap natin ang ating pagkakamali. Natuto tayong magpatawad. Kung madadapa tayo, babangon naman ulit. Madadapa na naman at babangon ulit. That's the BEAUTY of life.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177