12 Things To Be Thankful For In Your Life By Brain Power 2177


Photo by Oleksandr Pidvalnyi:
https://www.pexels.com/photo/rear-view-of-woman-with-arms-raised-at-beach-during-sunset-320007/


Napakaraming mali sa lipunang ating tinitirhan. Napakaraming gusto nating baguhin sa ating sarili. We want to make ourselves better, right? We also want to change our society. Minsan nakakalimutan nating magpasalamat sa mga magagandang bagay na nangyari sa atin at sa mga bagay na nasa sa atin na. Kasi palagi tayong nakapokus sa kamalian ng lipunan. Palagi tayong nakapokus sa kapintasan natin. Palagi tayong nakapokus sa mga bagay na hindi pa natin nakukuha. We focus so much on the negative that the positive LOSES its place in our hearts. Sa artikulong ito, malalaman mo ang 12 BAGAY na dapat mong pasalamatan ngayon.


NUMBER 1
BUHAY MO


Pasalamatan mo ang iyong buhay. Kahit ano man ang iniisip mo ngayon, kahit gaano ka kanegatibo, tandaan mo na ang buhay ay isang REGALO mula sa Diyos. So many individuals don't get a chance to make it as far as you did. Yung iba nga hanggang kaninang umaga lang ang buhay nila. Kaya magpasalamat ka dahil buhay ka pa ngayon. Napakaraming problema sa ating mundo. Maraming nagkakasakit, sobrang kahirapan, maraming nagugutom. Bawat taon may milyon-milyong namamatay. Hindi ba't napakaswerte mo na nandito ka pa? Buhay na buhay ka pa. Napakasarap gumising sa umaga. Pero hindi lahat ng tao ay gumigising pa katulad mo. Look how lucky you are! Magpasalamat ka. You got to live. You got to survive. You got to exist. You got to be able to dream. Be grateful for your life. Kung tatanungin mo ako kung mapagpasalamat ba ako, siyempre araw-araw. I am grateful for life. Why? Because I'm healthy. I have a home to live in. I have nice clothes to wear and I have food to eat whenever I'm hungry. I'm grateful that I'm alive.


NUMBER 2
SITWASYON MO


Pasalamatan mo ang iyong sitwasyon. Kahit mahirap pa 'yang sitwasyon mo. Kung nagbabasa ka sa artikulong ito, siguradong nasa magandang sitwasyon ka kumpara sa daan-daang milyong indibidwal na nahihirapang kumain ng 3 beses sa isang araw. Tama ba ako? Oo alam kong napakahirap magpasalamat lalo na kung nasa negatibo kang kalagayan. Pero madali mong mapasalamatan ang negatibong sitwasyon kung itatanong mo ito sa sarili mo:

Ano ba ang kailangan kong matutunan?
Ano ba ang aral na hatid nito?
Ano bang benepisyo ang dala nito sa buhay ko?
Ano ang gagawin ko para mabago ko ang aking sitwasyon?

This is what we call, WHAT NOW’ ATTITUDE. This way, we are focusing on the future with an optimistic approach. Ang mga sagot sa mga katanungan mong 'yan ay makakatulong sa 'yo na matukoy kung paano maging kapaki-pakinabang ang isang sitwasyon at kung paano ito makakatulong sa 'yong pag-unlad. Kung itatanong mo ito sa 'yong sarili habang nagkakaroon ka ng negatibong sitwasyon, siguradong matututo kang mas maunawaan ang iyong sitwasyon. You learn a lot about yourself when you face challenging situations. Negative situations make you stronger and more capable of handling similar experiences in the future. Sa madaling salita, palaging may matututunan ka sa bawat sitwasyon. Kaya magpasalamat ka sa sitwasyon mo ngayon. Ngunit kung minsan ang mga pangyayari ay nakakapagpabulag sa ating isipan. Hindi na tayo makakapag-isip ng maayos. Kaya 'wag mong kalimutan ang mga tanong na sinasabi ko kanina.


NUMBER 3
KAIBIGAN MO


Magpasalamat ka dahil may mga kaibigan kang tunay. Sila ang pamilyang pinili mo. Sila ang nagpapatawa sa 'yo. Marami kang nabuo na alaala kasama sila. Sila ang mga taong susuporta sa pangarap mo. Be grateful for that PRICELESS RELATIONSHIP. Magpasalamat ka dahil palagi silang nagshi-share ng maraming bagay. May mga opinion silang ibinahagi sa 'yo, regalo, o mga masasayang sandali. We should be thankful for the things our best friends shared with us. Magpasalamat ka dahil tapat sila sa 'yo, na hindi sila makasarili. Magpasalamat ka dahil supportive sila at palagi silang nasa tabi mo. Sa panahon kasi ngayon, mahirap humanap ng mga kaibigang matatakbuhan. Kaya magpasalamat ka kung may kaibigan kang malalapitan. Magpasalamat ka sa kanila dahil loyal sila. Magpasalamat ka dahil pinupuri ka nila. Magpasalamat ka dahil naniniwala sila sa kakayahan mo. Marami na ngayon ang walang tiwala sa kakayahan natin, may nanda-down pa. But if your friend believes in you and makes sure you succeed, don't take them for granted. Be grateful that you have friends like that.


NUMBER 4
MAGULANG MO


Pasalamatan mo araw-araw ang iyong mga magulang dahil malaki ang isinakripisyo nila sa 'yo. Hindi mo man nakikita na nahihirapan sila pero nahihirapan talaga sila. Pasalamatan mo sila dahil sila ang number 1 FAN mo. They are the most honest critics. Sila lang ang magmamahal sa 'yo ng unconditional, ng tunay. Ang pagmamahal nila ay hindi matutumbasan ng kahit sino. Pero may mga magulang din naman na hindi nagmamahal sa kanilang mga anak. May mga salbaheng magulang rin naman. Marami na akong nakikitang ganyan sa balita. Pero 'wag na tayong magpokus d'on. Magpokus tayo sa magulang mo dahil pinili nilang buhayin ka ng maayos. Kaya't pasalamatan mo sila. Pasalamatan mo ang walang tigil nilang pagmamahal. Sinusuportahan ka nila. Be grateful to your parents for their encouragement, for their strength, for their undying love. Be grateful for the opportunity of life that they gave you.


NUMBER 5
KATAPANGAN MO


Magpasalamat ka sa tapang mong bumangga sa mga hadlang sa 'yong buhay. Matagal ka ng nabuhay. Malayo na din ang narating mo. Nakakaya mo ang lahat sa kabila ng PAIT at SAKIT. Gayunpaman, heto ka pa rin ngayon. Buhay na buhay at handang tahakin ang ano man. Remember to be grateful for whatever is giving you the will to drag yourself out of bed and face the world. Always be grateful for your courage. Because courage helps to overcome difficulties in life. No one is born with courage. Everyone has to build it themselves. And for that, one has to believe in oneself, let go of all fears, should think of difficulties as a part of life, and find ways to overcome these hurdles, instead of running away from them. This is called COURAGE and be thankful for it.


NUMBER 6
LAKAS MO


Pasalamatan mo ang iyong lakas dahil kita mo naman ngayon, hindi ka pa rin sumuko kahit nahihirapan ka na. Napakalakas mo pa rin, 'di ba? Kahit napapagod ka na, bumabangon ka pa rin. Yung mga oras na nangangailangan ka ng tulong pero walang tumutulong sa 'yo tapos ikaw pa rin ang tumutulong sa iba, hindi ba't lakas ang nangingibabaw d'on? Yung mga oras na pinilit mong ngumiti sa harap ng camera kahit nasasaktan ka na, hindi ba't lakas ang nangingibabaw d'on? Nakikita mo na ba kung gaano ka kalakas? Hinaharap mo ang matinding problema. Nilalabanan mo ang kalungkutan ng mag-isa. Be grateful for your strength to face your troubles and overcome your sorrows. Makatutulong sa atin ang pagiging mapagpasalamat para maharap ang matitinding pagsubok. Baka mahirapan tayong tanggapin ang masasaklap na pangayayari gaya ng pagtataksil ng kabiyak, malubhang sakit, pagkamatay ng isang minamahal, o ng kalunos-lunos na epekto ng kalamidad. Sa ganitong mga pagkakataon, kailangan mong lakasan ang iyong loob at pasalamatan mo ang iyong lakas dahil nakayanan mo lahat ng pasakit sa buhay.


NUMBER 7
ISIP MO


Pasalamatan mo ang iyong isip. Kahit napakakomplikado ng takbo ng isip mo, minsan natatabunan ng negatibo, nagiging kaibigan mo pa rin ang isip mo. Kahit saan mapupuntahan ng iyong imahinasyon, hindi mo man mapipigilan ang negatibong pag-iisip mo, pero pinapanatili ka pa rin ng isip mo na maging matatag at magtiwala na may positibo pa ring pumapasok sa isip mo. It is in essence a part of what makes you, YOU. Be grateful for your mind's ability to contribute to making you, WHO YOU ARE. Kung mapagpasalamat tayo, nagiging positibo ang tingin natin sa ating sarili. Isang dahilan 'yan para maging mapagpasalamat. Tandaan mo, ang pagpapasalamat ay nagpapasaya sa tao.


NUMBER 8
NATUTUNAN MO


Pasalamatan mo ang mga aral na natutunan mo sa buhay. A lesson could be anything. Mga natutunan mo sa paaralan. Mga natutunan mo sa buhay gaya ng pagluluto, paglilinis. Natutunan mong mahalin ang iyong sarili. Ang mga natutunan mo sa 'yong karanasan. Sa bawat natutunan mo sa 'yong buhay mas nagiging mahusay ka pa kaysa sa kahapon mo. Magpasalamat ka rin sa 'yong karanasan. Marami akong natutunan sa buhay. Natutunan ko na hindi lahat deserve ng second chance. Natutunan ko na ang pagtahimik ay mabisang sagot para sa mga taong makasarili. Natutunan ko na dapat harapin natin ang ating kinakatakutan dahil dito tayo maggo-grow. Natutunan ko rin ang tatlong klaseng tao na dapat nating tandaan:

Ang taong tumulong sa 'yo sa gitna ng kahirapan.
Ang taong nang-iwan sa 'yo sa gitna ng kahirapan.
Ang taong naglagay sa 'yo sa kahirapan.

A person's true color is revealed only when you are no longer beneficial to their life. Kaya nagpapasalamat ako dahil sa mga natutunan ko. I enjoy life no matter which season I am in. Everything around us is perfect if we see it that way. All these pressures and problems and hardships will turn you into a diamond one day. Be grateful for everything.


NUMBER 9
KALIGAYAHAN MO


Pasalamatan mo na maligaya ka ngayon. Minsan hindi natin maintindihan kung ano ba talaga ang kahulugan ng KALIGAYAHAN. It's a misquoted commodity. Ang iba ay nagiging masaya lang kapag may nagmahal sa kanila, kapag nakakamit na nila ang kagustuhan nila. Happiness is how you define it. Pero ang iba ay hindi nagiging maligaya dahil sa kakasunod sa idinidikta ng iba at sa kakagaya ng ibang tao. Happiness is a rare commodity that the world is scrambling to own. Be grateful for your happiness. Hindi kasi sa lahat ng panahon ay masaya tayo. Kaya kung masaya ka ngayon, magpasalamat ka.


NUMBER 10
KAMALIAN MO


Pasalamatan mo ang iyong pagkakamali. Sa bawat pagkakamaling nagawa mo, maging akademiko man 'yan, maging sa emosyonal man o pisikal, nagiging matatag ka. Malulungkot ka man dahil nagkakamali ka, pero ito rin naman ang dahilan kung bakit nalampasan mo ang iyong kalungkutan dahil sa bawat pagkakamali mo, may natutunan ka. Kapag may natutunan ka, magiging masaya ka ulit. Be grateful for the strength, your disappointments gave you. Normal lang naman magkamali. Hindi natin maiiwasan 'yan. No matter how we try to avoid them, they are often still bound to happen. Hindi naman tayo perpekto. Hindi rin perpekto ang mga desisyon natin. We should be treating our mistakes not as a weakness to pull us down, but some forces to boost our motivation. Tandaan mo, ang pagkakamali ay naghahatid ng aral sa buhay natin.


NUMBER 11
TRABAHO MO


Pasalamatan mo ang iyong trabaho dahil ito ang bumubuhay sa 'yo at sa pamilya mo. Pasalamatan mo ang lahat ng hirap na ibinuhos mo para sa trabaho mo. Ang trabaho mo ang dahilan kung bakit nakakapagbayad ka ng upa mo, ng mga bills mo. Siguro hindi man ito ang trabahong pinangarap mo pero ito ang trabaho na sumusuporta sa pangangailangan mo araw-araw. It is this job that leads to another job. More experience. More open doors. Be grateful for the open door. Oo alam kong mahirap magpasalamat sa trabahong kinamumuhian mo. Wala ka ng ibang makikita o mararamdaman, stress, problema, nakakairitang mga customers, toxic na katrabaho. You see it as JUST A JOB, annoyance that you put up with in order to earn money. Pero ang galit mong 'yan ang kakain din sa 'yo. Bago ka magalit sa trabaho mo, isipin mo muna kung sino ba ang nag-apply? Isipin mo rin kung bakit hindi ka umalis. Magpasalamat ka pa rin dahil may trabaho ka. Imagine if you didn't have a job at all. How miserable would you be? Wala kang pera. Wala kang pambili. Wala kang pambayad. Kung wala kang trabaho, mas nakakahiya 'yon. Iisipin ng mga tao na wala kang silbi. With a job, you now have goals, purpose, and identity. You have a place to go and a thing to do everyday. Even if you don't like your job, your life has so much more meaning than it would if you never had anything to do.


NUMBER 12
KAAWAY MO


Pasalamatan mo ang iyong kaaway. Your enemies taught you about everything. Sila ang pinakamahusay mong guro. Tinuruan ka nila kung paano lumaban, kung paano magpakatotoo sa sarili. Tinuturuan ka nila kung sino ang hindi dapat tularan. Be grateful to your enemies for showing you who you never want to be. Enemies serve a great purpose in our lives. They are like the chosen evils of our life. They plan evil against you and somehow you manage to survive this and you end up getting stronger. Kaya kailangan din natin sila sa ating buhay. Sila kasi ang nagtutulak sa atin sa itaas. They help us build our foundation stronger and make us realize the small details in our lives. Also they are the ones who know that we can do better in our lives. So don't hate them instead LEARN from them.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177