10 Reasons Why Life Is Hard By Brain Power 2177


Photo by Karolina Grabowska:
https://www.pexels.com/photo/man-covering-face-with-hands-near-car-trunk-4506212/


Normal lang mai-stress dahil sa sobrang dami ng hamon sa buhay. Ngunit mahalaga ang pag-unawa kung bakit nangyayari sa 'yo ang mga bagay na ito. Bakit nga ba ang hirap ng buhay? Malamang naitanong mo na 'yan sa sarili mo. Hindi naman ganoon kalala ang buhay. Nagiging mahirap lang dahil hindi ka nasisiyahan sa kung anong mayroon ka o nahihirapan kang kamtin ang bagay na gusto mo. Pero tandaan mo, may mga struggles man sa buhay, may positibong side din naman at palaging may solusyon sa bawat problemang kinakaharap mo. So continue to watch this video to know about a few reasons that make you feel your life is hard and what can you do about it.


NUMBER 1
HINDI KA NAKONTENTO


Ayaw mo na sa phone mo ngayon dahil may nakita ka ng bago. Ayaw mo na sa damit mo kasi luma na. Pero hindi mo ba naisip na magpasalamat dahil may phone ka pa rin? na may damit ka pa rin? When you fail to see the good in your life and turn your attention to only the difficulties, you feel FRUSTRATED. Dahil sa ganoong emosyon, naiisip mo na nahihirapan ka na. Pero hindi naman. Dahil lang kasi ito sa negatibong reaksyon mo.


Kaayon ng kasabihang 'yan, napatunayan ng marami na ang pagiging kontento ay hindi nabibili. Hindi nga kataka-takang napakahirap maging kontento sa isang daigdig kung saan ang mga tao ay naghahangad ng higit na pag-aari o parangal, o ng buhay na tinatamasa ng iba. Napakaraming advertisement ang humihikayat sa atin na bumili nang bumili. Kaya nasisilaw tayo sa mga nakikita natin. Sa harap ng hamon na 'yan, posible nga bang maging kontento? May binanggit si apostol Pablo na LIHIM KUNG PAANO MASIYAHAN, o MAKONTENTO. Kung minsan ay sagana siya, minsan naman ay kapos. Hinangaan siya ng kaniyang mga kaibigan pero hinamak naman siya ng iba. Gayunman, sinabi ni apostol Pablo, sa Filipos 4:11, 12,



Hindi malalaman ng mga tao kung paano maging kontento kung hindi sila magsisikap na makamit ito. Pero gaya ng sinabi ni apostol Pablo, maaari itong matutuhan. Try to appreciate what you have and try not to complain about what you lack in life. Magpokus ka sa good side ng buhay mo. Magpasalamat ka sa Diyos dahil may blessings pa rin Siyang ibinuhos sa 'yo.


NUMBER 2
NAKAPOKUS KA SA IBANG TAO


Kahit ikaw pa ang pinakamabait na tao, may mga tao pa ring ayaw sa 'yo nang walang dahilan. Kahit nga si Jesus na perpektong nagpakatao dito sa lupa, may maraming tao pa rin na ayaw sa kaniya. Ang punto ko dito, nahihirapan ka sa buhay dahil sa mga negatibong tao na nakapaligid sa 'yo. Kung papansinin mo ang mga taong negatibo, mai-stress ka lang at mapapagod ka. They can affect you only until you give them power to do so. Constantly focusing on others, gains nothing except wasting your time and your anxiety kicks in when worrying about other people. Isipin mo nga ng mabuti, kung nakapokus ka sa iba, sino ba ang nakapokus sa 'yo? Kawawa ang sarili mo, 'di ba? I don't mean that people are bad and selfish but you have to set priority and the first one should be YOU.


NUMBER 3
HINDI MO TANGGAP NA MAY SAGABAL


Mas lalo kang mahihirapan kung hindi mo tatanggapin ang katotohanang may sagabal sa buhay. 'Wag kang mag-ilusyon. Ang buhay na walang hadlang at walang problema, napakaboring. Hindi memorable. Ang mga hadlang ay bahagi ng bawat paglalakbay at ang pagtagumpayan ang mga ito ang siyang nagpapasaya sa atin. Kapag may goal ka at sinimulan mo itong gawin, siguradong makakatagpo ka ng ilang mga hadlang. Ngunit kapag nakaramdam ka ng pagkabalisa o pagkatakot dahil lang sa maliit na hadlang na ito, ito ay nagpapahiwatig na hindi ka pa handa sa laban ng buhay. Kaunting alog lang, susuko ka na kaagad. Mas lalong mahihirapan ka dahil hindi mo makakamit ang pangarap mo. Such a lack of commitment to one thing can lead to frustration. 'Wag kang sumuko. Mahirap man pero kapag makikita mo ang magandang resulta, siguradong matutuwa ka. Kaya 'wag mong hayaan na matalo ka ng mga hadlang.


NUMBER 4
PALAGI MONG IKINOMPARA
ANG SARILI MO


Ang pagkokompara ay isang mabangis na kumunoy na maaaring humila sa 'yo pababa hanggang sa mawala ka. Minsan kasi natutuwa tayong magkompara lalo na kung alam nating lamang tayo sa ibang tao. Pero paano naman kung alam mong lamang sila sa 'yo? Mawawala ang peace of mind mo at siyempre hindi ka na matutuwa. Malulungkot ka na. Dahil sa kanilang mga nagawa, nawalan ka na ng pokus sa buhay mo. Naiinggit ka na sa kalakasan nila at nakapokus ka na lang sa kahinaan mo. Ito ang sabi sa Galacia 6:4,


Tingnan mo ang iyong sarili gaya ng pagtingin sa 'yo ng Diyos. Matutulungan ka nito na pahalagahan ang iyong sarili. Sinusukat ng Diyos ang iyong halaga, hindi sa pamamagitan ng paghahambing sa 'yo sa iba, kundi sa pamamagitan ng pag-alam sa laman ng iyong puso​—sinusuri Niya ang iyong kaisipan, damdamin, at mga intensiyon. Inuunawa ng Diyos ang iyong mga limitasyon at gusto Niyang tanggapin mo ang mga limitasyon. Kung ihahambing mo ang iyong sarili sa iba, puwede kang maging mayabang o di-kontento. Kaya maging mahinhin, o mapagpakumbaba, at tanggapin na hindi ka magiging angat sa lahat ng bagay.​

Ang buhay ay hindi kompetisyon. 'Wag kang mainggit sa tagumpay ng iba. When you feel affected by their progress, turn your focus back to yourself and continue working hard for yourself. Magpokus ka sa dinadaanan mo. Alam mo ba kung sino ang kakompetensiya mo? Wala ng iba kundi ang sarili mo lang.


NUMBER 5
INSECURE KA


Maging panlabas na anyo o kalagayang pinansyal, bawat isa sa atin ay nakakaramdam ng insecurity tungkol sa isang bagay sa buhay. Kahit nga ang mga modelo na kaakit-akit o perpektong tingnan, may insecurities pa din sila. You have your own set of issues to deal with. Kung ang pagka-insecure mo ang nangingibabaw sa isip mo, siguradong malulungkot ka at hindi mo na maiisip ang mga magandang katangian mo. Alamin mo ang iyong positibong mga katangian. Maaaring hindi perpekto ang katawan mo o pangangatawan mo, subalit baka nalinang mo ang PAG-IBIG, KAGALAKAN, KAPAYAPAAN, PAGBABATA, KABAITAN, KABUTIHAN, PANANAMPALATAYA, KAHINAHUNAN, PAGPIPIGIL SA SARILI. Ang mga katangiang ito ay walang hanggang mas mahalaga kaysa anumang pisikal na mga katangian at maaari pa ngang tumulong sa 'yo na kamtin ang pagsang-ayon ng Diyos. Iwasan din ang di-makatuwirang paghahambing. Gaya ng minsa’y sinabi ni Eleanor Roosevelt,


Iwasan ang silo ng paninibugho. Sabi sa Kawikaan 14:30,


Sa halip, matutong MAKIGALAK SA MGA NAGAGALAK at maging tunay na maligaya sa kanilang mga nagawa. Kung gagawin mo ito, ang iba ay hindi mahihilig na magsabi ng negatibong mga komento tungkol sa 'yong mga tagumpay. But remind yourself that it is okay to have insecurities. But do not let your insecurity stop you from enjoying life.


NUMBER 6
PINILIT MONG KONTROLIN
ANG BAGAY


Kinokontrol mo dahil gusto mong maging komportable ang iyong buhay. Kapag may buhangin ka sa 'yong kamay, the more you tighten your fist, the more it slips out of your hand. Ibig sabihin, kapag pinipilit mong kontrolin ang bagay-bagay, mas maraming kaguluhan ang nalilikha nito. Life is a big ocean. You, me and everyone else is just a tiny boat floating on it. Our destiny is way too powerful for us to control. Learn to accept your current situation and be prepared for the surprises that life throws your way.


NUMBER 7
NAGSASAYANG KA NG ORAS


“Kung marami lang sana akong panahon!” Gaano kadalas mo nang nasabi 'yan? Pagdating sa oras, walang mahirap, walang mayaman—lahat ay pantay-pantay. Isa pa, mahirap man o mayaman ay hindi kayang mag-ipon ng panahon. Kapag lumipas na ito, hinding-hindi na ito maibabalik. Kaya naman dapat tayong maging matalino sa paggamit ng ating panahon.  Lalong mahihirapan ka sa buhay kung hindi mo inuuna ang mga bagay na mas mahalaga sa 'yo. Paano?

Una, MAGTAKDA KA NG PRIYORIDAD. “Tiyakin ninyo ang mga bagay na higit na mahalaga” 'yan ang payo ng Bibliya sa Filipos 1:10. Gumawa ka ng listahan ng mga bagay na mahalaga o kailangang gawin agad.

Pangalawa, MAGPLANO KA. Ang sabi ng Eclesiastes 10:10,


Ang aral? Kung ihahasa mo ang iyong kasangkapang bakal, ibig sabihin, kung magpaplano ka, magagamit mo ang iyong panahon sa pinakamabisang paraan. Isaisantabi o alisin ang di-mahahalagang gawain na umuubos lang ng panahon mo at lakas. Kapag nagkaroon ka ng ekstrang panahon dahil natapos mo agad ang isang gawain, puwede mo nang simulan ang kasunod. Kung magpaplano ka, mas marami kang matatapos, gaya ng isang mahusay na manggagawa na naghahasa ng kaniyang kasangkapang bakal.

Pangatlo, PASIMPLEHIN ANG BUHAY MO. Matutong tumanggi sa mga bagay na hindi mahalaga o umuubos lang ng panahon mo. Kapag napakarami mong dapat gawin at asikasuhin, lalo kang mai-stress at mawawalan ng kagalakan.

Pang-apat, PAGPAPALIBAN-LIBAN at PAGPAPATUMPIK-TUMPIK. Sabi sa Eclesiastes 11:4,


Ang aral? Ang pagpapaliban-liban ay umaagaw ng iyong panahon, at hindi mo nagagawa ang mga bagay na dapat mong gawin. Kung hihintayin ng isang magsasaka ang pinakamagandang kalagayan, baka hindi na siya makapaghasik ng binhi o makapag-ani. Sa katulad na paraan, baka sa kagustuhan nating makasiguro, nagpapatumpik-tumpik tayo. O baka iniisip nating dapat muna nating malaman ang lahat ng impormasyon bago tayo magdesisyon. Siyempre pa, kailangang pag-aralang mabuti ang mga importanteng desisyon. Pinag-iisipan ng matalino ang kaniyang mga hakbang pero ang totoo, may mga desisyong hindi natin tiyak ang kalalabasan.


NUMBER 8
DEPENDENT KA


Ang kaligayahan ay tunay kung ito ay nagmumula sa loob. Kapag hindi ka masaya sa iyong sarili at naghahanap ka ng kaligayahan mula sa mga taong nakapaligid sa 'yo, mas lalong lulubog ang buhay mo. 'Wag mong hanapin sa labas ang kaligayahan. Lahat tayo ay kumakain ng mga paborito natin. Hindi tayo kumakain kung ano ang paborito ng iba. So, why are you dependent on others for your own happiness? Happiness is a choice. Tandaan mo na hindi materyal na bagay o hindi ang ibang tao ang makakapagpasaya sa 'yo. External factors can fulfill your personal needs, but for happiness, you have to look inwards. Learn to accept yourself and be comfortable being who you are.


NUMBER 9
UMAASA KA
NA MADALI ANG BUHAY


The more you expect, the more it hurts you. Pero may magagawa ba tayo kung paano gawing madali ang buhay? Mayroon.

1. Tanggalin mo ang mga taong toxic sa buhay mo.
2. 'Wag kang umasa na may tutulong sa 'yo.
3. 'Wag mong habulin ang mga taong ayaw na sa 'yo.
4. 'Wag kang mang stalk.
5. Mahalin mo ang iyong sarili.
6. Matuto kang manahimik.
7. 'Wag kang mag overthink.
8. Tanggapin mo ang kabiguan.
9. 'Wag kang masyadong maging nice.
10. 'Wag kang maghigante.
11. 'Wag mong isipin ang opinyon ng mga tao.


NUMBER 10
HINDI KA MASAYA SA TRABAHO MO


Mas lalong mahihirapan ka sa buhay, kung ayaw mo ang trabaho mo. Naglaan ka ng 8 oras araw-araw para sa trabahong ayaw mo, hindi ba't napakahirap nun? It can suck out the life of you. Lalo na kapag kulang ang sahod mo. Being stuck in a rut can take  a heavy toll on your mind and cause physical and mental health problems. Kapag hindi mo makayanan ang pang-araw-araw na pressure sa trabaho, lulubog ang kaligayahan mo. Mahihirapan kang makaabante.

May mga bagay na mangyayari sa ating buhay at magtataka tayo kung bakit ang buhay ay napakahirap. Gayunpaman, mayroong solusyon sa halos lahat ng problemang kinakaharap ng tao. If you have been feeling stuck lately and like none of your efforts matter, you may seek professional help. However, understand that your life may not change immediately. You might have to remain committed to your efforts and sacrifice some things to make life better. Gawin mo pa rin ang lahat kahit nahihirapan ka na. 'Wag kang sumuko, okay?




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177