Practical Tips Para Maihinto ang Sobrang Pag-aalala By Brain Power 2177


Photo by jasmin chew:
https://www.pexels.com/photo/woman-in-white-dress-standing-on-green-grass-field-13025000/


Maaaring ang kinabukasan ang isa sa pinakanakababalisang mga bagay para sa isang tao. Nag-aalala ka tungkol sa iyong sarili.

“Dapat ba akong bumukod?”
“Dapat ba akong mag-aral?”
“Dapat na ba akong mag-asawa?”

Napakarami mong iniisip araw-araw. At araw-araw ka ring natatakot dahil sa mga iniisip mo. Pero hindi lang naman ikaw ang madalas na nag-alala. Maraming tao ang nag-aalala, at sa iba’t ibang kadahilanan. Numero uno na pinag-aalala ng mga tao ay TRABAHO. Magandang trabaho na makakapagsustento sa araw-araw na pangangailangan. Kasunod nito ang pag-aalala sa kalusugan ng kanilang mga magulang. Nangunguna rin sa talaan ang takot na mamatay ang isa na kanilang minamahal. Ayaw naman nating mangyari 'yan, 'di ba? Pero tandaan mo, hindi lahat ng mga pagkabahala ay nakakatakot. Para sa maraming tao, lubha nilang ikinababahala ang tungkol sa kanilang pakikisalamuha sa ibang tao. 'Yan kasi ang napapansin ko ngayon e. Ang daming tao na takot na walang makitang kaibigan o mawalan ng kaibigan. Kaya pinipeke nila ang kanilang sarili para magustuhan sila ng mga tao. Palagi na lang silang nagtitingin at kumikilos na sunod sa uso. Kasi kailangan nilang mapansin, kailangan nila ng mga kaibigan. Lalo na ang kabataan ngayon, nababahala sila sa paaralan tungkol sa istilo ng iba. Nag-aalala sila kung paano sila lumalakad, kung paano sila nagsasalita, at nag-aalala sila kung paano sili tinitingnan ng iba. Natatakot silang magmukhang hangal.

Tandaan mo ito ah, ang mga PROBLEMA, bahagi na 'yan ng ating buhay. Pero alam ko ang nasa isipan mo, “maganda sana kung makapamumuhay tayo nang walang mga álalahanín”. Pero hindi naman 'yan mangyayari. Gayunman, sinasabi ng Bibliya sa Job 14:1,


Samakatuwid bahagi na ng buhay ang mga problema at bahagi na rin ang mga pagkabahala na kaagapay nito. Subalit kung hahayaan mong mangibabaw ang mga pagkabahala at mga kabalisahan sa iyong pag-iisip, mapipinsala mo nang husto ang iyong sarili. Ang Bibliya ay nagbababala, sa Kawikaan 12:25,


Ang isang paraan upang maiwasan ang di-kinakailangang pag-aalala ay supilin ang iyo mismong paggawi. Hindi lahat ng iyong problema ay maaaring maging napakaliwanag o napakadaling lutasin. Paano mo maihihinto ang labis na pag-aalala? Hinahayaan kasi ng maraming tao na patigilin sila ng pag-aalala. Subalit ang isa ay maaaring MAY KATALINUHANG MAG-ALALA or WORRY WISELY sa pamamagitan ng pagbaling ng pag-aalala tungo sa positibong pagkilos! Maraming simulain sa Bibliya ang tutulong sa iyo na gawin iyan. Isaalang-alang ang Kawikaan 21:5,


Halimbawa, nais mong magkaroon ng isang pagtitipon ng ilang mga kaibigan sa bahay ninyo. Wala kang gaanong alalahanin sa pamamagitan ng mabuting pagpaplano. Tanungin mo ang iyong sarili,

SINU-SINO ANG AANYAYAHAN KO?
ANONG ORAS KO SILA GUSTONG DUMATING?
ANONG ORAS KO SILA GUSTONG UMUWI?
GAANO KARAMING PAGKAIN AT INUMIN
ANG TALAGANG KAKAILANGANIN KO?
ANO ANG ILANG NAKATUTUWANG GAWAIN
NA MASISIYAHAN ANG LAHAT?

Halimbawa lang 'yan. Pero ang punto ko, habang pinag-iisipan mo ang mga bagay-bagay, lalong magiging maayos ang inyong pagtitipon. Gayunman, mag-aalala ka kung hahayaan mong maging masalimuot ang mga bagay-bagay. Ibinigay ni Jesu-Kristo ang payong ito sa isang babae na labis na nag-abala sa paglalaan para sa kaniyang bisita. Basahin natin ang Lucas 10:42,


Kaya tanungin mo ang iyong sarili,
ANO TALAGA ANG MAHALAGA UPANG MAGING MATAGUMPAY ANG PAGTITIPONG ITO?

Makatutulong sa iyo na panatilihing simple ang mga bagay-bagay upang mabawasan ang iyong kabalisahan. Maaaring ang isa pang pinagmumulan ng pagkabahala ay ang iyong kaligtasan sa paaralan o sa workplace. Maaaring wala kang gaanong magagawa upang mabago ang kalagayan doon. Subalit makagagawa ka ng praktikal na mga hakbang upang mapangalagaan ang iyong sarili. Basahin natin ang Kawikaan 22:3,


Ang basta pag-iwas sa mapanganib na mga lugar​—hindi lamang ang mga ilang na dako kundi gayundin ang mga dakong hindi pinangangasiwaan kung saan nagtitipun-tipon ang magugulo​—ay maaaring makabawas sa iyong mga tsansa na masangkot sa gulo. Maaaring maging isa pang pinagmumulan ng pagkabahala ang gawain sa paaralan. Marahil mayroon kang ilang mahahalagang araling-bahay at nag-aalala ka na hindi mo matapos sa takdang panahon ang mga ito. Makatutulong ang simulaing nasa Filipos 1:10:


Oo, matutong unahin ang mas mahalagang bagay! Isipin kung aling takdang-aralin ang nangangailangan ng higit na panahon, at unahin ito. Pagkatapos, gawin mo ang susunod mong gawain. Unti-unti mong madarama na kaya mo na ang situwasyon. Kung hindi mo na talaga kaya ang mga problema mo, HUMINGI KA NG PAYO. Kung ikaw ay napabibigatan ng pag-aalala, huwag mong pahirapan ang sarili mo sa pamamagitan ng pananahimik. Ang Kawikaan 12:25, na bahagyang sinipi natin kanina, ay nagsasabi ng ganito sa dugtong:


Ibig sabihin, ang mabuting salita ng ibang tao, pamilya mo, o kaibigan mo, ay nagpapasaya ng puso mo. Tanging kung ipakikipag-usap mo ang tungkol sa iyong PAGKABALISA ay saka ka lamang makakakuha ng MABUTING SALITA ng pampatibay-loob!

Una, baka gusto mong ipakipag-usap ang mga bagay-bagay sa iyong mga magulang; maaari silang magbigay ng ilang mungkahi. Huwag mong ipagpaliban ang mga bagay. Kung minsan mayroon tayong kailangang gawin, subalit ipinagpapaliban natin ito dahil sa ito’y hindi kaayaaya sa atin. Minsan gan'on ang sitwasyon e. May kailangan tayong ipakipag-usap, subalit ipinagpabukas-bukas natin ito. Habang ipinagpapaliban natin ito, lalo lamang itong nakabahala sa atin. Tandaan lang natin ang pananalita ni Jesus sa Mateo 5:23, 24, na humihimok sa atin na lutasin kaagad ang gayong mga problema. Kung gagawin natin ito, siguradong maginhawahan tayo. Sabay nating basahin ang tekstong ito,



Ibig sabihin ng tekstong ito, kung may kailangang gawin ngayon, gawin mo kaagad para maayos na ang iyong problema. Ipinagpapaliban mo ba ang isang bagay​—isang di-kaayaayang atas o isang nakaaasiwang komprontasyon? Buweno, ayusin mo ito kaagad, at mababawasan ka ng isang álalahanín. Promise ko 'yan sa 'yo. Pero sabi ko nga kanina, hindi lahat ng kalagayan ay napakadaling nalulutas. Pero tandaan lang natin ang tekstong ito, Mateo 6:27,


Sa halip na mabalisa, pag-isipan mong mabuti ang kalagayan mo ngayon at tiyakin mo kung ano ang magdudulot ng pinakamabuting mga resulta. Oo alam ko na hindi madali ang manatiling mahinahon sa isang krisis. Ang ilan ay labis na nababagabag anupat pinababayaan ang kanilang sarili, ayaw nilang kumain. Kapag pinagkaitan mo ang iyong sarili ng mahalagang pagkain, lalong hindi mo makakayanan ang mga pinsala ng kaigtingan at mas madali kang tablan ng sakit. Kaya ingatan mo ang iyong sarili sa pisikal na paraan. Magkaroon ng sapat na pahinga at pagkain. Makasusumpong ka ng pinakamalaking kaginhawahan sa pamamagitan ng pagsunod sa payo ng Bibliya, basahin natin ang Awit 55:22,


Nagtuon ako ng higit na pansin sa Salita ng Diyos at sa Kaniyang layunin. Di-nagtagal ay natanto ko na ang aking kinabukasan ay magiging maligaya kung gagamitin ko ang aking buhay upang paglingkuran ang Diyos. Hindi na ako nag-alala tungkol sa aking sarili. May mas mahalagang bagay na dapat kong isipin.

Nakakasamâ sa kalusugan at emosyon mo ang sobrang pag-aalala. Puwede ka pa ngang magkaroon ng mas malalaking problema dahil dito. Dahil diyan, bibigyan pa kita ng karagdagang tips. Mga tips para mabawasan ang pag-aalala at siyempre may prinsipyo din ang Bibliya.


NUMBER 1
BAWASAN MO ANG PANONOOD,
PAGBABASA, O PAKIKINIG NG MASASAMANG BALITA


Hindi mo kailangang malaman ang lahat ng detalye tungkol sa isang masamang pangyayari. Kung magbababad ka sa masasamang balita, lalo ka lang matatakot at mag-aalala. Pero alam kong nakakaadik tumingin sa bago at nakakagulat na mga balita. Pero hindi magandang makasanayan natin iyan. Napansin ko kasi na hindi na ako masyadong nag-aalala nang bawasan ko ang pagtingin sa mga negatibong balita. Basahin natin ang Kawikaan 17:22,


Sagutin mo nga ito, kilangan mo ba talagang laging maging updated sa mga balita?


NUMBER 2
SUNDIN MO ANG IYONG ISKEDYUL


Magtakda ka ng oras ng paggising, pagkain, paggawa ng gawaing-bahay, at pagtulog. Kapag may iskedyul ka, mararamdaman mong normal ang buhay mo at tutulong iyan para mabawasan ang pag-aalala mo. Nang magkaroon ng COVID-19 pandemic, napabayaan ko ang iskedyul ko at naubos ang panahon ko sa paglilibang. Gusto kong gamitin ang oras ko sa pinakamabuting paraan, kaya gumawa ako ng iskedyul ng mga dapat kong gawin sa bawat araw. Basahin natin ang Kawikaan 21:5,


Ikaw, may iskedyul ka ba para maramdaman mong may natatapos ka sa bawat araw?


NUMBER 3
MAGPOKUS KA
SA MAGAGANDANG BAGAY


Kung ang laging laman ng isip mo ay mga maling desisyon na ginawa mo noon at mga bagay na ikinakatakot mong mangyari sa hinaharap, lalo ka lang mag-aalala. Mas mabuting mag-isip ng dalawa o tatlong bagay na puwede mong ipagpasalamat. Kapag nagbabasa ako ng Bibliya, naiiwasan kong isipin ang masasamang balita at nakakapagpokus ako sa magagandang bagay. Baka lagi mo nang naririnig ang tekstong ito, pero nakakatulong talaga. Sabay nating basahin ang Colosas 3:15,


Madalas bang puro negatibong bagay ang naiisip mo at nakakalimutan mo nang isipin ang magagandang nangyayari sa buhay mo?


NUMBER 4
ISIPIN MO ANG IBA


Huwag ibukod ang sarili mo kapag nag-aalala ka, kahit iyan pa ang mas madaling gawin. Sa halip, mag-isip ka kung paano mo matutulungan ang iba. Sumasaya ako kapag nakakatulong ako sa iba. Nagawan ko na ng mabuti ang iba, nabawasan pa ang pag-aalala ko. Ang totoo, wala na akong panahon para mag-alala. Basahin natin ang Filipos 2:4,


Sino sa mga kakilala mo ang mas nangangailangan ng tulong, at paano mo sila matutulungan?


NUMBER 6
INGATAN MO ANG IYONG KALUSUGAN


Magkaroon ng sapat na ehersisyo at pahinga. Kumain ka ng masusustansiyang pagkain. Kung iingatan mo ang kalusugan mo, mas magiging maganda ang pananaw mo sa buhay at makakatulong ito sa iyo na huwag mag-alala. May mga panahon na ayokong lumabas kaya nag-eehersisyo na lang ako dito sa loob ng bahay. Basahin natin ang 1 Timoteo 4:8,


May kailangan ka bang baguhin sa paraan ng pagkain mo at pag-eehersisyo para mas maging malusog ka?

Bukod sa mga tip na ito, nakatulong sa marami ang maaasahang mga pangako ng Bibliya tungkol sa isang magandang kinabukasan para mabawasan ang pag-aalala nila.


Ibig sabihin, sa pamamagitan ng panalangin, puwede nating ihagis sa Diyos ang pasanin natin, at kasama diyan ang pag-aalala. Sa panalangin, kinakausap natin ang Maylalang, na umaalalay at nagpapatibay sa atin sa harap ng lahat ng pagsubok.


Ibig sabihin, makipag-usap ka sa kapamilya o mga kaibigan mo na makakapagpatibay sa iyo at makakatulong.


Ibig sabihin, kadalasan, walang naitutulong ang pag-aalala. Hindi nito napapabuti ang sitwasyon at hindi rin ito nakakatulong para makaisip ka ng solusyon.



Ibig sabihin, alam ng Diyos ang pangangailangan natin sa pagkain, damit, at tirahan bago pa man natin ito hilingin sa kaniya.

Normal lang na mabalisa paminsan-minsan ang di-sakdal na mga taong nabubuhay sa sanlibutang ito ni Satanas, pero itinuro ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod na iwasan ang sobrang pagkabalisa. Bakit? Dahil ang di-kinakailangang pagkabalisa, kahit sa ating pang-araw-araw na pangangailangan, ay makagagambala sa atin na unahin muna ang Kaharian.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177