14 Reasons Why You Prefer To Be Alone By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio:
https://www.pexels.com/photo/young-satisfied-woman-in-headphones-
with-fresh-red-leaf-listening-to-music-with-pleasure-while-lounging-in-autumn-park-3776557/


Gusto mo bang mag-isa sa lahat ng oras? Mas prefer mo bang mag-isa kaysa makipag-ugnayan sa ibang tao? Hindi ka nag-iisa. Pareho tayo. And it’s totally okay to feel this way. Minsan ba'y naiisip mo kung bakit gusto mong mag-isa na lang? Heto na ang iilang kadahilanan.


NUMBER 1
INTROVERT KA


Introvert din ako. Hindi ako mahiyain pero ayoko sa matataong lugar. At least for me, people are exhausting and annoying after a while, kaya't kailangan kong mag recharge. Mas nasisiyahan pa akong mag-isip ng kakaibang bagay kaysa sa nakikita ko sa realidad. If I'm gonna socialize, it needs to be something memorable and unique, something I will learn from. Kaya ito ang dahilan kung bakit ayaw ng mga introverts ang usapang walang kabuluhan. Iba kasi ang mga extroverts e, napakaingay, kung saan² na lang pupunta ang usapan. Kaya kung may introverts sa grupo, naiingayan sila. Pero hindi naman ibig sabihin na kailangan mong mag-isa na lang palagi. Kailangan mo ring makihalubilo sa ibang tao kahit saglit lang. Sometimes we do need to see the sun shine to remind ourselves reality exists. Kaya kung ramdam mong mas gusto mong mag-isa, siguradong introvert ka. Pero hindi naman lahat ng introvert ay magkakatulad. To be honest, it's based on their personal choices. Kasi kung ako ang tatanungin mo, siguro 70% ng oras ko ay gusto kong mag-isa at 30% lang ang oras ko sa pakikipag-ugnayan sa iba. May mga introverts na hindi man marunong makipag socialize, they still enjoy hanging around with friends.


NUMBER 2
HINDI KA AKTIBONG TAO


Isa ito sa mga dahilan kung bakit gusto mong mapag-isa dahil hindi ka aktibong tao. Naging INACTIVE ang tao sa kanilang buhay dahil sa maraming kadahilanan. Maybe they have tried and failed at something, could be just one thing or many but it left a scar that paralyzes them from action, basically FEAR OF FAILURE. Ang iba din ay may pinaplanong gawin pero hindi naman talaga nila gustong gawin ang mga bagay na 'yon. Kaya nawawalan sila ng gana sa buhay. Gusto na lang silang mag-isa para makapag-isip ng maayos. Ang iba din ay walang tiwala na makamit ang kanilang pangarap sa buhay. Or they fear that achieving that goal will just result in more pain coming from the things they haven't achieved. Ang mga ganitong klaseng tao ay madaling mapagod sa buhay dahil marami silang kinakatakutan. Sa sobrang inactive mo sa tunay na mundo, mas pinili mo ang sarili mong mundo, yung pahiga-higa ka lang. Hindi naman ibig sabihin na unfit ka or unhealthy, ang ibig kong sabihin ay yun bang gusto mo lang mag relax dahil napapagod ka na sa kakahassle.


NUMBER 3
MADALI MONG MATAPOS
ANG GINAGAWA MO


Madali mong matapos ang ginagawa mo kung walang disturbo. Kasi kung may kasama ka araw-araw, hindi lang ikaw ang masusunod e. Halimbawa, may trabaho ka pang dapat tapusin, hindi mo magagawa dahil pagsasabihan ka ng kasama mo na mamaya na dahil gagala pa kayo. Minsan ikaw ang nagdedesisyon na umayaw sa mga gawain mo dahil gusto mo pang gumala kasama ang mga kaibigan mo. Kung mag-isa ka lang, madali kang makapag desisyon kung kailan mo uumpisahan ang mga gawain mo. Pero ang tanong, ano ba ang gusto mong gawin? You have to be honest with yourself to figure out what will truly make you happy in life. Make a list of your strengths. Make a list of your passions. 


NUMBER 4
MAS PREFER MO
NG TAHIMIK NA BUHAY


Mas prefer ko rin ng tahimik at peaceful na buhay. Because every single time I allow other people into my life, my life gets more complicated and they somehow always manage to bring drama I have no interest in participating in. Hindi na rin ako interesado sa gala-gala na 'yan. I have become increasingly introverted over the years, and whereas I don't mind people coming over. Napakaingay na kasi ng mundo natin ngayon. Kahit isang tao lang ang papasok sa buhay mo, mawawala na kaagad ang peaceful ng buhay mo. Alam mo, kung mag-isa ka, madali lang ang buhay. No unwanted exposure and draining your energy shouting and arguing with people. Keep yourself within your limits. Kung mag-isa ka, mas marami kang oras na mailaan para sa sarili mo. May enough space ka para makapag-bulay-bulay. Only when you are completely alone can you get the peace you long for.


NUMBER 5
ANG LALIM MONG MAG-ISIP


Dahil sa sobrang lalim mong mag-isip, ayaw mong magpa-isturbo sa iba. And this is something you actually enjoy doing. Maraming mga tao ang hindi nag-eenjoy sa pag-iisip ng malalim dahil naguguluhan sila lalo pero ikaw na gustong mag-isa, na-eenjoy mo ang ganitong habit, yung lalim mag-isip. Deep thinkers TAKE IN MORE than they PUT OUT. Ibig sabihin, kaunti lang ang kanilang sinasabi pero sobra silang mag obserba sa mga nangyayari sa paligid. Mas makakapag-isip ka kasi ng maayos kung mag-isa ka lang.


NUMBER 6
MADALI MONG MAGAWA
ANG TRABAHO


Madali mong magawa ang trabaho mo dahil makakapag concentrate ka ng maayos. But it varies from person to person. But a lot of people find themselves more PRODUCTIVE or CREATIVE when they are alone, including me. And from my personal experience, I feel the reason for increased productivity or creativity is that when you are living alone preferably in a calm place you enjoy living in, you have a stronger ability to silence your mind, and you automatically stop letting people and things occupy your mental space and make space for the goal you want to achieve, creative ideas or thoughts flow in and you focus better without any distraction. Kapag kasi wala kang kasama, wala ring distractions. Wala kang kachismisan. At libre ka sa paggawa ng kahit anong gusto mo. Pwede kang magpuyat ng walang nadidisturbo. Pwede kang mag CR ng hindi maka-isturbo. Hindi ka rin maiisturbo ng iba. Walang kumakausap sa 'yo sa oras ng pagtatrabaho, walang magtatanong ng walang kabuluhan, walang umaagaw ng space mo. Gusto mong mag-isa dahil gusto mong makapagpokus sa trabaho mo.


NUMBER 7
AYAW MO NG DRAMA


Noong una, ma-drama akong tao e. Akala ko kasi kung sasabihin ko ang lahat ng tungkol sa buhay ko, maiibsan ang problema ko. Pero mali pala ako. Kapag ikinikwento mo lahat ng nangyayari sa buhay mo, kahit hindi naman dapat, mas lalong gugulo ang iyong buhay. Dramatic people are ADULT-CHILDREN or let's say, CHILDREN. Malaki na pero hindi mature mag-isip. Some people have never learned that problems don't have to be dealt with in highly dramatic fashion. Hindi mo man makokontrol ang kadramahan ng ibang tao, hindi ikaw ang dahilan ng negatibong buhay nila, pero kaya mong lumayo sa kanila. It’s just a waste of energy. So, to avoid drama, you tend to avoid people – at least, most people. Or just tell the person to stop talking about the problem and start focusing on a solution. 


NUMBER 8
AYAW MO NG MGA TAONG PEKE


Mas gusto mo na lang mag-isa kaysa sumama sa mga taong peke. Pero bakit may mga pekeng tao? Simple. Because people have forgotten who they really are. May mga taong nagpapanggap na mabuti. Masaya ba sila sa kanilang buhay? Siyempre hindi. And you can always tell how someone feels about THEMSELVES by the way they treat other people. Kaya mas pinili mo pang mag-isa na lang kaysa makipag-ugnayan pa sa mga taong peke. As for me, I am the farthest from being a fake person because I believe in being true to myself and most people can't handle that about me because I am not afraid to be who I am. Wala man akong maraming kaibigan pero masaya pa rin ako sa buhay. Kaunting kaibigan pero tunay naman sila.


NUMBER 9
EMOTIONALLY INDEPENDENT KA


Gusto mong mag-isa dahil hindi ka nangangailangan ng ibang tao para sumaya. You are your own source of happiness. Para ma-achieve mo 'yang emotional independence, kailangan mong mag LET GO. Mapi-pressure ka sa paghawak ng mga bagay na hindi mo mahahawakan. Kailangan mo ring mag establish ng boundaries. Yes, you will need to set boundaries for yourself. Kailangan mo ring kontrolin ang iyong emosyon. Normal man na masaktan, normal man magalit, normal man ma-annoy, pero dapat alam mo kung paano kontrolin ang iyong emosyon. Kasi kung hindi mo kaya, ibig sabihin, dependent ka pa rin. At madali kang mawasak kung ganito ang emosyon mo. Kung ramdam mong gusto mong mag-isa, emotionally independent ka. Kaya mong resolbahin ang mga problema mo ng ikaw lang. At hindi mo kailangan ng tulong ng iba. At isa pa, mahal mo na ang sarili mo. 


NUMBER 10
AYAW MONG MABIGATAN SA BUHAY


Gusto mong mag-isa dahil ayaw mo ng negatibong tao sa buhay mo. Ayaw mong mabibigatan. Alam naman natin, ang daming negatibong tao sa paligid. Kung nasa tabi natin sila, masisipsip natin ang katoxican nila. Isa lang naman ang purpose nila, ang maging BIKTIMA ka. Pero 'wag kang mag react ng negatibo. Ginagalit ka nila dahil gusto nilang makita na may negatibong side ka rin. Pero 'wag mong kagatin ang pain nila. At 'wag mong ipaalam sa kanila ang mga plano mo. Interesado silang malaman kung ano ang tumatakbo sa utak mo at sila rin ang sisira ng mga plano mo. Sisiguraduhin kasi nila na hindi ka magtatagumpay sa buhay. Don't tell them about your future career move and about your side business.


NUMBER 11
KONTENTO KA NA SA IYONG BUHAY


Wala ka ng ibang iniisip, wala ka ng pinaglalaanan ng oras, wala ka ng ibang hinahanap sa buhay, dahil kontento ka na. Gusto mong mag-isa dahil kontento ka na sa buhay mo. Masaya ka na sa mga pinagagawa mo ng mag-isa ka lang. But being content is a matter of choice. When you choose to be content, you see the world differently. Malinaw mong makita na napakaganda ng mundo.


NUMBER 12
HINDI MO LANG GUSTO
MAKIPAG-UGNAYAN


Gusto mo lang mag-isa dahil iniisip mo na sapat na ang lahat para sa 'yo. Hindi mo na kailangan ng karagdagang kaibigan. Maraming dahilan kung bakit ayaw mong makipag-ugnayan sa iba. Siguro ay dahil sa bad experience mo noon. Iniisip mo na makikitid ang utak ng karamihan o sila'y makasarili kaya mas pinili mo na lang mag-isa. Siguro ay maraming beses ka ng nasaktan at ayaw mo ng magtiwala sa mga tao. Marami kang nakikitang tao na masama kaya pinili mo na lang na mag-isa.


NUMBER 13
MAHAL MO ANG SARILI MO


Tandaan mo, kung iniwan ka ng lahat, sarili mo na lang ang matitira. Kaya't 'wag mong balewalain ang sarili mo dahil ikaw ang huling kakampi mo sa buhay. So love yourself first, because that's who you will be spending the rest of your life with. Dapat masanay kang mag-isa kasi kapag sanay ka na, mapagtanto mong mas mabuti pa lang mag-isa kaysa napapalibotan ng mga maling tao. You don't need anyone to complete you or to validate you. Mula noong ipinanganak ka hanggang sa mamamatay ka, ang taong palaging nasa tabi mo ay IKAW lang. And if you don't love yourself, you will spend the rest of your life drowning in your own toxicity. Masarap kasing mag-isa dahil marami kang oras para sa sarili mo. Matutunan mo kung ano ang iyong kalakasan, ang iyong kahinaan, ang iyong passion, at ang mga bagay na gusto mong gawin. Pero sa huli, ikaw lang naman ang mamili kung ano ang gagawin mo sa buhay. Nagpapayo lang ako pero ikaw pa rin ang magdedesisyon para sa buhay mo.


NUMBER 14
AYAW MONG MAKIPAG CLOSE SA IBA


Mas pinili mong mag-isa dahil ayaw mong may makaalam ng mga sekreto mo sa buhay tulad ng personal information. Ayaw mong masira ang tiwala mo sa kanila, ayaw mong maiwan kung attach ka na sa kanila. Para bang takot kang masaktan ulit. Pero hindi ko ipapayo na mamuhay ka sa takot. Kung gusto mong magmahal, open yourself up and allow love to flow there into your heart. Because living in fear of what MIGHT HAPPEN is no way to be happy, and remember, WITHOUT PAIN, THERE CAN BE NO PLEASURE.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177