5 Tips Para Itigil Ang Negative Self-Talk By Brain Power 2177


Photo by Kat Smith: https://www.pexels.com/photo/woman-holding-her-head-551588/


Ayon sa pag-aaral, libu-libo ang iniisip natin bawat araw. Ang mas masaklap, 80% ng mga iniisip natin ay NEGATIBO. Napakasaklap, 'di ba? Ano nga ba ang NEGATIVE SELF-TALK? Ito yung sinasabihan natin ang ating sarili na WALA TAYONG KWENTA, na HINDI TAYO MAGALING sa lahat ng bagay, na HINDI TAYO MATALINO, na WALA TAYONG TALENTO, na HINDI TAYO ATTRACTIVE. Palagi nating sinasabi sa ating sarili na HINDI TAYO DESERVING sa mga bagay na gusto natin. Palagi nating iniisip na. Wala tayong tiwala sa ating kakayahan. Wala tayong tiwala sa proseso ng Diyos. Palagi nating iniisip na IMPOSIBLE na magtagumpay tayo.

Pero gusto ko lang malaman mo na ang negatibong pag-iisip ay may malaking epekto sa buhay mo. Kung iniisip mo na matutupad mo ang iyong pangarap, mararamdaman mong ipu-push ka pa ng utak mo na gumawa ng paraan, na magsikap para makamit ang pangarap mo. Kung iniisip mo na hindi mo matutupad ang iyong pangarap, mararamdaman mong ipu-push ka pa ng utak mo na manatili na lang sa buhay na 'yan, na 'wag na lang sumubok gawin ang isang bagay. Nakikita mo ba ang diperensya? Kung positibo ang iniisip mo, positibo rin ang resulta nito. Kung negatibo ang iniisip mo, negatibo rin ang resulta nito. Kaya isipin mo palagi na deserve mo ng maayos na buhay. Siguradong makukuha mo 'yan.

Ayon sa pag-aaral, ang ating isipan ay may malaking impact sa ating katawan. Napapansin mo ba, sa tuwing negatibo ang iniisip mo, makikita mo sa resulta kung paano direktang naiimpluwensyahan ng iyong mga iniisip ang iyong blood pressure, pag-igting ng iyong kalamnan, temperatura ng katawan mo, ang bilis ng iyong paghinga, heart rate, pinagpawisan din ang iyong mga kamay. Napapansin mo ba 'yon? Lahat ng negatibong epekto ay galing sa negatibong pag-iisip natin. Lalo na kung nag-iisip ka ng nakakatakot na bagay, kapag may galit kang kinimkim, kapag may anxiety ka, kapag guilty ka, tumataas din ang level ng iyong stress. Mararamdaman mo ang pag-iiba ng iyong katawan. Humihina ka. Totoo ito, ang negatibong tao ay lalong makakaranas ng DEPRESYON at mas lalo silang hindi nasisiyahan sa kanilang buhay. Sa kabaligtaran naman, kung lahat ng iniisip mo ay POSITIBO, mag-rerelease ang katawan mo ng ENDORPHINS. Tinatawag natin itong HAPPY HORMONE. Napapansin mo ba, kung positibo ang iniisip mo, masaya ka rin at magaan ang pakiramdam mo. At kung masaya ka, doon lalabas ang endorphins. Kaya nga naging MASAYA ka kapag positibo ka, 'di ba? Ano ang magiging resulta? Mas lalo kang confident sa sarili mo. Malinaw ang pananaw mo sa buhay. Motivated ka rin sa buhay. Determinado kang banggain ang lahat ng hadlang sa buhay.

Pero alam ko ang nasa isip mo, hindi madali maging positibo. Karamihan sa mga tao ngayon, madaling mapuna ang pagkakamali ng ibang tao o mismo sa kanilang sarili. Pero sa totoo, pinupuna mo ang iba pero sarili mo pala ang sinisira mo. Bakit? Dahil hindi ka nakapokus sa sarili mong buhay. Pero ang mas maganda sa pangyayaring ito, IKAW ang NAGKOKONTROL sa PAG-IISIP mo. Hindi ka ba natutuwa sa nalaman mo ngayon? Ikaw ang nagkokontrol sa sarili mong buhay. LAHAT ng REAKSYON mo tungkol sa anumang nakikita mo ay GALING lang din sa 'yo. Ibig sabihin, kaya mo ring palitan ang negatibong iniisip mo ng positibo. Para naman maging maayos ang takbo ng iyong buhay.

Ngayon, may ibibigay akong 5 URI ng NEGATIBONG PAG-IISIP nang sa gan'on ay malaman mo at nang malabanan mo ang mga ito upang mamuhay ka ng matiwasay. Pakiusap lang, 'wag mong ihinto ang videong ito dahil ang lahat ng malalaman mo sa videong ito ay napakahalaga.


NUMBER 1
PALAGI NA LANG AKONG GANITO


PALAGI NA LANG AKONG MAHINA, PALAGI NA LANG AKONG NAGHIHIRAP, PALAGI NA LANG GANITO ANG SITWASYON KO. Palagi mo bang iniisip 'yan? Alam kong marami pang tumatakbo sa isip mo ngayon. Pero alam mo ba na ang pinag-iisip mong ganyan ay HINDI naman TOTOO? Ito'y gawa-gawa mo lang. Ikaw lang ang gumagawa ng mga hadlang sa buhay mo at ikaw din ang may kakayahang wasakin ang mga ito.


NUMBER 2
WALA NA AKONG PAG-ASA


Lahat na lang ng nakikita mo ay ITIM. Dahil nakapokus ka sa kadiliman. Sobrang abala mo sa kakatingin ng kamalian ng ibang tao at pati kamalian sa sarili mo. Wala ka ng nakikitang tama sa paligid. Kahit ano ang gagawin mo, MALI pa rin lahat ang nakikita mo. Pero ang katotohanan, ang buhay ay may dalawang sides. May magagandang pangyayari at may opposite din naman. Hindi sa lahat ng oras negatibo ang mangyari. Hindi rin sa lahat ng oras positibo ang mangyari. Napakabalanse ng buhay. May kaliwa, may kanan rin. May dilim, may liwanag rin. May itim, may puti rin. May Diyos, may demonyo rin. May positibo at negatibo sa lahat ng bagay. Pero ang tanong ko sa 'yo, BAKIT SA NEGATIBO KA LANG NAKAPOKUS? Alam mo naman na ikaw ang lumilikha ng iniisip mo, paano kaya kung tingnan mo rin ang kaliwanagan? Paano kaya kung tingnan mo rin ang kagandahan ng PAG-ASA? Pangako ko sa 'yo, magbabago ang buhay mo at mag-iimprove ang kalusugan mo.


NUMBER 3
ALAM KO NA LAHAT


Akala mo ba hindi 'yan negatibo? Negatibo 'yan. Inuunahan mo ang pangyayari na hindi mo pa nga alam. Iniisip mo lagi na may iba na ang jowa mo. Iniisip mo kasi na ALAM MO pero WALA ka pang alam. Malakas lang ang kutob mo. Kaya naa-attract mo ang isang bagay kasi parang 'yan ang pinangarap mong mangyari e. Law of Attraction lang naman, 'di ba? Lahat ng iniisip mo, pati kinakatakutan mo, maa-attract mo. Kahit alam mong imagination mo lang 'yon lahat, pinaniniwalaan mo pa rin. Hindi mo ba alam, sa kakapredict mo ng pangyayari, hindi mo na pala nakontrol ang nangyayari sa 'yo ngayon? 'Wag kang gumawa ng bagay na ikakasira ng balanse mo. Kasi sa totoo lang, hindi natin alam ang mangyayari sa ating hinaharap. Bakit pa natin alalahanin ang mga bagay na hindi pa naman dumating at minsan hindi naman mangyayari. Isang malaking JOKE, 'di ba? Kailangan mong magpokus sa nagaganap NGAYON.


NUMBER 4
MIND READING


Iniisip mo ba palagi na alam mo kung ano ang iniisip ng iba? Iniisip mo na HINDI KA NILA GUSTO, na BINA-BACKSTAB KA NILA. Paano mo naman nasabi 'yan? Naiisip mo 'yan dahil siguro ay ganyan rin ang ginagawa mo sa ibang tao, hindi ba? Dito pa lang, mapapansin natin na magkaaway kayo ng utak mo. 'Wag mong pilit basahin ang galaw ng iba dahil ang galaw nila ay hindi para sa 'yo. Iniisip mo na ikaw ang pinagtitinginan nila habang dumadaan ka, 'wag ka namang masyadong assuming. Pinaglalaruan ka lang ng isipan mo. Sa totoo lang, hindi mo alam kung ano ang laman ng isipan ng tao. May sariling buhay din sila katulad mo. Ang swerte mo naman kung ikaw lang ang laman ng kanilang utak, 'di ba? Hindi ka PSYCHIC. Ang tanging paraan para malaman mo kung ano ang iniisip nila ay harapin mo sila at magtanong ka sa kanila ng direkta.


NUMBER 5
PALAGI AKONG NAGKAKAMALI


Sigurado ka bang wala kang nagawang tama sa buhay mo? Kahit isa? Bakit ka nakapokus sa mga mali mo? Ano bang mayroon diyan? Hindi ba't may natutunan ka naman? So ibig sabihin na positibo ang resultan nun. Nakapokus ka na lang ba sa kamalian na nagdudulot ng kahihiyan? At 'yan ang ikinabagsak ng loob mo dahil hinayaan mo ang iyong pagkakamali na kontrolin ang buhay mo. Palagi mo na lang bang sinasabi sa sarili mo na TARANTADO KANG TAO? na HINDI KA MAGTATAGUMPAY SA ANUMANG BAGAY? na HINDI KA DESERVING SA MAAYOS NA BUHAY? 'Yan ba ang dahilan kung bakit sumusuko ka na lang kahit hindi mo pa nga naumpisahan? Halos lahat ng tao ay sinasayang ang kanilang buhay dahil lang sa pagkakamaling nagawa nila noon. Marami na akong nakikita na ganyang tao. Kung ano man ang ginawa mo noon, kahit gaano pa kadumi 'yon, tandaan mo, hindi mo na 'yan mababago. Pero mababago mo ang SARILI MO. Nakuha mo ba ang punto ko? Be the best version of yourself.

Ang gusto ko lang malaman mo ngayon, LAHAT TAYO ay HINDI PERPEKTO. Pero hindi na kailangan na isipin pa 'yan dahil alam na natin 'yan. Sa bawat oras na papasok sa isipan mo ang negatibong bagay, sabihin mo sa sarili mo, TUMIGIL KA NA. At agad mong palitan ng positibong bagay.




Comments

Popular posts from this blog

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

10 Dark Psychology Tricks na Epektibo sa Lahat ng Tao By Brain Power 2177

9 BAGAY na Dapat Mong Bitawan para Gumaan ang Buhay Mo By Brain Power 2177