5 Reasons Why You Need To Be With Positive People By Brain Power 2177
https://www.pexels.com/photo/four-person-standing-at-top-of-grassy-mountain-697244/
Kung gusto mong magbago, baguhin mo muna ang pag-iisip mo, mag-isip ka ng positibong bagay. Pero ang pangalawang importanteng gawin mo, sumama ka sa mga taong positibong mag-isip. Yes, the people you surround yourself with REALLY COUNT. Ito ang sabi sa Kawikaan 13:20,
Napagmasdan mo na ba ang isang sanggol habang nakatitig sa mga magulang niya? Bago pa siya matutong magsalita, ginagaya na niya ang lahat ng naririnig at nakikita niya. Habang lumalaki siya, kusa niyang natutularan ang mga magulang niya. Hindi nga nakapagtataka kung magaya rin ng mga adulto ang pag-iisip at pagkilos ng mga lagi nilang nakakasama. Sa nabasa natin kanina sa Kawikaan 13:20, kapag sinabing “LUMALAKAD NA KASAMA NG ISA”, ibig sabihin, naglalaan ka ng panahon kasama niya. Hindi lang ito basta pagsama sa taong iyon. Ayon sa isang scholar ng Bibliya, kapag ikaw ay lumalakad na kasama ng isang tao, ipinapakita mo rin na mahal mo ang taong iyon at malapĂt ka sa kaniya. Malaki ang impluwensiya sa atin ng mga lagi nating nakakasama, lalo na kung malapĂt tayo sa kanila. Ang mga kaibigan natin ay pwedeng MAKABUTI o MAKASAMĂ‚ sa atin. Kaya mag-ingat tayo sa mga taong kinakaibigan natin. Heto na ang 5 rason kung bakit napakaimportanteng sumama ka sa mga taong positibo:
NUMBER 1
MAGIGING POSITIBO KA RIN
Sabi nga sa quote,
Ibig sabihin, kung ayaw mong pumasok o madagdagan ang pagkanegatibo mo, 'wag ka ring sumama sa mga taong negatibong mag-isip, sa mga taong hindi naniniwala sa 'yo, sa mga taong dinadown ka. Kung importante sa 'yo ang magtagumpay, ’wag kang sumama sa mga taong walang pangarap sa buhay. Kung importante sa ’you ang kabutihan, 'wag kang sumama sa mga taong masama. The sad truth is, your friends are a GREAT REFLECTION of you, dahil ikaw ang pumipili sa kanila, 'di ba? So it’s really important to surround yourself with people who BELIEVE in you and who believe in your PERSONAL VISION. Kung gusto mong makamit ang isang bagay, doon ka sumama sa mga taong natutuwa na may pangarap ka. Hindi y'ong ibabagsak ka dahil naiinggit sila. Kasi kung may kaibigan kang mainggitin, miserable na kaagad ang buhay mo dahil sila ang una mong makakalaban. May nagawa na akong video about friendship at maraming nagkokomento na kumukontra dito. Pero totoo naman na apektado tayo kung ano ang nasa paligid natin, kung sino ang kasama natin. Ang mga nakikita natin at naririnig natin, papasok 'yan lahat sa ating isipan. Pero hindi ibig sabihin na dapat sumang-ayon lahat ng kaibigan mo kung ano ang mga plano mo sa buhay. Hindi naman 'yan ang punto e. Dapat may mga kaibigan din tayo na magbabato ng CONSTRUCTIVE CRITICISM dahil importante ito sa ating development. Dapat lang na punahin ng mga kaibigan natin ang mali nating nagawa para magising naman tayo. Pero y'ong mga taong hanggang criticize lang, hindi sila mga positibong tao. Sila ang sisira sa confidence mo.
NUMBER 2
MOTIVATED KA RIN SA BUHAY
Kung ang mga kaibigan mo ay motivated, motivated ka rin. Maiinspira ka rin sa mga ginagawa nila. Kung ang mga kaibigan mo ngayon ay walang pakialam sa buhay nila at kung wala rin silang pakialam sa buhay mo, I'm sorry to say you have probably got the wrong people around you. Paano kung ang mga kaibigan mo ngayon ay walang ambisyon? o kung may ambisyon man pero wala namang ginagawa sa buhay? Paano kung imbes na imo-motivate ka nila ay dinadown ka pa nila? Sasama ka pa ba sa kanila? Nakakadurog ng puso kung malaman mong ang mga kaibigan mo ay walang pakialam sa buhay mo. Kung hindi ka nila ini-encourage, panahon na para lumayo ka sa kanila. Kailangan mo talagang lumayo. Pero hindi naman ibig sabihin na lumayo ka lang ng walang natutunan. Magkakaiba tayo ng PERSONALIDAD, OPINYON, at DISKARTE. Dahil sa pagkakaibang ito, nagiging balanse at masaya ang buhay. At marami tayong pwedeng matutuhan sa bawat isa. Hindi natin nilalayuan ang mga taong 'yon dahil nagagalit tayo sa kanila. Nilalalayuan natin sila dahil ayaw nating mahawa sa kanila. Hindi naman tayo perpekto e. Ang punto ko lang, para hindi tayo mahawa sa kanilang pagka DEMOTIVATED. Lahat naman tayo ay nagkakamali. Ang motivated na tao ay hindi naman sila palaging masaya sa buhay pero positibo lang ang kanilang pananaw kahit napakagulo na ng sitwasyon nila. Nakakahawa ang ganitong mentalidad. Magiging MOTIVATED ka rin.
NUMBER 3
KAILANGAN NATIN NG TAONG
MAGPAPALAKAS NG LOOB NATIN
Aminin mo man o hindi, minsan nangangailangan ka rin ng taong makakausap o makakapagpatibay ng iyong loob. Kaya nga ito ay sinusulat sa Bibliya, sa Gawa 13:15,
Sa totoo lang, napakasaklap ng buhay kung walang PAMPATIBAY-LOOB. Pero ang tanong, ganito ba ang ugali ng mga kaibigan mo? Ini-encourage ka ba nila sa tuwing down na down ka na sa buhay o pinagtsismisan ka lang? Hindi nga nakapagtataka na idiniriin ng Bibliya ang kahalagahan ng laging pagbibigay ng pampatibay-loob. Basahin natin ang Hebreo 3:12, 13,
Alam mong mahalaga ang payo na patibaying-loob ang isa't-isa at dapat alam rin ito ng mga kaibigan mo. Lahat naman tayo ay nangangailangan ng SUPORTA o WORD OF ENCOURAGEMENT. Pero napakahirap lang humanap ng mga taong ganito kapositibo sa buhay. Dahil namumuhay na tayo ngayon sa mga panahong mapanganib. Ang mga tao ay MAKASARILI, WALA GAANONG LIKAS NA PAGMAMAHAL, at SALAT sa pagbibigay ng pampatibay-loob. Masakit malaman ang katotohanan na may mga magulang pa na hindi nagbibigay ng komendasyon sa kanilang mga anak dahil sila mismo ay hindi nakatatanggap nito sa kanilang sariling magulang. May mga boss ring ganito. Pero hindi ibig sabihin na tayo lang ang maghintay ng encouragement. Dapat matuto rin tayong mag encourage sa iba. Mapapatibay rin natin ang iba kung sasabihin natin sa kanila ang kanilang MABUBUTING KATANGIAN o MAGSASALITA tayo nang "MAY PANG-ALIW SA MGA KALULUWANG NANLULUMO". Alam mo naman, 'di ba na napakahirap ng buhay ngayon. Halos araw-araw may problema. May pangarap tayo pero may mga kailangan pa tayong banggain. Ang daming rejections. May mga kakompetensya. May mga kumukontra. Minsan sarili natin ang ating kalaban. Mawawalan tayo ng motibasyon. Mawawala ang ating kompiyansa sa sarili. It’s so important to have a strong base to go back to, to recharge your batteries and regain your confidence. Kaya isipin mo nga ng mabuti, kung ang mga kaibigan mo ngayon ay hindi sumusuporta sa 'yo, hindi pinapalakas ang loob mo, ano pang punto na manatili sila sa buhay mo, 'di ba?
NUMBER 4
MAY MATUTUNAN TAYO SA KANILA
Kung may matutunan tayo sa taong negatibo, mas matutunan natin kung ano ang ginagawa ng mga taong positibo. Dahil mahilig silang mag share ng kanilang mga ginagawa o mga tips. Kailangan talaga natin ang mga taong magbahagi ng kanilang karanasan o o magbahagi ng natutunan sa kanilang buhay. Para malaman din natin kung ano ang dapat gawin at hindi dapat gawin. Kaya nga ako'y natutuwa dahil may maraming natutunan ang mga tao sa shini-share ko sa YouTube at sa Facebook. Na-appreciate ko talaga ang mga pasasalamat ninyo. Uulitin ko, kailangan natin ng words of wisdom. Kahit ako'y nagpapayo sa inyo, tatanggap rin ako ng mga payo galing sa ibang tao, bata man 'yan o matanda. Kasi may mga bagay na alam natin na hindi nila alam. May mga bagay din na alam nila na hindi naman natin alam. Give and take kung baga. It’s so important to gain from other people’s WISDOM and EXPERIENCE. Especially when you are trying to make something of yourself. Kita mo naman sa showbiz, 'di ba? Kahit talentado na ang isang tao sa pag-aacting, pinapasok pa rin nila sa acting workshop dahil may isang taong gagabay o huhubog pa sa kanilang skills. At ang taong 'yon na nagtuturo ay may karanasan na sa gan'ong field. Kung positibo ang mga kaibigan mo, tuturuan ka nila kung paano magkapera hindi kung paano magdudruga. The best kinds of people are those who are interested in sharing their INSIGHT and sharing the keys to their success with others. Kung negatibo ang mga kaibigan mo, hindi ka nila tuturuan kung paano mag improve ang buhay mo dahil ayaw nilang makaangat ka. Gusto nila sila lang. Sino-solo nila ang kanilang karunungan. Kaya napakalaki ng impact ng mga taong nakapaligid sa atin. Kung makatagpo ka man ng mga taong magbahagi ng impormasyon kung paano mag improve ang buhay mo gaya ng pag improve din nila, sa kanila ka dumikit. Kaya nga may subscribe button e dahil gusto mong may matutunan sa taong sina-subscribe mo, 'di ba? Offer them all the love and support you owe them for being the wonderful creature they are.
NUMBER 5
MAGBABAGO ANG BUHAY MO
Sa kakasama mo sa mga taong iba't-iba ang interes sa buhay, magbabago rin ang buhay mo. Maraming mga tao ngayon na gusto nila na sila ang PINAKAANGAT SA LAHAT. Real talk lang, kung gusto mo na ikaw lang ang PINAKA, wala kang matutunang ibang bagay. Hindi dapat gan'on ang mindset mo. Dapat sumama ka rin sa mga taong mas magaling pa sa 'yo sa ibang bagay para may matutunan kang ibang mga bagay. That is how you get BETTER. Just like great competition brings out the best in great athletes, great people bring out the best in you. You don’t always need to be with people who work in the same field as you. In fact, it can be more helpful to spend time with people working in many different fields. Sumama ka sa mga taong may WINNER MINDSET. Sumama ka sa mga taong nasa sa kanila ang gusto mo para matuto ka rin kung paano kamtin ang bagay na 'yon. Sumama ka sa mga taong tinuturuan ka kung paano i-improve ang skills mo. Sumama ka sa mga taong tinutulungan kang umangat sa buhay. Ang mga taong matagumpay, hindi 'yan sasama sa mga taong walang ambisyon sa buhay. Another reason why having people with diverse skills around you can help is that sometimes you will need a hand with things that are not in your own skill-set. Magiging creative ka, makakatulong pa ang mga taong 'yon sa mga bagay na hindi mo alam. Not only that, but it can have a great moderating influence on you and the way you think. Kasi kung palagi ka lang sumama sa mga taong katulad mong mag-isip, hindi naman masama but you can end up getting almost religiously indoctrinated into ONE KIND OF THINKING. At sobrang mapanganib 'yan. Ibig sabihin na parang nababalot ka na lang din sa comfort zone mo. Imbes na matuto ka ng ibag bagay, doon ka na lang sa nakasanayan mong iniisip. You lose sight of the bigger picture and you have no one to challenge your beliefs. It can make you narrow-minded. Speaking of comfort zone, wala namang masama dito. Pero kung hangad mong umunlad, hindi pwedeng sa comfort zone ka na lang manatili. Get around those people who want to make a difference in this world. Keep people around you who are doing their own thing and who can test your assumptions now and then.
Kung sumama ka lang sa mga taong negatibo, masisira talaga ang buhay mo. Bakit? Sila kasi y'ong mga tao na palaging naghahanap ng dahilan kung bakit hindi MAKAKAYANG GAWIN ang isang bagay. At siguradong ang mga dahilan nila ay mapapaniwalaan mo na rin. Nakakahawa ang kanilang mga salita. Sila ang mga DREAM KILLER. Nakikita mo ba ang mga taong mayayaman na may mga kasamang walang plano sa buhay? Ang negosyante, kaibigan nila ay mga negosyante din. Kung gusto mo talagang magtagumpay, doon ka sumama sa mga taong nagsisikap, sa mga taong motivated, sa mga taong inspired, sa mga taong willing matuto, sa mga taong walang kinakatakutan. Find someone that is doing what YOU want to do. Sumunod ka sa mga payo nila. Kung may mga libro man silang isinulat, bumili ka para matuto ka kung ano ang pinagsasabi nila doon. Buksan mo ang iyong tainga kung words of wisdom ang kanilang ibinubuga.
Because the more you learn from these people, the more you will become like these people. Kailangan mo talagang putulin ang ugnayan mo sa mga taong negatibo dahil ayaw mo na man ng negativity sa buhay, 'di ba? Pero alam kong mahirap magpakapositibo, lalo na sa panahong ito. Pero 'wag kang panghinaan ng loob. Kung nakaya ko, siguradong kaya mo rin. Tandaan mo, ang negatibo ay virus din. Kaya kailangan mo itong tanggalin sa buhay mo. Kasi kung hindi, ikaw lang din ang magdurusa. Gusto mo ba 'yon?






Comments
Post a Comment