10 Reasons Why Toxic People Put You Down By Brain Power 2177
Photo by Keira Burton from Pexels:
https://www.pexels.com/photo/crop-multiethnic-couple-arguing-on-street-6147242/
May mga tao na walang magawa sa buhay kundi ang mangialam na lang sa buhay ng iba. 'Yan lang ang libangan nila. May mahilig mangmaliit ng kapwa, mahilig mangmata, may gagawing hindi maganda para pagtatawanan ka, at ang mas masakit, gagawa sila ng paraan para pabagsakin ka. Siyempre masasaktan ka talaga. Maaapektuhan ka ng sobra lalo na kung hindi mo naman sila inaano. Minsan papasok sa isipan mo,
BAKIT KAYA MAY MGA TAONG GANITO?
BAKIT GINAGAWA NILA ITO SA 'KIN?
Kung nangyayari sa 'yo ito, ano kaya ang gagawin mo? Paano ka kaya mag respond sa kanila? Malalaman natin 'yan sa videong ito.
NUMBER 1
MASAYA SILA
SA KANILANG GINAGAWA
Bakit kaya natutuwa sila na may mga taong nagdurusa nang dahil sa kanila? Hindi natin maintindihan, 'di ba? But take solace in the thought that what they feel is very short lived, and that they are coming from a place of EXTREME INSECURITY. Kaya sila nagkakaganyan dahil INSECURITY ang bumabalot sa kanilang puso at isipan. May nakikita ka bang CONFIDENT na tao na mahilig manghatak pababa sa kapwa nila? Walang confident na tao na toxic mag-isip. Ang confident na tao ay walang ibang iniisip kundi paano paunlarin ang sarili niya. Ang mga taong insecure, sa ibang tao nakapokus. Mga taong LOW SELF-ESTEEM o mababa ang pagpapahalaga sa sarili o kulang ng pagmamahal sa sarili at iniisip nila na ang pagtarget sa ibang tao ang makakapag BOOST ng self-esteem nila. Ang nakakatawa pa, sila pa ang marunong mag pinpoint kung ano ang insecurities ng iba. Katulad ng ibang tao, magpopost sa social media na may nangchismis daw sa kanila pero gawain din naman nila 'yon, bumabalik lang. Nagagamot kasi ang kanilang EGO sa pamamagitan ng pananakit ng damdamin ng iba. Pero ang pinaka IMPORTANTE ay kung paano tayo mag respond sa ginagawa nila sa atin. 'Wag na tayong maghanap ng kasagutan kung bakit ginagawa nila ito. Dahil alam na natin na kulang sila sa pansin.
NUMBER 2
NAIINGGIT SILA
Sabi ko nga kanina, kulang sila ng pagmamahal sa kanilang sarili. Kung wala kang tiwala sa kakayahan mo, kung wala kang tiwala sa sarili mo, madali ka ring mainggit kung nakikita mong maunlad ang buhay ng kaibigan mo. Sa kakapokus nila sa buhay mo, mabubuo na ang inggit sa puso nila. Palagi na silang nakabantay sa bawat galaw mo. Kaya ang kanilang pakay ay pabagsakin ka. Ang tagumpay mo ay kabiguan sa kanila. Ang kabiguan mo ay tagumpay sa kanila. Ayaw nilang makita na maangataan mo sila. Gusto nila na sila ang angat o gusto nilang pantay lang kayo pero mas gusto nila na nasa baba ka lang nila. Kung nalaman kong may mga taong naiinggit sa akin, mas ikakatuwa ko pa 'yon. I won't feel bad. Because I know that I'm doing EXCEPTIONALLY WELL and I'm doing the things that they're not doing. Kaya dapat matuwa ka kung may naiinggit sa 'yo dahil ibig sabihin na nasa itaas ka na. Kung may mga tao mang tumawa sa pagkabigo mo, manahimik ka lang, hayaan mo sila na mag-usap-usap ng negatibo. Your success annoys them. Success gets GREATER because it is not only your work that is proving great but also YOURSELF. Pero hindi naman lahat ng naiinggit sa 'yo ay mananatiling ganyan. Darating din naman ang panahon na mapapagod sila sa kakabuga ng negatibo. Hanggang sa matuto na silang tanggapin kung ano ang narating mo ngayon at bibigyan ka na nila ng space. Ang mga taong hindi pa rin makatanggap na umangat ka sa buhay, mananatili silang mangtsi-tsismis sa likod mo at marunong din silang tumawa kapag kaharap ka. Mga plastik, 'di ba? So all in all, you will learn to CARE LESS about who feels jealous of you and continue to do what you are best in. So jealousy at the end will bring you more SUCCESS and MORE JEALOUSY.
NUMBER 3
GUSTO NILA IMPORTANTE SILA
Gusto nila na sentro sila ng atensyon. Dapat sila ang VIP. Gusto nilang bumagsak ka para sila naman ang makita ng maraming tao. Sa totoo lang naman, nobody likes to feel small or insignificant. But some people use put downs to give themselves greater importance. Madalas ko itong nakikita sa movies pero may nangyayari din sa totoong buhay, about mana, kaharian, trono, gusto nilang atakehin kahit kadugo man nila 'yon para lang makatungtong sa pinapangarap nilang buhay o posisyon. Wala silang pakialam sa buhay ng iba basta't mapansin lang sila, ayos na sa kanila 'yon. Sabi ko nga, hindi lang ito nangyayari sa TV, sa realidad rin. Lalo na sa workplace, ang daming sipsip. What these people don’t realize is that, whilst this approach might work to a small extent in some cut-throat business arenas, it often has the opposite effect in general life. Sila lang din ang maaapektuhan. Nakuha nga nila ang kanilang pangarap pero ang respeto ng mga tao ay hindi nila nakukuha. Masaklap pa rin ang buhay nila, 'di ba?
NUMBER 4
GUSTO NILANG MAGUSTUHAN SILA
Ang pag target sa iba ang paraan nila para magustuhan sila ng mga tao. Halimbawa sa paaralan, binubully ka nila para masabing cool kid sila. Umaasta silang hari para isipin ng mga tao na masarap silang kasama. Mahilig silang mang under. Pero hindi nila napagtanto, sa kakagawa nila ng ganyan, lalayuan rin sila ng mga tao. Pero masarap naman sa pakiramdam na may magkakagusto sa atin, 'di ba? We all want to be liked. The desire for APPROVAL, APPRECIATION, and ACCEPTANCE by others is a normal part of being human. Pero hindi lang pwede sa MALING PARAAN. Marami namang mabuting paraan para magustuhan ka, 'wag lang sa negatibong paraan.
NUMBER 5
GUSTO NILA NG ATENSYON
May mga tao kasi na KULANG SA PANSIN. Uhaw na uhaw sila ng atensyon. Para silang mababaliw kapag hindi sila nakakuha ng atensyon. Kaya nga may mga taong gumawa ng shocking na mga bagay para lang mapansin. Gusto nila ng atensyon kasi feeling nila, mag-isa lang sila sa buhay. May tao namang nakapaligid sa kanila pero feeling nila mag-isa sila at kalungkutan ang kanilang nararamdaman. Attention seekers don't get attention in their own personal lives because actually they don't have anyone to get close to. That's the reason why they crave attention and that's the reason they do shitty things to get others' attention. Bibigyan kita ng halimbawa kung paano nila ginagawa 'yon, mapag-obserba kasi akong tao e.
Una, umaasta silang astig, para may maa-attract sa kanila. Pero madali mo namang malaman ang tunay na astig at nag-aastig-astigan lang.
Pangalawa, sinasabi nila kung gaano kadami ang tropa nila para lang masabi mo na masarap silang kasama pero wala naman sa QUANTITY 'yon. Nasa QUALITY pa rin ang importante.
Pangatlo, nagmamagaling para lang marami ang lalapit sa kanila.
Siguro may maidadagdag ka pa, feel free to comment para malaman ko rin kung ano ang thoughts mo tungkol dito. Anyways, I just wanna say that be BRAVE and LEARN to be alone because no one is gonna stay with you forever and that's the shit you need to accept as early as possible.
NUMBER 6
GUSTO NILANG SILA
ANG MAY KONTROL NG LAHAT
Mahilig silang mang down ng tao kasi doon nila nakikita na kaya nilang kontrolin ang mga tao. Sabi ko nga kanina, doon sila masaya. Ang dami ng mga controllers sa mundo. Hindi mo alam pati asawa mo, kinokontrol ka na pala. O di kaya'y mga magulang mo o mga taong nasa palagid mo. Kung may napapansin kang hindi maganda, lumayo ka na. Wala kasi silang respeto sa 'yo o wala silang respeto sa boundaries mo. Isa lang ang napapansin ko sa mga taong controller, hindi nila kayang kontrolin ang sarili nila kaya sila nangungontrol ng iba. This happens on an emotional level. Nangungontrol sila dahil takot silang iwan. Hindi sila panatag sa kanilang relasyon at sinusubukan lang nilang mangontrol kung lalayo ba ang taong kinokontrol. Siyempre lalayo 'yan. Ikaw ba naman ang masasakal, 'di ba? Ang negatibong ugali nila ang dahilan kung bakit nangyayari ang kinakatakutan nila. Siguro mapaisip ka ngayon, "sa dami ng pwedeng kontrolin, bakit ako pa?" Ang simpleng rason, dahil MABUTI kang tao. Para sa kanila perpekto ka at gusto nilang sirain 'yon. But bear this in your mind, you have the right to step up to the plate and stand for whatever you feel is important or necessary.
NUMBER 7
NEGATIBO ANG LAMAN
NG KANILANG ISIPAN
Kung negatibo ang laman ng isip ng tao, negatibo din ang kanyang maibubuga. Babatuhin ka nila ng negatibong mga salita dahil 'yon ang nasa isipan nila. Pero hindi lang ito dahil sa iniisip nila. Dahil rin ito sa iniisip mo. Kung negatibo ang iniisip mo, maa-attract mo rin 'yon. Madali lang kasing manghusga ng kapwa e. Pero hindi natin alam na ang ginagawa na pala natin ay negatibo na rin pala. Kung binabato ka nila ng masasakit na salita, tanggapin mo na lang hangga't kaya mo. Kung below the belt na ang tira nila sa 'yo, doon ka na lumaban. Pero tandaan mo, mahirap kalabanin ang mga taong negatibo kaya ang madalas kong ipinapayo sa mga kaibigan ko, lumayo na lang. Basta't negatibo ang iniisip ng tao, negatibo din ang kanilang pananaw sa buhay, negatibo din ang gagawin nila sa mga makakasalamuha nila. They are PESSIMISTIC, CYNICAL, and utterly DISPARAGING of anyone else’s positivity. Parang natural na sa kanila ang mang-api ng mga tao. Subukan mong magpayo sa kanila, iba ang pagkakaintindi nila sa mga sinasabi mo. Katulad doon sa video ko na 6 SIGNS NA KINAKAUSAP KA NG DIYOS, ang daming nagkokomento na hindi daw kinakausap ng Diyos ang mga tao ngayon. Hindi nila inuunawa muna ang buong video bago mag comment. Hindi ko sinasabing literal na nagsasalita ang Diyos sa atin. Balikan niyo na lang ulit at magbasa kayo ng mga komento d'on. At siyempre, unawain niyo ng mabuti ang nilalaman ng video.
NUMBER 8
WALA SILANG TUNAY NA KAIBIGAN
Sabi ko nga kanina, umaasta ang mga negatibong tao na marami silang kaibigan pero sa totoo, wala naman kahit isa. Kaya nga hindi nila alam kung ano ang tamang pag-uugali. Gumawa sila ng mga bagay na hindi naman ginagawa ng iba. Kung wala silang tunay na kaibigan, wala rin silang pakiramdam. Wala silang pakialam sa pakiramdam ng iba. Wala silang pakialam kung nahihirapan na ba ang tao sa ginawa nila. Nang-iinsulto sila, nang-down sila ng mga tao dahil wala sa kanilang bokabularyo ang gumawa ng tama. Hindi nila alam na mabuti ba y'ong ginagawa nila o hindi. Kaya nga hindi nila naintindihan kung bakit nasasaktan ang inaapi nila.
NUMBER 9
GUSTO NILA
SILA LANG ANG PAKINGGAN
Mas lalo silang magagalit sa 'yo kung pinipilit mo silang makinig sa 'yo. Ayaw nilang makinig sa iba pero gusto nila na sila lang ang pakinggan. Hindi patas, 'di ba? Halimbawa, may napag-usapan kayong topic, ayaw nila ng opinyon mo. Magagalit sila kung magbibigay ka ng suggestions, opinyon, ideya. Diyan nabubuo ang mga disagreements. Halimbawa kung may voting sa mga opinyon at mga ideya, tapos nanalo ang ideya mo, magagalit na sila sa 'yo. Pakiramdam nila, tinatapakan mo ang kanilang pagkatao. Gan'on sila kababaw mag-isip. Hindi sila marunong makinig at hindi rin nila gustong malamangan. Tapos pagsasabihan ka pa nila,
"ANG TANGA MO NAMAN NA NAISIP MO 'YAN"
"HINDI MO NAMAN ALAM ANG MGA PINAGSASABI MO E"
"HINDI KO NAINTINDIHAN KUNG BAKIT NAISIP MO PA 'YON"
Naunawaan mo ang punto ng kanilang sinasabi, 'di ba? Minamaliit nila ang views at opinions mo.
NUMBER 10
HINDI SILA MARUNONG MAGLABAS
NG KANILANG SALOOBIN
Nang down sila ng iba dahil hindi nila mailabas ang kanilang tunay na nararamdaman. Idinaan na lang nila sa pangit na paraan. They either feel unable to express themselves, or they simply cannot find the right words to say what they want to say. Kaya nang-iinsulto na lang sila kasi wala silang ibang masabi e. Kaya nga may mga taong MEMA lang. Me Masabi, okay na.
Ngayon alam mo na, na tinatarget ka nila dahil ikaw ang gusto nila. Gusto ka nila pero sa negatibo lang na paraan. Naiinggit sila sa kagalingan mo at nababahala sila sa pag-angat mo. Gawin mo lang 'yang motibasyon para magpatuloy pa sa buhay. Keep following your chosen path, keep doing your important work and make sure they are not creating hurdles in your way. Again, the best strategy is to DISTRACT them. Masama man kung iisipin pero kailangan mo 'yang gawin para makatakas ka sa mga kamay nila.

Comments
Post a Comment