10 Clear Signs Someone Is Jealous Of You By Brain Power 2177


Photo by Brett Sayles:
https://www.pexels.com/photo/black-man-in-workwear-looking-angrily-at-informal-modish-man-4250326/


INGGIT, tayong lahat naman ay may ganitong emosyon. Kahit sino naman ay pwedeng tubuan ng inggit, gaano man siya kayaman, ano man ang mabubuting katangian niya, at gaano man siya katagumpay sa buhay, may mga panahon pa rin na maiinggit siya. Aminin mo man o hindi, nakakaranas ka na ring mainggit. 'Wag kang mahiya. Natural na emosyon lang 'yan. Pero kung inggit na lang ang nagpapatakbo sa buhay mo, hindi na 'yan normal. Pero may mabuting inggit din naman. Ito yung inggit na nakakapag encourage sa atin na mag reflect sa ating buhay upang makita natin kung ano ang kulang sa atin at magtutulak ito sa atin na gumawa tayo ng mga bagong bagay. Magiging inspirasyon natin ang iba. Pero kung masamang inggit ang nasa puso mo ngayon, oras na para tanggalin mo na 'yan. If someone you are close to or often interact with is consistently jealous of you, it can take its toll, whether they are jealous of your professional life or personal life, or both. Kapag kasi may inggit ang tao sa 'yo, gagawa talaga sila ng paraan para masira ka, para bumagsak ka, para ma-depress ka. Pero hindi naman natin basta-bastang malalaman kung may inggit ba ang isang tao to the point na magiging problema na rin natin ito. Napakahirap talagang makisama sa mga taong mainggitin. Hindi sila madaling iwasan kasi umaasta silang supportive sa 'yo. Palihim lang silang naiinggit. Magaling silang sumilip sa mga pinagagawa mo. Kaya nananatili ka na lang din na kasama nila, siguro alam mong mainggitin ang mga taong nasa paligid mo pero napapagod ka ng umiwas sa kanila. But the good news is that there are some things you can do to help turn things around and neutralize that jealous streak. If you are finding someone’s behavior hard to deal with and think it might be down to jealousy, then looking out for these 10 clear signs should help you figure it out.


NUMBER 1
PEKE ANG PAPURI NILA


Pumupuri sila sa 'yo pero halata na hindi totoo ang sinasabi nila. Makikita mo naman sa mga mata nila. Minsan nararamdaman mo ang kapekean ng mga taong ito. Pinupuri ka nila para sumaya ka at para makadikit sila sa 'yo dahil may gusto silang makuha sa 'yo. Madali lang naman malaman kung peke ang papuri. Kapag ito'y SOBRA-SOBRA na at hindi ka na komportable sa sinasabi nila, 'yon na ang malinaw na senyales. Kapag insecure ang isang tao, halos lahat ng ginagawa mo, pinupuri nila. Kahit ang mga maliliit na bagay, na hindi naman dapat pinupuri, pinupuri pa rin nila. Bakit? Umaasa kasi silang purihin mo rin sila pabalik. Kasi nga, insecure sila. Kino-congratulate ka nila para hindi mo mapansin na naiinggit sila sa 'yo. Akala kasi natin kapag ang taong walang pakialam, ang taong hindi nagla-LIKE ng mga posts natin, ay sila ang mainggitin. Pero hindi pala. Pwedeng ang mga nag congratulate sa 'yo at nagla-like sa mga posts mo ay may inggit na tinatago. Palihim nilang tinitignan ang mga achievements mo para madali nilang malaman kung paano mo ginawa 'yon. Napakagaling nilang magtago. Pero sa kaloob-looban nila, nag-aapoy na pala sa inggit.

Ano ang dapat mong gawin? Bigyan mo sila ng TUNAY NA PAPURI. Kung ang isang tao ay insincere sa 'yo at pinipeke ang mga papuri nila, ang pinakamahusay na paraan upang harapin ito ay 'wag kang gumanti ng gan'on. Give them genuine compliments whenever you feel that they deserve them. May kulang sa kanilang puso at punan mo 'yon. Pakainin mo sila ng positibong salita. Maging mabuting halimbawa ka sa kanila.


NUMBER 2
NATUTUWA SILA SA KABIGUAN MO


Ang taong naiinggit sa 'yo ay palaging nag-aabang kung kailan ka magdusa, kung kailan ka mabigo, matalo, madapa. Lahat ng negatibong mangyayari sa buhay mo, ikatutuwa nila. Napakakomon ng issue na ito. Halos lahat kasi ng tao ay nagkokomparahan na. Kapag nakikita ka nila na nabibigo sa buhay, pakiramdam nila na angat na sila sa 'yo. Kaya sila ay natutuwa. Logically, it makes no sense. Bakit? Halimbawa wala kang pera, ang taong naiinggit sa 'yo ay magkakapera ba? Kung may nagawa kang mali ngayon, ang taong naiinggit sa 'yo ay hindi na ba magkakamali? It makes no sense, right? Bakit may naiinggit pa e pare-pareho lang naman tayong may problema e. Life has suffering. We can try to avoid it or pretend it doesn't exist. But when we recognize suffering, and try to alleviate it, that is when we learn how to be compassionate. Uulitin ko, hindi perpekto ang ating buhay. Lahat tayo ay may problemang kinakaharap. At kung tayo'y magdurusa, ang mga taong mainggitin ang unang matutuwa sa mga negatibong pangyayari sa buhay natin. Makikita naman natin sa kanilang mukha ang saya. Napakaplastik nila.

Ano ang dapat mong gawin? Wala kang masamang gawin, okay? I-encourage mo sila na gumawa ng tama sa buhay. Magbibigay ito sa kanila ng confidence at makakatanggal ito ng anumang pagdududa nila tungkol sa kanilang kakayahan.


NUMBER 3
GAGAWA SILA NG PARAAN
PARA HINDI KA SASAYA


Kung may mga plano ka, sila ang unang magsasabi na mahirap gawin 'yan. Palagi silang hahanap ng dahilan para umayaw ka o bumitaw ka na. Tanggapin mo na lang na may mga taong hindi matutuwa sa mga plano mo at may mga taong ayaw kang magtagumpay. Kahit napakabuti mo pang tao, hindi lahat matutuwa sa 'yo. Kahit ano pa ang gawin mo. Kahit nga si Jesus ay may haters din. Parte na 'yan ng ating buhay. Kung ayaw nilang sumaya ka, LUMAYO ka sa kanila. Magpokus ka sa sarili mong misyon. Never let anyone get in your way. Gusto mo bang mai-stress ka nang dahil sa kanila? Keep your guard up and remove those toxic people. 'Wag mong hayaan na sisirain nila ang pangarap mo. No one has the right to diminish your value. The greatest lesson I've learned: LEARN TO MAKE ENEMIES because not everyone will be your friend no matter how nice you are. Deserve mong sumaya, deserve mong magplano, at hindi mo na kailangang i-justify pa ito sa iba.


NUMBER 4
GUSTO NILANG MAGPA IMPRESS


Gusto talaga nilang mapansin kung ano ang nakamit nila. Sabi ko nga kanina, ang mga taong mainggitin, insecure din 'yan. Ang magpa impress, ang isa sa mga pangit na ugali ng tao. May mga taong nagyayabang ng kanilang mga materyal na bagay. Makikita mo naman 'yan sa mukha ng tao. Yun bang kahit hindi mo tinatanong, ini-insert niya pa rin sa usapan ang presyo ng kanyang nabiling mga gamit. Yun bang ang punto lang nila ay para mapabilib nila tayo at ang ibang tao. Nakakabilib naman ang nakamit nila sa buhay pero ang pagmamayabang ay hindi nakakabilib. Remember this, when someone is trying to flaunt their money or power, they are exerting their riches or authority, telling that they have something that you don't have, that they want to IMPRESS you, that they are so proud of something that lesser people can afford, that there is something special about them just because they OWN something. Nakuha mo ba ang punto?

Pero hindi ako madaling ma-impress kapag materyal na bagay ang pag-uusapan. More on QUALITY kasi ako hindi ako nakabase sa QUANTITY

Ano ang dapat mong gawin kung napasok ka sa ganitong sitwasyon? Simple lang. 'Wag mong patulan. Kung may maipagmamayabang ka rin, 'wag mo ng sabihin. Hayaan mo na lang na sila ang gagawa nun. Dapat humble ka lang. Kung gusto mo talagang ipagsigawan ang mga nakamit mo, doon ka na lang magkwento sa mga taong hindi naiinggit sa 'yo dahil siguradong papalakpak ang mga 'yan sa mga nakamit mo.


NUMBER 5
ILILIGAW KA NILA


Ayaw kasi nilang tama ang tinatahak mong landas. Kung sa kompanya naman, hindi ka nila tuturuan ng tama kung paano gagawin ang trabaho dahil ayaw nilang tumama ka. Minsan din pinapayuhan ka pa nila ng mali. Dinidiscourage ka pa nila para hindi ka magpatuloy o gumawa ng panibagong bagay. Kung may mga sina-suggest kang ideya, sila ang unang kokontra. Hahanapan nila 'yon ng mali para hindi ma-aprobahan. Ginagawa nila ang lahat ng negatibo dahil wala silang tiwala sa kanilang sarili. May doubt sila sa kanilang skills at abilidad. Dahil may takot rin sila. Takot silang ma-reject kaya inuunahan ka nila.

Ano ang dapat mong gawin? Sabihin mo sa kanila na ang buhay ay hindi kompetisyon. Ipaunawa mo sa kanila na hindi mo sila iniisip na kakompetensiya. Kung pino-provoke ka nila para lang makipagkompetensya ka, kumalma ka lang. Hayaan mong laruin nila ang kanilang sariling laro habang ikaw ay pa-chill² lang.


NUMBER 6
GAGAYAHIN KA NILA


Ayon nga sa kasabihan, IMITATION IS THE HIGHEST FORM OF FLATTERY kaya 'wag kang magalit. Normal lang 'yan sa mga taong mainggitin. Gusto kasi nilang makuha ang mga bagay na nasa sa 'yo. Hindi kasi nila kayang kamtin ang kanilang pangarap gamit ang mismong ideya nila kaya kinukuha nila kung anong sa 'yo. Kinokopya ng mga mainggiting tao ang kinikilos mo dahil palagi nilang kinokompara ang buhay mo at buhay nila. Nang dahil sa pagkokompara, nabubuo ang panggagaya. Nakuha mo ba ang punto? Pansinin mo ang dalawang taong nag-uusap. Madalas ang pinag-uusapan nila ay buhay nila at ang buhay ng ibang tao. Napansin mo ba 'yon? COMPARISON LEADS TO COPYING. Gaya ng mga magulang natin. Palagi tayong pinapayuhan na dapat mag-aral tayo ng mabuti at makapagtapos para maging katulad tayo ni ano na sobrang sarap na ng buhay. Gan'on minsan ang mga magulang natin, 'di ba? What is the GAIN? NOTHING but losing the precious life. Ang isa ay nanggagaya. Doon nawawala ang kanyang original and unique nature. God has created each one of us with a MEANING and PURPOSE.


NUMBER 7
PAG-UUSAPAN KA NILA


Tsismis. Isa sa mga toxic na ugali ng mga taong walang pinagkakaabalahan sa buhay. Ang inaakala mong taong mabait, may lihim palang inggit sa 'yo at laman ka pa nila sa kanilang kwentuhan. Some people will make you look bad subtly, but some are happy to blatantly spread gossip about you or make snide comments behind your back. Pero kumalma ka lang dahil hindi ito tungkol sa 'yo. Repleksyon ito sa mga taong tsismosa. Mga weak minded, mga kulang sa pansin. They need other people's approval to validate their self-worth. The more na may nakakamit ka sa buhay, the more na mapag-uusapan ka talaga. Pinag-uusapan ka nila dahil wala silang magpag-uusapan tungkol sa buhay nila. Hindi kasi sila matagumpay e. Wala kasing nakakatuwang nangyari sa buhay nila. Kumalma ka lang diyan. 'Wag kang magpapa-apekto. If you are busy with motivated life, you really don't have the kind of time required to engage in this type of activity. People reveal a lot more about themselves than about the person they are talking about. Manatiling ipokus ang iyong mga mata sa tamang landas. 'Yan ang pinaka importanteng gawin mo sa buhay. Manatiling nakapokus. Kung wala kang pakialam sa mga tsismis nila, maniwala ka, mapapagod din ang mga bibig niyan.


NUMBER 8
IPAPAHIYA KA NILA


Hobby na kasi nila ito. Lalo na ang mga taong nasa itaas na pero mainggitin pa rin. May mga matataas na posisyon sa kompanya na ganitong ganito e. Arogante, naiinggit pa rin. Ayaw nilang ma-promote ka. Gusto nila na nasa mababang posisyon ka lang. Kung tataas ang posisyon mo, ikaw ang pag-iinitan. Ipapahiya ka nila. Gagawan ka ng maruming kwento hanggang sa mag decide kang umalis na lang. They want to satisfy their EGO or FAKE SUPERIORITY. Pero 'wag kang gaganti ng masama. Dapat propesyonal pa rin ang dating mo. 'Wag mong ibahagi ang kwento mo sa kanila dahil gagamitin nila 'yan para mapahiya ka. Kung maaari, iwasan mo sila dahil maaapektuhan nito ang iyong mental health. Kung gusto mo ng masayang buhay, magpokus ka sa goal mo, hindi sa mga taong nangungutya.


NUMBER 9
HINDI SILA SUSUPORTA SA 'YO


Basta may inggit, hindi sisipot sa mga kaganapan mo. Kapag nagce-celebrate ka, pinili nilang ayaw pumunta dahil ayaw nilang makain sa sarili nilang inggit. Masasaktan sila sa kaligayahan mo. Ayaw nila ng gan'on. Takot sila sa tagumpay mo. Takot sila sa pagbabago mo. Takot silang tumingin na gumwapo ka na o sumexy ka na. Takot silang malaman na nagbago na ang buhay mo. Takot silang malaman na sobrang saya mo na sa buhay. Kaya hindi sila susuporta sa 'yo para at least sa isip nila, may kulang pa sa 'yo. Pero wala namang kulang. Ang nakakatawa pa, kapag may nangyari sa 'yo na nakakalungkot, sila ang unang pupunta sa 'yo at umaastang concern pero nangtsitsismis lang pala. Gusto lang talaga nilang balutin ka ng negatibo. Pero nagtatagumpay ka na ngayon, wala ka ng pakialam sa tactics nila.


NUMBER 10
AYAW NILANG MAGPATALO


Iniisip nila na KALABAN ka sa buhay nila. Lahat ng kaya mong gawin, hihigitan nila. Gagawa talaga sila ng paraan para mapatunayan sa 'yo na MAS LAMANG sila sa 'yo pero nagsasayang lang sila ng panahon at lakas dahil wala ka namang pakialam, 'di ba? Pero hindi naman masama kung makipagtagisan ka sa iba. May matutunan ka naman at mas lalong gagana ang strategy mo. Pero ang masama lang ay kung maninira ka ng tao para lang lumamang ka sa kanila. 'Yan ang hindi tama. But I would say competing with yourself has much better results than competing with others. The basic idea here is by competing with yourself, you get a better insight on your strengths and weaknesses. So strive for excellence in self-improvement which has far reaching and long lasting effects.




Comments

Popular posts from this blog

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

10 Dark Psychology Tricks na Epektibo sa Lahat ng Tao By Brain Power 2177

9 BAGAY na Dapat Mong Bitawan para Gumaan ang Buhay Mo By Brain Power 2177