How To Beat Loneliness By Brain Power 2177


Photo by Jeswin Thomas from Pexels


Unang-una sa lahat, sasabihin ko lang ang katotohanan para hindi ka umasa ng sobra. HINDI madaling daigin ang kalungkutan. Sangkot dito ang matitinding emosyon. Pero hindi ibig sabihin na hindi natin kaya. Mahirap lang labanan pero kaya natin. Pero dapat mong malaman na tayong lahat ay nalulungkot paminsan-minsan. Kahit na mga sikat na tao, nalulungkot pa rin sila. Kahit na nga mga taong ang dami ng kaibigan, nalulungkot pa rin sila. Dahil kadalasan, wala sa DAMI kundi nasa URI ng mga kaibigan ang sukatan ng kaligayahan ng isang tao. Baka laging napalilibutan ng maraming tao ang isang sikat na tao, pero kung wala naman siyang tunay na mga kaibigan, makadarama pa rin siya ng lungkot.

Dapat mo ring malaman na ang kalungkutan ay nakasasama sa iyong kalusugan. Siyempre negatibo itong emosyon at negatibo rin ang magreresulta sa katawan mo. Naghahatid din ang kalungkutan ng panganib. Bakit? Dahil nga malungkot ka, kahit sinong tao na lang ang kakaibiganin mo para lang mapunan ang kakulangan sa puso mo. Totoo ito. Kapag kasi nalulungkot ka, desperado ka na rin sa atensyon ng iba. Baka isipin mo, mas mabuti nang may pumapansin sa 'yo kaysa sa wala. At pwedeng mauwi 'yan sa problema.

At kung iniisip mo na cellphone ang solusyon sa kalungkutan mo, HINDI po. Kahit na manood ka pa ng funny videos, kahit makipag-chat ka pa sa maraming tao, malungkot ka pa rin. Ang cellphone kasi ay para lang meryenda na pwede na rin pantawid gutom. Pero ang pakikipag-usap sa personal sa mga taong mapagkakatiwalaan mo ay parang pagkain sa hapag kainan. Ibig sabihin ang pagharap mo sa cellphone ay pansamantalang kasiyahan lang pero ang pakikipag-usap mo sa iba sa personal ay makakatulong na maibsan ang kalungkutan mo. Baka maitatanong mo, “may magagawa pa ba ako?” Siyempre mayroon. Basahin natin ang Awit 145:18,


Kita mo 'yan, hindi ka nag-iisa, kasama mo ang Diyos. Tumawag ka lang sa Kaniya nang may katapatan at siguradong sasamahan ka ng Diyos. Marami mang dahilan ng ating kalungkutan, kilalang-kilala tayo ng Diyos at naiintindihan Niya tayo. Alam Niya kapag malungkot tayo at gusto Niya tayong tulungan. Gusto ng Diyos na maging masaya ang lahat ng mga tao. Alam ng Diyos na malaki ang isinakripisyo ng ilan sa atin para mapaglingkuran Siya. Dapat lang nating sundin ang utos Niya para diringgin din Niya ang panalangin natin. Minsan, tinanong ni apostol Pedro si Jesus, sa Mateo 19:27,


Tiniyak ni Jesus sa mga alagad niya na magiging bahagi sila ng isang malaking espirituwal na pamilya. Basahin natin ang Marcos 10:29, 30,



At nangangako ang ating Ama, na susuportahan niya ang sinuman na gustong maglingkod sa kaniya. Ito ang mababasa natin sa Awit 9:10,


Ano ba ang puwede mong gawin para matanggap mo ang tulong ng Diyos at mapaglabanan mo ang iyong kalungkutan?


NUMBER 1
MAGTIWALA KA SA DIYOS


Dapat positibo kang mag-isip. Basahin natin ang Kawikaan 15:15,


Kung pakiramdam mo ay nag-iisa ka, magpokus ka na sinusuportahan ka ng Diyos. Basahin natin ang Awit 55:22,


Hindi ka pinabayaan ng Diyos. Tinutulungan ka Niya hindi sa paraang gusto mo kundi sa paraang gusto Niya para malampasan mo ang mga pagsubok. Kapag nalulungkot ako, nananalangin ako at positibo ako at nagtitiwala ako na lagi siyang nandiyan para sa akin.


NUMBER 2
TINUTULUNGAN NIYA ANG IBA


Isipin mo, kung tinutulungan ng Diyos ang iba, bakit ikaw hindi, 'di ba? Ito ang magandang sinabi ng 1 Pedro 5:9, 10,



Kita mo 'yan? Patatatagin tayo ng Diyos. Palalakasin Niya tayo. Lahat naman tayo ay may problema. Gawin lang natin ang buong makakaya natin para paglingkuran ang Diyos.


NUMBER 3
MAGBASA KA NG BIBLIYA


Hindi pwedeng kalimutan ang Bibliya. Salita 'yan ng Diyos. Isama mo 'yan sa routine mo. Pati na rin ang pag express ng talagang nararamdaman mo. Basahin natin ang 1 Pedro 5:7,


Sa totoo lang, ang isa sa pinakamahalagang bagay na nakatulong sa akin para makayanan ang kalungkutan ay ang taimtim na pananalangin sa Diyos. Nananalangin ako sa kaniya nang maraming beses araw-araw para sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko. Kaya ikaw rin ay dapat regular mong basahin ang Salita ng Diyos, at bulay-bulayin ang mga ulat na nagpapakitang mahal ka ng Diyos. Isulat mo ang mga teksto na sakto sa emosyon mo. Halimbawa ang isa sa mga paborito ko ay ang Awit 27:10 at Isaias 41:10, basahin natin,



Kung gusto mo, idagdag mo ang mga motivational at inspirational audio at video para pwede mong mapanood o mapakinggan kahit anong oras.


NUMBER 4
SUMAMA KA SA MGA TAONG POSITIBO


Lalo na sa mga taong tapat. Makikita mo naman 'yan sa kilos ng isa, 'di ba? Makipagkaibigan ka sa mga taong alam mong marami kang matututuhan, kahit pa malayo ang agwat ng edad ninyo o magkaiba kayo ng pinagmulan. Kaya nga natutuwa ako na kahit 30 years old ako, may nanonood pa na mas matanda pa sa akin. Kasi ako din naman ay nakikinig ng payo sa mas bata pa sa akin. Wala po kasing pinipiling edad ang karunungan. Kaya po ako nagmomotivate sa tao kasi marami na rin akong pinagdadaanan sa buhay. Kung ano lang ang naranasan ko at napagtagumpayan ko, 'yon lang din ang ibabahagi ko. Halimbawa malaki ang tanda ni Jonatan kay David, pero naging malapít na magkaibigan pa rin sila. Basahin natin ang 1 Samuel 18:1,


Ibig sabihin, kapag pinapairal natin ang pag-ibig sa ating puso, AGE DOESN'T MATTER na ang kasunod niyan. Kaya 'wag tayong mamili kung sino ang magpapayo sa atin kasi hindi mo alam na kung sino man ang nagpayo sa 'yo ay ginamit pala siya ng Diyos para hindi mo maramdamang nag-iisa ka. Uulitin ko, makipagkaibigan ka sa mga taong alam mong may matutuhan ka. Pero hindi madaling makipagkaibigan, lalo na kung mahiyain ka. Alam ko 'yan kasi may pagkamahiyain din ako noon. Hindi madaling i-express ang ating nararamdaman pero kapag mailabas natin 'yon, doon nagsisimula ang malapít na pagkakaibigan kasi makakarelate ang mga tao sa kwento mo. Siguradong gusto ka pang tulungan at patibayin ng mga kaibigan mo. Kailangan na 'wag kang mahiya na humingi ng tulong. Tandaan mo, maraming tao ang na-depress dahil sa pagkimkim ng negatibong emosyon.


NUMBER 5
MAGPAKITA KA NG KABUTIHAN


Sa buhay natin, hindi lang puro TANGGAP lang tayo ng TANGGAP. Dapat marunong din tayong MAGBIGAY. Hindi pwedeng tayo lang palagi ang lalapitan. Mauna ka ring makipagkaibigan sa mga tao. Iparamdam mo sa mga tao na welcome sila sa buhay mo. Basahin natin ang Roma 15:7,


Pero hindi sapat ang basta Hi/Hello lang sa kanila. Kailangan mo silang lapitan at kaibiganin. Kaya maging mabait at ipakitang nagmamalasakit ka sa kanila. Sikapin mong maintindihan kung ano ang pinagdadaanan nila, pero iwasan mong manghimasok. Ganito kasi ang karamihan. Nagtatanong kung ano ang problema ng iba pero pinapasok na pala nila ang boundary ng tao. Mali po ang gawaing 'yan. Hindi po tayo pwedeng manghimasok. Hindi tayo pwedeng mamilit. Maging maingat po tayo sa pagtatanong at kailangan nating makinig ng mabuti sa mga sasabihin nila. Ang nakakatuwa lang, kapag nakikita mong napasaya mo ang iba, mahahawa ka rin sa kaligayahan nila. 'Yan ang punto e. Mawawala ang kalungkutan mo kung napapawala mo ang kalungkutan ng iba. GIVE and TAKE. Hindi pwedeng tayo lang ang pinapasaya. Dapat nagpapasaya rin tayo sa iba.

Kahit na hindi ka sang-ayon sa opinyon ng iba, hayaan mo lang silang magsalita. Kung kailangan mong sabihin ang iyong pananaw, magsalita ka sa mahinahon at mataktikang paraan. Kung paano mo gustong kausapin ka ng iba, sa gayon ding paraan mo sila kausapin. Ang taong mahilig makipagtalo kahit sa maliliit na bagay, o kaya'y walang pakundangan sa pangangantiyaw, maging ang isa na mapang-insulto o mapamuna, ay nilalayuan ng iba. Mas magugustuhan ka ng mga tao kung ang iyong pananalita ay laging may kagandahang-loob. Basahin natin ang Colosas 4:6,




NUMBER 6
MAGPOKUS KA
SA KALAKASAN MO


Magpokus ka sa mabubuti mong katangian. Basahin natin ang 2 Corinto 11:6,


Hindi ka man perpektong tao pero maniwala ka, marami kang mabubuting katangian. Hindi mo lang napapansin kasi sa negatibo ka na lang nakapokus. Kapag alam mo ang mabubuting katangian mo, mawawala ang kalungkutan mo. Tutulong pa 'yan sa 'yo na magkaroon ng kumpiyansa sa sarili. Alam mo ba ang kalakasan mo? Yun bang kung saan ka mas magaling. Iba-iba kasi ang ating talento at kakayahan natin. Ang iba ay mahusay kumanta, mag gitara, ako mahusay ako sa pagsusulat. Dapat alam mo rin kung saan ka mas mahusay. Hindi ka basta-bastang tatablan ng kalungkutan kung nakapokus ka sa kalakasan mo.


NUMBER 7
ALAMIN MO ANG IYONG KAHINAAN


Mas lalo kang malulungkot kung hindi mo alam kung ano ang kahinaan mo. Dapat mong alamin 'yon para mas ma-improve mo pa ang iyong sarili. Pwede kasing masira ang identity mo kung padaraig ka sa mga kahinaan mo. Isipin mo lang, walang taong perpekto. Basahin natin ang Roma 3:23,


Alam ko na may ilang ugali ka na gusto mong mabago. Katulad ni Pablo, alam niya ang kahinaan niya. Basahin natin ang Roma 7:22, 23,



Kaya alamin mo kung saan ka mahina para makontrol mo ito at para maging masaya ka na rin.

Kung mag-isa ka man ngayon, sulitin mo ang panahong 'yan. May mga tao kasing nalulungkot kaagad kapag mag-isa na. Pero hindi naman dapat ikakalungkot 'yan. Halimbawa, si Jesus ay nakikipaghalubilo sa mga tao pero mahalaga rin sa Kaniya ang mapag-isa. Basahin natin ang Mateo 14:23,


Pwede nating gayahin si Jesus. Hindi Siya nalulungkot na mag-isa Siya. Sa halip na isipin natin ang pagkalungkot, gamitin natin ang panahon ng pag-iisa para pag-isipan ang ating mga pagpapala. Dahil diyan, magugustuhan ka ng mga tao at siyempre matutuwa rin ang Diyos sa 'yo dahil na-appreciate mo ang mga pagpapala na ibinigay Niya sa 'yo.

Mahirap man, pero makakayanan mo rin ang kalungkutan. Ikaw man ay bata pa o matanda na, may asawa man o wala, isa ka mang anak na may mga magulang pa o ulila na at ikaw man ay namatayan ng mga mahal sa buhay o dumaranas ng iba pang uri ng kalungkutan, may mga paraan upang madaig ang iyong negatibong damdamin. Sabi ko nga kanina, kailangan mo lang i-express ang sarili mo. Mahalagang masabi mo ang iyong niloloob. Kung hindi mo man masabi, wala ring makauunawa sa 'yo. Ang taimtim na pananalangin sa Diyos ay nagbibigay ng tulong na kailangan natin upang makalusot tayo sa madilim nating pinagdadaanan. Kailangan lang natin ng tiyaga. Maraming bagay ang magagawa upang mapaglabanan ang kalungkutan. 'Wag lang nating kakalimutan na alam na alam ng Diyos kung nalulungkot tayo. Inilalaan niya ang kailangan natin at kadalasan nang sa pamamagitan ng mga tao. Gagamitin niya ang mga tao para patibayin ka. Tayo naman, maipapakita natin na pinapahalagahan natin ang tulong ng Diyos kung gagawin natin ang ating buong makakaya para masuportahan ang mga taong nalulungkot. Kahit na nalulungkot tayo kung minsan, tandaan na hindi tayo nag-iisa dahil lagi nating kasama ang Diyos!




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177